Nagising si Alex sa pakiramdam na hindi siya nag-iisa sa loob ng kanyang bahay. Bahagya siyang gumalaw upang tumingin sana sa orasan ng kanyang cellphone nang maramdaman niyang may mga kamay at paa na nakayapos sa kanyang katawan.
Pupungas-pungas na iminulat niya ang mga mata. Bahagya siyang napabuga ng hangin ng ma-realize na naka-tulog pala siya sa sala, at hindi siya nag-iisa. Sinilip niya ang nagmamay-ari ng mga kamay at paa na nakagapos sa kanya sa ilalim ng comforter na nakatabing sa katawan nila.
Kumunot ang kanyang noo ng makita ang isang hubad na katawan ng isang babae na kaulayaw niya sa ilalim ng comforter. Halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan na sa kanya. “Kaya pala parang napakabigat ng katawan ko,” saad niya sa isipan. Ramdam niya ang epekto sa kanyang katawan ang sanhi ng hindi niya pagiging komportable sa pagtulog.
Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari kagabi, hindi nga pala umuwi si Mona matapos ang engkwentro nila sa babaeng maliit kaninang madaling araw. Muli nga pala niyang pinagsawaan kagabi ang laspag ng katawan ni Mona, dahil sa hindi niya malamang dahilan ay para siyang muling inatake ng libog ng dahil sa maliit at mataray na babae kagabi. Aaminin niyang kahit si Mona ang ka-s*x niya kagabi ay ini-imagine niya na ang babaeng maliit ang siyang kaulayaw niya.
Hindi niya maiwasan ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi habang naalala ang napakagandang mukha na bumagay sa napakaliit na katawan ng kanyang kapitbahay. Kahit na nagtataray ito kagabi ay hindi pa rin naitago sa kanyang paningin ang angkin nitong kagandahan. Mukhang nakadagdag yata sa charisma nito ang pagtataray nito kagabi dahil napukaw nito ang kanyang atensyon. Ewan ba niya, pero kakaiba ang dating nito sa kanya. Hindi siya basta-bastang humahanga sa isang babae, pero ang babaeng maliit kagabi ay kakaibang hatak sa kanya. Dagdagan pang hindi man lang yata ito natinag sa angkin niyang alindog. She wasn’t like any other girls that was drooling over him kapag nakita siya.
“Alexander, mukhang tinamaan ka yata sa masungit na babaeng maliit ah,” kantyaw niya sa sarili sa isipan. “Aba! Halos wala na nga akong maitago sa kanya kaninang madaling-araw, pero parang walang epekto sa kanya ang mala-adonis kong kakisigan,” dagdag saad pa niya sa sarili, habang binubuhat ang sariling bangko.
Napapa-iling na napapangiti na lang siya sa naiisip. Bumangon siya mula sa kinahi-higaan at walang ingat na tinanggal ang pagkaka-yapos sa kanya ni Mona. Nang dahil doon ay ikinagulat nito ang kanyang paggalaw, kaya naman pupungas-pungas na nagising ito. Agad niyang hinagilap ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras, it’s already past ten in the morning. “I need to get going,” saad niya sa isipan. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin ang babaeng nakahiga pa rin sa sofa at iritable ng nakatingin sa kanya. Akma na siyang tatayo upang gumayak para magtungo sa kanyang opisina ng magsalita si Mona.
“Babe, what are you doing?” saad nito sa kanya na bahagyang may pagka-irita pa ang tinig. Bahagya lang nitong inilabas ang ulo sa kumot na nakatabing sa hubad pang katawan nito habang nakatingin ng matalim sa kanya. Hindi niya na sana ito papansinin pero dahil sa kakaibang tono ng pananalita nito ay sumulyap siya sa gawi nito.
Hindi niya maiwasan ang bahagyang pagtaas ng isa niyang kilay ng makita ang nakasimangot nitong mukha at ang dissaproval nito sa pag-alis niya ng bigla sa tabi nito. “It’s morning, you should get going now,” walang emosyon na saad niya sa babae, saka tuluyan na siyang tumayo mula sa sofang kinahihigaan nila. Kumunot ang noo ng babae ng dahil sa sinabi niya, sinundan nito ng matalim na tingin ang bawat galaw niya, habang nagsusuot siya ng boxer short na pinulot niya sa sahig.
