Hindi mahanap ni Isabella ang angkop na salita sa nararamdaman niya habang nakatingin sa harap ng establisyementong may pangalang Isabella's. Nagwawala ang puso niya, tila ba hindi ito makapaghintay na pumasok siya sa loob ng tindahang may pangungulilang binibigay sa kaniya." Puwede kang pumasok sa loob, " wika ni Maximo na ang mga tingin ay nakapako na sa babaeng nasa tabi niya magmula nang iparada niya ang sasakyan sa bakanteng lote ng tindahan. Araw ng linggo kalimitan napupuno ng mga parokyano ang establisyemento, subalit ngayon ay tahimik ang paligid dahil sila lamang ngayon ang tao. " Guto mo bang bumaba na? "Napalunok si Isabella at saglit na inalis ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. " B-Bakit dito niyo 'ko dinala? "Napasandal si Maximo sa kinauupuan at dumalas pababa ang kamay sa manibela. " Gustuhin man kitang dalhin sa mansyon, hindi ko ginawa dahil baka hindi ako makatupad sa pangako. "Nagsalubong ang kilay ni Isabella na tumingin kay Maximo. " Ano'ng ibig ni
" Pasensya na, pero hindi ko kayang talikuran ang buhay na mayroon ako ngayon nang dahil lang sa mga sinabi niyo. " Hindi na mabilang ni Maximo kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang huling katagang sinabi ni isabella bago siya nito iwanan sa tindahan. Hindi sa ganoong paraan niya nais matapos ang usapan nila ngunit wala siyang nagawa para ito'y ayusin dahil hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong habulin ito kanina sa takot na baka sundan siya ni Catriona na simula't sapul pa lang ay hindi na nya pinagkakatiwalaan. Tiim-bagang na sinandal ni Maximo ang ulo sa sandalan ng kaniyang inuupuan sa loob ng kotse. Kalahating oras magmula nang makarating siya sa mansyon pero hindi pa siya bumababa ng sasakyan. Wala siyang lakas na kumilos dahil sa bigat sa kaniyang dibdib. Sa kabila ng pag-asang nakikita, naroon ang pangamba na baka yakapin na ng tuluyan ni Isabella ang buhay na mayroon ito ngayon bagay na kinakatakutan niyang mangyari.Napalingon si Maximo nang may kumato
" Hindi ko po siya nakilala, " may pagdadalawang isip na sagot ni Gael nang alisin ang tingin sa litrato. " Pasensya na po. "" Ganoon ba? " Bakas ang kabiguan sa mukha ng ginang sa narinig bagay na kinabigat ng dibdib ni Gael dahil sa pagsisinungaling niya sa maaaring ina ni Isabella. " G-Gaano niyo po ba siya katagal ng hinahanap? " tanong ni Gael. " Mukha po kasing mahihirapan talaga kayo sa paghahanap dahil lumang larawan na po ang hawak niyo. Sa halos tatlong dekada po na nakalipas, paniguradong marami na rin pong nabago sa hitsura ng anak niyo. "Marahan itong tumango. " Alam ko naman ang bagay na iyan pero ito lang kasi talaga ang pag-asa ko para mahanap ang kaisa-isa kong anak na labis kong pinagsisisihan na iniwanan ko sa podèr ng ama niya. Akala ko kasi doon mapapabuti ang kalagayan niya dahil maganda ang buhay ng ama niya pero isang malaking pagkakamali pala ang ginawa kong 'yon."Mariing napalunok si Gael. Nagtatalo ang kaniyang isipan kung dapat bang tulungan ang ginang
