Share

Chapter 2

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2023-02-22 19:37:02

Nakatulala ako at pinagpapawisan dahil sa nakita ko. Hindi mabura-bura sa isipan ko ang nasaksihan ko na kaganapan.

Pakiramdam ko ay nasira ang aking kainosentahan. Charot. Hindi naman ako inosente sa mga gano'ng bagay dahil nakapanood na ako ng mga porn kasama ang mga kaibigan, pero birhen pa ako. At ang nasaksihan ko ay live pa talaga.

Pakiramdam ko mas lalong nanuyo ang aking lalamunan.

Ilang minuto na akong tulala nang makita kong nakabalik na ang secretary sa kaniyang table. Parang nagulat pa ito na makitang nandito pa din ako.

Sakto din na lumabas ng opisina ng boss ang babae na nakita kong kasama ng boss na magtampisaw sa naglalawang sarap. Kung ano-ano tuloy ang naiisip ko dahil sa aking nakita.

Jusko! Tanghaling tapat kasi, katirikan ng araw, hindi man lang pinipili ang oras! Hindi man lang pinipili ang lugar! Kung saan abutan ng kalibugan du'n na! Walang delikadesa ang babaeng 'to!

Maharot! Malandi! Basta na lang bumubukaka at pumapayag na magpatira kung saan-saan! Ayos lang sana kung naka-lock ang pinto!

Jusko! Maria! Purisima! Santisima!

Grabe din ang boss na 'yun! Inuna pa talaga ang pumasok sa kung saang butas, samantalang nasa opisina siya. Working hours!

Kailangan kong magwisik ng holy water! Nagiging makasalanan na ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang babae.

Inaayos nito ang medyo magulo niyang buhok. Sinuri ko ang kaniyang itsura, mula sa suot niyang napaka-iksing palda. At sa napakakapal na makeup. Ang lipstick ay nagkalat na.

Jusko! Lumabas na ganiyan ang ayos. At parang proud na proud pa siya sa ginawa niya.

Mga ganyang itsura pala ang gusto ng boss ng kompanya na ito. Mukhang sosy pero pangkaladkarin.

Mukhang babaero ang boss, kaya kahit nasa trabaho pinupuntahan ng babae.

Paano naman kasi, likod pa lang ng boss, mukhang masarap na, este mukhang magandang lalake siya. Na-curious tuloy ako sa itsura niya.

Pagkaalis ng babae ay tumayo na din ako sa aking kinauupuan.

Lumapit ako sa sekretarya, na busy sa  pagsuri ng kaniyang itsura sa maliit na salamin na hawak sa kaniyang kamay.

"Ma'am, hindi na po ba busy ang boss mo?" tanong ko sa magalang na paraan. Bumuntong hininga siya at inabot ang kaniyang telepono. May pinindot ito.

"Yes?" tanong ng baritonong boses sa kabilang linya ng telepono.

"Sir, may isa pa pong aplikante." Hinintay ko ang sagot mula sa kabilang linya. Mahigpit ang hawak ko sa bag na hawak ko at taimtim na nagdasal. Hindi naman na siguro siya busy at nagawa pa niyang makipag-tira-tira dulce sa opisina niya.

"Pabalikin mo na lang siya bukas," sagot niya sa kabilang linya. Nagpantig ang tenga ko sa aking narinig. Gusto kong magmura sa inis.

Pero hindi. Kailangan kong maging kalmante. Hindi lahat dinadaan sa init ng ulo kahit nakakapag-init siya ng bunbunan at balun-balunan.

"Sir, please, inutang ko lang po ang pamasahe papunta dito ngayon. Kailangan ko po ng trabaho. Ayaw kong pong mamamatay sa gutom," pakiusap ko. Hindi ko na naisip ang hiya at sumingit na ako sa telepono. Narinig ko ang malakas na pag-buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Send her in." Dinig kong sinabi niya sa kabilang linya. Mabuti naman at tinablan.

Napangiti ako. Inayos ko ang damit ko at sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri, bago ako kumatok ng tatlong beses sa pinto ng opisina ng boss. Hindi ko na hinintay pang magbubukas ang pintuan o magsalita ang boss mula sa loob.