“What do you mean?” iritableng saad nito. Itinapis nito ang kumot sa hubad na katawan at umayos ng upo sa sofa kung saan sila nakatulog na dalawa.
“Are you deaf, I said you can get up and prepare yourself to leave,” muling saad ni Alex sa babae. Hindi niya ugaling magpa-tagal ng babae sa apartment niya. Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na damit sa sahig at saka nag-lakad na patungo sa banyo. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang pakialam sa kung ano ang mararamdaman nito, hindi na siya nag-abalang sumulyap pa sa gawi nito. Tanging nasa isip niya ay ang umalis na ito sa apartment niya. Her usefullness to him was already expired, overdue na nga ang pag-stay nito sa apartment niya because he slept in.
“Just like that, after everything that had happened to us last night, you will just throw me out?!” saad ni Mona sa kanya na lalong tuminis ang dati ng matinis nitong boses. Narindi ang tenga ni Alex sa boses ng babae. Dahil doon ay napahinto siya sa pagpasok ng banyo.
Unti-unti siyang muling lumingon sa kinaroroonan ng babae. His gaze was cold and he was emanating a deadly aura, “Why? Are you expecting more?” walang emosyong tanong niya sa babae. He saw her flinched under his cold gaze, but he didn’t care. Hindi siya palapatol sa babae pero wala rin siyang pasensiya pagdating sa kaartehan ng mga ito. They were all just his flings, parausan lang niya ang mga ito. He was generous enough to offer them his body for free. Minsan kapag nasa mood pa siya at natuwa siya sa performance ng babaeng naka-s*x niya ay binibigyan pa niya ang mga ito ng reward. But Mona was one of those woman who was acting like his girlfriend, pagkatapos ng isang gabing pakikipag-s*x sa kanya. She was starting to cling to him, and iyon ang pinaka-ayaw na ayaw niya sa lahat. Now that he saw the woman in the light, saka niya lang na-realize na hindi naman ito kagandahan. Maputi lang ito at maganda ang pangangatawan, pero kung titingnang maigi ay nakakasawa itong pagmasdan. With the smudge of make-up on her face, lalo siyang nasura sa pagmumukha nito.
“D*mn you, Alex! Matapos ng lahat ng mga nangyari sa atin kagabi? Now are you going to asks me to leave just like that?” nanggagalaiting saad nito sa kanya. Her nose was flaring and her face was beet red because of shame or anger.
Alex just scoffed at Mona’s reaction, ang dati ng malamig na tingin na pinupukol niya dito ay lalo pang lumamig. “You have five minutes to prepare and fix yourself before leaving my house. Gusto ko paglabas ko ng banyo ay wala ka na. Make sure na hindi na kita malalabasan dito or else, mas lalong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo kapag naabutan pa kita dito,” saad niya kay Mona in a cold tone. His gaze was cold and threatening, added by the coldness in his voice, and the lack of emotion in his demeanor, halos makita niyang nanginig ang babae sa takot. Pagkasabi niya noon ay tinalikuran na niya ito at saka tuluyan ng pumasok ng banyo upang maligo. He heard her cursing him under her breath while she scrambled to get up and fixed herself, then after a few seconds he heard a loud bang from his front door.
Nakahinga ng maluwag si Alex ng marinig ang paglapat ng pinto, kahit na sobrang lakas iyong binagsak ng babae. He doesn’t care kung ano pa ang gagawin nito sa mga susunod na araw. Sanay na siya sa mga babaeng katulad ni Mona. He needed to contact his lawyer para ayusin ang gulong alam niyang lilikhain ng babae. This isn’t the first time na nangyari sa kanya ito. Sometimes, he wondered kung bakit ba kasi hindi niya magawang mag-stick sa iisang babae. May time na gusto niya na ring mag-settle down at huwag ng bigyan ng sakit ng ulo ang kanyang mga magulang, but when he encountered a lady like Mona, hindi niya maisip na he will spend his entire life with that kind of girl.
