Napa-nganga si Karen sa kanyang narinig, napailing-iling siya at nanlalaki ang mga mata habang pilit na itinatanggi ng kanyang utak ang sinambit sa kanya ng ama. Hindi agad tuluyang rumehistro sa kanya ang mga sinabi nito. Nang unti-unti nang nag-sink in sa kanya ang lahat ay biglang nanlamig ang pakiramdam niya. Halo-halong emosyon ang nagsalimbayan sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagbukas-sara ang kanyang bibig, ngunit wala man lang salitang umalpas mula sa kanyang labi.
Kulang na lang na mabingi siya sa lakas ng dagundong ng kanyang puso. Nagpa-lipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang, punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Pinaniniwala pa rin niya ang sarili na nakaringgan lang niya ang sinabi ng ama. Pilit pa rin niyang dine-deny sa sarili na hindi tama ang narinig niya. Hinahanap niya sa mga mata ng mga ito ang katotohanan sa salitang namutawi sa labi ng ama.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ina, umaasang pabubulaanan nito ang sinabi ng kanyang papa. But all her hopes died, when she looked at her mother and saw the truth in her eyes. Hindi siya matingnan ng matagal at diretso sa mata ng ina. Nang yumuko ito upang tuluyang iiwas sa kanya ang mga mata ay lalo ng gumuho ang mundo niya.
Ramdam ni Karen ang biglang pag-sikip ng dibdib, her breath hitched. Pakiramdam niya ay bigla siyang nahirapang huminga. She draws a deep breath, trying to calm her nerves. Her muscle was shaking, she was still trying to process everything, nang mapatingin siyang muli sa gawi ng ama. The emotionless feature of her father while staring at her, makes her realize that what he said was true, and that he was serious about it. He seemed relaxed for a person that bears the terrible news for Karen.
She clenched her teeth and bite the inside of her mouth, habang naka-titig sa ama na hindi man lang kababanaagan ng kahit na anong reaksyon sa mukha. Her face became red, at nag-igtingan ang ugat sa kanyang leeg sa pagpipigil ng galit na unti-unting nabubuhay sa puso niya.
“T-this isn’t true, right?” sa wakas ay may katagang namutawi sa labi niya. Hinawakan ni Karen ang kamay ng inang nakaupo sa silyang malapit sa kinauupuan niya. “Ma, please deny it, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Papa,” saad niya sa ina sa bahagyang gumaralgal na tinig. Her hands were cold, but her mom’s hands were even colder. Hindi man lang niya maramdaman ang assurance sa kamay ng ina.
“I-I’m sorry, anak,” sambit ng kanyang inang hindi pa rin makatingin ng diretso sa kanya. Her mother looked defeated, nanatili lang itong nakayuko at halos hindi niya marinig ang tinig nito. Iyon lang ang sinambit ng ina pero, those words makes her world crumble. Bumagsak ang kanyang balikat at dahan-dahan niyang binitawan ang hawak na kamay ng ina.
She backed away from her mother. Alam niyang walang magagawa ang ina sa sinabi ng kanyang ama. Nang dahil doon ay hindi niya mapigilan ang sariling mainis sa ina sa kawalan nito ng tinig sa bawat desisyon at ginagawa ng kanyang papa. Simula pa noon ay tanging sunod-sunuran lang ito sa kung ano ang gusto ng kanilang padre de pamilya. Wala itong lakas ng loob na ipaglaban ang sa kung ano ang tingin nito ay tama. Hindi alam ni Karen kung dahil sa sobrang mahal na mahal nito ang asawa, kaya lagi na lang itong nagbubulag-bulagan sa kung anumang kakulangan at kamalian ng kanyang ama.
Punong-puno ng dissappointment ang kanyang mga mata na inalis niya ang tingin sa ina. Her gaze fell at her father na komportableng nakaupo sa paborito nitong sofa. He was looking at them, na parang nanonood lang ito ng isang telenovela.
“Pa?” tawag niya sa ama. Her eyes and voice were pleading, she wanted him to deny everything he had told her.
