"Magpakabait kayo, huh?" bilin ko sa mga kapatid ko. Dinala ko na sila dito sa isang condo ni Joshua kung saan sila tutuloy ng ilang araw habang nasa out of town kami. Puno ang ref at pantry kaya siguradong hindi sila magugutom. Tuwang-tuwa din sila sa malaking tv na nasa sala. "Huwag niyong pasasakitin ang ulo ni Ate Nora," dagdag ko pa. Mabait naman sila. May oras lang talaga na magulo sila at nagtatalo na madalas na ikainis ko sa kanila. "Opo, ate!" sabay-sabay nilang sagot. Nang masiguradong maayos na sila, bumaba na ako dahil naghihintay na sa akin sa baba si Joshua. "Salamat, Sir," sabi ko pagkapasok ko ng sasakyan. Tumango lang siya. Busy siya sa kaniyang celphone at mukhang wala na naman siya sa mood na magsalita. Nagpunta kami sa isa sa mga building na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Hindi ako makapaniwala na sasakay kami ng chopper. Nauna na siyang naglakad, habang mabagal naman ang bawat hakbang ko dahil nakaramdam ako ng kaunting kaba. Inalalayan ako ng tauhan
Read more