Share

CHAPTER 3- HER PARENTS

Author: Itchay
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Hoy! Anong ginagawa niyo kay Kikay?” pasigaw na tanong ng isang matabang batang lalaki na nasa edad pitong taong gulang. Kahit na may katabaan, ay mestisuhin naman ito. Maputi ang balat nito at bahagyang grayish ang kulay ng mga mata. Pinilit nitong tumakbong mabilis kahit na hingal na hingal na ito sa pagtakbo upang saklolohan ang batang babaeng binu-bully nung mga mas nakaka-tandang bata dito.

“Hala kayo, nandiyan na si Baboy. Aawayin kayo niyan kasi inaway niyo yung girlfriend niyang si Negra,” kantyaw nang isang batang lalaking matangkad na payat sa batang tumatakbo patungo sa kanila.

“Weh! Weh! Weh! Hahaha!” nanunukso namang kantyaw nang apat pang batang kasamahan nito. Bumelat pa ang mga ito sa batang lalaki.

“Sinong baboy? Ha? Bakit ba lagi niyo na lang  pinag-di-diskitahan si Kikay?” namumula ang mukha sa galit na tanong ng mestisong-chubby na bata. Hingal man ay pilit pa rin nitong pinatapang ang mukha ng marating nito ang lugar kung saan pinagku-kumpulan na tuksuhin nang mas mga nakaka-tandang bata ang isang batang babae na nasa edad limang taon pa lamang. 

Nakayupyop lamang ang batang si Kikay habang umiiyak, dahil sa panunukso na ginagawa sa kanya ng ibang mga bata. Nang daluhan siya nang batang lalakeng mestiso ay agad siya nitong kinubli sa may likuran nito na parang sinasabing ipagtatanggol siya nito kahit gaano pa kalalaki at mas nakakatanda ang nambubully sa kanya.

“Hoy Baboy na tisoy, umalis ka dyan kung ayaw mong masaktan,” muling saad ng batang lalaking matangkad na payat. Ito ang lider-lider ng panunukso kay Kikay, kasama nito ang apat pang bata na dalawang babae at dalawang lalaki na nasa siyam hanggang pitong taong gulang ang mga edad.

“Ano bang kasalanan sa inyo ni Kikay at lagi niyo siyang tinutukso, ha Payat?” galit namang saad ng batang tinawag na 'Baboy na tisoy'.

“Abah at talagang nagma-matapang ka pa para sa girlfriend mo ah. Wala lang, sa gusto lang namin siyang pagdiskitahan, bakit may angal ka don? Kasalanan niya ‘yan ang bansot niya na ampangit pa niya. Hahahaha!” nang-aasar na sagot pa nang batang tinawag na payat.

“Hahahaha! Oo nga, bansot na, negra pa...nyeh!nyeh!nyeh!nyeh!nyeh!” kantiyaw din nang isa sa mga kasamahan nitong batang babae.

“Kaya nga bagay sila ni Tisoy Baboy eh, hahaha! Isang uling tsaka isang lilitsunin! Hahahaha!” dagdag na kantyaw pa nang isa pa rin nitong kasamahang batang lalake. Tapos ay sabay-sabay na nag-tawanan ang mga ito nang parang nakaka-insulto.

“At least hindi naman kami katulad niyo, mga bobo. Laging zero sa mga test nila sister, walang ibang laman ang utak kundi mang-away nang batang mas maliit at mas bata sa kanila!” matapang na sagot-pangangantiyaw din ng batang tinawag na 'Tisoy Baboy'.

“Aba at talagang sasagot ka pa ah!” asar-talong saad ni 'Payat' saka nito inangat ang manipis na kamao at inambahang susuntukin si 'Tisoy Baboy'.

“Anong nangyayari dito?” malumanay pero mariing saad nang isang boses babae na nanggaling sa likuran ng mga batang nambubully. Sabay-sabay na napalingon ang apat na batang kasama ni ‘Payat’ sa pinanggalingan nang boses, samantalang ang kamao ni 'Payat' ay nabitin sa ere at hindi naituloy ang pagsuntok sana kay 'Tisoy Baboy'.  Nakapikit naman na ang mestisong-chubby na bata at naka-cross ang dalawang malamang mga braso sa harapan ng kanyang mukha upang sanggahin sana ang suntok ni 'Payat'. Samantalang ang batang babaeng tinawag na Kikay ay patuloy pa rin sa pag-iyak habang nakahalukipkip sa may likuran ni 'Tisoy Baboy'.