“You can’t change my mind, Karen. Buo na ang desisyon ko. In a few minutes ay darating na dito si Augustus. I want you to be on your best behavior. Ayokong magkaroon siya ng rason upang tanggihan ka. He was the only way upang masolusyonan ang problemang kinakaharap natin ngayon,” seryosong saad sa kanya ng ama. Parang hindi man lang ito nagdalawang-isip sa mga sinabi nito. Hindi man lang ito natinag sa kinauupuan at nanatili lang nakatitig kay Karen ng walang kahit anong reaksyon. Minsan naiisip niya kung tao pa nga ba ang kanyang ama. Parang hindi man lang ito naapektuhan ng nangyayari sa paligid nito. Sometimes, she was wondering kung ano nga ba ang nagustuhan ng kanyang ina dito. He was a man without emotion, kaya hindi rin maiwasan ni Karen na isipin na kahit kailan ay hindi nito nagawang mahalin siya.
Her face fell, nang dahil sa sinabi ng kanyang ama. He didn’t fail to remind her that she was just a collateral damage. Kailangan siya nito upang mailigtas nito ang sarili sa kapahamakan. “H-How could you do this to me? I can’t do what you want me to do. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala! And worse is, dahil sa ipambabayad niyo ako sa utang na hindi ako ang may gawa!’ hindi na napigilan ni Karen ang emosyon na saad niya sa ama.
Naramdaman ni Karen ang biglang paghawak ng kanyang ina sa braso niya, pero hindi niya pinansin iyon. Bahagya pa nitong hinila ang manggas ng damit niya, upang pigilan sana siya. But Karen wasn’t minding her mother, masyado na siyang napuno sa ama. “This is your doing, Pa! How many times that I’ve told you na huminto na kayo sa pagsusugal, pero hindi kayo marunong makinig. Masyado na kayong na-addict sa pagsusugal. Now look at what you’ve done! Pagkatapos ano? Ako ang magsa-suffer ng lahat ng kagagawan mo? Anak ba ang turing mo talaga sa akin, Pa? How could you do this to me?!” hindi na napigilan ni Karen ang pagbugso ng kanyang damdamin. Her tears flowed like a stream in her eyes. Hindi na rin niya napigilan ang pagtaas ng kanyang tinig sa ama.
Whack! The sound of a slap that Karen’s received, ringed in her ear. She felt like she was going to be deaf because of it. Napabaling sa gilid ang kanyang mukha sa lakas ng impact na dulot ng pagsampal sa kanya ng ama.
“Elmer!” gulilat na bulalas ng kanyang ina. Napatayo ito sa upuan at napahawak bigla sa kamay ng kanyang amang dumapo sa pisngi niya. Her father’s hand was still trembling from the impact. Habang si Karen naman ay napahawak sa pisngi niyang dinapuan ng kamay ng ama. Her eyes were widening from the shock. HIndi siya makapaniwalang napag-buhatan siya nito ng kamay. He might not be a loving and doting father to her, pero ni minsan ay hindi nito nagawang pagbuhatan siya ng kamay.
“Y-You! Ungrateful brat! Simula ng tumuntong ka sa pamamahay ko ay wala kang narinig sa akin. Itinuring kitang anak, kahit na hindi kita kadugo alang-alang sa ikaliligaya ng mama mo. Walang ni isang tulo ng dugo ang dumadaloy diyan sa mga ugat mo na nakakonekta sa amin ng mama mo, pero binigyan ka pa rin namin ng magandang buhay. Hindi ka namin pinabayaan, binigyan ka namin ng magandang tahanan. Naging maayos ang buhay mo ngayon ng dahil sa aming mag-asawa. Tapos ano? Magmamalaki ka na sa amin? Sa akin? Kaya mo ng suwayin ang mga bagay na gusto naming mangyari sa iyo? Alalahanin mo, lahat ng kung ano ang meron ka ngayon ay ng dahil sa amin ng mama mo! Nang dahil sa negosyo ko kaya kahit papaano ay hindi ka lumaki sa bahay ampunan kung saan ka namin nakuha ng mama mo!” nanginginig ang mga kamay na saad sa kanya ng ama. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Kung wala lang marahil ang kanyang ina ay baka hindi lang isang beses siya nitong nasampal. Kung nakamamatay lang ang titig ay malamang nakabulagta na siya sa harapan ng mga ito dahil sa sobrang talim ng titig sa kanya ng ama.
