Share

CHAPTER 6-AUGUSTUS

Author: Itchay
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Hindi alam ni Karen kung paano siya naka-alis sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa pamamahay na iyon. Feeling niya ay mas makakahinga siya ng maluwag kapag tuluyan na siyang napalayo sa lugar na iyon.

The scene of the past event flashed in her mind…

******

Nakayuko lang si Karen habang nakasunod sa likuran ng ina. Nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng kanyang ama ay tahimik siyang sumunod. Hindi siya nagtangkang iangat ang paningin upang tingnan kung sino-sino ang mga taong nasa loob. Wala siyang imik na pumwesto sa tabi ng ina nang huminto ito sa isang side ng opisina. 

“Ah, here they are. The two lovely women of my life,” narinig ni Karen na sambit ng kanyang ama. “Maupo ka, dear,” malambing na saad ng kanyang ama sa kanyang Mama Emilia.

“Good afternoon,” bati ng kanyang ina sa mga taong nandoon, dinig ni Karen ang pagpipilit nitong pasiglahin ang tinig. Pero hindi man lang ito sumunod sa sinabi nang kanyang Papa Elmer na maupo sa sofa na nasa harapan ng lamesa nito. Nanatiling nakatayo ang kanyang ina sa isang sulok ng opisina, kaya naman hindi rin tuminag si Karen sa kinatatyuan.

The scent of the tobacco and masculine perfume was permeating her nose. Halos masuka siya sa amoy na sumalubong sa kanya sa loob ng opisina ng kanyang ama. Hindi nakatulong ang aircon sa loob upang mawala ang halo-halong amoy ng masangsang na pabango, tabako at mga natural na singaw ng katawan ng mga lalaking nandoon. Bagama't halos masuka na siya sa amoy ay ni minsan hindi tinangka ni Karen na tingnan ang mga pagmumukha ng mga taong nandoon sa loob. Nanatili lang siyang nakayuko.

“I admit, you have a lovely daughter, Delgado,” saad ng isang magaspang na tinig na nagmumula sa isang panig ng kwarto. “Hindi na ako talo kung sakaling siya nga ang ibibigay mo sa akin,” dagdag saad pa ng lalaki. May halong pang-uuyam ang pagkaka-sambit nito niyon. 

Nang dahil sa sinabi nito ay biglang napa-angat ang mga mata niya sa taong nagsalita. Agad niyang pinagsisihan ang pag-tingin sa gawi ng taong iyon. Sinalubong ang kanyang paningin ng mga matang punong-puno ng malisya. Kung titigan siya ng lalaking naka-upo sa harapan ng lamesa ng kanyang ama ay animo hinuhubaran siya nito. Pakiramdam ni Karen ay nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya sa pandidiri sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Nakangisi pa ito na animo aso, habang may subo-subong tabako sa bibig. 

Sinipat ni Karen ang itsura ng lalaki. Hindi ito kagwapuhan pero hindi naman masama ang hilatsa ng pagmumukha nito. Matalim at puno ng malisya kung makatingin ang mga mata nito  s kanya.Hindi nakaalpas sa obserbasyon niya ang peklat na pahaba sa isang kilay nito. Balbas-sarado din ito. Halata sa itsura nito na hindi na ito bata. Tingin nga niya ay nasa edad kwarenta-pataas na ito. Malaking tao ito at nagpuputukan ang mga muscle sa katawan. Kita niya ang nakagapang na tattoo nito na nagmumula sa kamao patungo sa braso nito kahit na natatakpan ito ng manggas ng suot nitong polo shirt. 

“I told you, Agustus. Hindi ko ipiprisinta ang anak ko kung alam kong sa tingin mo ay malulugi ka pa sa kanya. She is my precious daughter, at walang makakatumbas sa kanyang halaga,” saad naman ng ama niya sa lalaki. Animo isa itong ulirang ama sa harapan ng mga lalaking naroon.