“Magandang hapon po, Sister Bell,” sabay-sabay na bati nang apat na bata sa madreng nagsalita sa kanilang likuran.

“Magandang hapon din mga bata. Muli tatanungin ko kayo, ano ang nangyayari dito?” malumanay pa ring pagkaka-tanong sa kanila ng madre na tinawag na Sister Bell. 

“Kevin?” mariing tawag ni Sister Bell sa tunay na pangalan ni 'Payat'. Kahit na naasar ay walang nagawa si Kevin kundi ibaba ang kamaong naka-amba kay 'Tisoy Baboy', saka padabog na humarap sa madre.

“Po?” may bahid pa nang iritasyon ang tono ng pagsagot ni Kevin kay Sister Bell.

“Anong ginagawa niyo kay Kikay at Xander? Binubully niyo na naman ba?” muling pagtatanong ng madre sa limang mas nakaka-tandang bata. Pagkatapos ay tiningnan nito si Kevin. Hindi matiis tingnan ng mga bata ang nag-aakusang mga mata ng madre, kaya kanya-kanya silang yukuan na halatang guilty sa akusa nito sa kanila.

“Sumunod kayong lahat sa akin sa loob,” mariing utos ni Sister Bell sa kanilang lahat. Saka na ito bahagyang nagpa-tiuna sa paglalakad sa kanila. Nang maramdaman nitong walang sinumang nakasunod dito ay muli itong lumingon sa mga bata. 

“Ahem!” pagtawag pansin ng madre sa mga bata, dahil nagtuturuan pa ang mga ito kung sino ang mauuna na sumunod. Nang mapansin ng mga ito na naghihintay ang madre ay agad na nagsipag sunuran ang mga ito na pumasok sa loob nang bahay ampunan. Pinatiuna na sila ni Sister Bell dahil alam nitong kapag muli itong nauna ay walang batang susunod sa kanya.

“Sumunod din kayong dalawa Xander at Kikay,” habilin ni Sister Bell sa dalawang batang maliit na naiwan, habang agad na sinundan ang limang batang nambubully sa mga ito.

Inalo ni Xander ang batang si Kikay ng magsi-alisan na ang mga batang kaaway nila kasama si Sister Bell. Laking pasasalamat ni Xander kasi biglang dumating si Sister Bell kung hindi malamang ay may black eye na naman siya. Pero okay lang naman sa kanya ‘yon dahil hindi naman siya papayag na hindi makaganti kay Kevin, bablackeye-an niya rin ito kung sakali. Ayaw na ayaw niyang inaaway ng mga ito si Kikay. Simula nang dumating ito sa ampunan nila ay lagi na lamang itong pinag-di-diskitahan ng grupo nila payat. Dahil sa maliit na bata ito at morena, kaya laging naging tampulan ito nang tukso nang ibang bata lalong lalo na ang grupo ni Kevin.

Pinilit ni Xander na itayo si Kikay mula sa pagkakayukyok nito.

“Tahan na Kikay, andito naman ako para ipagtanggol kita palagi. Sabi na sayo kapag inaway ka nila Kevin payat tumakbo ka kaagad sakin para hindi ka na nila awayin,” pang-aalo ni Xander sa kaibigan.

“Salamat Kuya Xander, mabuti na lang at nandito ka. Sana lagi tayong magkasama, ayokong maiwan dito sa bahay ampunan na mag-isa, lagi lang nila akong tu-tuksuhin at kakantyawan dahil sa itsura ko,” humihikbi-hikbi pang saad ni Kikay sa kaibigan.

“Basta pangako natin sa isa't-isa kung sino man sa atin ang may maunang maa-ampon ay kailangan ampunin din ang isa pa. Kapag hindi sila pumayag ay hindi tayo sasama, package deal tayong dalawa,” deklara ni Xander kay Kikay.

“Talaga Kuya Xander? Kahit na may maunang mag-ampon sayo, hindi mo pa rin ako iiwan dito?” inosenteng tanong ni Kikay sa kanya.

“Oo naman, pangako ‘yon,” itinaas pa ni Xander ang kanyang kaliwang kamay na parang nanunumpa at nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa may tapat nang dibdib niya, “walang iwanan, Kikay. Cross my heart and hope to die.”

