Karen was exhausted. She has a long day sa kanyang trabaho, at wala na siyang gustong gawin ngayon kundi ang makauwi agad at ng makatulog na at makapag-pahinga ng maaga. Nang saktong uwian na ay nakita niya ang kanyang boss na agad na lumabas sa opisina nito. Nang makita niyang wala na ang mga gamit nito ay agad na rin siyang gumayak upang umuwi at mag-log out na.
She go to the bathroom para magbihis ng damit, lagi siyang may baon, dahil hindi naman siya pwedeng sumakay sa motor ng nakapalda at naka-heels. She is wearing a red casual, long sleeve open-suit blazer jacket, with a white sleeveless shirt underneath, na naka tuck-in sa kapartner ng blazer nitong knee length na red skirt. Naka two-inches open high heels sandals din siya kapag nandito na siya opisina, para kagalang-galang ang kanyang datingan habang ginagampanan ang kanyang trabaho.
Ngayong uwian ay nagpalit siya nang tattered denim jeans at hinubad ang kanyang blazer, iniwan niya ang kanyang sleeveless shirt at itinuck-in sa kanyang pantalon. Pagkatapos ay nagsuot siya ng crop-top leather jacket na kulay itim. Nagpalit din siya nang tennis shoes. Iniwan niya ang kanyang heels sa may locker na nakalaan sa kanya sa may malapit sa banyo. Nang masigurong maayos na ang lahat at wala na siyang naiwanan ay kinuha na niya ang kanyang helmet na nakatago sa locker at saka na bumaba sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang motor.
Kumaway pa si Karen sa dalawang guwardiya na naka-duty sa gate ng paglabas niya. Ginantihan din naman siya ng kaway ng mga ito, bago niya tuluyang pina-arangkada na ang kanyang motor.
Binagtas ni Karen ang daan pauwi sa kanyang apartment. Ilang minuto lang naman ay makakauwi na siya dahil mabilis siyang nakakalusot sa traffic kahit rush-hour. Kabisado niya na ang mga shortcuts na pwede niyang daanan kung sakaling masyadong ma-traffic sa edsa.
Nang makarating sa apartment na tinutuluyan ay napansin niyang may tao na sa kabilang unit sa katabing kwarto niya. Bukas na ang mga ilaw doon at parang may mga trabahador pang naghahakot ng mga gamit.
“May bago na pala akong kapitbahay,” saad niya sa isipan niya. Hindi niya rin napansin si Tatay Ando sa dating kinapupwestuhan nito sa may malapit sa gate. Dati-rati kasi ay nandoon na ito sa pwesto nito at nagbabantay sa gate kapag dumarating na siya.
Nasanay na kasi siyang laging bumabati sa kanya si Tatay Ando kapag dumarating na siya. Ang binili niyang pagkaing take-out para dito, dun sa may dinaanan niyang fast-food resto, ay nilagay na lang niya sa may lamesa kung saan lagi itong naka-tambay. Alam naman niyang makikita ito nang matanda kapag bumalik ito doon, wala namang hayop na ka-kain noon doon dahil wala silang mga alagang aso at pusa. Alam niyang hindi pa natutulog ang matanda dahil laging late na ito natutulog. Lagi nitong hinihintay ay mga kapwa niya borders na ang uwi ay hatinggabi.
Pagkalapag niya ng pag-kain ni Tatay Andoy sa may lamesa nito ay agad na siyang nagtungo sa sarili niyang unit upang makapag-pahinga. She was drained, her energy for the day was at its limit. Nang makapasok ay agad siyang nag-ayos nang sarili, ginawa niya ang kanyang every night routine bago matulog. Ilang sandali pa ay bagsak na siya sa kanyang kama at agad na nakatulog.
******
“Kikay, dali halika tingnan mo to.” tawag ni Xander sa kaibigan. Nasa may playground sila noon at naglalaro silang dalawa. Hindi sila mahilig makihalubilo sa ibang bata dahil si Kikay ay laging inaaway ng mga ito. Si Xander naman ay ayaw iwanan si Kikay, gusto nitong kung nasaan si Kikay ay nandoon din ito.