Pinihit ko na ang door knob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Automatic namang nagsara ang pinto. Umayos akong ng tayo at pumihit sa direksyon ng mesa ng boss.

Ganu'n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita at makilala ko kung sino ang boss.

Napalunok ako at nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Nakatingin lang siya sa akin. Ang mga daliri ay magkasiklop habang ang kaniyang mga siko ay nakapatong sa kaniyang mesa.

Anak ng teteng naman, o! Siya ang boss?

Tinaasan niya ako ng kilay kaya naman tinikom ko ang aking labi na bahagyang nakaawang, dahil sa pagkamangha.

Hindi ko inakala na 'yung drinamahan ko kanina sa may elevator ay ang boss. Yari ako nito. Paano na lang ang pangarap ko sa buhay?

Pipay, katanga-tanga mo talaga, e! Tumikhim ako at nahihiyang ngumiti.

"G-Good afternoon po, Sir," bati ko sa nahihiyang boses. Gusto kong kurutin ang sarili kong singit dahil sa gamit kong boses.

Kailan pa ako naging mahinhin at pabebe magsalita?

Ang mariin na magkalapat na labi kanina ng boss dahil sa kaseryosohan ay napalitan ng ngisi.

"Mukhang hindi ka naman mamamatay sa gutom, ang kapal nga ng baby fats mo sa katawan," pang-aasar niya.

Ang kaba na kanina ko pa nararamdaman ay napalitan ng pagkainis.

Kalma, Pipay, boss 'yan, paalala ko sa aking sarili.

"Relax, you look so nervous," aniya. Mukhang okay naman pala itong boss na ito.

Ngumiti ako at dahan-dahang humakbang hanggang sa makarating ako sa harap ng kaniyang mesa.

Inabot nito ang kaniyang kamay. Agad ko namang binuklat ang hawak kong brown folder at nilabas ang mga laman nu'n.

"You didn't finish high school," aniya.

"May ALS certificate po ako, Sir," agap ko at baka gawin pang big deal iyon. Huwag naman sana.

Tumango siya. "You didn't even finish a degree," dagdag niya. Napalunok ako at marahang tumango.

"Yes, Sir. Inuna ko po kasi ang magtrabaho para may makain ang mga kapatid ko. Wala na po kaming mga magulang. Pero ganunpaman, nagsikap po akong makapag-aral. Nakapagtapos ako ng computer secretarial. Two years nga lang po," tuloy-tuloy kong sagot. Pinigilan kong maiyak. Hindi na 'to drama. Totoo na. Ramdam ko ang panliliit sa aking sarili.

Mukhang hindi magandang ideya ang mag-apply sa malaking kompanya na gaya nito.

Hindi siya sumagot. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Pinagsiklop ko ang aking mga daliri. Pangatlong kompanya na 'to. Kapag hindi ako matanggap, sa mga mall na lang ako mag-apply. Apply na lang akong sales lady. Maganda pa din naman ang sahod doon.

Nilunok ko ang aking laway baka tuluyan nang malaglag ang aking luha. Kailan pa ako naging iyakin?

Bumuntong hininga ang boss.

"You may start tommorow," aniya na kinagulat ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at nakita ko siyang nilapag na sa mesa ang hawak kanina na mga credentials ko.

"T-Talaga po?" paninigurado ko.

"Yes," sagot niya. Para bang biglang nag-iba na naman ang mood niya.

"Ano pong trabaho, Sir?" tanong ko.

"Nag-apply ka ng trabaho tapos hindi mo inaalam kung ano ang trabaho mo?" tanong niya sa may bahid na inis na tono. Grabe naman 'to.

"Ah... eh," napakamot ako ng ulo.

Bahala na nga. Ayaw naman niyang sabihin. Du'n sa sekretarya na lang na maarte ako magtatanong.

Ngumiti ako.

"Thank you, Sir. Hindi ka lang guwapo, napakabait ka pa." Tamad niyang kinumpas ang kamay, tanda na pinapaalis na niya ako sa kaniyang harapan.

