Home / Romance / The Billionaire's Annoying Assistant / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Annoying Assistant : Kabanata 21 - Kabanata 30

67 Kabanata

Chapter 21

May isang araw pa sana kami dito sa Baguio pero may nangyari sa mommy ni Joshua kaya kinailangan na naming bumalik ng Manila. Sumama ako sa kaniya hanggang sa ospital kung saan naka-confine si Madam. Nadulas siya sa banyo at hindi maganda ang pagbagsak ng kaniyang balakang. Nagtamo siya ng injury. "I'm fine, you don't have to worry about me," sambit nito habang hinahaplos ang buhok ni Joshua na makikitaan ng labis na pag-aalala sa kaniyang ina. Tahimik naman akong nakatayo sa sulok. "Kumusta ang Baguio?" "Still Baguio," sagot naman ni Joshua. Sinulyapan niya ako nang mapansin niya na nasa akin ang tingin ng kaniyang ina. "Maupo ka, hija," sabi ni Ma'am. Tinuro niya ang sofa sa gilid. Tahimik akong naupo doon. Pinauwi na muna ni Joshua ang katulong na nagdala sa kaniyang ina dito sa ospital, para kumuha sa mansyon ng makakain. "May good news ba?" tanong ni Ma'am. Nagawa pa niyang ngumiti pero alam kong may iniinda siyang masakit sa kaniyang katawan. Siguro ayaw niyang mag-ala
Magbasa pa

Chapter 22

NA-LATE ako ng dating sa trabaho dahil may sakit si Popoy. Kahit na may bantay sila, sinigurado ko muna may gamot siya para hindi na ako mag-alala pa..May breakfast meeting si Joshua ngayon at dapat kasama ako. Tumawag ako kanina sa kanya gamit ang celphone ng maid upang magpaalam. Pagdating ko sa trabaho, nadatnan ko ang isang babae na nakikipagtalo kay Mady. "Ma'am, umalis na po kayo dahil kung hindi mapipilitan po akong tawagin ang security para—" Napatingin sa akin si Mady. "Kausapin niyo na lang po ang girlfriend ni Sir," sabi ni Mady. Napatingin ako sa aking likuran. Sino'ng girlfriend? Ako ba?Pasimpleng tumango at kumurap sa akin si Mady. Inayos ko naman ang aking tindig bago ako lumapit sa kanila. "Ano'ng nangyayari dito?" tanong ko. "Ah, Ma'am, nanggugulo po siya dito."Tinaasan ko ng kilay ang babae. Nakakainis. Hindi pa man din maganda ang suot ko ngayon, dahil hindi pa nalabhan ang mga maayos kong damit. Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Nakipagtitigan
Magbasa pa

Chapter 23

Nagmamadali akong pumasok sa banyo upang makapag-toothbrush at maghilamos. Nagsuklay na din ako ng buhok at sinigurado na maayos ang aking mukha. Nagpalit ako nang mas maayos na damit. Bumalik ako ng sala ng tiyak kong malapit na siyang dumating. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba habang naghihintay ako sa kaniya. At nang magbukas ang pintuan ng condo, napatayo ako. Pero agad din akong umupo. Bakit ba ako tatayo? Kailangan ko ba siyang salubungin ng yakap? Eh, hindi pa naman kami. May bitbit siyang paper bags na hula ko ay pagkain ang laman. Nakangiti siya at kahit magulo ang kaniyang buhok ay guwapong-guwapo pa din siya. Hindi na niya suot ang kaniyang neck tie. Nakalas na din ang dalawang butones ng suot niyang polo. "Can't sleep?" "Lasing ka ba?" Magkapanabay naming tanong sa isa't isa. "No, I'm not drunk. Dalawang baso pa lang ang naiinom ko. I was actually planning to come here before you call.""Ta-Talaga?" nangingiting tanong ko. "Hmmm. I thought you go out on a date with
Magbasa pa