“Isa lang ang hinihiling ko sa iyo, at panahon na upang gantihan mo ang lahat ng kabutihan namin sa iyo ng mama mo. Kung ayaw mong gawin ito para sa akin, ay gawin mo ito para sa mama mo! Kung may natitira ka pang pagmamahal sa kanya at tumatanaw ng utang na loob sa lahat ng nagawa namin sa iyo!” mariing saad sa kanya ng ama. Nanlalaki ang mga mata nito at halos mapigtas na ang mga litid nito sa leeg ng dahil sa galit sa kanya.
This is the first time na nakita ni Karen na nagalit ng sobra ang ama. Bagamat wala silang maayos na relasyon na dalawa ay kahit kailan hindi niya ito nakakitaan ng kahit na anumang reaksyon sa mga hidwaan nila. At aaminin man niya sa hindi ay nakaramdam siya ng takot sa galit na pinapakita ng ama.
“But you are asking for the impossible! You are asking for my freedom! Kung alam ko lang na ganito ang magiging kapalit ng pag-ampon niyo sa akin, sana hindi niyo na lang ako kinuha sa bahay ampunan!” bagamat nanginginig sa takot sa ama ay hindi pa rin napigilan ni Karen na ibulalas ang nararamdaman.
“Karen, anak. Please, bigyan mo ng chance na makilala mo si Augustus. Hindi ka naman ipapahamak ng ama mo, kilala niya ang taong pinili niya upang ipakasal sa iyo,” nagmamakaawa ang tinig ng kanyang ina na sumabat sa usapan nilang mag-ama.
Hindi makapaniwala sa narinig na napabaling ang tingin niya sa ina. Her mouth went wide and her tears flowed out once more. Napa-iling-iling siya at napa-atras palayo sa ina ng dahil sa sinabi nito.
“Mom, not you too?” hindi makapaniwalang sambit niya sa ina sa pagitan ng pag-hikbi. Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang mga labi, habang hindi pa rin makapaniwalang naka-titig sa kanyang ina.
“K-Karen, please do understand,” tumutulo na rin ang luhang saad sa kanya ng ina. Iniangat nito ang mga kamay at nagtangkang hawakan muli ang kamay niya, pero muli siyang umatras at umiwas sa ina. Nasa ganoon silang sitwasyon ng marinig nila ang tunog ng doorbell, kasunod noon ay pumasok ang nag-iisang kasambahay ng kanyang mga magulang sa may sala.
“Sir, narito na po sila Mister Augustus Maniego,” pahayag ng kasambahay.
“Ayusin mo ang sarili mo, Karen. Ayokong humarap ka kay Agustus na ganyan ang itsura mo!” mariing saad sa kanya ng ama, bago sila nito tinalikuran at humarap sa katulong. “Dalhin mo sila Augustus sa opisina ko,” utos nito sa katulong saka ito nagpati-una nang lumabas ng sala. Pero bago iyon ay muli itong lumingon sa kinaroroonan ni Karen at tiningnan siya ng matalim bago ito tuluyang tumalikod at nagpunta na sa kung saan naroon ang opisina nito.
Pagka-alis ng ama ay pabagsak na napa-upo na lang si Karen sa sofa. Pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya. Her minds were swirling, pilit siyang nag-iisip ng maari niyang gawin upang makaligtas sa gustong mangyari ng ama. Hindi siya makakapayag na magpakasal sa taong hindi niya kilala, at lalong-lalo na sa taong pinagkaka-utangan ng kanyang ama.
“K-Karen, anak,” marahang sambit sa kanya ng ina.
Napatingin siya sa gawi nito, “Paano niyo nagawa sa akin ito, Ma,” punong-puno ng hinanakit na saad niya sa ina.