Pakiramdam ni Karen ay masusuka siya habang pinakikinggan ang sinasabi ng ama. Hindi niya mapigilan ang unti-unting pag-akyat muli ng galit sa kanyang puso. Naramdaman niya ang pag-hawak sa kamay niya ng ina. Napa-tingin siya sa gawi nito, marahan itong umiling-iling sa kanya at punong-puno ng pakikiusap ang mga mata. Naikuyom ni Karen ang mga palad ng mariin, pero hindi siya umimik. Muli lang siyang yumuko at nakinig sa usapan ng ama at ng lalaking pinagkaka-utangan nito.

“Tama ka, Delgado. She was more than worth of the money that you owe me, and because of  that I will add more to your account to compensate at the price of your daughter. Just tell me how much,” saad naman ng lalaking nag-ngangalang Agustus sa kanyang ama. Kariringgan pa ng pang-uuyam ang tono ng pananalita nito.

Hindi makapaniwala si Karen sa kanyang mga naririnig. They were talking about her na animo isa siyang property na binebenta ng ama. Padisimulado niyang iniikot ang paningin at tiningnan isa-isa ang mga taong naroon. May tatlo pang malalaking lalaki na nakatayo sa loob ng opisina ng kanyang ama. Naka-pwesto ang isa sa mga ito sa malapit sa pinto, habang ang dalawa naman ay nasa bandang likuran ni Augustus.

“As long as you promise me that you will take good care of my daughter, hindi ko na kailangan ang anu pa mang halaga,” saad ng kanyang ama sa kausap. Nang dahil sa sinabi nito ay muling nabaling ang atensyon ni Karen sa kina-uupuan ng ama. 

‘Tama ba ang dinig niya sa sinabi nito?’ saad niya sa isipan. ‘He didn’t want an additional money?’ tanong niya sa sarili.

“Ang tanging hangad ko lang ay paligayahin mo ang aking anak, at aalagan mo siyang mabuti katulad ng pag-aalaga ko sa kanya. She maybe a handful sometimes, but I love her dearly. Hindi kita mapapatawad kapag nalaman kong pina-iyak mo ang anak ko at pinabayaan,” dagdag saad pa ng kanyang Papa Elmer sa lalaking kausap nito.

Karen just stared at her father in awe. Mariin niya itong tinititigan. Pilit niyang binabasa ang tumatakbo sa isipan nito. Katulad kung paano siya nito kausapin ay hindi ito kakikitaan ng kahit na anumang ekspresyon sa mukha. But when he threw a slight glance on her way, ay biglang parang piniga ang puso niya. Sa sandaling pagsulyap nito sa gawi niya ay nakita niya sa mata ng ama ang matagal niya nang inaasam na makita mula dito. Bagamat napakabilis lang ng pag-sulyap nito sa kanya ay sapat na iyon para makita ni Karen ang tinatagong pagmamahal ng ama sa kanya.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata, ikinurap-kurap niya iyon upang pigilan ang nagbabantang pag-patak ng luha. ‘This isn’t the time to cry and be emotional, Karen,’ saway niya sa sarili sa isipan. 

“Are you sure about it, Delgado? Just name your price at ibibigay ko iyon kahit na magkano,” may himig na oang-iinsultong saad ni Augustus sa kanyang ama. Nagpanting ang tenga ni Karen ng dahil sa narinig. Lalong kumulo ang kanyang dugo sa lalaki ng makita niyang naka-tingin ito sa kanya na akala mo ay pag-aari na siya nito. Naka-ngising aso pa ito. Nang makita nito na naka-tingin siya ay dinilaan pa nito ang mga labi. Lalong nag-init ang kanyang ulo dahil sa ginawa nito.

‘Who the hell does he think he is?’ galit na saad niya sa isipan. Hindi rin tinago ni Augustus ang puno ng malisyang pag-tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa, kahit na naroon ang kanyang mga magulang.

Nang dahil sa ginawa nito ay hindi na nakapag-timpi pa si Karen. Naka-kuyom ang kamao na padabog na lumapit siya sa kinaroroonan ng lalaki.

“K-Karen!” gulilat na saad ng kanyang ina. Nabigla ito sa biglaang pag-alis niya sa tabi nito. Hindi na nito nagawang pigilan ang paglapit niya sa lalaki.

“Karen,” malamig ang tonong may bahid ng pagbabanta sa tono ng ama ng tawagin ang pangalan niya, pero kahit ito ay hindi niya pinansin. 

