“Is there something wrong here?” tanong ng isang baritonong tinig na nanggagaling sa likuran ni Karen. “I-I am sorry, Sir. T-there’s nothing wrong,” nauutal na sagot ni Ronnie sa lalaking may-ari ng baritonong boses. Kitang-kita ni Karen ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng waiter, naging parang maamong tupa ito. Nawala ang malisya sa mga mata nito na kanina lang ay kitang-kita ni Karen. She knew that he was just flirting with her, pero dahil sa iniisip na problema ay maiksi ang pisi ng pasensiya niya ngayon.“I will go now, Ma’am. Just let me know kung may nagustuhan na ho kayo sa menu at o-order na ho kayo,” baling ni Ronnie sa kaniya, biglang-bigla ay naging magalang itong manalita. Yumukod pa ito sa lalaki na nasa likuran niya bago tuluyang tumalikod at umalis sa harapan niya.Napabuga ng marahan si Karen nang tuluyan ng makaalis ang waiter. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng umalis si Ronnie sa harapan niya. ‘I think kailangan kong kausapin d
“Hey man, what happened?” tanong kay Alex ng kaibigan niyang si Jacob. Agad itong lumapit sa kaniya ng makaalis na ang kan’yang kapitbahay.Bahagya niyang pinilig ang ulo at hinawakan ang pisnging tinamaan ng palad nito. Hindi naman ganoon kasakit ang pagsampal nito sa kanya. Ang mas iniinda niya ang pagkasaling ng ego niya dahil sa sinabi nito.“Hindi ba siya yung cute na kapitbahay mo? Anong nangyari?” pangungulit na tanong sa kaniya ng kaibigan.“Nothing,” matipid na sagot ni Alex sa kaibigan, sabay tayo niya sa kinauupuan. “I’m sorry for the scene. Don’t bother with us, it’s just a misunderstanding between me and my girlfriend. Please do continue eating. Enjoy the party everyone,” malakas na pahayag niya sa mga taong naka-tingin sa gawi nila, pinagkit niya ang matamis na ngiti sa labi upang pawiin ang tensyon na namayani sa paligid.Pagkatapos niyang magsalita ay agad na pumaimbabaw ang masayang tugtugin na nagmumula sa isang sikat na banda na inarkila niya para sa gabing iyon. Th
Habang hinihintay ni Karen na kumulo ang mainit na tubig na nakasalang sa electric heater ay maya’t maya ang kan’yang pagbuntong-hininga. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na siya, o mas tamang sabihin na halos hindi rin naman siya naka-tulog. She couldn’t sleep a wink. Maraming mga bagay ang nagsasalimbayan sa kan’yang isipan, at ang mas lalong hindi nakapag-patulog sa kaniya ay ang pinag-usapan nila kagabi nang kapitbahay niyang si Alex. Muling dumaloy sa kan’yang isipan ang mga nangyari sa pagitan nila kagabi.******“Marry me instead.” Ikinagulat pa nilang pareho ni Jessica ang biglang pagsulpot ni Alex mula sa kung saan. Noong una ay hindi agad nagrehistro sa utak niya ang sinabi nito. Nang unti-unting nag-sink in sa kan’yang utak ang katagang namutawi sa labi nito ay napa-kunot ang noong napatulala na lang siya sa lalaki. “Good evening, Boss Chef,” bati ni Jessica sa lalaki. Ito ang unang nakabawi sa pagkagulat sa kanilang dalawa. Nang marinig niya ang boses ng kaibigan
Isang malamyos na tunog ng wind chime ang siyang bumalot sa kabuuan ng unit ni Karen. Ikinagulat pa nilang dalawa ni Jessica ang pag-tunog nito. Nagka-tinginan silang mag-kaibigan, parehong may mga tanong sa kanilang mga mata.“May ini-expect ka bang darating ngayon, Bestie?” agad na tanong sa kan’ya ni Jessica, ito ang unang nakabawi sa pakagulat sa kanilang dalawa. Nasa may kitchen counter pa rin ito at hinihintay na uminit ang ginagawa nitong sandwich sa toaster. Agad namang umiling si Karen bilang tugon sa tanong ng kaibigan. Magsasalita pa sana siya ng muling pumaimbabaw ang tunog ng wind chime, dahilan upang hindi niya maituloy ang sasabihin.“Sino kaya ang pupunta dito ngayon sa bahay nang ganito kaaga?” tanong niya sa isipan. Bahagya niyang sinulyapan ang relong nakasabit sa dingding na may malapit sa sala. Mag-aalas siyete pa lang ng umaga. Patayo na siya ng maramdaman niya ang kamay ni Jessica sa kan’yang balikat, at pinigilan ang akma niyang pag-tayo.“Ako na. Pumasok ka na
