Hindi ako mapakali sa aking upuan. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos. Patingin-tingin ako sa saradong pintuan sa opisina ni Boss. Trenta minutos na pero hindi pa din lumalabas ang kaniyang mommy. Paano kung pinapagalitan niya ito, dahil sa mga pinagsasabi ko?
Naku, Pipay! Kakaumpisa mo pa lang pero mukhang masisisante ka agad. Hindi mo pa man nababalik ang lahat ng ginastos mo sa pagkuha ng requirements.Napaayos ako ng upo nang magbukas ang pintuan. Lumabas doon si madam, seryoso ang kaniyang mukha, pero nang makita niya kami ni Mady, ngumiti siya."Ma'am, bumisita po pala kayo.." sabi ni Mady."Yes, may sinadya lang ako sa boss niyo." Nginitian niya si Mady saka siya tumango at ngumiti din sa akin.Nagpaalam na siyang umuwi.Habang naghihintay ng oras ng uwian, maya't maya akong napapatingin sa may pintuan ni Sir. Hindi pa siya lumalabas mula kanina.Natatakot ako na baka sa oras na lumabas siya, sabihan niya ako na last day ko na ngayon.ALAS-singko y media. Nag-aayos na ng mga gamit si Mady. Anumang oras kasi ay uuwi na si Sir.Nang magbukas ang kaniyang pintuan, halos mapatalon ako sa gulat.Tinignan niya ako. Seryoso.Lagot... Hinihintay ko na ibuka niya ang kaniyang bibig. Ine-expect ko na din kung ano ang kaniyang sabihin.Kaya nang magsalita siya, napanganga ako.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa elevator."Ano'ng nangyari?" tanong ni Mady. Pinilit kong ngumiti at umiling. Nahihiya akong magkuwento sa kaniya. Baka mamaya sabihin na sobrang daldal ko, kahit na totoo naman.Nagpaalam na din siya pagkatapos ng trenta minutos.Samantalang ako, naiwan. May pinapatapos si Sir na trabaho sa akin. Kailangan niya daw ito bukas ng umaga.Tiyak na parusa niya ito sa akin, dahil mukhang nasabon siya ng kaniyang mommy.Nakakainis, pero mas maayos na ito kaysa sesantehin niya ako. Paano na lang ang mga pangarap ko. Paano ang mga bata?Tumawag ako sa landline ng tindahan na malapit sa inuupahan namin, upang magbilin para sa mga kapatid ko, na male-late ako ng uwi. Susunod na lang ako sa palengke.Sumasakit na ang batok at mata ko sa ginagawa ko. Pagod na ako at inaantok kaso kailangan ko itong madaliin at tapusin.Alas-nuebe na ako nakauwi, dumiretso na sa palengke kung nasaan ang mga kapatid ko.May dala silang pambahay ko na damit kaya nakagpalit na muna ako sa cr sa palengke. Hindi ako makakakilos ng maayos sa pampasok na damit na suot ko.Latang-lata ako, dahil sa pag-o-overtime na wala sa oras. Kaso wala akong magagawa, trabaho iyon.Maayos ang benta namin. Hindi ko na kayang magluto kaya kumain na lang kami ng lugaw sa may kanto bago kami umuwi at magpahinga.Kinaumagahan, nanlalata akong pumasok."Coffee, please..." sabi ni Sir bago nagdire-diretso papasok sa kaniyang opisina.Nagtimpla ako ng kape at dinala ito sa kaniya.Napangiwi siya sabay iwas ng tingin nang makita niya ako. Pintasero ang buiset. Malapit ko ng isipin na bakla siya dahil sa ginagawa niya sa akin.Kaso,ano ang eksplanasyon doon sa nasaksihan ko noon sa kaniyang mesa?"Where are the documents?" tanong niya sabay lahad ng kamay.Kinuha ko ito sa pinagpatungan ko kagabi. Pagkabigay ko ng mga papel sa kaniya, tinapon niya agad ito sa basurahan.Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Lintik!Pinigilan ko ang sarili ko na huwag siyang pektusan. Gago talaga!"Ang sabi ko, itapon mo," sabi niya habang pilit na tinatago ang ngiti sa kaniyang mga labi.Tinago ko sa aking likuran ang nakakuyom na kamao ko.May araw ka din sa akin, lalake ka!Kung paabangan ko kaya sa mga kilala ko na siga, nang madala?Huminga ako nang malalim. Bumuntong hininga ako para kontrolin ang inis ko para sa kaniya.Ngumisi siya saka pinaikot-ikot ang kaniyang swivel chair na kinauupuan.Aba!"Ayos ang damit mo ngayon, huh..." aniya.Hindi na mawala-wala ang ngisi niya. Ang inis ko ay nabawasan sa kaniyang sinabi.Napangiti ako.Wow! Sa wakas, nagustuhan din niya ang damit ko. Baklang to!"Para kang ibuburol," tumawa siya ng malakas. Tuwang-tuwa at naubo na sa katatawa.Nawala ang ngiti ko sa labi. Inikutan ko siya ng mga mata."May ipag-uutos ka pa po, Sir?" magalang na tanong ko sa kaniya. Pinilit ko ang ngiti na nakapaskil sa aking labi upang ipakita na hindi ako apektado sa pang-iinis niya sa akin."Ipagtimpla mo ako ng kape," utos niya."Okay, Sir..." Lumabas ako at nagpunta sa pantry upang ipagtimpla siya ng kaniyang kape.Nilapag ko sa kaniyang mesa saka ako tumalikod. Hindi pa ako nakakalabas ng pinto nang magsalita siya."Ano ba 'to?" naiiritang tanong niya. Lumingon ako at nakita kong sa kape nakatutok ang kaniyang tingin."Black coffee, Sir. 'Di ba gusto mo iyan?" tanong ko. Ginawa ko lang naman ang turo sa akin ni Mady. At saka ganiyan naman ang tinitimpla ko lagi."Ayaw ko 'to, gusto ko ng may creamer.""Okay, Sir..." Nagpunta ako ng pantry at kumuha ng isang maliit na sachet ng creamer.Binigay ko ito sa kaniya. Pero pati ang paglagay ng creamer sa kaniyang kape, inutos pa niya sa akin.Hinalo-halo ko ito.Tinikman niya saka sinabi na kulang ang creamer. Aba! Kumuha ako ng ilang piraso."Malamig na to. Magtimpla ka ng bago..."Hindi pa naman malamig. Ang arte!Bumalik ako sa pantry at ginawan siya ng panibagong kape. May creamer na tatlong sachet para sure na sure na malinamnan.Pagkahigop niya, binaba niya agad."Matabang," reklamo niya."Huh?""Hindi mo ba nilagyan ng asukal?" tanong niya. Kailan pa siya nag-asukal?"Akala ko po, ayaw mo ng matamis?" seryoso kong tanong. Medyo naiinis na ako sa kaniya."Nagrereklamo ka?" nakangisi niyang tanong."Ah, hindi ho, Sir..." Kinuha ko ang tasa saka binalik sa pantry para lagyan ng isang kutsarang asukal."Matabang pa din..." Bumalik ulit ako."Matabang..." reklamo niya ulit. Ang aga-aga pa pero pagod at haggard na ako dahil lang sa kape niya.Aba, lintik talaga!Walong kutsarita na ang nilagay ko, huh!"Masyadong matamis," reklamo naman niya nang dinagdagan ko ng isang kutsarita ng asukal."Pagod ka na?" tanong niya.Pinilit kong ngumiti."Nagrereklamo ka?" nang-iinis pa niyang tanong."Hindi... Nagrereklamo ako? No. I love my job!" sabi ko pa. Narinig ko lang ito kay Mady.Tumawa si Sir."Sige na. Ayusin mo ang timpla ng kape ko."Bumalik ako.Paghigop niya sa kape, napaubo siya..."What the hell!""Kulang sa tamis?" nakangiti kong tanong."No, tama lang... Napakasarap!" aniya habang hinahaplos ang kaniyang leeg."Ayaw ko na pala ng kape," aniya. Sinenyasan niya ako na kunin ko na ang tasa.Buti naman...Pagod akong naupo sa puwesto ko. Natatawa namang tumingin si Mady sa akin."Ano'ng nangyari? May regla ba si Sir?" tanong niya."Baka... Sabi na, e... Binabae talaga si Sir," sakay ko naman sa kaniyang sinasabi.Hindi ko napansin na nakatayo na pala si Sir malapit sa may elevator.Jusko! Ano na naman kaya ang susunod niyang ipapagawa sa akin nito?Tawang-tawa si Mady nang makaalis si Sir.Kinuwento ko din sa kaniya ang