“What about the cute lady at the other unit?” kapagdaka ay saad ng kabilang side ng isip niya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng maisip ang babae sa kabilang unit. “She was definitely out of my league. Kakaiba siya sa mga babaeng nakakasalamuha ko sa bar,” dagdag saad pa niya sa isipan. Pinilig niya ang isip upang tanggalin ang babae sa isipan, alam niyang hindi niya magagawang maangkin ang babaeng katulad ng kanyang kapitbahay. She seemed pure and innocent, hindi ito nababagay sa lalaking katulad niya. She deserved better than him.
Alex started his day, pilit niyang tinatanggal sa isipan ang maliit na babaeng kapitbahay. He needed to focus his attention sa pag-aayos ng mga negosyo niya, lalo na at kababalik niya lang ng bansa. Nang paglabas niya ng banyo ay inikot niya ang mga mata upang tiyakin na wala na nga doon si Mona. Napatango-tango siya ng masiguro na wala na nga ito.
Saktong nakapag-bihis na siya at naghahanda na upang umalis at pumunta sa kanyang opisina ng tumunog ang kanyang cellphone.
“Hello,” sinagot niya ang tumatawag ng hindi tinitingnan kung sino ang nasa caller I.D.
“Alexander, bro!” excited na boses ang sumagot sa kanya sa kabilang linya.
“Jacob?” tanong niya sa lalaki sa kabilang linya. Inipit niya sa pagitan ng kanyang balikat at tenga ang cellphone habang hinahagilap sa bag niya ang bluetooth headset niya.
“I am glad at kilala mo pa rin ang boses ko, hindi ka man lang nagpa-alam na narito ka na pala sa Pilipinas. Kung hindi ka nakita ng isang kaibigan ko sa bar, hindi ko pa malalaman,” may himig na hinampo na saad sa kanya ng kaibigan.
“I was busy preparing for a launch of my new resto bar,” tipid niyang sagot dito. Si Jacob ay isa sa mga kaibigan niyang nakilala sa Italy, noong naghahanap siya ng iba pang recipe na pwede niyang idagdag sa menu ng kanyang mga restaurant. Isa itong barista doon, umuwi ito sa Pilipinas upang magtayo ng sarili nitong bar. Hindi nga siya nagpakita dito sa bar nito dahil alam niyang ikakalat nito sa buong tropa niya na nasa bansa na siya. He wasn’t ready to mingle with them yet. Kailangan niya munang maasikaso ang lahat ng dapat niyang ayusin sa kanyang mga negosyo. Dahil kapag nakasama niya ang mga ito ay malamang puro party na naman ang pupuntahan niya. It wasn’t that he was complaining though, pero lately ay parang tinatamad na siya sa paulit-ulit na takbo ng kanyang buhay, party doon at party dito. It was helping his business too, pero hindi niya na ma-feel ang saya na dala ng mga party na ina-aattendan niya.
“I was near your place now. In five minutes I’ll be there. Let’s catch up,” kapagdaka ay saad nito sa kanya.
Hindi maiwasan ni Alex na mapabuga ng hangin ng dahil sa sinabi ng kaibigan. Knowing Jacob, he wouldn’t accept no for an answer. Tinanggal niya ang pagkaka-ipit ng cellphone sa pagitan ng kanyang balikat at tenga saka ikinonek dito ang bluetooth headset. Nilagay niya na sa kanyang bulsa ang cellphone ng maayos niya ng nakonek ang headset.
He went out of his apartment unit, “Saan ka na ba banda?” tanong niya sa kaibigan, habang nila-lock niya ang kanyang unit.
“I’m here already at the gate,” sagot naman nito sa kanya. Nang dahil sa sinabi nito ay napa-tingin siya sa gawi ng gate. True to his word, nandoon na nga ang damuho at naka-parada sa tapat mismo ng gate ang sasakyan nito. Kumaway pa ito sa kanya ng makita nitong naka-tingin na siya sa gawi nito.
“If you don’t know, you are blocking the driveway,” saad niya sa kaibigan, sa headset niya. Hindi pa rin naman nito binababa ang tawag.
“Who cares, I can pay the owner for my illegal parking,” may pagmamayabang pang saad nito sa kanya, habang naka-ngisi ito ng nakakaloko.
Napailing-iling na lang siya sa sinabi ng kaibigan, kahit kailan talaga ay hindi nawawala sa katawan nito ang kayabangan. Pero kahit naman na ganoon iyon ay nagkaka-sundo naman silang dalawa.
