Home / Romance / CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN) / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN): Kabanata 1 - Kabanata 10

27 Kabanata

CHAPTER 1- THE ENCOUNTER

Karen was exhausted. She has a long day sa kanyang trabaho, at wala na siyang gustong gawin ngayon kundi ang makauwi agad at ng makatulog na at makapag-pahinga ng maaga. Nang saktong uwian na ay nakita niya ang kanyang boss na agad na lumabas sa opisina nito. Nang makita niyang wala na ang mga gamit nito ay agad na rin siyang gumayak upang umuwi at mag-log out na.She go to the bathroom para magbihis ng damit, lagi siyang may baon, dahil hindi naman siya pwedeng sumakay sa motor ng nakapalda at naka-heels. She is wearing a red casual, long sleeve open-suit blazer jacket, with a white sleeveless shirt underneath, na naka tuck-in sa kapartner ng blazer nitong knee length na red skirt. Naka two-inches open high heels sandals din siya kapag nandito na siya opisina, para kagalang-galang ang kanyang datingan habang ginagampanan ang kanyang trabaho. Ngayong uwian ay nagpalit siya nang tattered denim jeans at hinubad ang kanyang blazer, iniwan niya ang kanyang sleeveless shirt at itinuck-in
Magbasa pa

CHAPTER 2-ALEXANDER

Buong maghapon na ginugol ni Alex ang kanyang oras sa pagtatrabaho. Hindi siya lumabas ng bahay at tanging ang kanyang laptop at cellphone ang siya niyang kaulayaw. Nagpapa-deliver lang siya ng pagkain kapag nakakaramdam siya nang gutom pagkatapos ay itutuloy na niyang muli ang kanyang trabaho, kaya hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. He was busier than usual, dahil na rin sa kababalik niya lang ng bansa. May dalawang taon din siyang namalagi sa Ireland, habang inaayos ang pagbubukas ng ilang branch ng kanyang restaurant doon.Biglang umangat ang kanyang paningin mula sa dokumentong binabasa sa kanyang laptop ng may marinig na kumakatok sa pinto. Napatingin siya sa orasang naka-sabit sa kanyang dingding, mag-aalas nuebe na ng gabi. Kumunot ang kanyang noo, he wasn’t expecting someone today. Lalong wala siyang maalalang may inorder siyang pagkain sa labas. He had a lot of friends waiting for him to comeback, pero ni isa sa mga ito ay wala siyang pinagsabihan na naka-uwi na si
Magbasa pa

CHAPTER 3- HER PARENTS

“Hoy! Anong ginagawa niyo kay Kikay?” pasigaw na tanong ng isang matabang batang lalaki na nasa edad pitong taong gulang. Kahit na may katabaan, ay mestisuhin naman ito. Maputi ang balat nito at bahagyang grayish ang kulay ng mga mata. Pinilit nitong tumakbong mabilis kahit na hingal na hingal na ito sa pagtakbo upang saklolohan ang batang babaeng binu-bully nung mga mas nakaka-tandang bata dito.“Hala kayo, nandiyan na si Baboy. Aawayin kayo niyan kasi inaway niyo yung girlfriend niyang si Negra,” kantyaw nang isang batang lalaking matangkad na payat sa batang tumatakbo patungo sa kanila.“Weh! Weh! Weh! Hahaha!” nanunukso namang kantyaw nang apat pang batang kasamahan nito. Bumelat pa ang mga ito sa batang lalaki.“Sinong baboy? Ha? Bakit ba lagi niyo na lang pinag-di-diskitahan si Kikay?” namumula ang mukha sa galit na tanong ng mestisong-chubby na bata. Hingal man ay pilit pa rin nitong pinatapang ang mukha ng marating nito ang lugar kung saan pinagku-kumpulan na tuksuhin nang ma
Magbasa pa