nangyari kahapon."Lagot ka talaga..." sabi niya."Baka sa susunod hindi ka na makauwi dahil tatambakan ka niya ng trabaho...""Okay lang... Magkano pala ang overtime natin?""One hundred per hour..."Okay, hindi na din masama. Kaso, walang kasama ang mga bata sa pagtitinda sa gabi.PAGBALIK ni Sir ng office, nakaantabay na ako sa anumang ipag-uutos niya. Pinaaalalahanan ko na din ang aking sarili na huwag agad iinit ang ulo kapag may gawin o ipagawa na naman siyang nakakainis. Pero natapos na kaming mag-coffee break ni Mady, hindi niya ako tinawag. Mukhang babawi siya kung kailan uwian na, para hindi ako makauwi ng maaga. At tama nga ako, nakakainis talaga siya! May pinapa-print siyang mga documents na kailangan para bukas ng maaga. Binilinan din niya kami ni Mady na before seven in the morning, nandito na kami. Tutulungan sana ako ni Mady kanina pero may iba siyang pinag-utos sa kaniya. Inabot ako ng dalawang oras sa pagpi-print at pag-aayos. Bumili din ako ng mga folder na pinaglagyan ko ng mga dokumento. Mag-alas-otso na naman ako umalis ng trabaho. Sa palengke ako dumiretso. Nabilinan ko na ang mga kapatid ko kagabi na kapag sumapit ang alas-siete na hindi pa ako nakakauwi, mauna na lang sila sa palengke. INAANTOK pa ako pagpasok ko kinaumagahan. Bum
Pinilit kong ngumiti nang makita ko si Madam sa labas ng opisina. "May ginawa ba siyang masama sa'yo? tanong niya agad. "Wala po madam. Nagkaasaran lang po kami." Ngumiti ako. "Okay, kung may gawin siyang hindi maganda, sabihin mo sa akin. Ako ang bahala sayo." Nakangisi kong sinulyapan si Sir. Nasa hamba siya ng pinto at seryosong nakatingin sa aming dalawa ng mommy niya. "Thank you po, Madam," nakangiti kong pasalamat, pagkatapos ay nakangisi kong sinulyapan si Sir. Narinig mo iyon? Hindi mo ako basta-basta masesesante. Backer ko ang mommy mo. "Aalis na din ako." Tumalikod si Ma'am pero muli ding pumihit paharap sa amin. "Ano'ng oras kayo uuwi ngayon?" Tinignan niya ako. Nang wala siyang makuhang sagot sa akin, si Sir ang tinignan niya."Five thirty.""Okay, see you later, Petra..."Bakit? Hindi na ako nakapagtanong pa dahil pumasok na siya agad sa elevator. Tumingin sa akin si Mady. Nagkibit balikat ako dahil wala naman akong alam. Maging ako nagtataka din at napapaisip s
"Ate, ang aga pa, a...""Nasesante ako." Pinilit kong tumawa, ayaw kong malungkot ang mga bata dahil sa nangyari sa akin ngayong araw. Natahimik sila. Nagkatinginan. Kita ko ang awa sa kanilang mga mukha. "Huwag na kayong malungkot. Ayos lang iyon. Makakaraos din tayo.""Maganda kasi ang trabaho mo, Ate. Sayang naman. Bakit ka pala nasesante?""Gago kasi ang boss ko." Pinilit kong ngumiti. "Hayaan niyo na. Bad vibes iyon. Maglalaba na lang ako at maglilinis. Tapos mamayang hapon tutulak na tayo papuntang palengke."MADAMI kaming nabenta na gulay kinagabihan. Inabot pa kami ng alas-singko ng madaling araw. Sinamantala namin na madaming mamimili. Tulog kami hanggang sa tanghali. Kung hindi lang dahil sa katok ng may-ari ng tindahan, hindi pa kami magigising. May tumawag daw sa akin. Pinapapunta daw ako sa bahay niya. Ang mommy iyon ni Sir. Gusto akong magpart time sa kaniyang bahay. Baka magpapalinis o kaya magpapalaba. Nag-isip pa ako ng ilang sandali kung pupunta ako o hindi. K
