Pabalik-balik na naglalakad si Karen sa loob ng kan’yang apartment. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Nag-iinit ang sulok ng kan’yang mga mata. Pilit niyang pinipigilan ang nagbabantang pagpatak ng luha. Her palms were sweating, pati na rin ang ibabaw ng labi niya. Her nerves were starting to get into her. Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero she felt like crying. She doesn't want to cry, especially today. Ngunit nagtatalo ang nararamdaman niya, naghahalo ang kaba at lungkot sa puso niya.“Bestie, will you please calm down? Maupo ka nga, ako ang nahihilo sa iyo,” saway ng kaibigan niyang si Jessica, habang nakasunod ang tingin nito sa bawat galaw niya.“I can't, Bestie,” bahagyang gumaralgal ang tinig na saad niya sa kaibigan.“I do understand what you feel, Bestie. After all hindi araw-araw na ikinakasal ang isang babae,”dinig ni Karen ang lungkot sa tinig ng kan’yang kaibigan. “And I didn't imagine your wedding to be like this,” dugtong na saad pa nito.“Me too, Bes
Read more