“A-anak, ngayon lang ako hihiling sa iyo. Tulungan mo ang, Papa mo. Ikaw lang ang makakatulong sa kanya sa panahong ito. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin ang papa mo. Anak, masakit man sa akin na hilingin ko ang kalayaan mo, pero hihilingin ko pa rin. Alam kong unfair ako sayo sa mga oras na ito, pero hindi ko makakayang mawala sa akin ang ama mo. Magpa-kasal ka na kay Augustus, anak. Ang pagpapa-kasal mo sa kanya ang tanging makakapag-ligtas ng buhay ng iyong ama sa kapahamakan. Tatanawin kong napakalaking utang na loob sa iyo ito, anak. Please,” humahagulgol na saad sa kanya ng ina. Lumuhod pa ito sa harapan niya habang nakahawak sa mga kamay niya, habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.
Ibinaling ni Karen ang mukha sa ibang direksyon. Hindi niya kayang tingnan ang nagmamaka-awang mukha ng kanyang ina. She silently cursed her father into her mind, pero hindi niya rin magawang tanggihan ang ina.
“You need to think of something, Karen. Matalino ka, madiskarte, kailangan mong gumawa ng paraan upang maka-alis kayo sa sitwasyong ito,” saad niya sa isipan. Kahit na sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata, ay pilit niyang pina-andar ang isipan upang mag-isip kung paano lulusutan ang gulong nilikha ng kanyang ama sa buhay niya.Hindi alam ni Karen kung paano siya naka-alis sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa pamamahay na iyon. Feeling niya ay mas makakahinga siya ng maluwag kapag tuluyan na siyang napalayo sa lugar na iyon.The scene of the past event flashed in her mind…******Nakayuko lang si Karen habang nakasunod sa likuran ng ina. Nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng kanyang ama ay tahimik siyang sumunod. Hindi siya nagtangkang iangat ang paningin upang tingnan kung sino-sino ang mga taong nasa loob. Wala siyang imik na pumwesto sa tabi ng ina nang huminto ito sa isang side ng opisina. “Ah, here they are. The two lovely women of my life,” narinig ni Karen na sambit ng kanyang ama. “Maupo ka, dear,” malambing na saad ng kanyang ama sa kanyang Mama Emilia.“Good afternoon,” bati ng kanyang ina sa mga taong nandoon, dinig ni Karen ang pagpipilit nitong pasiglahin ang tinig. Pero hindi man lang ito sumunod sa sinabi nang kanyang Papa Elmer na mau
'Hi! We met again, Neighbor…’ napapa-iling na lang si Alex habang naalala ang nangyari ng nakasalubong niya ang babaeng nakatira sa kabilang unit ng apartment niya. ‘Hi! We met again, Neighbor. Damn, Alex! Ang lame ng opening line mo. Kaya hindi mo nakuha ang interes ni Miss Cutie,’ kantyaw ni Alex sa sarili habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Aaminin niyang hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang maliit ngunit maganda niyang kapitbahay. Kagabi pa nito ginugulo ang utak niya, at hindi niya ikinatutuwa ang kakaibang damdamin na pinupukaw nito sa kanya. ‘You are the great Alexander Jones. You can get any woman that you will lay your eyes on. Bakit mo ba pinagaaksayahan ng oras kaiisip ang babaeng wala namang interes sa‘yo?’ sita pa niya sa sarili sa isipan.Humigit siya ng isang malalim na buntung-hininga saka pilit na itinuon ang atensyon sa trabaho. Binuksan niya ang computer na nasa kanyang harapan at saka pilit na inabala ang sarili na basahin ang mga email n