******

Biglang nagising si Karen sa ingay na nagmumula sa kanyang cellphone. Nakapikit pa ang mga matang kinapa-kapa niya ang higaan niya kung saan naroon ang cellphone niya. Nang makapa ito sa ilalim ng unan ay isang mata niya lang sinilip kung sino ang tumatawag. Nang makita ang pangalan ng ama sa caller I.D ay muli niyang binitawan ang cellphone at umiba ng pwesto para habuling muli ang kanyang tulog.

Nang bahagya na siyang naka-idlip, ay muli na namang tumunog ang kanyang cellphone. She groaned in annoyance. Lalo na at hindi pa siya nakatulog ng maayos dahil nga napuyat din siya kagabi gawa ng mga walang modo niyang bagong kapitbahay. 

Hinayaan niya lang na nagri-ring ang cellphone niya, pilit pa rin niyang hinahabol ang tulog niya. Ayaw namang huminto ang tunog ng kanyang ringtone, kaya asar na siyang bumalikwas ng bangon.

Sumulyap siya sa orasan, mag-alas otso pa lang ng umaga. Pupungas-pungas na muli niyang hinagilap ang patuloy pa rin sa pag-iingay niyang cellphone.

“Pa,” sagot niya sa tumatawag sa kabilang linya.

“Salamat naman at gising ka na. Aba anong oras na at hindi ka pa yata bumabangon. Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo,” agad na bungad sa kanya ng ama.

“Napatawag po kayo?” bahagyang namamalat pa ang tinig na tanong niya sa ama, habang ang isang paa ay hinahagilap ang tsinelas na iniwan niya sa ilalim ng kama.

“Umuwi ka mamayang pagkatapos mo ng trabaho dito sa bahay na bata ka. Aba, wala ka na yatang planong bisitahin kami ng mama mo. Ni anino mo ay hindi na namin nakikita. Ganyan ka ba namin pinalaki? Nakalimutan mo na yata kaming mga magulang mo!” Bahagya niyang inalayo sa kanyang tenga ang cellphone na hawak dahil halos ma-bingi siya sa lakas ng boses ng kanyang ama habang nagsasalita.   

“Bakit? Ano po bang meron?” walang-ganang tanong niya sa ama. Tuluyan na siyang umalis sa kanyang kama at nagtungo sa kusina upang mag-timpla ng kape. Kape lang sa kanya sa umaga ay ayos na.

“Aba at kailangan pa bang magkaroon ng okasyon o kaganapan para lang umuwi kang bata ka? Wala kang utang na loob ah. Hindi porke’t nakatapos ka na ng pag-aaral at mayroong maayos na trabaho ay ganyan ka na sa amin ng mama mo. Alalahanin mo utang na loob mo sa amin kung anong meron ka ngayon!” Nakikini-kinita na ni Karen ang panlalaki ng butas ng ilong ng kanyang ama. 

Inilagay niya sa loudspeaker ang kanyang cellphone upang makapag-hilamos siya at makapag-mumog man lang, habang pinapakinggan ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ng ama. Hindi na bago sa kanya ang mga katagang lumalabas sa bibig nito. Ito na ang sermon na kinalakihan niya sa ama. Lagi nitong sinusumbat sa kanya ang mga bagay na binigay nito at ang pag-kuha nilang mag-asawa sa kanya sa bahay ampunan. Kaya hindi nila siya masisisi kung bakit nawawalan na siya ng ganang umuwi sa bahay na kinalakihan niya. 

“Elmer, huwag mo namang sabihan ng ganyan ang anak mo,” narinig ni Karen ang boses ng kanyang ina sa background. Kung gaano ka harsh sa kanya ang ama ay siya namang bait sa kanya ng ina. Pero wala pa rin itong naga-gawa sa asawa kapag ang kanyang ama na ang nagdesisyon at nagsalita. 

“Kaya nag-iiba ang ugali ng anak mo, dahil kinukunsinti mo!” narinig niya ang lalong pagtaas ng boses ng ama sa kabilang linya.

“Pa, huwag niyo naman pong sigawan si mama. Bakit po ba?” agad na tanong ni Karen sa ama habang humihigop na ng kape.

“Basta! Umuwi ka ngayong araw na ito. O di kaya ay umabsent ka na lang, may importante akong sasabihin sa iyo,” baling-saad sa kanya ng ama sa kabilang linya.