Saktong malapit na siya sa gate ng makita niyang bumukas ang pinto ng katabing unit niya. Nahigit niya ang hininga ng lumabas mula roon ang babaeng laman ng isip niya mula pa kagabi. Hindi niya maiwasang titigan itong muli, mula ulo hanggang paa. Katulad kagabi ay muli na naman siyang natulala sa ganda ng babae. Hindi siya namamalikmata lang kagabi. Maliit lang na babae ito pero she has curves at the right places. Bumagay ang wavy hair nito na shoulder length sa heart shaped nitong mukha. Her face was angelic na animo isa itong anghel na ibinaba sa lupa. He felt that his heart was thumping loudly at his chests just the meer sight of her. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng puso niya dito, walang sinumang babae ang nakapagpakabog ng sobra nito. She was the first.
She seemed oblivious of him, dahil pagkatapos nitong i-lock ang pinto ay busy na itong nagta-type sa cellphone nito at hindi man lang tumitingin sa dinadaanan. Malaya niyang napagmasdan ang kabuuan nito. Her face was void of any make-up except maybe for a lip gloss, that’s makes her lips kissable. “D*mn! She was so hot, that I wanted to kiss those lips until it was swollen and make her moan my name with those lips!” saad ng kanyang isipan. Ipinilig ni Alex ang ulo upang iwaglit ang tumatakbo sa kanyang utak.
She was so busy at her phone, at hindi man lang nito tinitingnan ang dinadaanan. When Alex saw that she was about to bump into him, ay hindi man lang siya umilag. Napa-ngiti siya ng tumama ang noo nito sa kanyang dibdib. Nang dahil doon ay naamoy niya ang mabangong shampoo na ginamit nito, na humalo sa pabango ng dalaga. Her scent intoxicated him, ganun na lang ang pagpipigil niya ng sariling yapusin ito at kuyumusin ng halik. “She is out of your league, Alexander,” pagpapa-alala niya sa sarili.
Nang unti-unting umangat ang ulo nito, at tumingala sa kanya, ay lalong nagwala sa pagdagundong ang puso niya. When her eyes met his, he gave her his sexiest smile that he knew could swoon every woman that he met, then he uttered in his sexiest voice, “Hi! We met again, Neighbor.”
Napa-nganga si Karen sa kanyang narinig, napailing-iling siya at nanlalaki ang mga mata habang pilit na itinatanggi ng kanyang utak ang sinambit sa kanya ng ama. Hindi agad tuluyang rumehistro sa kanya ang mga sinabi nito. Nang unti-unti nang nag-sink in sa kanya ang lahat ay biglang nanlamig ang pakiramdam niya. Halo-halong emosyon ang nagsalimbayan sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagbukas-sara ang kanyang bibig, ngunit wala man lang salitang umalpas mula sa kanyang labi. Kulang na lang na mabingi siya sa lakas ng dagundong ng kanyang puso. Nagpa-lipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang, punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Pinaniniwala pa rin niya ang sarili na nakaringgan lang niya ang sinabi ng ama. Pilit pa rin niyang dine-deny sa sarili na hindi tama ang narinig niya. Hinahanap niya sa mga mata ng mga ito ang katotohanan sa salitang namutawi sa labi ng ama. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ina, umaasang pabubul
Hindi alam ni Karen kung paano siya naka-alis sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa pamamahay na iyon. Feeling niya ay mas makakahinga siya ng maluwag kapag tuluyan na siyang napalayo sa lugar na iyon.The scene of the past event flashed in her mind…******Nakayuko lang si Karen habang nakasunod sa likuran ng ina. Nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng kanyang ama ay tahimik siyang sumunod. Hindi siya nagtangkang iangat ang paningin upang tingnan kung sino-sino ang mga taong nasa loob. Wala siyang imik na pumwesto sa tabi ng ina nang huminto ito sa isang side ng opisina. “Ah, here they are. The two lovely women of my life,” narinig ni Karen na sambit ng kanyang ama. “Maupo ka, dear,” malambing na saad ng kanyang ama sa kanyang Mama Emilia.“Good afternoon,” bati ng kanyang ina sa mga taong nandoon, dinig ni Karen ang pagpipilit nitong pasiglahin ang tinig. Pero hindi man lang ito sumunod sa sinabi nang kanyang Papa Elmer na mau