“What happened?” tanong ni Alex sa kanyang sous chef na si Amanda ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina.“There’s a problem in the kitchen, na-compromise ang hinahanda nating bagong recipe para sa ila-launch nating bagong product para sa restaurant,” bagamat mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito ay hindi naman kakikitaan ng pagkawala ng composure sa sarili ang sous chef.“What do you mean?” nangungunot ang noong tanong niya dito. Matagal na niyang pinagkakatiwalaan sa trabaho ang babae. Hindi na ito baguhan sa kanilang field. Simula yata nung nag-uumpisa pa lang siyang palaguin ang kanyang negosyo dito sa bansa ay kasama na niya ito. Kaklase niya si Amanda sa culinary school na pinasukan niya sa Ireland. Galing din ito sa kilalang angkan sa Pilipinas. Naging malapit silang magka-ibigan. Kung tutuusin ay kaya naman nitong magtayo ng sarili nitong restaurant, pero sa hindi niya malamang dahilan ay mas pinili nitong maging assistant niya at alalayan siya sa pagpapalago ng kanyang
Nang marating ni Karen ang kaniyang apartment ay agad niyang kinuwenta ang lahat ng assets na mayroon siya. Bago siya pumunta sa bahay ng magulang ay nagpaalam muna siya sa kaniyang boss na hindi siya makakapasok ngayon. Mukhang naunawaan naman siya nito, dahil sa hinaba-haba ng panunungkulan niya sa kompanya nito ay madalang lang naman siyang um-absent. Mabuti na lang talaga at nagpaalam siya ng maayos, dahil hindi rin pala siya makakapasok kagaya ng binabalak niya kaninang bago siya umuwi sa bahay ng mga magulang.At ngayon nga ay heto siya, nakaharap sa mga papeles na nakalista ang lahat ng ari-arian na naipundar niya simula ng mag-trabaho siya. Napasabunot na lang sa buhok niya si Karen sa sobrang frustration na nararamdaman. Kahit na anong ulit niyang pag-kwenta sa lahat ng assets na mayroon siya ay alam niyang hindi pa rin iyon sasapat upang mabayaran niya ng buo kasama na ang interes ng utang ng kanyang ama kay Augustus.“Argh!” hindi niya napigilang mapasigaw. Pabalang siyang
“Is there something wrong here?” tanong ng isang baritonong tinig na nanggagaling sa likuran ni Karen. “I-I am sorry, Sir. T-there’s nothing wrong,” nauutal na sagot ni Ronnie sa lalaking may-ari ng baritonong boses. Kitang-kita ni Karen ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng waiter, naging parang maamong tupa ito. Nawala ang malisya sa mga mata nito na kanina lang ay kitang-kita ni Karen. She knew that he was just flirting with her, pero dahil sa iniisip na problema ay maiksi ang pisi ng pasensiya niya ngayon.“I will go now, Ma’am. Just let me know kung may nagustuhan na ho kayo sa menu at o-order na ho kayo,” baling ni Ronnie sa kaniya, biglang-bigla ay naging magalang itong manalita. Yumukod pa ito sa lalaki na nasa likuran niya bago tuluyang tumalikod at umalis sa harapan niya.Napabuga ng marahan si Karen nang tuluyan ng makaalis ang waiter. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng umalis si Ronnie sa harapan niya. ‘I think kailangan kong kausapin d
“Hey man, what happened?” tanong kay Alex ng kaibigan niyang si Jacob. Agad itong lumapit sa kaniya ng makaalis na ang kan’yang kapitbahay.Bahagya niyang pinilig ang ulo at hinawakan ang pisnging tinamaan ng palad nito. Hindi naman ganoon kasakit ang pagsampal nito sa kanya. Ang mas iniinda niya ang pagkasaling ng ego niya dahil sa sinabi nito.“Hindi ba siya yung cute na kapitbahay mo? Anong nangyari?” pangungulit na tanong sa kaniya ng kaibigan.“Nothing,” matipid na sagot ni Alex sa kaibigan, sabay tayo niya sa kinauupuan. “I’m sorry for the scene. Don’t bother with us, it’s just a misunderstanding between me and my girlfriend. Please do continue eating. Enjoy the party everyone,” malakas na pahayag niya sa mga taong naka-tingin sa gawi nila, pinagkit niya ang matamis na ngiti sa labi upang pawiin ang tensyon na namayani sa paligid.Pagkatapos niyang magsalita ay agad na pumaimbabaw ang masayang tugtugin na nagmumula sa isang sikat na banda na inarkila niya para sa gabing iyon. Th