Hindi alam ni Karen kung paano lumipas ang kan’yang maghapon. But here she was, sitting in the luxurious sofa in the office lounge ni Alex. Iniikot niya ang paningin sa kabuuan ng opisina nito. Everything inside of it screams luxury.Ang isa sa mga kilalang painting ni Rembrandt na nakaadorno sa hallway papasok sa pinaka-opisina ni Alex ay nagpapatunay na hindi ordinaryong tao ang nagmamay-ari ng lugar. Ang lahat ng mamahaling bagay na nakikita ni Karen ay walang impact sa kan’ya. She had a lot in her plate for now, upang bigyang pansin pa at humanga sa magagarang bagay na nasa paligid niya. In fact, it makes her loath the place. Hindi niya alam kung bakit, pero para kasing lalong pinamumukha ng mga gamit doon ang tunay na sitwasyon kung bakit siya naroroon ngayon at naghihintay na kausapin siya ni Alex. She did her research before going to Alex’s office. Ilang araw pa lang niyang nakikilala ang lalaki at aaminin niyang wala siyang kaalam-alam sa pagkatao nito. Kung hindi lang dahil
Pabalik-balik na naglalakad si Karen sa loob ng kan’yang apartment. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Nag-iinit ang sulok ng kan’yang mga mata. Pilit niyang pinipigilan ang nagbabantang pagpatak ng luha. Her palms were sweating, pati na rin ang ibabaw ng labi niya. Her nerves were starting to get into her. Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero she felt like crying. She doesn't want to cry, especially today. Ngunit nagtatalo ang nararamdaman niya, naghahalo ang kaba at lungkot sa puso niya.“Bestie, will you please calm down? Maupo ka nga, ako ang nahihilo sa iyo,” saway ng kaibigan niyang si Jessica, habang nakasunod ang tingin nito sa bawat galaw niya.“I can't, Bestie,” bahagyang gumaralgal ang tinig na saad niya sa kaibigan.“I do understand what you feel, Bestie. After all hindi araw-araw na ikinakasal ang isang babae,”dinig ni Karen ang lungkot sa tinig ng kan’yang kaibigan. “And I didn't imagine your wedding to be like this,” dugtong na saad pa nito.“Me too, Bes
“Kikay dali halika tingnan mo ‘to,” tawag ni Xander sa kaibigan. Nasa may playground sila noon at naglalarong dalawa. Hindi sila mahilig makipaghalubilo sa ibang bata, iniiwasan kasi ni Kikay ang ibang bata sa ampunan dahil lagi siyang kumpulan ng tukso ng mga ito. Si Xander naman ay ayaw iwanang mag-isa ang kaibigan, kaya mas pinili nilang silang dalawa lang ang laging magkasama at magkalaro malayo sa ibang batang nakatira sa ampunan.“Ano ba ‘yang gawa mo Kuya Xander?” tanong ni Kikay sa batang lalake.“Tingnan mo ‘to, ‘eto ang magiging bahay natin. Kapag mayroong umampon sa atin ay titira tayo sa iisang bahay, kaya ‘eto gumawa ako ng drawing na magkasama tayo sa iisang bahay. May garden, tapos may aso tayo, tapos may sari-sarili tayong kwarto. ‘Di ba ang galing kong mag-drawing?” ipinagmamalaki pang ipinakita ni Xander sa kaibigan ang kan’yang iginuhit.“Ang ganda naman niyan, Kuya,” nanlalaki ang mga matang sinipat ni Kikay ang larawang iginuhit ni Xander. Umayos pa ito ng upo sa
“Oh my!” eksaheradong bulalas ng manager ng boutique na nanlalaki pa ang mga mata habang sinisipat si Karen mula ulo hanggang paa. Para siyang isang specimen sa ilalim ng titig ng baklang manager. She unconsciously tapped her foot dahil sa discomfort na nararamdaman sa paraan ng paghagod ng tingin sa kaniya nito.“This dress found its owner! I knew na para sa iyo talaga ang damit na ito. Wait ’till everyone knew that the future Mrs. Jones wore this beautiful dress from my shop on her wedding day. Isang malaking karangalan na dito niyo napiling bumili ng maisusuot. I can’t wait to see the look on Mr. Jones's face when he sees you,” malawak ang ngiting maarteng sambit sa kanya ng manager. Kumukumpas-kumpas pa ang mga kamay nito sa sobrang excitement.Nakikini-kinita na ni Karen na magiging laman siya ng social media once na makalabas na sila ng boutique na iyon. Hindi niya rin naman masisisi ang manager dahil isang malaking karangalan at malakas na advertisement ang maging costumer ang
Biling-baligtad si Karen sa higaan, kanina pa siya nakahiga pero kahit na anong posisyon ang gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binuksan niya ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama, napatingin siya sa alarm. Mag-a-alas diyes na ng gabi. Napapalatak siya at pabuntong-hiningang hinatak ang kumot sabay talukbong hanggang ulo.“Matulog ka na, Karen,” mahinang anas niya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “One, two, three…” pagbibilang niya ng tupa sa isipan. Nakarating na siya sa bilang na mahigit isang daan ay walang antok na dumadalaw sa kaniya. “Can’t sleep?” mahinang anas ng baritonong tinig na nakapagpapiksi sa kaniya. Inilabas niya ang ulo sa kumot at ibinaba iyon hanggang sa kaniyang leeg. “I-I am sorry, did I wake you?” tanong niya sa lalaki, hindi niya tinangkang lumingon sa gawi nito. Wala itong kagalaw-galaw sa tabi niya, kaya inakala niyang tulog na ito.“You didn’t, I can't sleep either,” kaswal na sagot nito sa kaniya, saka marahan itong kumilos. Nahigi