'Hi! We met again, Neighbor…’ napapa-iling na lang si Alex habang naalala ang nangyari ng nakasalubong niya ang babaeng nakatira sa kabilang unit ng apartment niya. ‘Hi! We met again, Neighbor. Damn, Alex! Ang lame ng opening line mo. Kaya hindi mo nakuha ang interes ni Miss Cutie,’ kantyaw ni Alex sa sarili habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Aaminin niyang hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang maliit ngunit maganda niyang kapitbahay. Kagabi pa nito ginugulo ang utak niya, at hindi niya ikinatutuwa ang kakaibang damdamin na pinupukaw nito sa kanya. ‘You are the great Alexander Jones. You can get any woman that you will lay your eyes on. Bakit mo ba pinagaaksayahan ng oras kaiisip ang babaeng wala namang interes sa‘yo?’ sita pa niya sa sarili sa isipan.Humigit siya ng isang malalim na buntung-hininga saka pilit na itinuon ang atensyon sa trabaho. Binuksan niya ang computer na nasa kanyang harapan at saka pilit na inabala ang sarili na basahin ang mga email n
“What happened?” tanong ni Alex sa kanyang sous chef na si Amanda ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina.“There’s a problem in the kitchen, na-compromise ang hinahanda nating bagong recipe para sa ila-launch nating bagong product para sa restaurant,” bagamat mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito ay hindi naman kakikitaan ng pagkawala ng composure sa sarili ang sous chef.“What do you mean?” nangungunot ang noong tanong niya dito. Matagal na niyang pinagkakatiwalaan sa trabaho ang babae. Hindi na ito baguhan sa kanilang field. Simula yata nung nag-uumpisa pa lang siyang palaguin ang kanyang negosyo dito sa bansa ay kasama na niya ito. Kaklase niya si Amanda sa culinary school na pinasukan niya sa Ireland. Galing din ito sa kilalang angkan sa Pilipinas. Naging malapit silang magka-ibigan. Kung tutuusin ay kaya naman nitong magtayo ng sarili nitong restaurant, pero sa hindi niya malamang dahilan ay mas pinili nitong maging assistant niya at alalayan siya sa pagpapalago ng kanyang
Nang marating ni Karen ang kaniyang apartment ay agad niyang kinuwenta ang lahat ng assets na mayroon siya. Bago siya pumunta sa bahay ng magulang ay nagpaalam muna siya sa kaniyang boss na hindi siya makakapasok ngayon. Mukhang naunawaan naman siya nito, dahil sa hinaba-haba ng panunungkulan niya sa kompanya nito ay madalang lang naman siyang um-absent. Mabuti na lang talaga at nagpaalam siya ng maayos, dahil hindi rin pala siya makakapasok kagaya ng binabalak niya kaninang bago siya umuwi sa bahay ng mga magulang.At ngayon nga ay heto siya, nakaharap sa mga papeles na nakalista ang lahat ng ari-arian na naipundar niya simula ng mag-trabaho siya. Napasabunot na lang sa buhok niya si Karen sa sobrang frustration na nararamdaman. Kahit na anong ulit niyang pag-kwenta sa lahat ng assets na mayroon siya ay alam niyang hindi pa rin iyon sasapat upang mabayaran niya ng buo kasama na ang interes ng utang ng kanyang ama kay Augustus.“Argh!” hindi niya napigilang mapasigaw. Pabalang siyang
“Is there something wrong here?” tanong ng isang baritonong tinig na nanggagaling sa likuran ni Karen. “I-I am sorry, Sir. T-there’s nothing wrong,” nauutal na sagot ni Ronnie sa lalaking may-ari ng baritonong boses. Kitang-kita ni Karen ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng waiter, naging parang maamong tupa ito. Nawala ang malisya sa mga mata nito na kanina lang ay kitang-kita ni Karen. She knew that he was just flirting with her, pero dahil sa iniisip na problema ay maiksi ang pisi ng pasensiya niya ngayon.“I will go now, Ma’am. Just let me know kung may nagustuhan na ho kayo sa menu at o-order na ho kayo,” baling ni Ronnie sa kaniya, biglang-bigla ay naging magalang itong manalita. Yumukod pa ito sa lalaki na nasa likuran niya bago tuluyang tumalikod at umalis sa harapan niya.Napabuga ng marahan si Karen nang tuluyan ng makaalis ang waiter. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng umalis si Ronnie sa harapan niya. ‘I think kailangan kong kausapin d