Habang hinihintay ni Karen na kumulo ang mainit na tubig na nakasalang sa electric heater ay maya’t maya ang kan’yang pagbuntong-hininga. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na siya, o mas tamang sabihin na halos hindi rin naman siya naka-tulog. She couldn’t sleep a wink. Maraming mga bagay ang nagsasalimbayan sa kan’yang isipan, at ang mas lalong hindi nakapag-patulog sa kaniya ay ang pinag-usapan nila kagabi nang kapitbahay niyang si Alex. Muling dumaloy sa kan’yang isipan ang mga nangyari sa pagitan nila kagabi.******“Marry me instead.” Ikinagulat pa nilang pareho ni Jessica ang biglang pagsulpot ni Alex mula sa kung saan. Noong una ay hindi agad nagrehistro sa utak niya ang sinabi nito. Nang unti-unting nag-sink in sa kan’yang utak ang katagang namutawi sa labi nito ay napa-kunot ang noong napatulala na lang siya sa lalaki. “Good evening, Boss Chef,” bati ni Jessica sa lalaki. Ito ang unang nakabawi sa pagkagulat sa kanilang dalawa. Nang marinig niya ang boses ng kaibigan
Isang malamyos na tunog ng wind chime ang siyang bumalot sa kabuuan ng unit ni Karen. Ikinagulat pa nilang dalawa ni Jessica ang pag-tunog nito. Nagka-tinginan silang mag-kaibigan, parehong may mga tanong sa kanilang mga mata.“May ini-expect ka bang darating ngayon, Bestie?” agad na tanong sa kan’ya ni Jessica, ito ang unang nakabawi sa pakagulat sa kanilang dalawa. Nasa may kitchen counter pa rin ito at hinihintay na uminit ang ginagawa nitong sandwich sa toaster. Agad namang umiling si Karen bilang tugon sa tanong ng kaibigan. Magsasalita pa sana siya ng muling pumaimbabaw ang tunog ng wind chime, dahilan upang hindi niya maituloy ang sasabihin.“Sino kaya ang pupunta dito ngayon sa bahay nang ganito kaaga?” tanong niya sa isipan. Bahagya niyang sinulyapan ang relong nakasabit sa dingding na may malapit sa sala. Mag-aalas siyete pa lang ng umaga. Patayo na siya ng maramdaman niya ang kamay ni Jessica sa kan’yang balikat, at pinigilan ang akma niyang pag-tayo.“Ako na. Pumasok ka na
Biling-baligtad si Karen sa higaan, kanina pa siya nakahiga pero kahit na anong posisyon ang gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binuksan niya ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama, napatingin siya sa alarm. Mag-a-alas diyes na ng gabi. Napapalatak siya at pabuntong-hiningang hinatak ang kumot sabay talukbong hanggang ulo.“Matulog ka na, Karen,” mahinang anas niya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “One, two, three…” pagbibilang niya ng tupa sa isipan. Nakarating na siya sa bilang na mahigit isang daan ay walang antok na dumadalaw sa kaniya. “Can’t sleep?” mahinang anas ng baritonong tinig na nakapagpapiksi sa kaniya. Inilabas niya ang ulo sa kumot at ibinaba iyon hanggang sa kaniyang leeg. “I-I am sorry, did I wake you?” tanong niya sa lalaki, hindi niya tinangkang lumingon sa gawi nito. Wala itong kagalaw-galaw sa tabi niya, kaya inakala niyang tulog na ito.“You didn’t, I can't sleep either,” kaswal na sagot nito sa kaniya, saka marahan itong kumilos. Nahigi
“Is there something wrong with preparing my wife’s meal?” he asked, elaborating on the word ‘wife.’Karen was speechless, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Technically, he was correct. There was nothing wrong with him preparing a meal for both of them. After all, they became husband and wife this morning.“Why don’t you just take a seat so we could eat,” sambit nito sa kaniya. Hindi na nito pinansin ang pag-a-alinlangan niya. Sa halip ay agad nitong inayos ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inilapag din nito ang pininyahang manok na siyang niluluto nito kanina.Napatulala si Karen sa mga nakahain sa hapagkainan. May tatlong side dishes na itong naihanda; steamed broccoli, crispy brussel sprouts, at spring salad mix, may nakahanda na rin itong kanin, at ang main menu nitong pininyahang manok. Bukod pa doon ay may nakahanda na ring freshly squeezed orange juice sa kanilang mga baso, may chocolate mousse pa for dessert.“Are you sure na tayong dalawa lang ang kakain?” hi