“Pa, hindi po ako pwedeng umabsent ng walang dahilan. Mawawalan po ako ng trabaho kapag nagkataon,” pagdadahilan niya sa ama.

“Hindi mo na rin naman kakailanganin yang trabaho mo sa mga susunod na araw!’ muling tumaas ang tonong saad sa kanya ng ama.

“Paanong hindi ko po kakailanganin, eh sa bisyo niyo pa lang po kulang na ang sinusweldo ko. Tapos a-absent pa ako ngayon ng walang dahilan. Alam niyo naman pong importante sa akin ang trabaho ko dahil ito na lang ang meron tayo ngayon,” muling pangangatwiran niya sa ama.

“Ako ba talagang kinokontra mo na ngayon, Karen? Aba, pinupuno mo ang salop ko ah! Sinusumbatan mo ba ako sa bisyo ko? Karapatan ko ang kumuha ng pera sa iyo dahil kulang pa ‘yan sa mga naibigay ko sa buong buhay mo. Kulang pa nga iyan kung tutuusin,” saad sa kanya ng ama, narinig niya ang panunuya sa tono ng ama. 

“Magkano ho ba ang kailangan niyo ngayon, Pa?” bahagyang may diin na tanong niya sa ama. She was tired with this topic, lagi na lang iyon ang bukambibig ng kanyang ama, lalo na kung kailangan nito ng pera. Karen knew that he wants money from her, pwede naman itong direktang manghingi sa kanya, hindi ‘yung napakarami pa nitong sinasabi.

“Aba at talagang iniinsulto mo akong bata ka ah! Wala ka ng galang, wala ka ng respeto sa mga magulang mo. Wala kang utang na loob! Hindi kita pinalaki ng ganyan! Binigyan kita ng magandang buhay tapos ganyan ang sasabihin mo sa’kin?!” alam ni Karen na nanggagalaiti na ang kanyang ama sa kabilang linya, base na rin sa lakas at diin ng pananalita nito.

“Hindi ko ho kayo iniinsulto, Pa. Lagi naman kasing ganyan kayo kapag nanghihingi kayo ng pang-capital sa pag-susugal ninyo. Kailan niyo ho ba hihintuan iyan? Kapag lubog na tayo sa utang?” hindi naiwasan ni Karen ang bahagyang pagtaas ng kanyang tono sa ama. She was sick of this. Lagi na lang kasi silang ganito. 

“Basta umuwi ka ngayon! Uuwi ka, o ipaku-kuha kita diyan sa mapapangasawa mo?”

Related chapters

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 4-NEIGHBORS

    Nagising si Alex sa pakiramdam na hindi siya nag-iisa sa loob ng kanyang bahay. Bahagya siyang gumalaw upang tumingin sana sa orasan ng kanyang cellphone nang maramdaman niyang may mga kamay at paa na nakayapos sa kanyang katawan.Pupungas-pungas na iminulat niya ang mga mata. Bahagya siyang napabuga ng hangin ng ma-realize na naka-tulog pala siya sa sala, at hindi siya nag-iisa. Sinilip niya ang nagmamay-ari ng mga kamay at paa na nakagapos sa kanya sa ilalim ng comforter na nakatabing sa katawan nila.Kumunot ang kanyang noo ng makita ang isang hubad na katawan ng isang babae na kaulayaw niya sa ilalim ng comforter. Halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan na sa kanya. “Kaya pala parang napakabigat ng katawan ko,” saad niya sa isipan. Ramdam niya ang epekto sa kanyang katawan ang sanhi ng hindi niya pagiging komportable sa pagtulog. Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari kagabi, hindi nga pala umuwi si Mona matapos ang engkwentro nila sa babaeng maliit kaninang madaling ara

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 5-DEBT REPAYMENT

    Napa-nganga si Karen sa kanyang narinig, napailing-iling siya at nanlalaki ang mga mata habang pilit na itinatanggi ng kanyang utak ang sinambit sa kanya ng ama. Hindi agad tuluyang rumehistro sa kanya ang mga sinabi nito. Nang unti-unti nang nag-sink in sa kanya ang lahat ay biglang nanlamig ang pakiramdam niya. Halo-halong emosyon ang nagsalimbayan sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagbukas-sara ang kanyang bibig, ngunit wala man lang salitang umalpas mula sa kanyang labi. Kulang na lang na mabingi siya sa lakas ng dagundong ng kanyang puso. Nagpa-lipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang, punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Pinaniniwala pa rin niya ang sarili na nakaringgan lang niya ang sinabi ng ama. Pilit pa rin niyang dine-deny sa sarili na hindi tama ang narinig niya. Hinahanap niya sa mga mata ng mga ito ang katotohanan sa salitang namutawi sa labi ng ama. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ina, umaasang pabubul

