All Chapters of The Billionaire's Annoying Assistant : Chapter 41 - Chapter 50

67 Chapters

Chapter 41

Nakauwi na sina Xavier at pamilya niya. Imbes na magpahinga na dahil medyo late na, inaya ako nina Lolo at Lola sa garden. "Parang kailan lang, baby ka pa. Tapos nawala ka sa amin kasabay ng mga magulang mo." Emosyonal si Lola habang hinahaplos ang aking buhok. "Matanda na kami ng lolo mo. At isa ito sa hangad namin, ang makita ka na mag-settle bago kami mawala sa mundo. We wanna make sure that you are happy.""Thank you, Lola. Sa support niyo." Ngayon ko lang napagtanto na parang napaka-selfish at napaka-impulsive ko sa pag-de-decide. Nakalimutan ko silang i-consider. "I wanna ask you, Izabella. Are you happy? Or does your engagement makes you happy?"Napaawang ang aking labi at ilang sandali na natahimik habang kunot noong nakatingin kay Lola. Bakit pakiramdam ko, tutol din sila sa pagpapakasal ko. "Lola if you don't want me to get married yet then. . ."Umiling si Lola at hinawakan ang aking kamay. "We want you to be happy. Kung masaya ka at tingin mo si Xavier na talaga ang
last updateLast Updated : 2023-03-17
Read more

Chapter 42

ISANG linggo na lang ikakasal na kami ni Xavier. Ilang linggo na din ang lumipas mula nang huling makita ko si Mady. Ilang linggo na din mula nang magsabi si Marko na may importante siyang inaasikaso—kaso hindi na kapani-paniwala. Hindi ako makakapayag na hindi sila um-attend sa kasal ko kaya nagpasya ako na kitain sila. Kaso wala sila sa bahay nila. I texted them my whereabouts. And waited patiently for them. Kaso iba ang dumating. Naupo si Joshua sa aking harapan. "Joshua, ano'ng ginagawa mo dito? Pinapunta ka ba ni Marko dito?" "Gusto lang kitang makita. And also, there's something you need to know." Seryoso niya akong tinignan. "Tungkol saan?" "Izabella!" Naagaw ang atensyon ko nang biglang sumulpot ang mommy ni Xavier kasama ang kaniyang mga kumare. Tumayo naman si Joshua at basta na lang umalis. Hindi na natuloy ang dapat na sasabihin niya. Tungkol saan naman kaya iyon?"Is that your ex?" bulong sa akin ng aking byenang hilaw. Nahihiya akong tumango. "Closure?" tanong
last updateLast Updated : 2023-03-17
Read more

Chapter 43

Hindi ko alam kung kaya ko bang matulog ngayong gabi, knowing that someone is in danger because of me. Sigurado na ako ngayon na nawawala si Mady. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. If I should contact Joshua's parents. My grandparents. Si Marko, sana. . . Iyon nga lang wala siya sa bansa. Nagpasya ako na pumunta sa bar kung saan madalas mag-hang out sina Joshua kasama ang kaniyang barkada. Sana naroon sila. Bumaba ako ng sasakyan at nagmamadali na pumasok ng bar. Walang oras na dapat masayang, dahil buhay ang nakasalalay dito. Puno ang bar. Siksikan ang mga tao. Hindi ko din maaninag ng maayos ang mga mukha ng mga tao, dahil sa nakakahilo na patay sindi na ilaw. Nakakabingi ang musika. Dumadagundong ang buong paligid sa lakas ng volume. Hindi ko sigurado kung narito nga ang mga kaibigan nina Joshua, pero I should atleast try to look for them. Nang biglang mamatay ang ilaw. The crowd starts to panicked. Para naman akong kakapusin ng hininga dahil sa gitgitan ng mga tao n
last updateLast Updated : 2023-03-19
Read more

