" Dito po tayo sasakay, Pa? " Sabik na nilapitan ni Leonel ang isang pulang padyak na nasa labas ng bakuran ng bahay. Mayroon itong bubungan at ang bisikleta ay nasa harapan na tila ba isang kalesa kung titignan. Nirentahan ito ni Gael ng dalawang oras mula sa isang tindahan upang makapaglibot sila sa bayan bago umuwi sa susunod na linggo. " Puwede po ba ako sumubok mag bisikleta? Kaya ko po ito! "" Hindi mo kaya 'yan, Leonel. Masyadong malaki at mabigat sa'yo ang pedicab, " ani Isabella na kalalabas lamang ng bahay, suot ang isang itim na sumbrero na pinasuot sa kaniya ni Gael." Halika na? " Nilahad ni Gael ang kamay kay Isabella upang yayain itong sumakay sa padyak na kanilang gagamitin sa paglilibot sa bayan kagaya ng ipinangako ni Gael sa mag-ina." Kakayanin mo ba kami ni Leonel? Baka sumakit ang mga binti mo, ha? " Biro ni Isabella bago tanggapin ang kamay ni Gael na inalalayan siyang sumakay sa likuran ng padyak. Maingat na naupo si Isabella, ganoon rin si Leonel na hindi na
Magbasa pa