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 6-AUGUSTUS

    Hindi alam ni Karen kung paano siya naka-alis sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa pamamahay na iyon. Feeling niya ay mas makakahinga siya ng maluwag kapag tuluyan na siyang napalayo sa lugar na iyon.The scene of the past event flashed in her mind…******Nakayuko lang si Karen habang nakasunod sa likuran ng ina. Nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng kanyang ama ay tahimik siyang sumunod. Hindi siya nagtangkang iangat ang paningin upang tingnan kung sino-sino ang mga taong nasa loob. Wala siyang imik na pumwesto sa tabi ng ina nang huminto ito sa isang side ng opisina. “Ah, here they are. The two lovely women of my life,” narinig ni Karen na sambit ng kanyang ama. “Maupo ka, dear,” malambing na saad ng kanyang ama sa kanyang Mama Emilia.“Good afternoon,” bati ng kanyang ina sa mga taong nandoon, dinig ni Karen ang pagpipilit nitong pasiglahin ang tinig. Pero hindi man lang ito sumunod sa sinabi nang kanyang Papa Elmer na mau

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 7-WE MET AGAIN

    'Hi! We met again, Neighbor…’ napapa-iling na lang si Alex habang naalala ang nangyari ng nakasalubong niya ang babaeng nakatira sa kabilang unit ng apartment niya. ‘Hi! We met again, Neighbor. Damn, Alex! Ang lame ng opening line mo. Kaya hindi mo nakuha ang interes ni Miss Cutie,’ kantyaw ni Alex sa sarili habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Aaminin niyang hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang maliit ngunit maganda niyang kapitbahay. Kagabi pa nito ginugulo ang utak niya, at hindi niya ikinatutuwa ang kakaibang damdamin na pinupukaw nito sa kanya. ‘You are the great Alexander Jones. You can get any woman that you will lay your eyes on. Bakit mo ba pinagaaksayahan ng oras kaiisip ang babaeng wala namang interes sa‘yo?’ sita pa niya sa sarili sa isipan.Humigit siya ng isang malalim na buntung-hininga saka pilit na itinuon ang atensyon sa trabaho. Binuksan niya ang computer na nasa kanyang harapan at saka pilit na inabala ang sarili na basahin ang mga email n

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 8-KITCHEN TROUBLE

    “What happened?” tanong ni Alex sa kanyang sous chef na si Amanda ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina.“There’s a problem in the kitchen, na-compromise ang hinahanda nating bagong recipe para sa ila-launch nating bagong product para sa restaurant,” bagamat mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito ay hindi naman kakikitaan ng pagkawala ng composure sa sarili ang sous chef.“What do you mean?” nangungunot ang noong tanong niya dito. Matagal na niyang pinagkakatiwalaan sa trabaho ang babae. Hindi na ito baguhan sa kanilang field. Simula yata nung nag-uumpisa pa lang siyang palaguin ang kanyang negosyo dito sa bansa ay kasama na niya ito. Kaklase niya si Amanda sa culinary school na pinasukan niya sa Ireland. Galing din ito sa kilalang angkan sa Pilipinas. Naging malapit silang magka-ibigan. Kung tutuusin ay kaya naman nitong magtayo ng sarili nitong restaurant, pero sa hindi niya malamang dahilan ay mas pinili nitong maging assistant niya at alalayan siya sa pagpapalago ng kanyang

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 9-BEST FRIEND

    Nang marating ni Karen ang kaniyang apartment ay agad niyang kinuwenta ang lahat ng assets na mayroon siya. Bago siya pumunta sa bahay ng magulang ay nagpaalam muna siya sa kaniyang boss na hindi siya makakapasok ngayon. Mukhang naunawaan naman siya nito, dahil sa hinaba-haba ng panunungkulan niya sa kompanya nito ay madalang lang naman siyang um-absent. Mabuti na lang talaga at nagpaalam siya ng maayos, dahil hindi rin pala siya makakapasok kagaya ng binabalak niya kaninang bago siya umuwi sa bahay ng mga magulang.At ngayon nga ay heto siya, nakaharap sa mga papeles na nakalista ang lahat ng ari-arian na naipundar niya simula ng mag-trabaho siya. Napasabunot na lang sa buhok niya si Karen sa sobrang frustration na nararamdaman. Kahit na anong ulit niyang pag-kwenta sa lahat ng assets na mayroon siya ay alam niyang hindi pa rin iyon sasapat upang mabayaran niya ng buo kasama na ang interes ng utang ng kanyang ama kay Augustus.“Argh!” hindi niya napigilang mapasigaw. Pabalang siyang

