Three thousand pesos ang binigay ni Sir sa akin. Grabe, naglinis lang ako ng condo niya, nagka-three thousand pa ako. Inutusan ko ang kapatid ko na bumili ng karne ng manok sa may talipapa upang makapagluto na ako. "Wow! Masarap ang ulam natin!" takam na takam na sabi ni Popoy. "Oo, naman! Agahan ko nang magluto dahil maaga ulit tayo sa palengke," sabi ko. Kahit malaki ang kinita ko, kailangan pa din naming magtinda. Tuloy pa din ang plano ko na makapag-ipon at makaalis sa inuupahan naming barong-barong, kahit na wala na akong maayos na trabaho.Sipag, tiyaga at diskarte lang talaga ang kailangan. "Akala ko po ba wala ka ng trabaho, Ate?" tanong ni Popoy habang kumakain kami. "Wala na nga. Naalala niyo si Madam? Nanay siya ni boss, pinaglinis niya ako ng condo ni Sir.""Ah," sabay-sabay nilang sambit at tango. "Oo. At bukas, aalis ulit ako dahil ipaglalaba ko siya.""Okay, Ate.""Guwapo ng boss mo, Ate, ha. Bagay kayo..."Pumalatak ako. "Hindi ako type nun, no! Saka babaero iy
Magbasa pa