Kung ano man ang naisip kong masama

sa kaniya kanina ay binabawi ko na.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Lorena Collado
xciting guys
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
congratulations Pipay tanggap ka na
goodnovel comment avatar
Mary-Ann R. Viojan
hahaha.anu ba yan pipay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 3

    Tinignan ko ang laman ng aking coin purse nang madaanan ko ang nagtitinda ng fishball sa may kanto malapit sa building na pinag-apply-an ko. Bente pesos na lang ang pera ko. Sakto lang na pamasahe ko pauwi. Poproblemahin ko din ang pamasahe ko sa pagpasok bukas. Tumutunog na din ang aking tiyan pero kailangan kong tiisin. Kakain na lang ako sa bahay. Baka nakapagsaing na ngayon ang mga kapatid ko. Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako kina aling Salve upang manghiram ng damit na susuotin ko bukas. Wala kasi akong maayos na damit. Wala pa akong pambili. May turtle neck siyang long sleeve at palda na lagpas ng tuhod. Puwede na 'to! "ATE!" sabay-sabay na tawag sa akin ng mga kapatid ko nang makapasok ako ng bahay. Isang maliit na pinagtagpi-tagping lumang plywood, kahoy at lumang yero lang ang tinitirhan namin. Hindi sa amin, umuupa lang kami. "Kumusta? Natanggap ka?" tanong ni Bochok, sampung taong gulang. "Hindi, e..." anas ko saka nagkunwaring malungkot. "Di bale, Ate. Han

    Last Updated : 2023-02-22
  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 4

    Hindi ako mapakali sa aking upuan. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos. Patingin-tingin ako sa saradong pintuan sa opisina ni Boss. Trenta minutos na pero hindi pa din lumalabas ang kaniyang mommy. Paano kung pinapagalitan niya ito, dahil sa mga pinagsasabi ko? Naku, Pipay! Kakaumpisa mo pa lang pero mukhang masisisante ka agad. Hindi mo pa man nababalik ang lahat ng ginastos mo sa pagkuha ng requirements. Napaayos ako ng upo nang magbukas ang pintuan. Lumabas doon si madam, seryoso ang kaniyang mukha, pero nang makita niya kami ni Mady, ngumiti siya. "Ma'am, bumisita po pala kayo.." sabi ni Mady. "Yes, may sinadya lang ako sa boss niyo." Nginitian niya si Mady saka siya tumango at ngumiti din sa akin.Nagpaalam na siyang umuwi. Habang naghihintay ng oras ng uwian, maya't maya akong napapatingin sa may pintuan ni Sir. Hindi pa siya lumalabas mula kanina. Natatakot ako na baka sa oras na lumabas siya, sabihan niya ako na last day ko na ngayon. ALAS-singko y media. Nag-aayos

    Last Updated : 2023-02-22
  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 5

    PAGBALIK ni Sir ng office, nakaantabay na ako sa anumang ipag-uutos niya. Pinaaalalahanan ko na din ang aking sarili na huwag agad iinit ang ulo kapag may gawin o ipagawa na naman siyang nakakainis. Pero natapos na kaming mag-coffee break ni Mady, hindi niya ako tinawag. Mukhang babawi siya kung kailan uwian na, para hindi ako makauwi ng maaga. At tama nga ako, nakakainis talaga siya! May pinapa-print siyang mga documents na kailangan para bukas ng maaga. Binilinan din niya kami ni Mady na before seven in the morning, nandito na kami. Tutulungan sana ako ni Mady kanina pero may iba siyang pinag-utos sa kaniya. Inabot ako ng dalawang oras sa pagpi-print at pag-aayos. Bumili din ako ng mga folder na pinaglagyan ko ng mga dokumento. Mag-alas-otso na naman ako umalis ng trabaho. Sa palengke ako dumiretso. Nabilinan ko na ang mga kapatid ko kagabi na kapag sumapit ang alas-siete na hindi pa ako nakakauwi, mauna na lang sila sa palengke. INAANTOK pa ako pagpasok ko kinaumagahan. Bum

    Last Updated : 2023-02-22
  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 6