"Maliit? Bulag ka ba?" naiirita niyang tanong. Pumalatak naman ako at hindi na siya pinansin. Nilagyan ko ng bagong punda ang dalawa niyang unan. "Sa laki at haba nito, kayang-kaya kang dalhin sa langit," sambit niya mula sa aking likuran. Kahit na nagulat ako sa pagkakita ko ng kaniyang titi, pinili kong magpanggap na hindi apektado. Mahirap na, baka samantalahin naman niya. Napakababaero pa naman ng gago Kita mo nga at likod ko lang ang nakita niya, pero nalilibugan na agad. Hindi nga kilala ang tao. Inikot ko ang aking mga mata sa mga binubulong-bulong niya. "Sus, baka basahan lang kita ng diyaryo."Tumawa siya. "Why don't you try me?" naghahamon niyang tanong. As if naman papatulan ko ang pinagsasabi niya. "No thanks. Ayokong magkasakit.""Wala akong sakit. Kahit magpunta pa tayo sa domtor."Seryoso? Loko-loko talaga 'tong lalakeng 'to. Bakit di na lang siya magbihis. Talagang pinag-aaksayahan pa niya ako ng oras para lang sa kagaguhan niya. As if madadala niya ako sa pa-ab
Three thousand pesos ang binigay ni Sir sa akin. Grabe, naglinis lang ako ng condo niya, nagka-three thousand pa ako. Inutusan ko ang kapatid ko na bumili ng karne ng manok sa may talipapa upang makapagluto na ako. "Wow! Masarap ang ulam natin!" takam na takam na sabi ni Popoy. "Oo, naman! Agahan ko nang magluto dahil maaga ulit tayo sa palengke," sabi ko. Kahit malaki ang kinita ko, kailangan pa din naming magtinda. Tuloy pa din ang plano ko na makapag-ipon at makaalis sa inuupahan naming barong-barong, kahit na wala na akong maayos na trabaho.Sipag, tiyaga at diskarte lang talaga ang kailangan. "Akala ko po ba wala ka ng trabaho, Ate?" tanong ni Popoy habang kumakain kami. "Wala na nga. Naalala niyo si Madam? Nanay siya ni boss, pinaglinis niya ako ng condo ni Sir.""Ah," sabay-sabay nilang sambit at tango. "Oo. At bukas, aalis ulit ako dahil ipaglalaba ko siya.""Okay, Ate.""Guwapo ng boss mo, Ate, ha. Bagay kayo..."Pumalatak ako. "Hindi ako type nun, no! Saka babaero iy
"Stop staring kung ayaw mong pakainin kita ng bell pepper diyan." Napangiwi ako. "Kadiri ka, oy!" "Ah, kadiri pala, huh?" Tumayo siya kaya agad naman akong tumakbo pero hinabol niya ako. "Hoy!" sigaw ko nang mahuli niya ako. Niyakap niya ako mula sa aking likod. Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang matigas niyang bell pepper. Tumutusok-tusok sa aking pwetan. "Joshua! Bitawan mo ako! Manyakis ka talaga!"Tumawa lang siya at sa halip na bitawan ako, inangat pa niya ako saka pinaikot-ikot. "Tumigil kang manyak ka! Yang titi mo, kumikiskis sa may puwet ko."Napalingon ako sa bandang pintuan nang makarinig ako ng mga tawa ng mga lalake. Nakangisi sila habang nakatingin sa amin ni Sir Joshua. Ang nakakainis, bigla na lang akong binitawan ni Joshua. Kamuntik pa akong sumubsob sa sahig. "Kaya pala ayaw tumambay sa penthouse," sabi ng isa. Basta na lang silang naglakad patungong sofa at prenteng naupo doon. "Iyon pala may hindi maiwan-iwan dito sa condo niya."Tinignan ako
Pagkatapos kumain bumalik ako sa paglalaba. Hapon na ng matapos ako. Tahimik na sa buong kabahayan. Mukhang umuwi na ang mga kaibigan ni Joshua. Wala din si Joshua sa sala. "Umalis kaya siya?" Sabi niya mag-grocery ako ngayon. Lumapit ako sa kaniyang kuwarto. Dinikit ko ang aking tenga sa may pintuan niyA. Wala naman akong ingay na naririnig mula sa loob. Pinihit ko ang pinto at sumilip. Walang tao pero nakita ko ang kaniyang celphone na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. Isasara ko na sana ang pintuan nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo at ang tila hirap na hirap na ungol ni Joshua mula sa loob. Naku! Mukhang napaano na siya! Baka nadulas siya at napilayan. O kaya naman ay nabagok ang kaniyang ulo. Nagmamadali akong lumapit sa labas ng banyo. Palakas nang palakas naman ang kaniyang nahihirapang ungol kaya agad kong pinihit ang pintuan. Hindi ito naka-locked."Sir!" nag-aalala kong tawag sa kaniya. "Ay!" Tili ko nang makita ko ang hubad na katawan niya. Nakatayo siy