“Hey man, what happened?” tanong kay Alex ng kaibigan niyang si Jacob. Agad itong lumapit sa kaniya ng makaalis na ang kan’yang kapitbahay.Bahagya niyang pinilig ang ulo at hinawakan ang pisnging tinamaan ng palad nito. Hindi naman ganoon kasakit ang pagsampal nito sa kanya. Ang mas iniinda niya ang pagkasaling ng ego niya dahil sa sinabi nito.“Hindi ba siya yung cute na kapitbahay mo? Anong nangyari?” pangungulit na tanong sa kaniya ng kaibigan.“Nothing,” matipid na sagot ni Alex sa kaibigan, sabay tayo niya sa kinauupuan. “I’m sorry for the scene. Don’t bother with us, it’s just a misunderstanding between me and my girlfriend. Please do continue eating. Enjoy the party everyone,” malakas na pahayag niya sa mga taong naka-tingin sa gawi nila, pinagkit niya ang matamis na ngiti sa labi upang pawiin ang tensyon na namayani sa paligid.Pagkatapos niyang magsalita ay agad na pumaimbabaw ang masayang tugtugin na nagmumula sa isang sikat na banda na inarkila niya para sa gabing iyon. Th
Habang hinihintay ni Karen na kumulo ang mainit na tubig na nakasalang sa electric heater ay maya’t maya ang kan’yang pagbuntong-hininga. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na siya, o mas tamang sabihin na halos hindi rin naman siya naka-tulog. She couldn’t sleep a wink. Maraming mga bagay ang nagsasalimbayan sa kan’yang isipan, at ang mas lalong hindi nakapag-patulog sa kaniya ay ang pinag-usapan nila kagabi nang kapitbahay niyang si Alex. Muling dumaloy sa kan’yang isipan ang mga nangyari sa pagitan nila kagabi.******“Marry me instead.” Ikinagulat pa nilang pareho ni Jessica ang biglang pagsulpot ni Alex mula sa kung saan. Noong una ay hindi agad nagrehistro sa utak niya ang sinabi nito. Nang unti-unting nag-sink in sa kan’yang utak ang katagang namutawi sa labi nito ay napa-kunot ang noong napatulala na lang siya sa lalaki. “Good evening, Boss Chef,” bati ni Jessica sa lalaki. Ito ang unang nakabawi sa pagkagulat sa kanilang dalawa. Nang marinig niya ang boses ng kaibigan
Biling-baligtad si Karen sa higaan, kanina pa siya nakahiga pero kahit na anong posisyon ang gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binuksan niya ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama, napatingin siya sa alarm. Mag-a-alas diyes na ng gabi. Napapalatak siya at pabuntong-hiningang hinatak ang kumot sabay talukbong hanggang ulo.“Matulog ka na, Karen,” mahinang anas niya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “One, two, three…” pagbibilang niya ng tupa sa isipan. Nakarating na siya sa bilang na mahigit isang daan ay walang antok na dumadalaw sa kaniya. “Can’t sleep?” mahinang anas ng baritonong tinig na nakapagpapiksi sa kaniya. Inilabas niya ang ulo sa kumot at ibinaba iyon hanggang sa kaniyang leeg. “I-I am sorry, did I wake you?” tanong niya sa lalaki, hindi niya tinangkang lumingon sa gawi nito. Wala itong kagalaw-galaw sa tabi niya, kaya inakala niyang tulog na ito.“You didn’t, I can't sleep either,” kaswal na sagot nito sa kaniya, saka marahan itong kumilos. Nahigi