Isang iyak ng bata ang nagpagising kay Frances na tumatagaktak ang pawis at hinihingal na nababangon sa kama. Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang tiyan, bakas ang takot sa mukha dahil sa panaginip tungkol sa umiiyak na bata." Hindi, wala lang 'yon, Frances. Kailangan mong kumalma. Kailangan mong kumalma..." Paulit-ulit na bigkas ni Frances, sinasabayan ng marahang paghinga para pakalmahin ang sarili na inabot ng ilang minuto bago tumigil ang panginginig ng kaniyang kamay at bumalik sa normal ang kabog ng dibdib niya. Hindi na mabilang ni Frances kung makailang beses na siyang nananaginip tungkol sa isang sanggol na madalas ay umiiyak sa bisig niya. Durog ang puso niya sa tuwing gumigising mula sa isang eksena kung saan may hinehele siyang sanggol na panay ang iyak ngunit kahit na anong gawin niyang pagpapatahan ay walag epekto hanggang sa palakas nang palakas ang iyak ng bata at doon siya magigising na puno ng takot at pakabigo. Nababatid ni Frances na hindi siya patatahimik
Hindi magawang tumingin nang diretso ni Isabella sa lalaking nakaupo sa mahabang sopa sa harap niya, habang siya'y nakatayo sa likuran ng pang-isahang sopa, abala sa pagkutkot ang isa niyang hinlalaki sa kaliwang kuko ng kaniya ring hinlalaki na sinabayan niya ng pag-iisip kung tama ba ang ginawa niyang pagpapapasok sa lalaking minsan niyang hiniling na hindi na sana magtagpo ang landas nila. " Hndi ka ba mauupo? " tanong ni Maximo, batid ang pag-aalinlangan sa mukha ni Isabella dahil simula nang pumasok siya sa loob ay hindi na siya nito magawang tignan sa mata. " H-Hindi na. Sabihin niyo na lang kung ano ang gusto niyong sabihin. " Saglit na dinaanan ng tingin ni Isabella si Maximo bago ibalik ang atensyon sa dulo ng kaniyang kuko na may dugo na sa loob dahilan para ihinto niya ang ginagawa. Tumayo si Maximo at naglakad palapit kay Isabella para kuhanin ang kaliwa nitong kamay. Nakita niya ang kalagayan ng kuko sa hinlalaki nito na bago pa man niya bigyan ng komento ay mabilis bi
Marahang ipinarada ni Maximo ang kotse sa garahe ng mansyon nang siya'y makauwi. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinawalan niya bago niya napagpasyahang bumaba. Dire-diretso siyang lumakad, hindi na nagawang pansinin ang presensya ng mga kasambahay na nakasalubong niya sa pagpasok dahil pumanhik agad siya sa taas para makapagpahinga. Wala sa plano niya ngayon ang makipag-usap sa kahit na sino ngunit napahinto siya sa paglalakad sa pasilyo nang makita si Catriona." N-Nandito ka na pala..." Nakangiting pagbati ni Catriona na nakasuot na ng manipis na pantulog. Nakaladlad ang mahaba at makintab nitong buhok habang humahalimuyak ang pabango nitong maihahalintulad sa banilya. " Napagabi ka yata ng uwi? Marami bang trabaho sa farm? "Walang buhay na inalis ni Maximo ang tingin sa babae saka siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kuwarto habang isa-isang inaalis ang butones ng suot niyang polo. Hinubad niya ito at binuksan ang aparador para kumuha ng damit pamalit. Naramdaman ni
" Akala ko hindi ka na darating, " sa kaswal na pagkakabati ni Maximo kay Gael, aakalain ng iba'y magkaibigan ang dalawa na matagal hindi nagkita. " Sa wakas nagkaharap ulit tayo, Guerra. Plano mo ba ulit tumakas? " Hindi alam ni Gael kung ano ang hitsura ng mukha niya ngayon dahil pinipigilan niyang maglabas ng emosyon sa harap ng taong kinamumuhian niya. Ayaw niyang magpakita ng takot kahit namumuo na ang pawis sa sentido niya. Nilalamon siya ng kaba pero nanatli siya sa tindig na hindi paghihinalaan ng nasa harap niya." Hindi ko alam ang sinasabi niyo, " sagot ni Gael, " Bakit ko kailangan tumakas mula sainyo, Señor Maximo? "" Bakit nga ba? " tanong pabalik ni Maximo. " Bakit nga ba magsasayang pa ng oras tumakas ang isang kriminal kung alam niya sa sariling wala na siyang tatakbuhan pa? "Hindi nagawang magsalita ni Gael. Sa halip, pasimple niyang inilibot ang paningin sa terminal ng mga bus at napansin na may ilang mga matang nakamasid sa kinatatayuan niya. Agad siyang nangamb