Chapter 44

I passed out. But before I totally lost my consciousness, I knew that help has arrived."W-Where am I?" tanong ko nang mamulatan ko si Lola na alalang-alala ang mukha habang nakatunghay sa akin. "Nasa ospital ka, hija. How are you feeling?" Napakurap ako at ilang sandali na napaisip. Napabalikwas ako nang maalala ko ang nangyari. "Si J-Joshua, Lola? Si X-Xavier?" natatakot at natataranta kong tanong. Muli akong nakaramdam nang matinding takot dahil nabaril ang dalawa kanina. "Hija, calm down. Mahiga ka muna.""No, Lola. I need to see Joshua and Xavier. Nasaan sila? Nandito ba sila sa ospital?"Nagkatinginan sina Lolo at Lola. Nang wala akong makuhang sagot, agad akong bumaba ng kama at lumabas ng hospital room. Kailangan kong makita sina Xavier at Joshua. Nasa panganib ang buhay nila. Nabaril sila. And Joshua. Oh my God! Nanghihina ako kaya bahagya akong huminto sa paglalakad. Luminga din ako sa buong paligid, nagbabakasakaling makita ko ang dalawa. "Izabella!" Hinawakan ni Lo
last updateLast Updated : 2023-03-20
Read more

Chapter 45

"Alam mo, duda na talaga ako diyan sa mga kinikilos mo," sabi ni Mady habang patuloy sa paglantak sa fries na bagong luto sa kaniyang harapan. Binaba ko naman saglit ang tablet na hawak ko at nakisali na din sa kaibigan ko sa pagkain. Uminom ako ng juice pagkatapos at muling kinuha ang tablet. Inabot ko ito sa kaniya. "Hindi nga siya active sa social media," sabi ni Mady. "Baka naka-hide sa akin ang mga new posts niya," nakanguso kong sambit. Bumulanghit naman sa tawa si Mady. "Alam mo, kung hindi ko lang naiisip na isa ka sa pinakamayanan sa buong Pilipinas at buong mundo, nabatukan na talaga kitang babae ka."Hindi ko siya inintindi. Nilapit ko pa sa kaniya ang tablet dahil ayaw niya itong kunin. "Bakit naman niya iha-hide sayo ang post niya? I'm sure nakapag-move on na iyon sa'yo." Tumawa siya. "Oh, heto na nga!" Ni-log in niya ang kaniyang account, saka ni-search ang pinapahanap ko. "Walang bagong post. At kung may bago man siyang post hindi niya kailangang mag-hide. At ku
last updateLast Updated : 2023-03-21
Read more

Chapter 46

Hindi pumayag si Joshua. Bukas na lang daw sila magkita-kita ng kaniyang mga kaibigan. Pansin ko sa mga kasama ko na iniwasan na lang din nila na mapag-usapan pa namin ang tungkol kay Joshua. Nagpatuloy kami sa pag-inom. I toned down a bit at pinili na lang na magpalutang sa tubig. "Affected much?" nang-aasar na tanong ni Mady sa akin. Sinundan pa talaga niya ako dito sa gitna. "Why would I?" tanong ko naman. From now on, titigilan ko na ang pag-iisip kay Joshua. For my own good. "Bukas, mag-bar tayo," aya ni Craig. "Hindi ba't magkikita kayo nina Joshua bukas?" tanong ni Mady. Nang may mapagtanto napangisi siya. Naghahamon silang tumingin sa akin na tatlo. "Tignan nga natin kung nakapag-move on na ba sa iyo si Joshua," natatawang sambit ni Marko. "Kayo na lang. Pahinga ko muna ang atay ko. Gusto kong mabuhay nang matagal pa," pagdadahilan ko. "Eh, di huwag kang uminom. Sayaw lang. May mga ladies drinks naman o kaya juice sa bar.""I dont know." Umiling ako. Hindi ako madad
last updateLast Updated : 2023-03-22
Read more

Chapter 47

Sobrang sakit ng ulo ko paggising ko kinaumagahan. Bumangon ako upang maligo ngunit bumalik din ako agad sa kama at pinilit na matulog. Hapon na ng magising ulit ako. Kung hindi pa kumakalam ang aking tiyan ay hindi pa talaga ako babangon. Napasobra ako ng inom kagabi. Madaling araw na kami nakauwi. Hindi ko naman magawang magpaalam sa grupo dahil hindi pa umaalis sina Joshua. Ayaw ko lang na bigyan sila ng ideya na nag-walk out ako, dahil wala naman iyon sa isip ko. Kaya si acla, napasabak na naman sa inuman, kahit na wala naman sa plano. Ayun, wala naman akong napala. Sakit ng ulo lang at mahapdi na sikmura. Akala ko makakausap ko na si Joshua kaso hindi naman ako maka-timing. Hindi na lang sana ako nagpunta pa. Uminom ako nang malamig na malamig na tubig pagkatapos kong kumain. Nagpadala din ako ng dessert sa maid sa may pool, at doon muna ako tatambay. Nahiga ako sa sun lounger sa gilid. Gustuhin ko mang magtrabaho ngayong araw, at maging productive hindi ko talaga magawa.
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more