“Ano ba yang gawa mo, Kuya Xander?” tanong naman ni Kikay sa batang lalake.
“Tingnan mo ‘to, heto ang magiging bahay natin. Kapag mayroong umampon sa atin ay titira tayo sa isang bahay. Kaya heto gumawa ako ng drawing na magkasama tayo sa isang bahay. May garden, tapos may aso tayo, tapos may sari-sarili tayong kwarto. ‘Di ba galing kong mag-drawing?” ipinagmamalaki pang ipinakita ni Xander kay Kikay ang kanyang iginuhit.
“Ang ganda naman niyan, Kuya,” buong paghanga namang tiningnan ni Kikay ang drawing ng kababata. Umayos pa nang upo sa tabi ni Xander ang batang babae. Nasa loob silang dalawa sa bahay-bahayang nakakabit sa isang lumang padulasan. Doon ang lagi nilang tambayan, luma na ang padulasan na iyon at hindi na masyadong ginagamit dahil sa kalawang. Yung ibang mga bata ay naglalaro sa ibang bahagi nang playground kung saan naroon ang mga bagong gawang palaruan. Kaya tahimik ang pwesto na kanilang kinalulugaran.
“Sa tingin mo, Kuya Xander, may aampon kaya sa ating dalawa?” inosenteng tanong ni Kikay sa kaibigan.
“Meron yan, Kikay. Kapag hindi sila pumayag na ampunin tayong dalawa, hindi tayo sasama. Kahit pa na lumaki tayo dito sa bahay ampunan, hanggang sa tumanda na tayo tulad nila Sister Bell, basta magkasama tayo palagi,” akala mo naman ay matanda nang saad ni Xander sa kanya.
“Basta pangako yan, Kuya ah. Walang iwanan, peksman?” inosenteng tanong ng batang si Kikay sa batang lalaki, saka niya inilabas ang kanyang maliit na daliri sa kamay at iwinagayway sa harapan ng kaibigan.
“Pangako yun, Kikay. Promise ng maraming maraming beses, peksman,” nangangakong saad naman ni Xander sa kanya. Saka nito ikinawit ang hinliliit nito sa hinliliit ni Kikay. Nang magka-kawit na ang kanilang mga daliri ay biglang hinalikan ni Xander sa pisngi si Kikay. Nagulat naman ang batang babae sa kanyang ginawa. Sinapo nito ang pisngi at tiningnan si Xander. Nakangiti naman si Xander dito na parang walang nangyari. Napangiti na rin si Kikay, at habang magkakawit ang kanilang mga hinliliit ay sabay pa silang nag-tawanan.
******
Biglang nagising si Karen nang marinig na may kumalabog. Agad siyang napabalikwas ng bangon at nagpalinga-linga sa paligid. Pakiramdam niya ay nawala siya sa huwisyo dahil sa sobrang gulat. Ganun na lang ang bilis ng tibok ng puso niya ng dahil sa kaba. Akala niya ay kung may anong nangyari o may nakapasok na kung sino man sa kanyang unit. Nang inikot niya ang kanyang mga mata at masigurong wala namang kakaiba ay napa-buga na lang siya bigla nang malakas na hangin.
She groaned when she flipped at the other side of her bed. Tiningnan niya ang oras sa kanyang bedside clock. Alas tres pa lang nang madaling araw.
“F*ck!” marahan siyang napamura. Ang ayaw na ayaw niya sa lahat ay napuputol ang tulog niya. She is a morning person, pero hindi naman na sobrang ganito kaaga.
Muli niyang iniikot ang paningin sa kanyang unit upang alamin ang sanhi ng pagkagising niya ng alanganin. Nang muling matiyak na wala talagang kakaiba, ay umayos siya ulit nang higa upang habulin ang kanyang tulog. May ilang oras pa siya para makatulog ulit bago siya muling pumasok sa trabaho. Unti-unti nang nawawala ang kanyang ulirat nang marinig niya ulit ang kalabog.