    Pinilit kong ngumiti nang makita ko si Madam sa labas ng opisina. "May ginawa ba siyang masama sa'yo? tanong niya agad. "Wala po madam. Nagkaasaran lang po kami." Ngumiti ako. "Okay, kung may gawin siyang hindi maganda, sabihin mo sa akin. Ako ang bahala sayo." Nakangisi kong sinulyapan si Sir. Nasa hamba siya ng pinto at seryosong nakatingin sa aming dalawa ng mommy niya. "Thank you po, Madam," nakangiti kong pasalamat, pagkatapos ay nakangisi kong sinulyapan si Sir. Narinig mo iyon? Hindi mo ako basta-basta masesesante. Backer ko ang mommy mo. "Aalis na din ako." Tumalikod si Ma'am pero muli ding pumihit paharap sa amin. "Ano'ng oras kayo uuwi ngayon?" Tinignan niya ako. Nang wala siyang makuhang sagot sa akin, si Sir ang tinignan niya."Five thirty.""Okay, see you later, Petra..."Bakit? Hindi na ako nakapagtanong pa dahil pumasok na siya agad sa elevator. Tumingin sa akin si Mady. Nagkibit balikat ako dahil wala naman akong alam. Maging ako nagtataka din at napapaisip s

    Last Updated : 2023-02-27
  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 7

    "Ate, ang aga pa, a...""Nasesante ako." Pinilit kong tumawa, ayaw kong malungkot ang mga bata dahil sa nangyari sa akin ngayong araw. Natahimik sila. Nagkatinginan. Kita ko ang awa sa kanilang mga mukha. "Huwag na kayong malungkot. Ayos lang iyon. Makakaraos din tayo.""Maganda kasi ang trabaho mo, Ate. Sayang naman. Bakit ka pala nasesante?""Gago kasi ang boss ko." Pinilit kong ngumiti. "Hayaan niyo na. Bad vibes iyon. Maglalaba na lang ako at maglilinis. Tapos mamayang hapon tutulak na tayo papuntang palengke."MADAMI kaming nabenta na gulay kinagabihan. Inabot pa kami ng alas-singko ng madaling araw. Sinamantala namin na madaming mamimili. Tulog kami hanggang sa tanghali. Kung hindi lang dahil sa katok ng may-ari ng tindahan, hindi pa kami magigising. May tumawag daw sa akin. Pinapapunta daw ako sa bahay niya. Ang mommy iyon ni Sir. Gusto akong magpart time sa kaniyang bahay. Baka magpapalinis o kaya magpapalaba. Nag-isip pa ako ng ilang sandali kung pupunta ako o hindi. K

    Last Updated : 2023-02-27
  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 8

    "Maliit? Bulag ka ba?" naiirita niyang tanong. Pumalatak naman ako at hindi na siya pinansin. Nilagyan ko ng bagong punda ang dalawa niyang unan. "Sa laki at haba nito, kayang-kaya kang dalhin sa langit," sambit niya mula sa aking likuran. Kahit na nagulat ako sa pagkakita ko ng kaniyang titi, pinili kong magpanggap na hindi apektado. Mahirap na, baka samantalahin naman niya. Napakababaero pa naman ng gago Kita mo nga at likod ko lang ang nakita niya, pero nalilibugan na agad. Hindi nga kilala ang tao. Inikot ko ang aking mga mata sa mga binubulong-bulong niya. "Sus, baka basahan lang kita ng diyaryo."Tumawa siya. "Why don't you try me?" naghahamon niyang tanong. As if naman papatulan ko ang pinagsasabi niya. "No thanks. Ayokong magkasakit.""Wala akong sakit. Kahit magpunta pa tayo sa domtor."Seryoso? Loko-loko talaga 'tong lalakeng 'to. Bakit di na lang siya magbihis. Talagang pinag-aaksayahan pa niya ako ng oras para lang sa kagaguhan niya. As if madadala niya ako sa pa-ab

    Last Updated : 2023-02-27
  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 9