Chapter 48

Maghahatinggabi na ako nakauwi ng penthouse. Nagpasya kasi ako na i-treat ang ilan sa empleyado kanina sa branch na pinuntahan ko. Ginagawa ko ito, monthly para ma-motivate sila sa trabaho. Naligo ako bago ako naupo sa sofa. Hindi pa muna ako matutulog dahil may mga kailangan akong tapusin na trabaho. May mga text messages si Mady na pinili kong i-ignore. Ang mga tawag din ni Marko ay hindi ko sinagot, para isipin nila na busy ako. Nasa party sila ngayon, kasama nila doon sina Joshua at Angel. Pinapasunod nila ako pero nagpasya ako na hangga't medyo apektado pa ako sa pag-iignora sa akin ni Joshua, mas mabuti na hindi na muna magkrus ang landas namin. Saka na kapag kaya na niyang makipag-usap ng maayos. Hinilot ko ang aking noo at batok. Inaantok na ako pero kailangan kong labanan. Kaso kung hindi antok, nababalot naman ang aking puso ng matinding kalungkutan. Namimis ko na sina Lolo at Lola. Namimis ko na ang Spain. Kung may kapatid lang siguro ako at ibang kamag-anak sa mga de
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more

Chapter 49

Sa cottage ako kumain ng dinner at hindi din ako sumali sa inuman ngayong gabi. Masyado nang malaki ang ulo ni Joshua at baka isipin na naman niya na nagpapapansin ako sa kaniya, kapag sumabay ako sa kanila na mag-dinner at makisalo sa inuman. Nandito ako para sana makisalamuha sa iba't ibang mga negosyante pero hindi ko magawa dahil sa feelingero na Joshua na iyon. Alas-nuebe pa lang, nakatulog na ako. Maaga akong nagising kinaumagahan, kaya maaga din akong naligo upang makapag-almusal na agad. Maaga din ang iba sa mga kasamahan namin. Sa isang mahabang mesa, nakaupo sina Joshua kasama ang ilan sa mga dalaga at mga binata na mga kasamahan namin. Wala ang kaniyang mga kaibigan. Nagpadala sila ng mga representative nila. Ilan sa kanila ay ilang beses ko nang nakasama sa mga in-attend-an ko na mga conventions at conferences. Kumaway sila sa akin. Inaaya ako sa kanilang mesa. Hindi naman ako makapagdesisyon kung makikiupo ako doon o hindi. Mabuti na lang at dumating si Elias. My sa
last updateLast Updated : 2023-03-25
Read more

Chapter 50

Last day ngayon ng convention pero kinailangan kong bumalik ng Manila dahil may emergency sa kompanya. I asked someone to attend on my behalf. Alas-siete pa lang ng umaga nang sunduin ako ng chopper. Hindi na ako nakapagpaalam kay Elias. Nag-send na lang ako ng mensahe sa kaniya. Naging busy ako sa trabaho. Ganoon din si Mady. Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa din kami nakakapagkita kahit na iisang building lang naman ang tinitirhan namin. Sabado ngayon. Sa penthouse lang ako maghapon pero magtatrabaho pa din ako. May text sa akin si Marko na nagsasabing kumain kami sa labas mamayang gabi pero sinabi ko na busy ako. Kung kinakailangang pati sila ay iwasan ko, gagawin ko para hindi na kami magkita pa ni Joshua. The guy, doesn't want to see me anymore, so I should respect that. Hindi ko naman ikamamatay kung hindi ko siya makita. Pero siya baka ikamatay niya kapag makita ako, kahit hindi naman sinasadya na magkrus ang landas naming dalawa. Tanghali nang umakyat dito sa pen
last updateLast Updated : 2023-03-26
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status