“What the–” marahas niyang nasambit. Umupo siya sa kanyang kama at binuksan ang lampshade. Muli niyang tiningnan ang kanyang paligid. Wala naman talagang kakaiba. Maya-maya pa ay may narinig siyang ulit na kalabog, hindi ito nanggagaling sa kwarto niya. Napatingin siya sa dingding sa may uluhan niya. Muli niyang narinig ang kalabog na parang may paulit-ulit na bumu-bunggo sa dingding na nanggagaling sa kabilang silid.
“Sh*t!” galit na saad niya. Agad siyang tumayo sa higaan, kinuha ang roba na nasa may upuan malapit sa kanyang kama at isinuot iyon. Saka siya mabilis na lumabas nang kanyang unit. Lumakad siya patungo sa katabi niyang unit. Kumatok siya nang malakas sa pinto nito, alam naman niyang maririnig siya nang kung sino man ang tao dito. Wala siyang pakialam kung nakakaistorbo siya dahil naistobo din naman siya ng mga ito. Alam din niyang gising pa ang kung sinuman na nakatira doon ngayon dahil may nagka-kalabugan pa nga sa loob.
Ilang segundo na siyang kumakatok ay wala pa ring lumalabas. Muli niyang nilakasan ang kanyang katok na kahit yata kapitbahay nila sa taas ay maririnig siya. Biglang bumukas ng marahas ang pintuan ng kapitbahay niya. Kaya muntik-muntikan nang matamaan ng kamao niyang kumakatok ang babaeng nakasimangot na nakatayo at nagbukas ng pinto sa kanya, buti na lang ay agad niyang naagapan ang kamay.
“What?!” galit na saad pa nang babae sa kanya.
Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. Matangkad sa kanya ang babae ng ilang pulgada, maputi ito, pero bukod sa puti nito ay wala na siyang makita na maganda dito. Gulo ang buhok nito na parang sinabunutan, nakasuot ito nang robe pero halata namang wala itong suot na damit sa loob. Mukhang nagmamadali lang itong isinuot ang roba dahil may ilang bahagi pa ng katawan nito ang litaw na litaw ang balat. Mukhang ito pa ang galit sa kanya dahil sa mukhang naistorbo niya yata ang kung anumang ginagawa nito sa loob na nagiging sanhi nang kalabugan. Sabog ang make-up nito sa mukha na lalong nag-pangiwi kay Karen, dahil para itong ginahasa nang sampung demonyo sa itsura nito.
“Hey?!” galit na saad ng babae kay Karen ng hindi siya agad umimik. Pinitik-pitik pa nito ang dalawang daliri sa harapan ng pagmumukha niya upang ibalik ang atensyon niya dito. Kitang-kita niya ang lalong pagkalukot ng lukot na yata talaga ang mukha nito dahil sa pag-simangot nito sa kanya. The lady was tapping her feet as if silently telling Karen that she doesn’t have time for her. Lalong na-asar si Karen dahil sa aktuwasyon ng babae sa kanya.
“Pwede ba kung may gagawin kayong kalokohan sa kwarto ninyo, alalahanin ninyo naman kung anong oras na. Hindi lang kayo ang tao dito. May mga taong nagpapahinga na sa ganitong oras dahil may mga trabaho pa kinaumagahan. Kung anuman ang kalokohan ninyo diyan, huwag na kayong mambulahaw, kalabugan kayo ng kalabugan diyan! Alalahanin ninyo na hindi soundproof ang mga dingding ng mga unit dito!” asar na sunod-sunod na saad ni Karen sa babae.
Hindi nagawang makahuma ng babae sa mga sinabi ni Karen. Halatang nabigla ito sa bilis ng kanyang pagsasalita. Wala siyang pake! Dahil sinira ng mga ito ang tulog niya! Maya-maya ay tuluyang bumukas ng malawak ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaking mala-adonis ang datingan. Nakatapis lang ito ng tuwalya at bahagya pang basa ang buhok nito. Kitang-kita ni Karen ang matipunong katawan nito na bahagya pang nangingintab sa maliliit na droplets ng tubig na hindi yata agad nito napunasan.
“Is there something wrong here?” tanong nito sa babaeng sumalubong kay Karen. Saka nito tiningnan si Karen ng mula ulo hanggang paa.