" Sigurado ba kayo na hindi niyo gustong pumasok sa loob? " sa ikatlong pagkakataon, tinanong ni Leonardo si Isabella na kasalukuyanag nakatayo sa labas ng opisina. " Hindi na po. Dito ko na lang po siya sa labas hihintayin. " Magalang na sagot ni Isabella, hindi mapigilan ang sariling hindi titigan si Leonardo dahil sa laki ng pinagbago ng hitsura nito kumpara sa natatandaan niyang hitsura nito anim na taon na ang nakararaan. Marami-rami na itong puting buhok ngayon at kapansin-pansin na rin ang pangungulubot ng balat nito, lalo na sa bandang noo. Nakasuot pa rin ito ng salamin sa mata kagaya ng dati." May kahabaan kasi ang byahe patungo rito sa farm kaya mangangawit kayo kung tatayo lang kayo rito sa labas, " ani Leonardo, lumingon-lingon sa paligid para humanap ng puwedeng maupuan nang madako ang paningin sa dulo ng opisina. " Pero maaari naman kayong maupo roon sa may ilalim ng puno ng aratilis. Tatawagin ko na lang kayo kapag nakarating na ang Señor Maximo. "Nakangiting tumang
Maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta ng nobelang ito! Nawa'y nagustuhan niyo po ang buong kuwento at huwag pong mahihiya na mag iwan ng komento dahil natutuwa ako sa tuwing nakakabasa ng mga opinyon mula sainyo. Wala na pong susunod na kabanata. Hayaan na po nating makapagpahinga ang ating mga bida dahil masyado rin akong naging malupit sa kanila. Katunayan, kamuntikan ng maiba iyong wakas at mapunta sa trahedya iyong nobela. Mabuti na lang nakapag muni-muni pa ako at napagtantong masyado ng kawawa ang ating mga bida kung may papatayin akong isa sa kanila.Ayon lang, gusto ko lang naman ibahagi iyon sainyo dahil nanakit ang ulo ko kaiisip kung paano wawakasan ito, hehe. Muli, salamat po sainyong lahat! Suportahan niyo rin po ang iba kong storya at mga paparating pa. Hanggang sa muli!
Mataas ang sikat ng araw nang makababa si Isabella mula sa kotse dala ang isang basket na may mga puting rosas. Iginala niya ang paningin sa paligid, tanghaling tapat ngunit marami-rami ngayon ang tao sa sementeryo. Karamihan sa mga nakikita niya ay isang pamilya na tahimik na nagku-kuwentuhan habang nakapalibot sa puntod na dinadalaw nila. " Madame, ako na ang magdadala ng basket. May kabigatan iyan." Napatingin si Isabella sa isang mataas at malaking babae na tumabi sa gilid niya habang may hawak na payong upang isilong siya. " Hindi na, Abi. Kayo ko namang bitbitin na 'to. " Nakangiting sagot ni Isabella sa kaniyang guwardiya na nag ngangalang Abigail. Ilang buwan na niya itong kasama ngunit hindi pa rin siya sanay sa presensya nito dahil ito na ang nagsisilbing anino niya sa tuwing siya'y lalabas ng mansyon. " Saka sasaglit lang naman ako kaya kahit dito mo na ako hintayin sa sasakyan." " Pero Madame..." Ngumiti si Isabella at inilahad ang kamay upang hingin ang payong na hawa