“Mr. Augustus, right?” madiing tanong niya sa lalaki.

“Yes, that’s my name sweetcake. Too eager to come with me? Don’t worry after we signed everything, you will come with me today,” nakakaloko ang ngiti ng lalaki ng sambitin nito iyon sa kanya.

“I have a proposal for you,” mariin na saad niya sa lalaki. Pilit na pinipigilan ang sarili na sumabog sa galit dahil sa pang-iinsulto nito sa kanya at sa kanyang mga magulang. 

“I am listening.”

“Give me three days. Three days to find a way to pay the money that my father owed you in full plus the interest. Kapag hindi kita nabayaran sa loob ng tatlong araw na iyon. I will agree to your agreement with my father. I will agree to marry you and spend the rest of my life with you. But not until then,” may diin na saad ni Karen sa lalaki.

Biglang humagalpak ng tawa si Augustus ng dahil sa sinabi niya. “Sweetcake, you don’t seem to understand. Wala ka sa posisyon upang makipag-negosasyon sa akin. Naipangako ka na ng iyong ama, wala ka ng magagawa doon,” saad ni Augustus sa kanya. Ini-angat nito ang kamay at nagtangkang hawakan ang pisngi niya, pero mabilis niyang iniiwas ang mukha dito. She stares at him with a disgrace in her eyes.

Hindi nito itinuloy ang tangka sana nitong gawin sa halip ay ikinuyom nito ang kamay at bahagyang nag-igting ang panga nito. 

“Karen! Anong mga pinagsasabi mo?” bahagyang mataas ang tonong saad sa kanya ng ama. “Forgive my daughter, Augustus. Hindi niya alam ang…”

“Please Augustus, give my daughter a chance.” hindi naituloy ng kanyang ama ang dapat na sasabihin nito dahil bigla na lang sumingit sa usapan nila ang kanyang ina. Hindi nila namalayan na nakalapit na pala ito sa kanilang dalawa ni Augustus at agad nitong hinawakan ang kamay ng lalaki. “Ako na bilang ina niya ang nagmamaka-awa para sa kanya. Give her a chance to prove na kaya niyang ibigay ang halagang hiniram sa iyo ng aking asawa sa loob ng tatlong araw. Kapag hindi niya nagawa iyon ay ako na mismo ang kusang loob na maghahatid sa kanya sa’yo,” pagmamaka-awang saad ng kanyang Mama Emilia sa lalaki. 

“Ma…” saway niya sa ina ng makitang akma pa itong luluhod sa harapan ni Augustus. Agad niya itong hinawakan sa kamay at pinigilan sa pag-luhod. 

“Okay!Okay! Just three days! No more, no less. Kapag hindi mo ako nabayaran sa araw na iyon. Alam mo na ang dapat mong gawin,” saad ni Augustus sa kanila sa pagitan ng pangangalit ng panga nito. Halata sa mukha nito ang pagpipigil ng galit. Hindi yata ito sanay na tinatanggihan at kinakalaban ng mga taong nakakausap nito. “Anyways, what more is three days. I know naman na wala na kayong ibang malalapitan. Pagbibigyan ko ang kapritso mo ngayon, but this will be the last time that I will be nice to you. Sabihin na nating, this will be your last breath of freedom. Alam naman nating sa bandang huli, sa akin pa rin ang bagsak mo,” dagdag saad pa ng lalaki sa kanya. Naka-ngisi na ito na animo isang aso, this time ay hindi niya nagawang iiwas ang mukha sa kamay nito. Hinawakan siya nito sa baba at hinaplos ng hinlalaki nito ang pang-ilalim niyang labi. ‘I can still wait for you,’ pabulong na saad nito sa kanya, bago nito sinenyasan ang mga tauhan upang lumabas na at umalis sa bahay nila.

******

Malakas na busina ng sasakyan ang nakapag-pabalik sa kasalukuyan ng isip ni Karen.

“Miss kung wala kang planong lumarga, tumabi ka muna!” sigaw sa kanya ng may-ari ng sasakyan na nasa likuran niya.

“Sorry!” sigaw niya dito. Saka pinaandar ng muli ang motor. HIndi niya namalayan na kanina pa pala naka-green ang signal ng traffic light sa intersection ng kahabaan ng Edsa. Agad na niyang pinaharurot ang motor upang makauwi na sa kanyang sariling apartment. 