CHAPTER 4-NEIGHBORS

Nagising si Alex sa pakiramdam na hindi siya nag-iisa sa loob ng kanyang bahay. Bahagya siyang gumalaw upang tumingin sana sa orasan ng kanyang cellphone nang maramdaman niyang may mga kamay at paa na nakayapos sa kanyang katawan.Pupungas-pungas na iminulat niya ang mga mata. Bahagya siyang napabuga ng hangin ng ma-realize na naka-tulog pala siya sa sala, at hindi siya nag-iisa. Sinilip niya ang nagmamay-ari ng mga kamay at paa na nakagapos sa kanya sa ilalim ng comforter na nakatabing sa katawan nila.Kumunot ang kanyang noo ng makita ang isang hubad na katawan ng isang babae na kaulayaw niya sa ilalim ng comforter. Halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan na sa kanya. “Kaya pala parang napakabigat ng katawan ko,” saad niya sa isipan. Ramdam niya ang epekto sa kanyang katawan ang sanhi ng hindi niya pagiging komportable sa pagtulog. Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari kagabi, hindi nga pala umuwi si Mona matapos ang engkwentro nila sa babaeng maliit kaninang madaling ara
Magbasa pa

CHAPTER 5-DEBT REPAYMENT

Napa-nganga si Karen sa kanyang narinig, napailing-iling siya at nanlalaki ang mga mata habang pilit na itinatanggi ng kanyang utak ang sinambit sa kanya ng ama. Hindi agad tuluyang rumehistro sa kanya ang mga sinabi nito. Nang unti-unti nang nag-sink in sa kanya ang lahat ay biglang nanlamig ang pakiramdam niya. Halo-halong emosyon ang nagsalimbayan sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagbukas-sara ang kanyang bibig, ngunit wala man lang salitang umalpas mula sa kanyang labi. Kulang na lang na mabingi siya sa lakas ng dagundong ng kanyang puso. Nagpa-lipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang, punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Pinaniniwala pa rin niya ang sarili na nakaringgan lang niya ang sinabi ng ama. Pilit pa rin niyang dine-deny sa sarili na hindi tama ang narinig niya. Hinahanap niya sa mga mata ng mga ito ang katotohanan sa salitang namutawi sa labi ng ama. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ina, umaasang pabubul
Magbasa pa

CHAPTER 6-AUGUSTUS

Hindi alam ni Karen kung paano siya naka-alis sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa pamamahay na iyon. Feeling niya ay mas makakahinga siya ng maluwag kapag tuluyan na siyang napalayo sa lugar na iyon.The scene of the past event flashed in her mind…******Nakayuko lang si Karen habang nakasunod sa likuran ng ina. Nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng kanyang ama ay tahimik siyang sumunod. Hindi siya nagtangkang iangat ang paningin upang tingnan kung sino-sino ang mga taong nasa loob. Wala siyang imik na pumwesto sa tabi ng ina nang huminto ito sa isang side ng opisina. “Ah, here they are. The two lovely women of my life,” narinig ni Karen na sambit ng kanyang ama. “Maupo ka, dear,” malambing na saad ng kanyang ama sa kanyang Mama Emilia.“Good afternoon,” bati ng kanyang ina sa mga taong nandoon, dinig ni Karen ang pagpipilit nitong pasiglahin ang tinig. Pero hindi man lang ito sumunod sa sinabi nang kanyang Papa Elmer na mau
Magbasa pa

CHAPTER 7-WE MET AGAIN

'Hi! We met again, Neighbor…’ napapa-iling na lang si Alex habang naalala ang nangyari ng nakasalubong niya ang babaeng nakatira sa kabilang unit ng apartment niya. ‘Hi! We met again, Neighbor. Damn, Alex! Ang lame ng opening line mo. Kaya hindi mo nakuha ang interes ni Miss Cutie,’ kantyaw ni Alex sa sarili habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Aaminin niyang hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang maliit ngunit maganda niyang kapitbahay. Kagabi pa nito ginugulo ang utak niya, at hindi niya ikinatutuwa ang kakaibang damdamin na pinupukaw nito sa kanya. ‘You are the great Alexander Jones. You can get any woman that you will lay your eyes on. Bakit mo ba pinagaaksayahan ng oras kaiisip ang babaeng wala namang interes sa‘yo?’ sita pa niya sa sarili sa isipan.Humigit siya ng isang malalim na buntung-hininga saka pilit na itinuon ang atensyon sa trabaho. Binuksan niya ang computer na nasa kanyang harapan at saka pilit na inabala ang sarili na basahin ang mga email n
Magbasa pa