Nang dahil sa ginawa nito ay muling nabuhay ang inis ni Karen, “How dare he! Akala mo kung makatingin ay kung sinong poncio pilato! Sila na nga ang nakaka-istorbo, sila pa ang may ganang mang mata!” umuusok ang ilong na saad niya sa kanyang isipan.
“I’m sorry, Miss. Do you need anything?” kapagdaka ay tanong ng lalaki sa kanya. Hindi nagustuhan ni Karen ang dating ng tono ng pagkaka-tanong nito sa kanya. His face was void of expression but his eyes were twinkling mischievously while scanning her up and down.
“Hah! I don’t need anything from you, Mister, whoever you are. Ang sa akin lang, you should tone down your extra curricular activities in there nang hindi kayo nakakaistorbo ng normal na tao!” asar na saad ni Karen sa lalaki. Naarogantehan siya dito. “The nerve of this man, na wala man lang sense of privacy!” inis na saad niya sa isip niya.
“Kung naiinggit ka, Miss. We are willing to accept you as our third,” nakakaloko ang ngiting saad ng lalaki sa kanya.
The lady beside him, sniggered. Tinapunan ni Karen ito ng matalim na tingin. “
In your dreams, mister! Hindi kayo kainggit-inggit dahil kahit kailan walang dapat ika-inggit sa mga taong walang decency sa katawan!” galit na saad niya. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ang mga ito dahil agad na siyang tumalikod at mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya na ang kanyang kwarto.
Hindi na niya nakita ang pag-sunod ng tingin sa kanya ng lalaki at tiningnan kung saang unit siya pumasok. Napaka-lawak ng ngiti nito habang bahagya pang napapa-iling habang nakatitig sa unit niya.
Buong maghapon na ginugol ni Alex ang kanyang oras sa pagtatrabaho. Hindi siya lumabas ng bahay at tanging ang kanyang laptop at cellphone ang siya niyang kaulayaw. Nagpapa-deliver lang siya ng pagkain kapag nakakaramdam siya nang gutom pagkatapos ay itutuloy na niyang muli ang kanyang trabaho, kaya hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. He was busier than usual, dahil na rin sa kababalik niya lang ng bansa. May dalawang taon din siyang namalagi sa Ireland, habang inaayos ang pagbubukas ng ilang branch ng kanyang restaurant doon.Biglang umangat ang kanyang paningin mula sa dokumentong binabasa sa kanyang laptop ng may marinig na kumakatok sa pinto. Napatingin siya sa orasang naka-sabit sa kanyang dingding, mag-aalas nuebe na ng gabi. Kumunot ang kanyang noo, he wasn’t expecting someone today. Lalong wala siyang maalalang may inorder siyang pagkain sa labas. He had a lot of friends waiting for him to comeback, pero ni isa sa mga ito ay wala siyang pinagsabihan na naka-uwi na si
“Hoy! Anong ginagawa niyo kay Kikay?” pasigaw na tanong ng isang matabang batang lalaki na nasa edad pitong taong gulang. Kahit na may katabaan, ay mestisuhin naman ito. Maputi ang balat nito at bahagyang grayish ang kulay ng mga mata. Pinilit nitong tumakbong mabilis kahit na hingal na hingal na ito sa pagtakbo upang saklolohan ang batang babaeng binu-bully nung mga mas nakaka-tandang bata dito.“Hala kayo, nandiyan na si Baboy. Aawayin kayo niyan kasi inaway niyo yung girlfriend niyang si Negra,” kantyaw nang isang batang lalaking matangkad na payat sa batang tumatakbo patungo sa kanila.“Weh! Weh! Weh! Hahaha!” nanunukso namang kantyaw nang apat pang batang kasamahan nito. Bumelat pa ang mga ito sa batang lalaki.“Sinong baboy? Ha? Bakit ba lagi niyo na lang pinag-di-diskitahan si Kikay?” namumula ang mukha sa galit na tanong ng mestisong-chubby na bata. Hingal man ay pilit pa rin nitong pinatapang ang mukha ng marating nito ang lugar kung saan pinagku-kumpulan na tuksuhin nang ma