Gusto na lang niyang magkulong sa kwarto at magpahinga. Pakiramdam niya ay wala na siyang lakas upang mag-isip pa sa ngayon. Pagal na ang kanyang katawan at isipan. Bagamat nangako siya kay Augustus na babayaran ito sa loob ng tatlong araw ay hindi naman niya alam kung saang kamay ng Diyos niya huhugutin ang halaga ng pagkaka-utang ng kanyang ama. Hindi na niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya o mas pinahaba niya lang ang kanyang paghihirap. ‘Kung bakit ba naman kasi masyado kang nagmamatigas, Karen!’ sita niya sa sarili sa isipan. ‘Pero hindi ko magawang tumahimik at sumunod lang,’ pangangatwiran naman ng kabilang side ng isipan niya. ‘Tanging milagro na lang ang siyang makakatulong sa atin ngayon.’ Bagsak ang balikat at napahigit siya ng malalim na buntung-hininga habang pilit na pino-focus ang isipan sa kanyang pagmamaneho at sa daan.

Kaugnay na kabanata

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 7-WE MET AGAIN

    'Hi! We met again, Neighbor…’ napapa-iling na lang si Alex habang naalala ang nangyari ng nakasalubong niya ang babaeng nakatira sa kabilang unit ng apartment niya. ‘Hi! We met again, Neighbor. Damn, Alex! Ang lame ng opening line mo. Kaya hindi mo nakuha ang interes ni Miss Cutie,’ kantyaw ni Alex sa sarili habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Aaminin niyang hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang maliit ngunit maganda niyang kapitbahay. Kagabi pa nito ginugulo ang utak niya, at hindi niya ikinatutuwa ang kakaibang damdamin na pinupukaw nito sa kanya. ‘You are the great Alexander Jones. You can get any woman that you will lay your eyes on. Bakit mo ba pinagaaksayahan ng oras kaiisip ang babaeng wala namang interes sa‘yo?’ sita pa niya sa sarili sa isipan.Humigit siya ng isang malalim na buntung-hininga saka pilit na itinuon ang atensyon sa trabaho. Binuksan niya ang computer na nasa kanyang harapan at saka pilit na inabala ang sarili na basahin ang mga email n

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 8-KITCHEN TROUBLE

    “What happened?” tanong ni Alex sa kanyang sous chef na si Amanda ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina.“There’s a problem in the kitchen, na-compromise ang hinahanda nating bagong recipe para sa ila-launch nating bagong product para sa restaurant,” bagamat mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito ay hindi naman kakikitaan ng pagkawala ng composure sa sarili ang sous chef.“What do you mean?” nangungunot ang noong tanong niya dito. Matagal na niyang pinagkakatiwalaan sa trabaho ang babae. Hindi na ito baguhan sa kanilang field. Simula yata nung nag-uumpisa pa lang siyang palaguin ang kanyang negosyo dito sa bansa ay kasama na niya ito. Kaklase niya si Amanda sa culinary school na pinasukan niya sa Ireland. Galing din ito sa kilalang angkan sa Pilipinas. Naging malapit silang magka-ibigan. Kung tutuusin ay kaya naman nitong magtayo ng sarili nitong restaurant, pero sa hindi niya malamang dahilan ay mas pinili nitong maging assistant niya at alalayan siya sa pagpapalago ng kanyang

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 9-BEST FRIEND

    Nang marating ni Karen ang kaniyang apartment ay agad niyang kinuwenta ang lahat ng assets na mayroon siya. Bago siya pumunta sa bahay ng magulang ay nagpaalam muna siya sa kaniyang boss na hindi siya makakapasok ngayon. Mukhang naunawaan naman siya nito, dahil sa hinaba-haba ng panunungkulan niya sa kompanya nito ay madalang lang naman siyang um-absent. Mabuti na lang talaga at nagpaalam siya ng maayos, dahil hindi rin pala siya makakapasok kagaya ng binabalak niya kaninang bago siya umuwi sa bahay ng mga magulang.At ngayon nga ay heto siya, nakaharap sa mga papeles na nakalista ang lahat ng ari-arian na naipundar niya simula ng mag-trabaho siya. Napasabunot na lang sa buhok niya si Karen sa sobrang frustration na nararamdaman. Kahit na anong ulit niyang pag-kwenta sa lahat ng assets na mayroon siya ay alam niyang hindi pa rin iyon sasapat upang mabayaran niya ng buo kasama na ang interes ng utang ng kanyang ama kay Augustus.“Argh!” hindi niya napigilang mapasigaw. Pabalang siyang