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 10-SHE WAS INSULTED

    “Is there something wrong here?” tanong ng isang baritonong tinig na nanggagaling sa likuran ni Karen. “I-I am sorry, Sir. T-there’s nothing wrong,” nauutal na sagot ni Ronnie sa lalaking may-ari ng baritonong boses. Kitang-kita ni Karen ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng waiter, naging parang maamong tupa ito. Nawala ang malisya sa mga mata nito na kanina lang ay kitang-kita ni Karen. She knew that he was just flirting with her, pero dahil sa iniisip na problema ay maiksi ang pisi ng pasensiya niya ngayon.“I will go now, Ma’am. Just let me know kung may nagustuhan na ho kayo sa menu at o-order na ho kayo,” baling ni Ronnie sa kaniya, biglang-bigla ay naging magalang itong manalita. Yumukod pa ito sa lalaki na nasa likuran niya bago tuluyang tumalikod at umalis sa harapan niya.Napabuga ng marahan si Karen nang tuluyan ng makaalis ang waiter. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng umalis si Ronnie sa harapan niya. ‘I think kailangan kong kausapin d

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 11-THE PROPOSAL

    “Hey man, what happened?” tanong kay Alex ng kaibigan niyang si Jacob. Agad itong lumapit sa kaniya ng makaalis na ang kan’yang kapitbahay.Bahagya niyang pinilig ang ulo at hinawakan ang pisnging tinamaan ng palad nito. Hindi naman ganoon kasakit ang pagsampal nito sa kanya. Ang mas iniinda niya ang pagkasaling ng ego niya dahil sa sinabi nito.“Hindi ba siya yung cute na kapitbahay mo? Anong nangyari?” pangungulit na tanong sa kaniya ng kaibigan.“Nothing,” matipid na sagot ni Alex sa kaibigan, sabay tayo niya sa kinauupuan. “I’m sorry for the scene. Don’t bother with us, it’s just a misunderstanding between me and my girlfriend. Please do continue eating. Enjoy the party everyone,” malakas na pahayag niya sa mga taong naka-tingin sa gawi nila, pinagkit niya ang matamis na ngiti sa labi upang pawiin ang tensyon na namayani sa paligid.Pagkatapos niyang magsalita ay agad na pumaimbabaw ang masayang tugtugin na nagmumula sa isang sikat na banda na inarkila niya para sa gabing iyon. Th

Latest chapter

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 27- HE SLEPT OVER

    Biling-baligtad si Karen sa higaan, kanina pa siya nakahiga pero kahit na anong posisyon ang gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binuksan niya ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama, napatingin siya sa alarm. Mag-a-alas diyes na ng gabi. Napapalatak siya at pabuntong-hiningang hinatak ang kumot sabay talukbong hanggang ulo.“Matulog ka na, Karen,” mahinang anas niya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “One, two, three…” pagbibilang niya ng tupa sa isipan. Nakarating na siya sa bilang na mahigit isang daan ay walang antok na dumadalaw sa kaniya. “Can’t sleep?” mahinang anas ng baritonong tinig na nakapagpapiksi sa kaniya. Inilabas niya ang ulo sa kumot at ibinaba iyon hanggang sa kaniyang leeg. “I-I am sorry, did I wake you?” tanong niya sa lalaki, hindi niya tinangkang lumingon sa gawi nito. Wala itong kagalaw-galaw sa tabi niya, kaya inakala niyang tulog na ito.“You didn’t, I can't sleep either,” kaswal na sagot nito sa kaniya, saka marahan itong kumilos. Nahigi