Nagising si Alex sa pakiramdam na hindi siya nag-iisa sa loob ng kanyang bahay. Bahagya siyang gumalaw upang tumingin sana sa orasan ng kanyang cellphone nang maramdaman niyang may mga kamay at paa na nakayapos sa kanyang katawan.Pupungas-pungas na iminulat niya ang mga mata. Bahagya siyang napabuga ng hangin ng ma-realize na naka-tulog pala siya sa sala, at hindi siya nag-iisa. Sinilip niya ang nagmamay-ari ng mga kamay at paa na nakagapos sa kanya sa ilalim ng comforter na nakatabing sa katawan nila.Kumunot ang kanyang noo ng makita ang isang hubad na katawan ng isang babae na kaulayaw niya sa ilalim ng comforter. Halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan na sa kanya. “Kaya pala parang napakabigat ng katawan ko,” saad niya sa isipan. Ramdam niya ang epekto sa kanyang katawan ang sanhi ng hindi niya pagiging komportable sa pagtulog. Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari kagabi, hindi nga pala umuwi si Mona matapos ang engkwentro nila sa babaeng maliit kaninang madaling ara
Napa-nganga si Karen sa kanyang narinig, napailing-iling siya at nanlalaki ang mga mata habang pilit na itinatanggi ng kanyang utak ang sinambit sa kanya ng ama. Hindi agad tuluyang rumehistro sa kanya ang mga sinabi nito. Nang unti-unti nang nag-sink in sa kanya ang lahat ay biglang nanlamig ang pakiramdam niya. Halo-halong emosyon ang nagsalimbayan sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagbukas-sara ang kanyang bibig, ngunit wala man lang salitang umalpas mula sa kanyang labi. Kulang na lang na mabingi siya sa lakas ng dagundong ng kanyang puso. Nagpa-lipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang, punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Pinaniniwala pa rin niya ang sarili na nakaringgan lang niya ang sinabi ng ama. Pilit pa rin niyang dine-deny sa sarili na hindi tama ang narinig niya. Hinahanap niya sa mga mata ng mga ito ang katotohanan sa salitang namutawi sa labi ng ama. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ina, umaasang pabubul
Hindi alam ni Karen kung paano siya naka-alis sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa pamamahay na iyon. Feeling niya ay mas makakahinga siya ng maluwag kapag tuluyan na siyang napalayo sa lugar na iyon.The scene of the past event flashed in her mind…******Nakayuko lang si Karen habang nakasunod sa likuran ng ina. Nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng kanyang ama ay tahimik siyang sumunod. Hindi siya nagtangkang iangat ang paningin upang tingnan kung sino-sino ang mga taong nasa loob. Wala siyang imik na pumwesto sa tabi ng ina nang huminto ito sa isang side ng opisina. “Ah, here they are. The two lovely women of my life,” narinig ni Karen na sambit ng kanyang ama. “Maupo ka, dear,” malambing na saad ng kanyang ama sa kanyang Mama Emilia.“Good afternoon,” bati ng kanyang ina sa mga taong nandoon, dinig ni Karen ang pagpipilit nitong pasiglahin ang tinig. Pero hindi man lang ito sumunod sa sinabi nang kanyang Papa Elmer na mau
'Hi! We met again, Neighbor…’ napapa-iling na lang si Alex habang naalala ang nangyari ng nakasalubong niya ang babaeng nakatira sa kabilang unit ng apartment niya. ‘Hi! We met again, Neighbor. Damn, Alex! Ang lame ng opening line mo. Kaya hindi mo nakuha ang interes ni Miss Cutie,’ kantyaw ni Alex sa sarili habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Aaminin niyang hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang maliit ngunit maganda niyang kapitbahay. Kagabi pa nito ginugulo ang utak niya, at hindi niya ikinatutuwa ang kakaibang damdamin na pinupukaw nito sa kanya. ‘You are the great Alexander Jones. You can get any woman that you will lay your eyes on. Bakit mo ba pinagaaksayahan ng oras kaiisip ang babaeng wala namang interes sa‘yo?’ sita pa niya sa sarili sa isipan.Humigit siya ng isang malalim na buntung-hininga saka pilit na itinuon ang atensyon sa trabaho. Binuksan niya ang computer na nasa kanyang harapan at saka pilit na inabala ang sarili na basahin ang mga email n