Pinagtulungan naming ibaba mula sa kaniyang sasakyan ang mga pinamili namin. Mabuti na lang at may dalawang staff ng condo ang lumapit sa amin upang tumulong. May dala silang cart. Sila na din ang nagtulak ng cart hanggang sa elevator. Hinatid din nila kami hanggang sa unit ni Joshua. Napangiti ako nang abutan sila ni Joshua ng pera. Tinanggihan pa nila ito pero pinilit ni Joshua na kunin na nila. Mabait naman pala ang mokong na 'to. ANG mga fresh goods ay nilagay ko muna sa sink. Uunahin kong ayusin ang mga pinamili niyang groceries. "Bakit mo binabalik?" nagtataka kong tanong nang ibalik niya sa karton ang ilang mga delata at instant noodles na nilabas ko na. "Sa'yo ang mga ito," aniya na kinagulat ko. Halos lahat ng delata ay nilagay niya sa karton. Iilan lang ang tinabi niya para sa kaniya. Dalawang karton lahat ng binili niya ay ibibigay niya sa akin? Kumunot ang noo ko. At ilang sandali pa nga ay nagkaroon na ako ng hindi magandang kutob sa kaniya. "Umamin ka nga!" "
Kagat ko ang aking labi habang pinupunasan ni Joshua ang tubig na tumutulo sa aking balat. Katatapos lang naming maligo. Napaiwas ako ng tingin nang magpantay ang aming mukha. Ang dulo naman ng buhok ko ang tinutuyo niya. "Are you satisfied?" nakangisi niyang tanong. Nag-init naman lalo ang pisngi ko. Super satisfied, sagot ng aking isip. "Parang ayaw mo pang matulog, huh..." panunukso niya na kinatulis ng aking nguso. Tumawa siya at pinisil ang ilong ko. "Matulog na tayo," malambing niyang saad bago siya lumuhod upang tulungan akong magsuot ng panty. "Kaya ko namang magsuot ng underwear..." Sinubukan ko siyang awatin. I tried to bend pero muli kong naramdaman ang pananakit ng aking panggitna. "You're sore. Kaya tutulungan na kita. At matulog na din tayo baka hindi ako makapagpigil, malulumpo ka talaga sa akin." Nagtawanan kami. Pagkatapos akong suotan ng panty, sinuotan naman niya ako ng kaniyang malaking tshirt. Binuhat niya ako at nilapag sa kama. Tinabihan niya ako at niy
IzabellaEverything was like a dream. It feels like a fairytale. But it isn't. Because fairytale only happens in a book. This isn't a book. This is a reality. After all the heartbreaks that we went through. The past years that we've been apart. The hope that I lost. The hopes that he hold on to. The faith that he have. And the powerful God who helped us make it. And now... here we are. I am now Mrs. Izabella De Lucca—Harper. We really made it. Masakit na ang panga ko kakangiti at kapipigil na humagalpak ng tawa habang pinapanood si Joshua sa pagsasayaw sa aking harapan kasama ang kaniyang kaibigan. Dancer daw silang magkakaibigan nang sila ay nasa high school. And judging how they moved—mga dancer nga sila. May bago tuloy akong nalaman tungkol sa aking asawa. Hindi lang ako ang nag-enjoy ngayon. Maging ang mga asawa at nobya ng mga kaibigan ni Joshua ay tuwang-tuwa habang pinapanood ang kanilang mga kapareha na sumasayaw. Hanggang sa mag-iba ang music at lumapit na sila sa amin.
Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Seryosong-seryoso siya sa kaniyang ginagawa. She's calm for how many minutes but get irritated after. Napangiti ako. Agad ko na din siyang nilapitan dahil baka kailangan niya ng aking tulong. "What's wrong?" I asked her while hugging her back hug. Pinakita naman niya sa akin ang kaniyang tablet. She wanted a red wedding gown, not the traditional white wedding gown. I thought white or cream color was perfect because it represents her. Clean, pure and a virgin. Hinalikan ko siya sa kaniyang leeg. "I can't decide," she said. She swipe her tablet and show me another color. Black wedding gown. Hindi ko alam kung paano ko siya ipagtatanggol kina mommy at sa lola niya kapag sakaling nalaman nila na black or red na gown ang gusto niya. "Are you sure about it?" tanong ko. I don't want to upset her. She's hands on with the weddding preparations. She's been dealing with it even the smallest detail. "I don't know," nakanguso niyang sagot. Three months lan
PAGKATAPOS ng ilang mga taon, nagbalik siya. Nagbalik bilang Izabella De Lucca. Hindi na siya si Petra. Hindi na siya ang Petra na kilala ko. Lalong hindi na siya ang Petra na pagmamay-ari ko. Madami ang nagbago sa kaniya... Hindi lang ang pangalan niya. Maging ang kaniyang pananamit, kilos at pananalita ay nag-iba na. At maging ang mahal niya ay iba na. Hindi na ako, kundi si Xavier na. Galit na galit ako kay Marko. He knew where she is the whole time. His family knew. They're family were friends. But he didn't even bother to tell me. Nasuntok ko siya. Nagsuntukan kami. "Hinayaan ko lang siya na tuparin niya ang pangarap niya. Hindi niya iyon magagawa kung magkasama kayo. I'm sure bubuntisin mo lang siya. Paano naman ang pangarap niya. She's still young at madami pa siyang gustong gawin sa buhay. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Look what she became." FOR days I've been deppressed. Nagbalik nga siya na gaya ng pinagdadasal ko sa naglipas na taon, ngunit ngayon, hanggang tanaw
She's Petra Estrada. May pagkabalahura ang bunganga. Madaldal. And also... she's annoying. At natutuwa ako kapag ganiyan na naaasar siya sa akin. Ibang-iba siya sa mga dating sekretarya ko, pero mas okay ito kaysa sa mga dati kong sekretarya na iba ang pakay sa pagpasok sa trabaho. SHE said she don't like me. May mga bagay din siya na sinasabi sa akin na kailanman hindi ko narinig sa ibang mga babae. Hindi daw siya nagaguwapuhan sa akin. Napatingin ako sa salamin. She's a liar. KAHIT pangit ang kaniyang fashion sense, hindi maipagkakaila ang kaniyang kagandahan. Walang panama ang ilang mga modelo na nakasabit sa edsa. She has a beautiful set of eyes. Pointed nose and a red lips that is so tempting, kung hindi lang niya sinabi na mabaho ang hininga ko, baka hindi ko napigilan ang sarili na angkinin ang kaniyang mga labi. Ilang beses ko na siyang nahuli na kung ano -ano ang sinasabi sa akin. Napapailing na lang talaga ako sa kaniya. "May bago ka ng sekretarya?" tanong ng mga ka
