" Naubos ang santan? " hindi makapaniwalang tanong ni Isabella sa balita ni Mang Nando. " Iyong pitong santan po na nasa labas, Nabili lahat? "" Ganoon na nga po, Madame." Nakangiting sagot ng matanda. " Itatanim daw nila ang mga 'yon sa harap ng kanilang bahay. Diyan lang daw po ang bahay nila sa kabilang kanto, halos kalilipat lang at kasalukuyan nilang pinagaganda 'yong bakanteng lote pa sa harap nila. "Hindi na maalis ang ngiti sa labi ni Isabella sa narinig. Bukod sa masaya siya dahil sila'y nakabenta, labis rin ang tuwa sa puso niya dahil sa pagpansin sa santan na tila pangkaraniwang bulaklak na lang sa ilan. Sa rami ng klaseng bulaklak na kanilang binibenta, rosas ang kadalasang mabili at santan naman ang hindi pansinin. " Madame, kumain na po kayo. Kami na muna po ang bahala rito, " saad ni Darla na napatakip nang bibig sa biglaang pagdighay niya. Bahagyang natawa si Isabella saka tumango at mabilis na tinapos ang ginagawang listahan ng ilang kasangkapan na kailangang bilhi
Last Updated : 2023-10-19 Read more