    Three thousand pesos ang binigay ni Sir sa akin. Grabe, naglinis lang ako ng condo niya, nagka-three thousand pa ako. Inutusan ko ang kapatid ko na bumili ng karne ng manok sa may talipapa upang makapagluto na ako. "Wow! Masarap ang ulam natin!" takam na takam na sabi ni Popoy. "Oo, naman! Agahan ko nang magluto dahil maaga ulit tayo sa palengke," sabi ko. Kahit malaki ang kinita ko, kailangan pa din naming magtinda. Tuloy pa din ang plano ko na makapag-ipon at makaalis sa inuupahan naming barong-barong, kahit na wala na akong maayos na trabaho.Sipag, tiyaga at diskarte lang talaga ang kailangan. "Akala ko po ba wala ka ng trabaho, Ate?" tanong ni Popoy habang kumakain kami. "Wala na nga. Naalala niyo si Madam? Nanay siya ni boss, pinaglinis niya ako ng condo ni Sir.""Ah," sabay-sabay nilang sambit at tango. "Oo. At bukas, aalis ulit ako dahil ipaglalaba ko siya.""Okay, Ate.""Guwapo ng boss mo, Ate, ha. Bagay kayo..."Pumalatak ako. "Hindi ako type nun, no! Saka babaero iy

    Last Updated : 2023-02-27
  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 10

    "Stop staring kung ayaw mong pakainin kita ng bell pepper diyan." Napangiwi ako. "Kadiri ka, oy!" "Ah, kadiri pala, huh?" Tumayo siya kaya agad naman akong tumakbo pero hinabol niya ako. "Hoy!" sigaw ko nang mahuli niya ako. Niyakap niya ako mula sa aking likod. Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang matigas niyang bell pepper. Tumutusok-tusok sa aking pwetan. "Joshua! Bitawan mo ako! Manyakis ka talaga!"Tumawa lang siya at sa halip na bitawan ako, inangat pa niya ako saka pinaikot-ikot. "Tumigil kang manyak ka! Yang titi mo, kumikiskis sa may puwet ko."Napalingon ako sa bandang pintuan nang makarinig ako ng mga tawa ng mga lalake. Nakangisi sila habang nakatingin sa amin ni Sir Joshua. Ang nakakainis, bigla na lang akong binitawan ni Joshua. Kamuntik pa akong sumubsob sa sahig. "Kaya pala ayaw tumambay sa penthouse," sabi ng isa. Basta na lang silang naglakad patungong sofa at prenteng naupo doon. "Iyon pala may hindi maiwan-iwan dito sa condo niya."Tinignan ako

    Last Updated : 2023-02-27

Latest chapter

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 67— SC Honeymoon

    Kagat ko ang aking labi habang pinupunasan ni Joshua ang tubig na tumutulo sa aking balat. Katatapos lang naming maligo. Napaiwas ako ng tingin nang magpantay ang aming mukha. Ang dulo naman ng buhok ko ang tinutuyo niya. "Are you satisfied?" nakangisi niyang tanong. Nag-init naman lalo ang pisngi ko. Super satisfied, sagot ng aking isip. "Parang ayaw mo pang matulog, huh..." panunukso niya na kinatulis ng aking nguso. Tumawa siya at pinisil ang ilong ko. "Matulog na tayo," malambing niyang saad bago siya lumuhod upang tulungan akong magsuot ng panty. "Kaya ko namang magsuot ng underwear..." Sinubukan ko siyang awatin. I tried to bend pero muli kong naramdaman ang pananakit ng aking panggitna. "You're sore. Kaya tutulungan na kita. At matulog na din tayo baka hindi ako makapagpigil, malulumpo ka talaga sa akin." Nagtawanan kami. Pagkatapos akong suotan ng panty, sinuotan naman niya ako ng kaniyang malaking tshirt. Binuhat niya ako at nilapag sa kama. Tinabihan niya ako at niy

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 66 Epilogue

    IzabellaEverything was like a dream. It feels like a fairytale. But it isn't. Because fairytale only happens in a book. This isn't a book. This is a reality. After all the heartbreaks that we went through. The past years that we've been apart. The hope that I lost. The hopes that he hold on to. The faith that he have. And the powerful God who helped us make it. And now... here we are. I am now Mrs. Izabella De Lucca—Harper. We really made it. Masakit na ang panga ko kakangiti at kapipigil na humagalpak ng tawa habang pinapanood si Joshua sa pagsasayaw sa aking harapan kasama ang kaniyang kaibigan. Dancer daw silang magkakaibigan nang sila ay nasa high school. And judging how they moved—mga dancer nga sila. May bago tuloy akong nalaman tungkol sa aking asawa. Hindi lang ako ang nag-enjoy ngayon. Maging ang mga asawa at nobya ng mga kaibigan ni Joshua ay tuwang-tuwa habang pinapanood ang kanilang mga kapareha na sumasayaw. Hanggang sa mag-iba ang music at lumapit na sila sa amin.