“Kikay halika na, punta na tayo doon sa may padulasan,” yakag ni Xander kay Kikay ng pinayagan na sila ng mga madre na maglaro sa labas.“Sige Kuya Xander, saglit lang at kukunin ko lang si Fluffy,’ sagot naman ni Kikay sa batang lalaki, sabay takbo papasok sa common room ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na iyon. Mga dalawampung bata ang puwedeng matulog sa loob ng kuwarto, magkahalo sa iisang silid ang mga batang babae at lalaki.Ang higaan ni Xander at Kikay ay nasa pinakasulok ng kuwartong iyon, malapit sa may banyo. Magkasunod ang kanilang mga katre, nasa dingding banda ang kay Kikay at ang katabi sa hilera nito ay ang kay Xander.Agad na kinuha ni Kikay ang lumang-lumang laruan na teddy bear na pinangalanan niyang Fluffy. Mahalaga sa kaniya ang laruang iyon dahil binigay iyon ni Xander. Bagama’t napulot lang ito ng batang lalaki sa may tambakan ng basura ay pinaka-iingatan niya ito dahil nag-iisa lang itong laruan niya at pinaghirapan pa itong ayusin ng Kuya Xander niya. N
Alex could now breathe freely, dahil wala na sa loob ng unit ni Karen ang mga unwanted visitors nila kanina. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang muling naramdaman ang matakot. He wasn’t afraid because of Augustus, but because of Karen’s reaction earlier.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babae kanina, but his instinct was telling him na may kinalaman si Augustus doon. He could see how he was eye f*cking his wife earlier. Hindi niya gusto ang pagka-bastos ng ugali nito, but he needed to be patient para sa kapakanan ng kaniyang asawa at ng ama nito. Augustus thought that he was just a simple business man, kaya ganoon na lang ang pambabastos nito sa kaniya ng harap-harapan. Mangani-ngani na nga niyang pagbuhatan ito ng kamay ng makita ang naging reaksiyon ni Karen kanina, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan pa rin niyang mag-timpi kahit na hindi niya na nagugustuhan ang mga titig nitong ipinupukol sa kaniyang asawa. Naikuyom niya ang kamao ng muling magbalik sa kani
*TRIGGER WARNING: Ang chapter na ito ay naglalaman ng maselang senaryo na maaring hindi kaaya-aya sa ibang mambabasa. Read at your own risk.*******She was only ten years old and still living in the orphanage. She was waiting for her Kuya Xander to come back for her. Pinanghawakan niya ang pangako ni Xander na babalikan siya nito. It was three years ago ng kuhanin ng mga totoong magulang nito ang kaniyang Kuya Xander. Matagal na pala itong hinahanap ng mga totoo nitong magulang, dahil nawalay ito sa kanila nuong panahong unang napadpad si Xander sa orphanage na kinalakihan niya.Kaya kahit na may mga taong gusto siyang kunin at ampunin ay hindi siya sumasama. Ang nasa isip niya noon ay kapag bumalik ang kaniyang Kuya Xander ay hindi siya nito mahahanap kung nasaan siya. Labis-labis ang kaniyang pagtanggi sa mga mag-asawang nagtatangkang umampon sa kaniya. Kahit ang mga madre sa bahay ampunan ay walang magawa at hindi siya mapilit ng mga ito na sumama sa mga pamilyang gusto siyang amp