“Is there something wrong with preparing my wife’s meal?” he asked, elaborating on the word ‘wife.’Karen was speechless, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Technically, he was correct. There was nothing wrong with him preparing a meal for both of them. After all, they became husband and wife this morning.“Why don’t you just take a seat so we could eat,” sambit nito sa kaniya. Hindi na nito pinansin ang pag-a-alinlangan niya. Sa halip ay agad nitong inayos ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inilapag din nito ang pininyahang manok na siyang niluluto nito kanina.Napatulala si Karen sa mga nakahain sa hapagkainan. May tatlong side dishes na itong naihanda; steamed broccoli, crispy brussel sprouts, at spring salad mix, may nakahanda na rin itong kanin, at ang main menu nitong pininyahang manok. Bukod pa doon ay may nakahanda na ring freshly squeezed orange juice sa kanilang mga baso, may chocolate mousse pa for dessert.“Are you sure na tayong dalawa lang ang kakain?” hi
“Kikay halika na, punta na tayo doon sa may padulasan,” yakag ni Xander kay Kikay ng pinayagan na sila ng mga madre na maglaro sa labas.“Sige Kuya Xander, saglit lang at kukunin ko lang si Fluffy,’ sagot naman ni Kikay sa batang lalaki, sabay takbo papasok sa common room ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na iyon. Mga dalawampung bata ang puwedeng matulog sa loob ng kuwarto, magkahalo sa iisang silid ang mga batang babae at lalaki.Ang higaan ni Xander at Kikay ay nasa pinakasulok ng kuwartong iyon, malapit sa may banyo. Magkasunod ang kanilang mga katre, nasa dingding banda ang kay Kikay at ang katabi sa hilera nito ay ang kay Xander.Agad na kinuha ni Kikay ang lumang-lumang laruan na teddy bear na pinangalanan niyang Fluffy. Mahalaga sa kaniya ang laruang iyon dahil binigay iyon ni Xander. Bagama’t napulot lang ito ng batang lalaki sa may tambakan ng basura ay pinaka-iingatan niya ito dahil nag-iisa lang itong laruan niya at pinaghirapan pa itong ayusin ng Kuya Xander niya. N
Alex could now breathe freely, dahil wala na sa loob ng unit ni Karen ang mga unwanted visitors nila kanina. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang muling naramdaman ang matakot. He wasn’t afraid because of Augustus, but because of Karen’s reaction earlier.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babae kanina, but his instinct was telling him na may kinalaman si Augustus doon. He could see how he was eye f*cking his wife earlier. Hindi niya gusto ang pagka-bastos ng ugali nito, but he needed to be patient para sa kapakanan ng kaniyang asawa at ng ama nito. Augustus thought that he was just a simple business man, kaya ganoon na lang ang pambabastos nito sa kaniya ng harap-harapan. Mangani-ngani na nga niyang pagbuhatan ito ng kamay ng makita ang naging reaksiyon ni Karen kanina, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan pa rin niyang mag-timpi kahit na hindi niya na nagugustuhan ang mga titig nitong ipinupukol sa kaniyang asawa. Naikuyom niya ang kamao ng muling magbalik sa kani
*TRIGGER WARNING: Ang chapter na ito ay naglalaman ng maselang senaryo na maaring hindi kaaya-aya sa ibang mambabasa. Read at your own risk.*******She was only ten years old and still living in the orphanage. She was waiting for her Kuya Xander to come back for her. Pinanghawakan niya ang pangako ni Xander na babalikan siya nito. It was three years ago ng kuhanin ng mga totoong magulang nito ang kaniyang Kuya Xander. Matagal na pala itong hinahanap ng mga totoo nitong magulang, dahil nawalay ito sa kanila nuong panahong unang napadpad si Xander sa orphanage na kinalakihan niya.Kaya kahit na may mga taong gusto siyang kunin at ampunin ay hindi siya sumasama. Ang nasa isip niya noon ay kapag bumalik ang kaniyang Kuya Xander ay hindi siya nito mahahanap kung nasaan siya. Labis-labis ang kaniyang pagtanggi sa mga mag-asawang nagtatangkang umampon sa kaniya. Kahit ang mga madre sa bahay ampunan ay walang magawa at hindi siya mapilit ng mga ito na sumama sa mga pamilyang gusto siyang amp