“What happened?” tanong ni Alex sa kanyang sous chef na si Amanda ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina.“There’s a problem in the kitchen, na-compromise ang hinahanda nating bagong recipe para sa ila-launch nating bagong product para sa restaurant,” bagamat mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito ay hindi naman kakikitaan ng pagkawala ng composure sa sarili ang sous chef.“What do you mean?” nangungunot ang noong tanong niya dito. Matagal na niyang pinagkakatiwalaan sa trabaho ang babae. Hindi na ito baguhan sa kanilang field. Simula yata nung nag-uumpisa pa lang siyang palaguin ang kanyang negosyo dito sa bansa ay kasama na niya ito. Kaklase niya si Amanda sa culinary school na pinasukan niya sa Ireland. Galing din ito sa kilalang angkan sa Pilipinas. Naging malapit silang magka-ibigan. Kung tutuusin ay kaya naman nitong magtayo ng sarili nitong restaurant, pero sa hindi niya malamang dahilan ay mas pinili nitong maging assistant niya at alalayan siya sa pagpapalago ng kanyang
Nang marating ni Karen ang kaniyang apartment ay agad niyang kinuwenta ang lahat ng assets na mayroon siya. Bago siya pumunta sa bahay ng magulang ay nagpaalam muna siya sa kaniyang boss na hindi siya makakapasok ngayon. Mukhang naunawaan naman siya nito, dahil sa hinaba-haba ng panunungkulan niya sa kompanya nito ay madalang lang naman siyang um-absent. Mabuti na lang talaga at nagpaalam siya ng maayos, dahil hindi rin pala siya makakapasok kagaya ng binabalak niya kaninang bago siya umuwi sa bahay ng mga magulang.At ngayon nga ay heto siya, nakaharap sa mga papeles na nakalista ang lahat ng ari-arian na naipundar niya simula ng mag-trabaho siya. Napasabunot na lang sa buhok niya si Karen sa sobrang frustration na nararamdaman. Kahit na anong ulit niyang pag-kwenta sa lahat ng assets na mayroon siya ay alam niyang hindi pa rin iyon sasapat upang mabayaran niya ng buo kasama na ang interes ng utang ng kanyang ama kay Augustus.“Argh!” hindi niya napigilang mapasigaw. Pabalang siyang
Biling-baligtad si Karen sa higaan, kanina pa siya nakahiga pero kahit na anong posisyon ang gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binuksan niya ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama, napatingin siya sa alarm. Mag-a-alas diyes na ng gabi. Napapalatak siya at pabuntong-hiningang hinatak ang kumot sabay talukbong hanggang ulo.“Matulog ka na, Karen,” mahinang anas niya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “One, two, three…” pagbibilang niya ng tupa sa isipan. Nakarating na siya sa bilang na mahigit isang daan ay walang antok na dumadalaw sa kaniya. “Can’t sleep?” mahinang anas ng baritonong tinig na nakapagpapiksi sa kaniya. Inilabas niya ang ulo sa kumot at ibinaba iyon hanggang sa kaniyang leeg. “I-I am sorry, did I wake you?” tanong niya sa lalaki, hindi niya tinangkang lumingon sa gawi nito. Wala itong kagalaw-galaw sa tabi niya, kaya inakala niyang tulog na ito.“You didn’t, I can't sleep either,” kaswal na sagot nito sa kaniya, saka marahan itong kumilos. Nahigi
“Is there something wrong with preparing my wife’s meal?” he asked, elaborating on the word ‘wife.’Karen was speechless, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Technically, he was correct. There was nothing wrong with him preparing a meal for both of them. After all, they became husband and wife this morning.“Why don’t you just take a seat so we could eat,” sambit nito sa kaniya. Hindi na nito pinansin ang pag-a-alinlangan niya. Sa halip ay agad nitong inayos ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inilapag din nito ang pininyahang manok na siyang niluluto nito kanina.Napatulala si Karen sa mga nakahain sa hapagkainan. May tatlong side dishes na itong naihanda; steamed broccoli, crispy brussel sprouts, at spring salad mix, may nakahanda na rin itong kanin, at ang main menu nitong pininyahang manok. Bukod pa doon ay may nakahanda na ring freshly squeezed orange juice sa kanilang mga baso, may chocolate mousse pa for dessert.“Are you sure na tayong dalawa lang ang kakain?” hi