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 26-LET’S BE FRIENDS

    “Is there something wrong with preparing my wife’s meal?” he asked, elaborating on the word ‘wife.’Karen was speechless, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Technically, he was correct. There was nothing wrong with him preparing a meal for both of them. After all, they became husband and wife this morning.“Why don’t you just take a seat so we could eat,” sambit nito sa kaniya. Hindi na nito pinansin ang pag-a-alinlangan niya. Sa halip ay agad nitong inayos ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inilapag din nito ang pininyahang manok na siyang niluluto nito kanina.Napatulala si Karen sa mga nakahain sa hapagkainan. May tatlong side dishes na itong naihanda; steamed broccoli, crispy brussel sprouts, at spring salad mix, may nakahanda na rin itong kanin, at ang main menu nitong pininyahang manok. Bukod pa doon ay may nakahanda na ring freshly squeezed orange juice sa kanilang mga baso, may chocolate mousse pa for dessert.“Are you sure na tayong dalawa lang ang kakain?” hi

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 25-HER PAST

    “Kikay halika na, punta na tayo doon sa may padulasan,” yakag ni Xander kay Kikay ng pinayagan na sila ng mga madre na maglaro sa labas.“Sige Kuya Xander, saglit lang at kukunin ko lang si Fluffy,’ sagot naman ni Kikay sa batang lalaki, sabay takbo papasok sa common room ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na iyon. Mga dalawampung bata ang puwedeng matulog sa loob ng kuwarto, magkahalo sa iisang silid ang mga batang babae at lalaki.Ang higaan ni Xander at Kikay ay nasa pinakasulok ng kuwartong iyon, malapit sa may banyo. Magkasunod ang kanilang mga katre, nasa dingding banda ang kay Kikay at ang katabi sa hilera nito ay ang kay Xander.Agad na kinuha ni Kikay ang lumang-lumang laruan na teddy bear na pinangalanan niyang Fluffy. Mahalaga sa kaniya ang laruang iyon dahil binigay iyon ni Xander. Bagama’t napulot lang ito ng batang lalaki sa may tambakan ng basura ay pinaka-iingatan niya ito dahil nag-iisa lang itong laruan niya at pinaghirapan pa itong ayusin ng Kuya Xander niya. N

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 24-HE IS NOT A MERE BUSINESSMAN

    Alex could now breathe freely, dahil wala na sa loob ng unit ni Karen ang mga unwanted visitors nila kanina. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang muling naramdaman ang matakot. He wasn’t afraid because of Augustus, but because of Karen’s reaction earlier.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babae kanina, but his instinct was telling him na may kinalaman si Augustus doon. He could see how he was eye f*cking his wife earlier. Hindi niya gusto ang pagka-bastos ng ugali nito, but he needed to be patient para sa kapakanan ng kaniyang asawa at ng ama nito. Augustus thought that he was just a simple business man, kaya ganoon na lang ang pambabastos nito sa kaniya ng harap-harapan. Mangani-ngani na nga niyang pagbuhatan ito ng kamay ng makita ang naging reaksiyon ni Karen kanina, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan pa rin niyang mag-timpi kahit na hindi niya na nagugustuhan ang mga titig nitong ipinupukol sa kaniyang asawa. Naikuyom niya ang kamao ng muling magbalik sa kani

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 23-HER UGLY MEMORY

    *TRIGGER WARNING: Ang chapter na ito ay naglalaman ng maselang senaryo na maaring hindi kaaya-aya sa ibang mambabasa. Read at your own risk.*******She was only ten years old and still living in the orphanage. She was waiting for her Kuya Xander to come back for her. Pinanghawakan niya ang pangako ni Xander na babalikan siya nito. It was three years ago ng kuhanin ng mga totoong magulang nito ang kaniyang Kuya Xander. Matagal na pala itong hinahanap ng mga totoo nitong magulang, dahil nawalay ito sa kanila nuong panahong unang napadpad si Xander sa orphanage na kinalakihan niya.Kaya kahit na may mga taong gusto siyang kunin at ampunin ay hindi siya sumasama. Ang nasa isip niya noon ay kapag bumalik ang kaniyang Kuya Xander ay hindi siya nito mahahanap kung nasaan siya. Labis-labis ang kaniyang pagtanggi sa mga mag-asawang nagtatangkang umampon sa kaniya. Kahit ang mga madre sa bahay ampunan ay walang magawa at hindi siya mapilit ng mga ito na sumama sa mga pamilyang gusto siyang amp