“You are too beautiful in your dress. Which makes me think that you are making yourself extra beautiful for the man your father chose for you.” Hindi napigilan ni Alex na banggitin ng may diin ang mga katagang iyon sa babae.Tumaas ang isang kilay ni Karen ng dahil sa sinabi niya. Nagbukas-sara ang bibig nito pero ni walang katagang lumabas mula sa natural na mapula at manipis na labi nito. Seeing how her lips moved brings back the memories of the kiss we shared in the judicial room this morning. In just a mere thought of it, he felt a tingle in his stomach.Hindi na bago sa kaniya ang makipaghalikan. In fact, iba’t ibang babae na nga ang nakadaop ng labi niya. But he will admit that Karen’s lips were different. May kakaibang binubuhay na emosyon sa kaniya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. And now, just by staring at those lips ay muling ibinabalik nito ang alaalang naramdam niya kanina. He wanted to pull her right here, right now, and savor her lips once again. Malamyos na tuno
Habang nagbibihis ay napapailing na lang si Alex sa mga nangyari sa araw na iyon. This was suppose to be a special day, dahil minsan lang naman siya ikakasal. Kahit sabihin pang isang contractual marriage ang nangyari sa kanila ni Karen ay gusto niya rin namang ipakita sa babae na pinaghandaan pa rin niya iyon. Pero lahat ng pangyayari ay hindi sumasang-ayon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makuha ang kiliti ni Karen. Everything he was doing seemed futile. Gusto lang naman niyang iparamdam sa babae na kahit hindi makatotohanan ang relasyon nila ay kaya pa rin niya itong pahalagahan. Na hindi rin masama na matali ito sa kaniya. Walang divorce sa Pilipinas, kaya kahit pa sabihing contractual marriage ang naganap sa kanila ay hindi pa rin niya maiwasang isiping tinanggalan niya ng chance si Karen upang mahanap nito ang lalakeng magugustuhan nito, dahil legally binding ang kasal nila.“Why are you bothered so much by Karen?” galit na asik niya sa sarili. Ipinilig niya ang
“What?” gulilat na bulalas ni Karen, agad niyang hinagilap ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Pagkabukas na pagkabukas niya nito ay bumungad sa kaniya ang napakaraming missed calls at messages mula sa ama. Her mind went blank and she started to fidget, panic started to rise within her. She was about to open the messages with her trembling hand ng magsalita si Alex.“We don’t need to waste time anymore,” saad nito. “We better get going.” Napapiksi siya ng hawakan nito ang nanginginig niyang kamay. Iniangat niya ang tingin sa lalaki. Sinalubong naman nito ang tingin niya. He even dared to raked her body with his eyes. Naramdaman niya ang paggapang ng init sa kaniyang pisngi ng dahil sa ginawang paghagod ng tingin ng lalaki sa katawan niya. Biglang naglaho ang kabang kaniyang nadarama dahil sa ginawa ng lalaki. “Tsk!” palatak nito at bahagya pang napa-iling-iling.“Why?” nangungunot ang moong tanong niya sa lalaki. Pero sa halip na sumagot ito ay agad itong naglakad patungo sa apar
Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan pauwi sa apartment. Hindi alam ni Karen kung ikatutuwa ba niya ang pagbabago ng isip ni Alex o ano. Pero wala naman kasi sa usapan nila ang mga planong ginawa nito.Ilang saglit pa ay agad na nilang narating ang apartment. Agad na sumalubong sa kanila ang katiwalang si Tatay Ando, ito ang nagbukas ng gate sa kanila upang makapasok sa loob ng garahe ang sasakyan. “Congratulations sa inyong dalawa,” nakangiting bungad-bati ni Tatay Ando ng makababa na sila ni Alex sa sasakyan. “Napakaganda mo sa suot mong iyan, Karen, Iha,” baling-puri sa kaniya ng matanda.“Salamat po, ‘Tay.” Namumula ang pisnging pasasalamat ni Karen. Bagama’t nagtataka siya kung bakit parang hindi man lang yata ikinagulat ng matandang katiwala na ikinasal siya kay Alex.“Naku, Iha, walang inilihim sa akin si Sir Alex, halos ako na rin ang nagpalaki sa batang ito. Ipinaalam niya sa akin na kasal ninyo ngayon. Akala ko nga ay sa mga susunod na ara