Chapter 24

Tulad kahapon, sinundo ulit ako ni Joshua. May dala siyang flowers at sabay ulit kaming nag-almusal. Pagbaba namin ng kaniyang sasakyan, hawak kamay kaming naglakad papasok ng kanilang building. Nagtatawanan pa kami paglabas namin ng elevator pero napadta ako nang makita ko si Xavier na nakatayo sa harap ni Mady, habang nakatulala na nakatingin sa amin ni Joshua. Tahimik na pumasok si Joshua sa loob. Habang ako naman ay hindi malaman kung paano haharapin si Xavier. Napakamot ako ng aking batok. Si Mady na hindi nauubusan nang sasabihin, tila naumid naman. Nakikiramdam sa amin. Awkward na tumawa si Xavier bago siya nagsalita. "Mukhang nahuli ako," naiiling at nakangiti niyang sambit. Hindi ko naman magawang ngumiti sa joke niya kung joke man iyon. "Ah. . . Xavier.""It's okay, I understand. Congratulations! I'm happy for you. Really. . ."Naramdaman ko ang sinseridad sa kaniyang sinabi. "S-Salamat, Xavier."Tumango siya at tipid na ngumiti bago nagpaalam na aalis na. "Naawa nam
Magbasa pa

Chapter 25

Bababa na sana ako sa sasakyan nang hawakan ni Joshua ang akiñg kamay. "Bakit?" Nanlaki ang aking mga mata nang kabigin niya ako at siniil ng mapusok na halik sa aking mga labi. Para na naman akong aatakehin sa puso dahil sa bilis ng tibok ng aking puso habang patindi naman nang patindi ang pag-atake niya sa aking mga labi. Hinihingal siya nang huminto siya sa paghalik. Nanatiling nakadikit ang kaniyang noo sa aking noo. "Aalis ako mamayang madaling araw. Pupunta ako ng Hongkong."Natahimik ako. Ilang araw naman kaya siya doon? Tiyak na mamimis ko siya. "Wala ka pang passport kaya hindi kita maisasama." Napangiti ako. "Aasikasuhin ko ang passport ko sa susunod para kahit saan ka magpunta, kasama mo ako," sagot ko naman. Mahina siyang tumawa. "Glad to hear that."Ngumuso naman ako at ginamit naman niyang pagkakataon iyon upang dampian ako ng mabilis na halik sa aking mga labi. "Ihatid na kita sa taas tapos uuwi din ako agad para makapag-impake.""Okay." Nakaakbay siya sa akin
Magbasa pa

Chapter 26

Tumawa siya at agad umalis sa aking ibabaw. "Magpa-deliver na lang ako ng dinner natin," aniya. After dinner uuwi na din ako para makapagpahinga. Hindi ako nagsalita. Gusto ko sanang sabihin na maari naman siyang matulog dito, kaso baka mapahiya na naman ako. Magmumukha na akong patay na patay sa kaniya. Madami siyang in-order na pagkain na pinagsaluhan naming lahat. Naging masaya at maganang kumain ang mga bata. "Kayo na ang maghugas ng mga pinagkainan," utos ko sa mga bata. Hindi porket dito na kami nakatira at may kasambahay ay hindi na din sila gagawa ng gawaing bahay. "Opo, ate!" Pinagtulungan nila ang paghuhugas, habang kami naman ni Joshua ay tumambay muna sa balcony. Nakatayo siya sa aking likuran at yakap ako. "K-Kumusta ang meeting mo sa hongkong?" tanong ko dahil wala akong ma-i-topic. "Ayos naman.""Hindi mo sinabi na kasama mo doon si Kaitlin. Ahm. . .""I didn't expect her to be there. Ang kaniyang daddy naman ang madalas na dumalo sa mga meetings na ganoon." T
Magbasa pa

Chapter 27

Alas-nuebe na ng makauwi ako ng condo. Hinatid ako ni Joshua at umuwi na din siya agad kahit pa kinukulit ko siya na matulog na lang dito. "Saan ako matutulog?" nakangisi niyang tanong. Alam ko na sinusubukan lang niya ako. Hindi ko talaga mapipilit. "Sa sofa," sabi ko naman. Makahulugan siyang tumingin sa akin. "Sasakit lang ang likod ko," pagdadahilan niya. Saka tiyak na hindi ako makakatulog dahil gagapangin mo ako. Tumawa siya nang malakas ng samaan ko siya ng tingin. "Bye, babe. Bukas ulit." Hinalikan niya ako. Apat na mabibilis na halik. Tumawa siya nang kumapit ako sa kaniyang balikat. "Goodnight." Agad na siyang tumalikod. Hindi naman maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi habang tinatanaw siya hanggang sa makalapit siya sa may elevator. "Pumasok ka na," aniya sabay senyas sa akin. Matamis akong ngumiti at kumaway sa kaniya. Nag-flying kiss pa ako at agad naman niya itong sinalo. Tawang-tawa tuloy ako. At hanggang sa mahiga ako, hindi na maalis-alis ang ngiti sa aki
Magbasa pa