“You are too beautiful in your dress. Which makes me think that you are making yourself extra beautiful for the man your father chose for you.” Hindi napigilan ni Alex na banggitin ng may diin ang mga katagang iyon sa babae.Tumaas ang isang kilay ni Karen ng dahil sa sinabi niya. Nagbukas-sara ang bibig nito pero ni walang katagang lumabas mula sa natural na mapula at manipis na labi nito. Seeing how her lips moved brings back the memories of the kiss we shared in the judicial room this morning. In just a mere thought of it, he felt a tingle in his stomach.Hindi na bago sa kaniya ang makipaghalikan. In fact, iba’t ibang babae na nga ang nakadaop ng labi niya. But he will admit that Karen’s lips were different. May kakaibang binubuhay na emosyon sa kaniya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. And now, just by staring at those lips ay muling ibinabalik nito ang alaalang naramdam niya kanina. He wanted to pull her right here, right now, and savor her lips once again. Malamyos na tuno
Habang nagbibihis ay napapailing na lang si Alex sa mga nangyari sa araw na iyon. This was suppose to be a special day, dahil minsan lang naman siya ikakasal. Kahit sabihin pang isang contractual marriage ang nangyari sa kanila ni Karen ay gusto niya rin namang ipakita sa babae na pinaghandaan pa rin niya iyon. Pero lahat ng pangyayari ay hindi sumasang-ayon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makuha ang kiliti ni Karen. Everything he was doing seemed futile. Gusto lang naman niyang iparamdam sa babae na kahit hindi makatotohanan ang relasyon nila ay kaya pa rin niya itong pahalagahan. Na hindi rin masama na matali ito sa kaniya. Walang divorce sa Pilipinas, kaya kahit pa sabihing contractual marriage ang naganap sa kanila ay hindi pa rin niya maiwasang isiping tinanggalan niya ng chance si Karen upang mahanap nito ang lalakeng magugustuhan nito, dahil legally binding ang kasal nila.“Why are you bothered so much by Karen?” galit na asik niya sa sarili. Ipinilig niya ang
“What?” gulilat na bulalas ni Karen, agad niyang hinagilap ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Pagkabukas na pagkabukas niya nito ay bumungad sa kaniya ang napakaraming missed calls at messages mula sa ama. Her mind went blank and she started to fidget, panic started to rise within her. She was about to open the messages with her trembling hand ng magsalita si Alex.“We don’t need to waste time anymore,” saad nito. “We better get going.” Napapiksi siya ng hawakan nito ang nanginginig niyang kamay. Iniangat niya ang tingin sa lalaki. Sinalubong naman nito ang tingin niya. He even dared to raked her body with his eyes. Naramdaman niya ang paggapang ng init sa kaniyang pisngi ng dahil sa ginawang paghagod ng tingin ng lalaki sa katawan niya. Biglang naglaho ang kabang kaniyang nadarama dahil sa ginawa ng lalaki. “Tsk!” palatak nito at bahagya pang napa-iling-iling.“Why?” nangungunot ang moong tanong niya sa lalaki. Pero sa halip na sumagot ito ay agad itong naglakad patungo sa apar
Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan pauwi sa apartment. Hindi alam ni Karen kung ikatutuwa ba niya ang pagbabago ng isip ni Alex o ano. Pero wala naman kasi sa usapan nila ang mga planong ginawa nito.Ilang saglit pa ay agad na nilang narating ang apartment. Agad na sumalubong sa kanila ang katiwalang si Tatay Ando, ito ang nagbukas ng gate sa kanila upang makapasok sa loob ng garahe ang sasakyan. “Congratulations sa inyong dalawa,” nakangiting bungad-bati ni Tatay Ando ng makababa na sila ni Alex sa sasakyan. “Napakaganda mo sa suot mong iyan, Karen, Iha,” baling-puri sa kaniya ng matanda.“Salamat po, ‘Tay.” Namumula ang pisnging pasasalamat ni Karen. Bagama’t nagtataka siya kung bakit parang hindi man lang yata ikinagulat ng matandang katiwala na ikinasal siya kay Alex.“Naku, Iha, walang inilihim sa akin si Sir Alex, halos ako na rin ang nagpalaki sa batang ito. Ipinaalam niya sa akin na kasal ninyo ngayon. Akala ko nga ay sa mga susunod na ara