“Kikay halika na, punta na tayo doon sa may padulasan,” yakag ni Xander kay Kikay ng pinayagan na sila ng mga madre na maglaro sa labas.“Sige Kuya Xander, saglit lang at kukunin ko lang si Fluffy,’ sagot naman ni Kikay sa batang lalaki, sabay takbo papasok sa common room ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na iyon. Mga dalawampung bata ang puwedeng matulog sa loob ng kuwarto, magkahalo sa iisang silid ang mga batang babae at lalaki.Ang higaan ni Xander at Kikay ay nasa pinakasulok ng kuwartong iyon, malapit sa may banyo. Magkasunod ang kanilang mga katre, nasa dingding banda ang kay Kikay at ang katabi sa hilera nito ay ang kay Xander.Agad na kinuha ni Kikay ang lumang-lumang laruan na teddy bear na pinangalanan niyang Fluffy. Mahalaga sa kaniya ang laruang iyon dahil binigay iyon ni Xander. Bagama’t napulot lang ito ng batang lalaki sa may tambakan ng basura ay pinaka-iingatan niya ito dahil nag-iisa lang itong laruan niya at pinaghirapan pa itong ayusin ng Kuya Xander niya. N
Alex could now breathe freely, dahil wala na sa loob ng unit ni Karen ang mga unwanted visitors nila kanina. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang muling naramdaman ang matakot. He wasn’t afraid because of Augustus, but because of Karen’s reaction earlier.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babae kanina, but his instinct was telling him na may kinalaman si Augustus doon. He could see how he was eye f*cking his wife earlier. Hindi niya gusto ang pagka-bastos ng ugali nito, but he needed to be patient para sa kapakanan ng kaniyang asawa at ng ama nito. Augustus thought that he was just a simple business man, kaya ganoon na lang ang pambabastos nito sa kaniya ng harap-harapan. Mangani-ngani na nga niyang pagbuhatan ito ng kamay ng makita ang naging reaksiyon ni Karen kanina, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan pa rin niyang mag-timpi kahit na hindi niya na nagugustuhan ang mga titig nitong ipinupukol sa kaniyang asawa. Naikuyom niya ang kamao ng muling magbalik sa kani
*TRIGGER WARNING: Ang chapter na ito ay naglalaman ng maselang senaryo na maaring hindi kaaya-aya sa ibang mambabasa. Read at your own risk.*******She was only ten years old and still living in the orphanage. She was waiting for her Kuya Xander to come back for her. Pinanghawakan niya ang pangako ni Xander na babalikan siya nito. It was three years ago ng kuhanin ng mga totoong magulang nito ang kaniyang Kuya Xander. Matagal na pala itong hinahanap ng mga totoo nitong magulang, dahil nawalay ito sa kanila nuong panahong unang napadpad si Xander sa orphanage na kinalakihan niya.Kaya kahit na may mga taong gusto siyang kunin at ampunin ay hindi siya sumasama. Ang nasa isip niya noon ay kapag bumalik ang kaniyang Kuya Xander ay hindi siya nito mahahanap kung nasaan siya. Labis-labis ang kaniyang pagtanggi sa mga mag-asawang nagtatangkang umampon sa kaniya. Kahit ang mga madre sa bahay ampunan ay walang magawa at hindi siya mapilit ng mga ito na sumama sa mga pamilyang gusto siyang amp