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 10-SHE WAS INSULTED

    “Is there something wrong here?” tanong ng isang baritonong tinig na nanggagaling sa likuran ni Karen. “I-I am sorry, Sir. T-there’s nothing wrong,” nauutal na sagot ni Ronnie sa lalaking may-ari ng baritonong boses. Kitang-kita ni Karen ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng waiter, naging parang maamong tupa ito. Nawala ang malisya sa mga mata nito na kanina lang ay kitang-kita ni Karen. She knew that he was just flirting with her, pero dahil sa iniisip na problema ay maiksi ang pisi ng pasensiya niya ngayon.“I will go now, Ma’am. Just let me know kung may nagustuhan na ho kayo sa menu at o-order na ho kayo,” baling ni Ronnie sa kaniya, biglang-bigla ay naging magalang itong manalita. Yumukod pa ito sa lalaki na nasa likuran niya bago tuluyang tumalikod at umalis sa harapan niya.Napabuga ng marahan si Karen nang tuluyan ng makaalis ang waiter. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng umalis si Ronnie sa harapan niya. ‘I think kailangan kong kausapin d

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 11-THE PROPOSAL

    “Hey man, what happened?” tanong kay Alex ng kaibigan niyang si Jacob. Agad itong lumapit sa kaniya ng makaalis na ang kan’yang kapitbahay.Bahagya niyang pinilig ang ulo at hinawakan ang pisnging tinamaan ng palad nito. Hindi naman ganoon kasakit ang pagsampal nito sa kanya. Ang mas iniinda niya ang pagkasaling ng ego niya dahil sa sinabi nito.“Hindi ba siya yung cute na kapitbahay mo? Anong nangyari?” pangungulit na tanong sa kaniya ng kaibigan.“Nothing,” matipid na sagot ni Alex sa kaibigan, sabay tayo niya sa kinauupuan. “I’m sorry for the scene. Don’t bother with us, it’s just a misunderstanding between me and my girlfriend. Please do continue eating. Enjoy the party everyone,” malakas na pahayag niya sa mga taong naka-tingin sa gawi nila, pinagkit niya ang matamis na ngiti sa labi upang pawiin ang tensyon na namayani sa paligid.Pagkatapos niyang magsalita ay agad na pumaimbabaw ang masayang tugtugin na nagmumula sa isang sikat na banda na inarkila niya para sa gabing iyon. Th

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 12-KAREN'S DILEMMA

    Habang hinihintay ni Karen na kumulo ang mainit na tubig na nakasalang sa electric heater ay maya’t maya ang kan’yang pagbuntong-hininga. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na siya, o mas tamang sabihin na halos hindi rin naman siya naka-tulog. She couldn’t sleep a wink. Maraming mga bagay ang nagsasalimbayan sa kan’yang isipan, at ang mas lalong hindi nakapag-patulog sa kaniya ay ang pinag-usapan nila kagabi nang kapitbahay niyang si Alex. Muling dumaloy sa kan’yang isipan ang mga nangyari sa pagitan nila kagabi.******“Marry me instead.” Ikinagulat pa nilang pareho ni Jessica ang biglang pagsulpot ni Alex mula sa kung saan. Noong una ay hindi agad nagrehistro sa utak niya ang sinabi nito. Nang unti-unting nag-sink in sa kan’yang utak ang katagang namutawi sa labi nito ay napa-kunot ang noong napatulala na lang siya sa lalaki. “Good evening, Boss Chef,” bati ni Jessica sa lalaki. Ito ang unang nakabawi sa pagkagulat sa kanilang dalawa. Nang marinig niya ang boses ng kaibigan