" Wala pa po ba sina Mama? Bakit po hindi natin sila kasama umuwi?" Naiinip na tanong ni Leonel sa lalaking naghatid sa kaniya pauwi ng mansyon. Kasalukuyan silang na sa hardin kung saan pinili ni Leonel na laruin ang mga bago niyang laruan." Mamaya lang ay nandito na sila, Señorito. Mayroon lang kailangan asikasuhin doon sa pinuntahan niyo kanina kaya hindi natin sila nakasabay umuwi. " Mahinahong sagot ng lalaki na may malaking katawan at naka-uniporme ng itim. Kagaya ng bilin ni Maximo, hindi dapat maalis sa kaniyang paningin ang bata kaya palagi siyang nakasunod dito saan man ito magpunta." Señorito? Hindi naman po 'yon pangalan ko. Ako po si Leonel. " Binitawan ni Leonel ang laruang sasakyan nang manawa sa paglalaro nang mag-isa. Inilibot niya ang tingin sa paligid at dumaan ito sa isang batang babae na nakasilip sa beranda. Namukhaan niya ito kaya agad niya itong nilapitan habang nakabuntot sa likuran ang guwardiya. " Gusto mo maglaro? "Nahihiyang umiling si Samara at umalis s
Alas kuwatro ng umaga nagising si Catriona mula sa hindi pamilyar na kuwarto habang katabi sa kama ang isang estranghero. Bumangon siya at kinuha ang panali niya sa buhok sa ibabaw ng lamesitang nasa gilid niya upang itali ang kaniyang magulong buhok. Bumaba siya sa kama, pinulot isa-isa ang mga damit niya upang isuot muli ang mga ito." Aalis ka na? Aga pa, ah? " Napalingon si Catriona sa likuran nang marinig ang boses ng lalaki. Nakangisi ito sa kaniya habang kinakamot-kamot ang malaki nitong tiyan. " Mahiga ka pa dito at baka pagod ka pa. Hindi naman kita pinapaalis kaagad kaya walang rason para magmadali ka."" Isang gabi lang ang usapan natin, 'di ba? " Paalala ni Catriona habang isinusuot ang pantalon niya." Nasaan na pala 'yong baril na binili ko? Baka magkalimutan tayo. "Tamad na bumangon ang lalaki sa kama na walang kahit na anong saplot sa katawan upang buksan ang kabinet na nasa silid at kuhanin ang rebolber na binili sa kaniya ni Catriona. " Alam mo ba kung paano gumamit n
Tulalang nakatingin si Isabella sa bumungad sa kaniya sa aparador nang buksan niya ito para ilagay ang mga dala niyang gamit. Karmihan ngayon sa mga nakikita niyang nakasampay ay halatang bago habang ang iba ay ang mga pamilyar na damit na pagmamay-ari niya anim na taon na ang nakararan. " Hindi niya itinapon..." wala sa sariling sambit ni Isabella, pinagmamasdan 'yong dalawang bulaklaking bestida na paborito niyang sinusuot noon na ngayon ay na sa harapan niya. Napahawak siya sa dibdib dahil tila may humaplos dito bagay na kinainit ng dalawa niyang mga mata kaya bago pa siya muling maiyak ay kumilos na siya at inilagay na ang dalang damit sa aparador na para sa kaniya. Bago isarado, kumuha muna siya ng pamalit pantulog at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Alas nuebe na ng gabi, si Maximo ay nasa kuwarto ni Leonel at tinutulungan itong ayusin ang 'sangkatutak na laruan na nakakalat ngayon sa kuwarto. Iniwanan ni Isabella ang mag-ama para magkaroon ito kahit sandaling oras
Hindi alam ni Isabella kung tama ba ang ginagawa niya dahil sa bawat paglagay niya ng mga damit sa maletang nasa harap niya, siya ring bigat ng dibdib niya dahilan para mahirapan siyang huminga. Sandali siyang huminto sa ginagawa para punasan ang luhang lumalandas sa kaniyang pisngi at kumuha ulit nang lakas nang loob sa pamamagitan ng paghinga nang malalim." Mama..." Napalingon si Isabella sa likuran nang madinig ang boses ng anak na kanina pa gising at pinanonood ang ginagawa ng ina. Naupo mula sa pagkakahiga si Leonel at kinusot-kusot ang mata habang nakatingin sa maleta. " Ano po ginagawa niyo, Ma? Aalis po ba tayo? "Inalis ni Isabella ang tingin sa anak at pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi niya bago siya lumapit sa kama at maupo sa gilid ni Leonel. " Anak, kagigising mo lang? Kumusta...kumusta ang tulog mo? "" Kanina pa po ako gising. Ngayon lang po ako bumangon, " ani Leonel saka nilipat ang tingin sa maleta. " Uuwi na po ba tayo saatin? Nasaan po si Papa? May pangingi