Chapter 28

Matalas akong tinignan ni Kaitlin. At hindi gaya ng dati na kaya kong salubungin ang mga matalas na mga mata ng mga kahit na sinong tao. Ang mga mata ng mga tao sa paligid ay nakatuon sa akin. Alam ko ang mga ganiyang tingin. Hinuhusgahan nila ako at pinandidirihan. "Ano pa ang hinihintay mo?" mataray na tanong ni Kaitlin sa akin. "Umalis ka na!" pagtataboy niya at may kasama pa itong nagbabantang tingin. Lumunok ako at nag-ipon ng lakas upang makagalaw mula sa aking pagkakatayo. Dinampot ko ang aking coin purse sa lapag at nagmamadaling umalis. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa labas. Wala akong makita na taxi na maari kong sakyan kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may kalsada. Nanginginig ang aking katawan dahil sa labis na gulat sa nangyari pero nakakapagtaka na may lakas pa din ako na tumakbo. Ang panghuhusga at sakit na nararamdaman ko ang nagbigay sa akin ng lakas. Nakalayo na ako nang saktong may taxi na dumaan. Pawis na pawis akong sumakay sa taxi. Tu
Magbasa pa

29

"Dito na ba talaga tayo titira?" tanong ni Ney Ney habang nakatingin sa loob ng kuwarto na kinaroroonan namin. Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Nagkatinginan naman ang ibang mga bata. "Bakit kung dito tayo titira? Sanay nga tayo sa bangketa matulog!" inis na sabi ni Badjao. "Ang arte naman nito!" sabi din ni Bochok. "Hindi ka nakakatulong!""Tinatanong ko lang naman, e," nanlalaki ang butas na paliwanag naman ni Ney Ney. Malungkot akong tumingin sa kanila. Alam kong kahit paano nasanay na sila sa ilang araw o linggo na pagtira namin sa condo. Naging komportable sila doon. "Huwag na kayong mag-away diyan," awat ko sa kanila."Dito na tayo titira. Babalik din ulit tayo sa dating gawi para makakain tayo. Mag-iipon tayo at magsusumikap. Magtulungan tayo. Okay ba iyon?" "Opo, ate!" Sabay-sabay nilang sagot. Alam ko naman na lahat sila naninibago, kaso pinapakita nila sa akin na ayos lang para hindi na ako malungkot at masaktan pa lalo. "Siya magpahinga na muna kayo." Wala akong
Magbasa pa

Chapter 30

Alas-dos ng madaling araw nang nakapaubos kami ng paninda. Bumili na lang kami ng pagkain upang sa inuupahan na namin kainin, dahil pagod na pagod na talaga ako. Sumasakit na din ang aking ulo at ang aking katawan ay nananakit. Mukhang magkakasakit pa yata ako. Buhay na buhay pa ang mga tao sa gilid ng kalsada. At nang makita ako ng grupo ng mga nag-iinumang mga lalake, tinuro nila ako. "Petra, may naghahanap sa'yo! Kanina pa naghihintay," sabi nila sabay turo sa sasakyan na nakaparada sa kabilang bahagi ng kalsada. Itim na Montero sports. Sinalakay ako ng kaba sa aking dibdib. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Hinayaan ko ang kung sino mang tao na nasa loob ng sasakyan, na lumabas doon at lapitan ako. Siya naman ang may kailangan sa akin. Hindi ko din inalis sa aking isipan na baka kalaban ang tao na nasa loob. Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas doon ang isang medyo may edad na lalake. Nagmamadali itong naglakad palapit sa akin kaya bahagya akon
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status