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 13-HE VISIT

    Isang malamyos na tunog ng wind chime ang siyang bumalot sa kabuuan ng unit ni Karen. Ikinagulat pa nilang dalawa ni Jessica ang pag-tunog nito. Nagka-tinginan silang mag-kaibigan, parehong may mga tanong sa kanilang mga mata.“May ini-expect ka bang darating ngayon, Bestie?” agad na tanong sa kan’ya ni Jessica, ito ang unang nakabawi sa pakagulat sa kanilang dalawa. Nasa may kitchen counter pa rin ito at hinihintay na uminit ang ginagawa nitong sandwich sa toaster. Agad namang umiling si Karen bilang tugon sa tanong ng kaibigan. Magsasalita pa sana siya ng muling pumaimbabaw ang tunog ng wind chime, dahilan upang hindi niya maituloy ang sasabihin.“Sino kaya ang pupunta dito ngayon sa bahay nang ganito kaaga?” tanong niya sa isipan. Bahagya niyang sinulyapan ang relong nakasabit sa dingding na may malapit sa sala. Mag-aalas siyete pa lang ng umaga. Patayo na siya ng maramdaman niya ang kamay ni Jessica sa kan’yang balikat, at pinigilan ang akma niyang pag-tayo.“Ako na. Pumasok ka na

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 14-THE SECRETARY

    Hindi alam ni Karen kung paano lumipas ang kan’yang maghapon. But here she was, sitting in the luxurious sofa in the office lounge ni Alex. Iniikot niya ang paningin sa kabuuan ng opisina nito. Everything inside of it screams luxury.Ang isa sa mga kilalang painting ni Rembrandt na nakaadorno sa hallway papasok sa pinaka-opisina ni Alex ay nagpapatunay na hindi ordinaryong tao ang nagmamay-ari ng lugar. Ang lahat ng mamahaling bagay na nakikita ni Karen ay walang impact sa kan’ya. She had a lot in her plate for now, upang bigyang pansin pa at humanga sa magagarang bagay na nasa paligid niya. In fact, it makes her loath the place. Hindi niya alam kung bakit, pero para kasing lalong pinamumukha ng mga gamit doon ang tunay na sitwasyon kung bakit siya naroroon ngayon at naghihintay na kausapin siya ni Alex. She did her research before going to Alex’s office. Ilang araw pa lang niyang nakikilala ang lalaki at aaminin niyang wala siyang kaalam-alam sa pagkatao nito. Kung hindi lang dahil

Pinakabagong kabanata

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 27- HE SLEPT OVER

    Biling-baligtad si Karen sa higaan, kanina pa siya nakahiga pero kahit na anong posisyon ang gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binuksan niya ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama, napatingin siya sa alarm. Mag-a-alas diyes na ng gabi. Napapalatak siya at pabuntong-hiningang hinatak ang kumot sabay talukbong hanggang ulo.“Matulog ka na, Karen,” mahinang anas niya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “One, two, three…” pagbibilang niya ng tupa sa isipan. Nakarating na siya sa bilang na mahigit isang daan ay walang antok na dumadalaw sa kaniya. “Can’t sleep?” mahinang anas ng baritonong tinig na nakapagpapiksi sa kaniya. Inilabas niya ang ulo sa kumot at ibinaba iyon hanggang sa kaniyang leeg. “I-I am sorry, did I wake you?” tanong niya sa lalaki, hindi niya tinangkang lumingon sa gawi nito. Wala itong kagalaw-galaw sa tabi niya, kaya inakala niyang tulog na ito.“You didn’t, I can't sleep either,” kaswal na sagot nito sa kaniya, saka marahan itong kumilos. Nahigi

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 26-LET’S BE FRIENDS

    “Is there something wrong with preparing my wife’s meal?” he asked, elaborating on the word ‘wife.’Karen was speechless, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Technically, he was correct. There was nothing wrong with him preparing a meal for both of them. After all, they became husband and wife this morning.“Why don’t you just take a seat so we could eat,” sambit nito sa kaniya. Hindi na nito pinansin ang pag-a-alinlangan niya. Sa halip ay agad nitong inayos ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inilapag din nito ang pininyahang manok na siyang niluluto nito kanina.Napatulala si Karen sa mga nakahain sa hapagkainan. May tatlong side dishes na itong naihanda; steamed broccoli, crispy brussel sprouts, at spring salad mix, may nakahanda na rin itong kanin, at ang main menu nitong pininyahang manok. Bukod pa doon ay may nakahanda na ring freshly squeezed orange juice sa kanilang mga baso, may chocolate mousse pa for dessert.“Are you sure na tayong dalawa lang ang kakain?” hi