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 65 Joshua's POV IV

    Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Seryosong-seryoso siya sa kaniyang ginagawa. She's calm for how many minutes but get irritated after. Napangiti ako. Agad ko na din siyang nilapitan dahil baka kailangan niya ng aking tulong. "What's wrong?" I asked her while hugging her back hug. Pinakita naman niya sa akin ang kaniyang tablet. She wanted a red wedding gown, not the traditional white wedding gown. I thought white or cream color was perfect because it represents her. Clean, pure and a virgin. Hinalikan ko siya sa kaniyang leeg. "I can't decide," she said. She swipe her tablet and show me another color. Black wedding gown. Hindi ko alam kung paano ko siya ipagtatanggol kina mommy at sa lola niya kapag sakaling nalaman nila na black or red na gown ang gusto niya. "Are you sure about it?" tanong ko. I don't want to upset her. She's hands on with the weddding preparations. She's been dealing with it even the smallest detail. "I don't know," nakanguso niyang sagot. Three months lan

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 64 Joshua's POV III

    PAGKATAPOS ng ilang mga taon, nagbalik siya. Nagbalik bilang Izabella De Lucca. Hindi na siya si Petra. Hindi na siya ang Petra na kilala ko. Lalong hindi na siya ang Petra na pagmamay-ari ko. Madami ang nagbago sa kaniya... Hindi lang ang pangalan niya. Maging ang kaniyang pananamit, kilos at pananalita ay nag-iba na. At maging ang mahal niya ay iba na. Hindi na ako, kundi si Xavier na. Galit na galit ako kay Marko. He knew where she is the whole time. His family knew. They're family were friends. But he didn't even bother to tell me. Nasuntok ko siya. Nagsuntukan kami. "Hinayaan ko lang siya na tuparin niya ang pangarap niya. Hindi niya iyon magagawa kung magkasama kayo. I'm sure bubuntisin mo lang siya. Paano naman ang pangarap niya. She's still young at madami pa siyang gustong gawin sa buhay. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Look what she became." FOR days I've been deppressed. Nagbalik nga siya na gaya ng pinagdadasal ko sa naglipas na taon, ngunit ngayon, hanggang tanaw

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 63 Joshua's POV II

    She's Petra Estrada. May pagkabalahura ang bunganga. Madaldal. And also... she's annoying. At natutuwa ako kapag ganiyan na naaasar siya sa akin. Ibang-iba siya sa mga dating sekretarya ko, pero mas okay ito kaysa sa mga dati kong sekretarya na iba ang pakay sa pagpasok sa trabaho. SHE said she don't like me. May mga bagay din siya na sinasabi sa akin na kailanman hindi ko narinig sa ibang mga babae. Hindi daw siya nagaguwapuhan sa akin. Napatingin ako sa salamin. She's a liar. KAHIT pangit ang kaniyang fashion sense, hindi maipagkakaila ang kaniyang kagandahan. Walang panama ang ilang mga modelo na nakasabit sa edsa. She has a beautiful set of eyes. Pointed nose and a red lips that is so tempting, kung hindi lang niya sinabi na mabaho ang hininga ko, baka hindi ko napigilan ang sarili na angkinin ang kaniyang mga labi. Ilang beses ko na siyang nahuli na kung ano -ano ang sinasabi sa akin. Napapailing na lang talaga ako sa kaniya. "May bago ka ng sekretarya?" tanong ng mga ka