CHAPTER 8-KITCHEN TROUBLE

“What happened?” tanong ni Alex sa kanyang sous chef na si Amanda ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina.“There’s a problem in the kitchen, na-compromise ang hinahanda nating bagong recipe para sa ila-launch nating bagong product para sa restaurant,” bagamat mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito ay hindi naman kakikitaan ng pagkawala ng composure sa sarili ang sous chef.“What do you mean?” nangungunot ang noong tanong niya dito. Matagal na niyang pinagkakatiwalaan sa trabaho ang babae. Hindi na ito baguhan sa kanilang field. Simula yata nung nag-uumpisa pa lang siyang palaguin ang kanyang negosyo dito sa bansa ay kasama na niya ito. Kaklase niya si Amanda sa culinary school na pinasukan niya sa Ireland. Galing din ito sa kilalang angkan sa Pilipinas. Naging malapit silang magka-ibigan. Kung tutuusin ay kaya naman nitong magtayo ng sarili nitong restaurant, pero sa hindi niya malamang dahilan ay mas pinili nitong maging assistant niya at alalayan siya sa pagpapalago ng kanyang
Magbasa pa

CHAPTER 9-BEST FRIEND

Nang marating ni Karen ang kaniyang apartment ay agad niyang kinuwenta ang lahat ng assets na mayroon siya. Bago siya pumunta sa bahay ng magulang ay nagpaalam muna siya sa kaniyang boss na hindi siya makakapasok ngayon. Mukhang naunawaan naman siya nito, dahil sa hinaba-haba ng panunungkulan niya sa kompanya nito ay madalang lang naman siyang um-absent. Mabuti na lang talaga at nagpaalam siya ng maayos, dahil hindi rin pala siya makakapasok kagaya ng binabalak niya kaninang bago siya umuwi sa bahay ng mga magulang.At ngayon nga ay heto siya, nakaharap sa mga papeles na nakalista ang lahat ng ari-arian na naipundar niya simula ng mag-trabaho siya. Napasabunot na lang sa buhok niya si Karen sa sobrang frustration na nararamdaman. Kahit na anong ulit niyang pag-kwenta sa lahat ng assets na mayroon siya ay alam niyang hindi pa rin iyon sasapat upang mabayaran niya ng buo kasama na ang interes ng utang ng kanyang ama kay Augustus.“Argh!” hindi niya napigilang mapasigaw. Pabalang siyang
Magbasa pa

CHAPTER 10-SHE WAS INSULTED

“Is there something wrong here?” tanong ng isang baritonong tinig na nanggagaling sa likuran ni Karen. “I-I am sorry, Sir. T-there’s nothing wrong,” nauutal na sagot ni Ronnie sa lalaking may-ari ng baritonong boses. Kitang-kita ni Karen ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng waiter, naging parang maamong tupa ito. Nawala ang malisya sa mga mata nito na kanina lang ay kitang-kita ni Karen. She knew that he was just flirting with her, pero dahil sa iniisip na problema ay maiksi ang pisi ng pasensiya niya ngayon.“I will go now, Ma’am. Just let me know kung may nagustuhan na ho kayo sa menu at o-order na ho kayo,” baling ni Ronnie sa kaniya, biglang-bigla ay naging magalang itong manalita. Yumukod pa ito sa lalaki na nasa likuran niya bago tuluyang tumalikod at umalis sa harapan niya.Napabuga ng marahan si Karen nang tuluyan ng makaalis ang waiter. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng umalis si Ronnie sa harapan niya. ‘I think kailangan kong kausapin d
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status