"Oh, shit! Ah!" The woman satisfyingly smile after that multiple and mind blowing orgasm that I gave her. Umalis ako sa kaniyang ibabaw at bumaba ng kama. Nagpunta ako sa loob ng banyo upang itapon ang condom na suot ko. At para na ding makapaglinis ng aking katawan. Paglabas ko ng banyo, nasa kama pa din ito. What's her name again? Rosie, Josie, Lassie? I don't fucking remember. "Another round?" tanong niya sa akin. "I'm going home," walang buhay kong sagot.. She look offended, disappointed and mad. "Matulog ka na lang dito. Sa tabi ko," sabi nito. Napangiwi lang ako nang ikurap-kurap niya ang kaniyang mga mata. Trying to look cute or seductive but I find it disgusting. Pagkatapos kong isuot ang aking mga damit bumunot ako ng ilang bills sa aking wallet. Nilapag ko ito sa bed side table malapit sa kama. "What's this? What do you think of me a prostitute?" Hindi ko na siya pinansin pa at dire-diretso ng lumabas. Pagpasok ko sa condo ko, isang lumilipad na unan ang bumungad
Pagkatapos ng dinner at isang oras na kuwentuhan, hinatid ako ni Joshua sa penthouse. "Isn’t this the part where we are supposed to make love?"Nakasimangot na tumingin sa akin si Joshua. "Oh, bakit?" Ngumuso naman ako, sabay kurap ng aking mga mata. "No sex," sabi niya, kaya inikutan ko siya ng mga mata. Hindi na siya pumasok sa loob ng penthouse. Hanggang pintuan lang niya ako hinatid. Kahit nakatirik ang kaniyang flagpole ay talagang tiniis niya ito. Hindi pa din siya nagbabago. Baka igigiit na naman niya ang kasal muna. Bago ko ipikit ang aking mga mata, may pahabol pa siyang text sa akin. "Thank you so much, babe! I love you so much."Hindi ko na na-send ang message ko dahil habang nagtitipa, biglang nalobat ang aking celphone. Tinulog ko na lang. Alas-sais pa lang ng umaga pero napabangon na ako sa higaan dahil sa pag-iingay ng doorbell. Nagulat ako nang mapagbuksan ko ang mommy ni Joshua, lalo na ng agad niya akong niyakap. "Thank you so much, hija..." Kahit naiilang
Tahimik kaming bumaba ng building kung saan kami binaba ng chopper na sumundo sa amin sa isla. Sumakay kami ni Mady sa sasakyan na sumundo kay Joshua, since iisa lang naman ang lugar na uuwian namin. Nagkatinginan kami ni Joshua nang malapit na kami sa palapag kung saan ang unit niya. "I think we should call a doctor first before you take a rest."Tumango ako. "I'll call our family doctor." Nilabas ko ang aking celphone at agad ni-dial ang kaniyang numero. "Samahan na muna kita sa penthouse, habang hinihintay natin na dumating ang doctor."Napangiti ako at nailing. "Ikaw ang bahala."Pagdating ng penthouse dumiretso ako sa aking silid at naligo. Paglabas ko wala pa din ang doktor. Nahanap ko din si Joshua sa kusina. Nagluluto siya. "Nagsaing na din ako," sabi niya. Bahagya niya akong nilingon. Nakahubad siya ng baro at suot ang aking pastel pink na apron. Bago matapos ang kaniyang niluluto, dumating ang doktor. Nilinis niya ang aking sugat at binigyan ako ng gamot. Hindi na di
Nagising ako na nakayakap kay Joshua. "Mukhang hindi ko na kailangang manligaw," sabi niya nang maramdaman na gising na ako. Tumawa naman ako. "Hanggat hindi ko sinasabi ang magic word, manliligaw ka pa din," sagot ko naman pero nanatili pa din ang aking kamay na nakayakap sa kaniyang katawan. Umayos siya ng higa at yumakap din sa akin pabalik. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking pisngi. Nakangiti kong pinikit ang aking mga mata, habang sinasamyo ang kaniyang natural scent. Na-miss ko 'to. "I missed this," bulong niya. "Iyong mga yakap mo. Mga paglalambing mo." "Masakit ba ang talampakan mo?" magiliw niyang tanong. Tumango ako. Tumitibok-tibok ang sugat kaya nagising din ako. Para akong hinehele sa yakap ni Joshua kaya muli akong nakatulog. Nang magising ako, tirik na tirik na ang araw. Mausok at nalalanghap ko ang mabangong amoy ng pagkain na niluluto ni Joshua. Bumaba ako ng duyan at tinignan ang kaniyang ginagawa. "Hinuli mo?" mangha kong tanong nang