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 22-ALEX AND AUGUSTUS

    “You are too beautiful in your dress. Which makes me think that you are making yourself extra beautiful for the man your father chose for you.” Hindi napigilan ni Alex na banggitin ng may diin ang mga katagang iyon sa babae.Tumaas ang isang kilay ni Karen ng dahil sa sinabi niya. Nagbukas-sara ang bibig nito pero ni walang katagang lumabas mula sa natural na mapula at manipis na labi nito. Seeing how her lips moved brings back the memories of the kiss we shared in the judicial room this morning. In just a mere thought of it, he felt a tingle in his stomach.Hindi na bago sa kaniya ang makipaghalikan. In fact, iba’t ibang babae na nga ang nakadaop ng labi niya. But he will admit that Karen’s lips were different. May kakaibang binubuhay na emosyon sa kaniya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. And now, just by staring at those lips ay muling ibinabalik nito ang alaalang naramdam niya kanina. He wanted to pull her right here, right now, and savor her lips once again. Malamyos na tuno

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 21- ALEX'S TURMOIL

    Habang nagbibihis ay napapailing na lang si Alex sa mga nangyari sa araw na iyon. This was suppose to be a special day, dahil minsan lang naman siya ikakasal. Kahit sabihin pang isang contractual marriage ang nangyari sa kanila ni Karen ay gusto niya rin namang ipakita sa babae na pinaghandaan pa rin niya iyon. Pero lahat ng pangyayari ay hindi sumasang-ayon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makuha ang kiliti ni Karen. Everything he was doing seemed futile. Gusto lang naman niyang iparamdam sa babae na kahit hindi makatotohanan ang relasyon nila ay kaya pa rin niya itong pahalagahan. Na hindi rin masama na matali ito sa kaniya. Walang divorce sa Pilipinas, kaya kahit pa sabihing contractual marriage ang naganap sa kanila ay hindi pa rin niya maiwasang isiping tinanggalan niya ng chance si Karen upang mahanap nito ang lalakeng magugustuhan nito, dahil legally binding ang kasal nila.“Why are you bothered so much by Karen?” galit na asik niya sa sarili. Ipinilig niya ang

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 20-MIXED EMOTIONS

    “What?” gulilat na bulalas ni Karen, agad niyang hinagilap ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Pagkabukas na pagkabukas niya nito ay bumungad sa kaniya ang napakaraming missed calls at messages mula sa ama. Her mind went blank and she started to fidget, panic started to rise within her. She was about to open the messages with her trembling hand ng magsalita si Alex.“We don’t need to waste time anymore,” saad nito. “We better get going.” Napapiksi siya ng hawakan nito ang nanginginig niyang kamay. Iniangat niya ang tingin sa lalaki. Sinalubong naman nito ang tingin niya. He even dared to raked her body with his eyes. Naramdaman niya ang paggapang ng init sa kaniyang pisngi ng dahil sa ginawang paghagod ng tingin ng lalaki sa katawan niya. Biglang naglaho ang kabang kaniyang nadarama dahil sa ginawa ng lalaki. “Tsk!” palatak nito at bahagya pang napa-iling-iling.“Why?” nangungunot ang moong tanong niya sa lalaki. Pero sa halip na sumagot ito ay agad itong naglakad patungo sa apar

  • CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)   CHAPTER 19-GOING BACK

    Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan pauwi sa apartment. Hindi alam ni Karen kung ikatutuwa ba niya ang pagbabago ng isip ni Alex o ano. Pero wala naman kasi sa usapan nila ang mga planong ginawa nito.Ilang saglit pa ay agad na nilang narating ang apartment. Agad na sumalubong sa kanila ang katiwalang si Tatay Ando, ito ang nagbukas ng gate sa kanila upang makapasok sa loob ng garahe ang sasakyan. “Congratulations sa inyong dalawa,” nakangiting bungad-bati ni Tatay Ando ng makababa na sila ni Alex sa sasakyan. “Napakaganda mo sa suot mong iyan, Karen, Iha,” baling-puri sa kaniya ng matanda.“Salamat po, ‘Tay.” Namumula ang pisnging pasasalamat ni Karen. Bagama’t nagtataka siya kung bakit parang hindi man lang yata ikinagulat ng matandang katiwala na ikinasal siya kay Alex.“Naku, Iha, walang inilihim sa akin si Sir Alex, halos ako na rin ang nagpalaki sa batang ito. Ipinaalam niya sa akin na kasal ninyo ngayon. Akala ko nga ay sa mga susunod na ara

DMCA.com Protection Status