Makapal na usok ng sigrilyo ang kumawala sa bibig ni Gael na kasalukuyang nakaupo sa dulo ng padulasan sa parke. Halos wala ng tao sa kalsada dahil alas nuebe na ng gabi at ang tanging ingay na naririnig niya ay mula sa isang tindero ng balot na nakatambay sa isang kanto malapit sa parke kung nasaan siya." Nagmamakaawa na ako, Gael. Hayaan mo na kaming bumalik kay Maximo..." hindi na mabilang ni Gael kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang boses ni Isabella. Nagmakaawa man ito at nakiusap sa kaniya na palayain na sila, hindi iyon tumalab kay Gael na desididong hindi isauli ang mag-ina sa totoo nitong pamilya.Bumalik man ang mga alaalang nawala kay Isabella, hindi iyon sapat na rason kay Gael para agad na bitawan ang pamilyang mayroon siya. Anim na taon niyang nakasama sa iisang bubong si Isabella at kaniyang ibinuhos rito ang pagmamahal niya. Ipinakita niya na karapatdapat siyang asawa at ama sa batang hindi man kaniya ay ibinigay pa rin niya nang buong-buo ang sar
" Regina, sandali, mag-usap na muna tayo. Huwag namang ganito..." Pagmamakaawa ni Matias sa asawa na ngayo'y abala sa pagkuha ng mga damit sa parador nila para ilagay sa inihandang maleta." Regina, pakiusap huminahon ka na muna. Alam kong galit ka pero mag-usap muna tayo. Hayaan mo akong magpaliwanag—"" Hindi ko na kailangan ng kahit na anong paliwanag, Matias! Niloko mo ako—niloko mo kami ng mga anak mo! " Pabagsak na ibinaba ni Regina ang mga damit sa kama niya nang mawalan siya ng lakas. Nanginginig siya sa galit, subalit hindi iyon hadlang para ihinto niya ang ginagawang pag-iimpake ng mga gamit niya. " Hindi ko akalaing magagawa mo saamin 'to, Matias. Talagang iyong asawa pa ng kapatid mo ang tinira mo? Diyos ko, ni hindi mo man lang inisip si Maximo? Ang daming naitulong saatin ng kapatid mo, tapos ito ang igaganti mo?! "" Regina, nagkakamali ka. Walang kahit na anong namamagitan saamin ni Catriona! " Depensa ni Matias. " Si Samara, oo saakin siya pero parte lang siya noong ka
Pabagsak na napaupo si Frances sa ibabaw ng kaniyang kama nang mabawi niya ang brasong hawak ni Gael. Nalaglag sa sahig ang saklay at laking gulat niya nang sipain ito palayo ni Gael dahilan para lalong sumama ang loob niya." Frances, alam mo hindi ko na mabasa ang ugali mo. Bakit ba nagkakaganiyan ka? Saating dalawa, ikaw ang hindi ko na makilala! " May gigil na wika ni Gael, nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa kapatid. " Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya tinawag sa pangalan na 'yon? "" Bakit hindi? Totoong pangalan naman niya 'yon, hindi ba? " Sarkastikong tanong pabalik ni Frances, sinubukang umayos ng pagkakaupo sa kama niya nang mapatungan ng kaniyang kamay ang kahon ng sapatos na nasa likuran niya rason para bumuhal ito at lumitaw ang mga bagay na nasa loob kasama ang libo-libong perang nanggaling sa Castellano." Saan galing ang mga 'yan? " Gulat at pagtatakang tanong ni Gael. Mabilis namang kumilos si Frances para ligpitin ito at muling mailagay sa sobre pero ma