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 62 Joshua's POV I

    "Oh, shit! Ah!" The woman satisfyingly smile after that multiple and mind blowing orgasm that I gave her. Umalis ako sa kaniyang ibabaw at bumaba ng kama. Nagpunta ako sa loob ng banyo upang itapon ang condom na suot ko. At para na ding makapaglinis ng aking katawan. Paglabas ko ng banyo, nasa kama pa din ito. What's her name again? Rosie, Josie, Lassie? I don't fucking remember. "Another round?" tanong niya sa akin. "I'm going home," walang buhay kong sagot.. She look offended, disappointed and mad. "Matulog ka na lang dito. Sa tabi ko," sabi nito. Napangiwi lang ako nang ikurap-kurap niya ang kaniyang mga mata. Trying to look cute or seductive but I find it disgusting. Pagkatapos kong isuot ang aking mga damit bumunot ako ng ilang bills sa aking wallet. Nilapag ko ito sa bed side table malapit sa kama. "What's this? What do you think of me a prostitute?" Hindi ko na siya pinansin pa at dire-diretso ng lumabas. Pagpasok ko sa condo ko, isang lumilipad na unan ang bumungad

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 61

    Pagkatapos ng dinner at isang oras na kuwentuhan, hinatid ako ni Joshua sa penthouse. "Isn’t this the part where we are supposed to make love?"Nakasimangot na tumingin sa akin si Joshua. "Oh, bakit?" Ngumuso naman ako, sabay kurap ng aking mga mata. "No sex," sabi niya, kaya inikutan ko siya ng mga mata. Hindi na siya pumasok sa loob ng penthouse. Hanggang pintuan lang niya ako hinatid. Kahit nakatirik ang kaniyang flagpole ay talagang tiniis niya ito. Hindi pa din siya nagbabago. Baka igigiit na naman niya ang kasal muna. Bago ko ipikit ang aking mga mata, may pahabol pa siyang text sa akin. "Thank you so much, babe! I love you so much."Hindi ko na na-send ang message ko dahil habang nagtitipa, biglang nalobat ang aking celphone. Tinulog ko na lang. Alas-sais pa lang ng umaga pero napabangon na ako sa higaan dahil sa pag-iingay ng doorbell. Nagulat ako nang mapagbuksan ko ang mommy ni Joshua, lalo na ng agad niya akong niyakap. "Thank you so much, hija..." Kahit naiilang

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 60

    Tahimik kaming bumaba ng building kung saan kami binaba ng chopper na sumundo sa amin sa isla. Sumakay kami ni Mady sa sasakyan na sumundo kay Joshua, since iisa lang naman ang lugar na uuwian namin. Nagkatinginan kami ni Joshua nang malapit na kami sa palapag kung saan ang unit niya. "I think we should call a doctor first before you take a rest."Tumango ako. "I'll call our family doctor." Nilabas ko ang aking celphone at agad ni-dial ang kaniyang numero. "Samahan na muna kita sa penthouse, habang hinihintay natin na dumating ang doctor."Napangiti ako at nailing. "Ikaw ang bahala."Pagdating ng penthouse dumiretso ako sa aking silid at naligo. Paglabas ko wala pa din ang doktor. Nahanap ko din si Joshua sa kusina. Nagluluto siya. "Nagsaing na din ako," sabi niya. Bahagya niya akong nilingon. Nakahubad siya ng baro at suot ang aking pastel pink na apron. Bago matapos ang kaniyang niluluto, dumating ang doktor. Nilinis niya ang aking sugat at binigyan ako ng gamot. Hindi na di

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 59

    Nagising ako na nakayakap kay Joshua. "Mukhang hindi ko na kailangang manligaw," sabi niya nang maramdaman na gising na ako. Tumawa naman ako. "Hanggat hindi ko sinasabi ang magic word, manliligaw ka pa din," sagot ko naman pero nanatili pa din ang aking kamay na nakayakap sa kaniyang katawan. Umayos siya ng higa at yumakap din sa akin pabalik. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking pisngi. Nakangiti kong pinikit ang aking mga mata, habang sinasamyo ang kaniyang natural scent. Na-miss ko 'to. "I missed this," bulong niya. "Iyong mga yakap mo. Mga paglalambing mo." "Masakit ba ang talampakan mo?" magiliw niyang tanong. Tumango ako. Tumitibok-tibok ang sugat kaya nagising din ako. Para akong hinehele sa yakap ni Joshua kaya muli akong nakatulog. Nang magising ako, tirik na tirik na ang araw. Mausok at nalalanghap ko ang mabangong amoy ng pagkain na niluluto ni Joshua. Bumaba ako ng duyan at tinignan ang kaniyang ginagawa. "Hinuli mo?" mangha kong tanong nang

DMCA.com Protection Status