“You are too beautiful in your dress. Which makes me think that you are making yourself extra beautiful for the man your father chose for you.” Hindi napigilan ni Alex na banggitin ng may diin ang mga katagang iyon sa babae.Tumaas ang isang kilay ni Karen ng dahil sa sinabi niya. Nagbukas-sara ang bibig nito pero ni walang katagang lumabas mula sa natural na mapula at manipis na labi nito. Seeing how her lips moved brings back the memories of the kiss we shared in the judicial room this morning. In just a mere thought of it, he felt a tingle in his stomach.Hindi na bago sa kaniya ang makipaghalikan. In fact, iba’t ibang babae na nga ang nakadaop ng labi niya. But he will admit that Karen’s lips were different. May kakaibang binubuhay na emosyon sa kaniya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. And now, just by staring at those lips ay muling ibinabalik nito ang alaalang naramdam niya kanina. He wanted to pull her right here, right now, and savor her lips once again. Malamyos na tuno
Habang nagbibihis ay napapailing na lang si Alex sa mga nangyari sa araw na iyon. This was suppose to be a special day, dahil minsan lang naman siya ikakasal. Kahit sabihin pang isang contractual marriage ang nangyari sa kanila ni Karen ay gusto niya rin namang ipakita sa babae na pinaghandaan pa rin niya iyon. Pero lahat ng pangyayari ay hindi sumasang-ayon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makuha ang kiliti ni Karen. Everything he was doing seemed futile. Gusto lang naman niyang iparamdam sa babae na kahit hindi makatotohanan ang relasyon nila ay kaya pa rin niya itong pahalagahan. Na hindi rin masama na matali ito sa kaniya. Walang divorce sa Pilipinas, kaya kahit pa sabihing contractual marriage ang naganap sa kanila ay hindi pa rin niya maiwasang isiping tinanggalan niya ng chance si Karen upang mahanap nito ang lalakeng magugustuhan nito, dahil legally binding ang kasal nila.“Why are you bothered so much by Karen?” galit na asik niya sa sarili. Ipinilig niya ang
“What?” gulilat na bulalas ni Karen, agad niyang hinagilap ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Pagkabukas na pagkabukas niya nito ay bumungad sa kaniya ang napakaraming missed calls at messages mula sa ama. Her mind went blank and she started to fidget, panic started to rise within her. She was about to open the messages with her trembling hand ng magsalita si Alex.“We don’t need to waste time anymore,” saad nito. “We better get going.” Napapiksi siya ng hawakan nito ang nanginginig niyang kamay. Iniangat niya ang tingin sa lalaki. Sinalubong naman nito ang tingin niya. He even dared to raked her body with his eyes. Naramdaman niya ang paggapang ng init sa kaniyang pisngi ng dahil sa ginawang paghagod ng tingin ng lalaki sa katawan niya. Biglang naglaho ang kabang kaniyang nadarama dahil sa ginawa ng lalaki. “Tsk!” palatak nito at bahagya pang napa-iling-iling.“Why?” nangungunot ang moong tanong niya sa lalaki. Pero sa halip na sumagot ito ay agad itong naglakad patungo sa apar
Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan pauwi sa apartment. Hindi alam ni Karen kung ikatutuwa ba niya ang pagbabago ng isip ni Alex o ano. Pero wala naman kasi sa usapan nila ang mga planong ginawa nito.Ilang saglit pa ay agad na nilang narating ang apartment. Agad na sumalubong sa kanila ang katiwalang si Tatay Ando, ito ang nagbukas ng gate sa kanila upang makapasok sa loob ng garahe ang sasakyan. “Congratulations sa inyong dalawa,” nakangiting bungad-bati ni Tatay Ando ng makababa na sila ni Alex sa sasakyan. “Napakaganda mo sa suot mong iyan, Karen, Iha,” baling-puri sa kaniya ng matanda.“Salamat po, ‘Tay.” Namumula ang pisnging pasasalamat ni Karen. Bagama’t nagtataka siya kung bakit parang hindi man lang yata ikinagulat ng matandang katiwala na ikinasal siya kay Alex.“Naku, Iha, walang inilihim sa akin si Sir Alex, halos ako na rin ang nagpalaki sa batang ito. Ipinaalam niya sa akin na kasal ninyo ngayon. Akala ko nga ay sa mga susunod na ara