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 25-HER PAST

    “Kikay halika na, punta na tayo doon sa may padulasan,” yakag ni Xander kay Kikay ng pinayagan na sila ng mga madre na maglaro sa labas.“Sige Kuya Xander, saglit lang at kukunin ko lang si Fluffy,’ sagot naman ni Kikay sa batang lalaki, sabay takbo papasok sa common room ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na iyon. Mga dalawampung bata ang puwedeng matulog sa loob ng kuwarto, magkahalo sa iisang silid ang mga batang babae at lalaki.Ang higaan ni Xander at Kikay ay nasa pinakasulok ng kuwartong iyon, malapit sa may banyo. Magkasunod ang kanilang mga katre, nasa dingding banda ang kay Kikay at ang katabi sa hilera nito ay ang kay Xander.Agad na kinuha ni Kikay ang lumang-lumang laruan na teddy bear na pinangalanan niyang Fluffy. Mahalaga sa kaniya ang laruang iyon dahil binigay iyon ni Xander. Bagama’t napulot lang ito ng batang lalaki sa may tambakan ng basura ay pinaka-iingatan niya ito dahil nag-iisa lang itong laruan niya at pinaghirapan pa itong ayusin ng Kuya Xander niya. N

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 24-HE IS NOT A MERE BUSINESSMAN

    Alex could now breathe freely, dahil wala na sa loob ng unit ni Karen ang mga unwanted visitors nila kanina. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang muling naramdaman ang matakot. He wasn’t afraid because of Augustus, but because of Karen’s reaction earlier.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babae kanina, but his instinct was telling him na may kinalaman si Augustus doon. He could see how he was eye f*cking his wife earlier. Hindi niya gusto ang pagka-bastos ng ugali nito, but he needed to be patient para sa kapakanan ng kaniyang asawa at ng ama nito. Augustus thought that he was just a simple business man, kaya ganoon na lang ang pambabastos nito sa kaniya ng harap-harapan. Mangani-ngani na nga niyang pagbuhatan ito ng kamay ng makita ang naging reaksiyon ni Karen kanina, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan pa rin niyang mag-timpi kahit na hindi niya na nagugustuhan ang mga titig nitong ipinupukol sa kaniyang asawa. Naikuyom niya ang kamao ng muling magbalik sa kani

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 23-HER UGLY MEMORY

    *TRIGGER WARNING: Ang chapter na ito ay naglalaman ng maselang senaryo na maaring hindi kaaya-aya sa ibang mambabasa. Read at your own risk.*******She was only ten years old and still living in the orphanage. She was waiting for her Kuya Xander to come back for her. Pinanghawakan niya ang pangako ni Xander na babalikan siya nito. It was three years ago ng kuhanin ng mga totoong magulang nito ang kaniyang Kuya Xander. Matagal na pala itong hinahanap ng mga totoo nitong magulang, dahil nawalay ito sa kanila nuong panahong unang napadpad si Xander sa orphanage na kinalakihan niya.Kaya kahit na may mga taong gusto siyang kunin at ampunin ay hindi siya sumasama. Ang nasa isip niya noon ay kapag bumalik ang kaniyang Kuya Xander ay hindi siya nito mahahanap kung nasaan siya. Labis-labis ang kaniyang pagtanggi sa mga mag-asawang nagtatangkang umampon sa kaniya. Kahit ang mga madre sa bahay ampunan ay walang magawa at hindi siya mapilit ng mga ito na sumama sa mga pamilyang gusto siyang amp