“Is there something wrong with preparing my wife’s meal?” he asked, elaborating on the word ‘wife.’Karen was speechless, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Technically, he was correct. There was nothing wrong with him preparing a meal for both of them. After all, they became husband and wife this morning.“Why don’t you just take a seat so we could eat,” sambit nito sa kaniya. Hindi na nito pinansin ang pag-a-alinlangan niya. Sa halip ay agad nitong inayos ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inilapag din nito ang pininyahang manok na siyang niluluto nito kanina.Napatulala si Karen sa mga nakahain sa hapagkainan. May tatlong side dishes na itong naihanda; steamed broccoli, crispy brussel sprouts, at spring salad mix, may nakahanda na rin itong kanin, at ang main menu nitong pininyahang manok. Bukod pa doon ay may nakahanda na ring freshly squeezed orange juice sa kanilang mga baso, may chocolate mousse pa for dessert.“Are you sure na tayong dalawa lang ang kakain?” hi
“Kikay halika na, punta na tayo doon sa may padulasan,” yakag ni Xander kay Kikay ng pinayagan na sila ng mga madre na maglaro sa labas.“Sige Kuya Xander, saglit lang at kukunin ko lang si Fluffy,’ sagot naman ni Kikay sa batang lalaki, sabay takbo papasok sa common room ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na iyon. Mga dalawampung bata ang puwedeng matulog sa loob ng kuwarto, magkahalo sa iisang silid ang mga batang babae at lalaki.Ang higaan ni Xander at Kikay ay nasa pinakasulok ng kuwartong iyon, malapit sa may banyo. Magkasunod ang kanilang mga katre, nasa dingding banda ang kay Kikay at ang katabi sa hilera nito ay ang kay Xander.Agad na kinuha ni Kikay ang lumang-lumang laruan na teddy bear na pinangalanan niyang Fluffy. Mahalaga sa kaniya ang laruang iyon dahil binigay iyon ni Xander. Bagama’t napulot lang ito ng batang lalaki sa may tambakan ng basura ay pinaka-iingatan niya ito dahil nag-iisa lang itong laruan niya at pinaghirapan pa itong ayusin ng Kuya Xander niya. N
Alex could now breathe freely, dahil wala na sa loob ng unit ni Karen ang mga unwanted visitors nila kanina. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang muling naramdaman ang matakot. He wasn’t afraid because of Augustus, but because of Karen’s reaction earlier.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babae kanina, but his instinct was telling him na may kinalaman si Augustus doon. He could see how he was eye f*cking his wife earlier. Hindi niya gusto ang pagka-bastos ng ugali nito, but he needed to be patient para sa kapakanan ng kaniyang asawa at ng ama nito. Augustus thought that he was just a simple business man, kaya ganoon na lang ang pambabastos nito sa kaniya ng harap-harapan. Mangani-ngani na nga niyang pagbuhatan ito ng kamay ng makita ang naging reaksiyon ni Karen kanina, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan pa rin niyang mag-timpi kahit na hindi niya na nagugustuhan ang mga titig nitong ipinupukol sa kaniyang asawa. Naikuyom niya ang kamao ng muling magbalik sa kani
*TRIGGER WARNING: Ang chapter na ito ay naglalaman ng maselang senaryo na maaring hindi kaaya-aya sa ibang mambabasa. Read at your own risk.*******She was only ten years old and still living in the orphanage. She was waiting for her Kuya Xander to come back for her. Pinanghawakan niya ang pangako ni Xander na babalikan siya nito. It was three years ago ng kuhanin ng mga totoong magulang nito ang kaniyang Kuya Xander. Matagal na pala itong hinahanap ng mga totoo nitong magulang, dahil nawalay ito sa kanila nuong panahong unang napadpad si Xander sa orphanage na kinalakihan niya.Kaya kahit na may mga taong gusto siyang kunin at ampunin ay hindi siya sumasama. Ang nasa isip niya noon ay kapag bumalik ang kaniyang Kuya Xander ay hindi siya nito mahahanap kung nasaan siya. Labis-labis ang kaniyang pagtanggi sa mga mag-asawang nagtatangkang umampon sa kaniya. Kahit ang mga madre sa bahay ampunan ay walang magawa at hindi siya mapilit ng mga ito na sumama sa mga pamilyang gusto siyang amp