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 22-ALEX AND AUGUSTUS

    “You are too beautiful in your dress. Which makes me think that you are making yourself extra beautiful for the man your father chose for you.” Hindi napigilan ni Alex na banggitin ng may diin ang mga katagang iyon sa babae.Tumaas ang isang kilay ni Karen ng dahil sa sinabi niya. Nagbukas-sara ang bibig nito pero ni walang katagang lumabas mula sa natural na mapula at manipis na labi nito. Seeing how her lips moved brings back the memories of the kiss we shared in the judicial room this morning. In just a mere thought of it, he felt a tingle in his stomach.Hindi na bago sa kaniya ang makipaghalikan. In fact, iba’t ibang babae na nga ang nakadaop ng labi niya. But he will admit that Karen’s lips were different. May kakaibang binubuhay na emosyon sa kaniya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. And now, just by staring at those lips ay muling ibinabalik nito ang alaalang naramdam niya kanina. He wanted to pull her right here, right now, and savor her lips once again. Malamyos na tuno

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 21- ALEX'S TURMOIL

    Habang nagbibihis ay napapailing na lang si Alex sa mga nangyari sa araw na iyon. This was suppose to be a special day, dahil minsan lang naman siya ikakasal. Kahit sabihin pang isang contractual marriage ang nangyari sa kanila ni Karen ay gusto niya rin namang ipakita sa babae na pinaghandaan pa rin niya iyon. Pero lahat ng pangyayari ay hindi sumasang-ayon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makuha ang kiliti ni Karen. Everything he was doing seemed futile. Gusto lang naman niyang iparamdam sa babae na kahit hindi makatotohanan ang relasyon nila ay kaya pa rin niya itong pahalagahan. Na hindi rin masama na matali ito sa kaniya. Walang divorce sa Pilipinas, kaya kahit pa sabihing contractual marriage ang naganap sa kanila ay hindi pa rin niya maiwasang isiping tinanggalan niya ng chance si Karen upang mahanap nito ang lalakeng magugustuhan nito, dahil legally binding ang kasal nila.“Why are you bothered so much by Karen?” galit na asik niya sa sarili. Ipinilig niya ang

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 20-MIXED EMOTIONS

    “What?” gulilat na bulalas ni Karen, agad niyang hinagilap ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Pagkabukas na pagkabukas niya nito ay bumungad sa kaniya ang napakaraming missed calls at messages mula sa ama. Her mind went blank and she started to fidget, panic started to rise within her. She was about to open the messages with her trembling hand ng magsalita si Alex.“We don’t need to waste time anymore,” saad nito. “We better get going.” Napapiksi siya ng hawakan nito ang nanginginig niyang kamay. Iniangat niya ang tingin sa lalaki. Sinalubong naman nito ang tingin niya. He even dared to raked her body with his eyes. Naramdaman niya ang paggapang ng init sa kaniyang pisngi ng dahil sa ginawang paghagod ng tingin ng lalaki sa katawan niya. Biglang naglaho ang kabang kaniyang nadarama dahil sa ginawa ng lalaki. “Tsk!” palatak nito at bahagya pang napa-iling-iling.“Why?” nangungunot ang moong tanong niya sa lalaki. Pero sa halip na sumagot ito ay agad itong naglakad patungo sa apar

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 19-GOING BACK

    Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan pauwi sa apartment. Hindi alam ni Karen kung ikatutuwa ba niya ang pagbabago ng isip ni Alex o ano. Pero wala naman kasi sa usapan nila ang mga planong ginawa nito.Ilang saglit pa ay agad na nilang narating ang apartment. Agad na sumalubong sa kanila ang katiwalang si Tatay Ando, ito ang nagbukas ng gate sa kanila upang makapasok sa loob ng garahe ang sasakyan. “Congratulations sa inyong dalawa,” nakangiting bungad-bati ni Tatay Ando ng makababa na sila ni Alex sa sasakyan. “Napakaganda mo sa suot mong iyan, Karen, Iha,” baling-puri sa kaniya ng matanda.“Salamat po, ‘Tay.” Namumula ang pisnging pasasalamat ni Karen. Bagama’t nagtataka siya kung bakit parang hindi man lang yata ikinagulat ng matandang katiwala na ikinasal siya kay Alex.“Naku, Iha, walang inilihim sa akin si Sir Alex, halos ako na rin ang nagpalaki sa batang ito. Ipinaalam niya sa akin na kasal ninyo ngayon. Akala ko nga ay sa mga susunod na ara

DMCA.com Protection Status