“You are too beautiful in your dress. Which makes me think that you are making yourself extra beautiful for the man your father chose for you.” Hindi napigilan ni Alex na banggitin ng may diin ang mga katagang iyon sa babae.Tumaas ang isang kilay ni Karen ng dahil sa sinabi niya. Nagbukas-sara ang bibig nito pero ni walang katagang lumabas mula sa natural na mapula at manipis na labi nito. Seeing how her lips moved brings back the memories of the kiss we shared in the judicial room this morning. In just a mere thought of it, he felt a tingle in his stomach.Hindi na bago sa kaniya ang makipaghalikan. In fact, iba’t ibang babae na nga ang nakadaop ng labi niya. But he will admit that Karen’s lips were different. May kakaibang binubuhay na emosyon sa kaniya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. And now, just by staring at those lips ay muling ibinabalik nito ang alaalang naramdam niya kanina. He wanted to pull her right here, right now, and savor her lips once again. Malamyos na tuno
Habang nagbibihis ay napapailing na lang si Alex sa mga nangyari sa araw na iyon. This was suppose to be a special day, dahil minsan lang naman siya ikakasal. Kahit sabihin pang isang contractual marriage ang nangyari sa kanila ni Karen ay gusto niya rin namang ipakita sa babae na pinaghandaan pa rin niya iyon. Pero lahat ng pangyayari ay hindi sumasang-ayon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makuha ang kiliti ni Karen. Everything he was doing seemed futile. Gusto lang naman niyang iparamdam sa babae na kahit hindi makatotohanan ang relasyon nila ay kaya pa rin niya itong pahalagahan. Na hindi rin masama na matali ito sa kaniya. Walang divorce sa Pilipinas, kaya kahit pa sabihing contractual marriage ang naganap sa kanila ay hindi pa rin niya maiwasang isiping tinanggalan niya ng chance si Karen upang mahanap nito ang lalakeng magugustuhan nito, dahil legally binding ang kasal nila.“Why are you bothered so much by Karen?” galit na asik niya sa sarili. Ipinilig niya ang
“What?” gulilat na bulalas ni Karen, agad niyang hinagilap ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Pagkabukas na pagkabukas niya nito ay bumungad sa kaniya ang napakaraming missed calls at messages mula sa ama. Her mind went blank and she started to fidget, panic started to rise within her. She was about to open the messages with her trembling hand ng magsalita si Alex.“We don’t need to waste time anymore,” saad nito. “We better get going.” Napapiksi siya ng hawakan nito ang nanginginig niyang kamay. Iniangat niya ang tingin sa lalaki. Sinalubong naman nito ang tingin niya. He even dared to raked her body with his eyes. Naramdaman niya ang paggapang ng init sa kaniyang pisngi ng dahil sa ginawang paghagod ng tingin ng lalaki sa katawan niya. Biglang naglaho ang kabang kaniyang nadarama dahil sa ginawa ng lalaki. “Tsk!” palatak nito at bahagya pang napa-iling-iling.“Why?” nangungunot ang moong tanong niya sa lalaki. Pero sa halip na sumagot ito ay agad itong naglakad patungo sa apar
Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan pauwi sa apartment. Hindi alam ni Karen kung ikatutuwa ba niya ang pagbabago ng isip ni Alex o ano. Pero wala naman kasi sa usapan nila ang mga planong ginawa nito.Ilang saglit pa ay agad na nilang narating ang apartment. Agad na sumalubong sa kanila ang katiwalang si Tatay Ando, ito ang nagbukas ng gate sa kanila upang makapasok sa loob ng garahe ang sasakyan. “Congratulations sa inyong dalawa,” nakangiting bungad-bati ni Tatay Ando ng makababa na sila ni Alex sa sasakyan. “Napakaganda mo sa suot mong iyan, Karen, Iha,” baling-puri sa kaniya ng matanda.“Salamat po, ‘Tay.” Namumula ang pisnging pasasalamat ni Karen. Bagama’t nagtataka siya kung bakit parang hindi man lang yata ikinagulat ng matandang katiwala na ikinasal siya kay Alex.“Naku, Iha, walang inilihim sa akin si Sir Alex, halos ako na rin ang nagpalaki sa batang ito. Ipinaalam niya sa akin na kasal ninyo ngayon. Akala ko nga ay sa mga susunod na ara