All Chapters of The Billionaire's Annoying Assistant : Chapter 31 - Chapter 40

67 Chapters

Chapter 31

Pagkatapos kong maligo, pumasok ako sa walk in closet. Napanganga ako nang makita ko ang mga cabinet na punong-puno ng madaming naggagarbuhang mga gamit. "Nasaan ang mga damit ko?" tanong ko. Hindi ko mahagilap ang mga luma kong damit. "Nasa sulok po, Senyorita. Iyon po ba ang isusuot niyo? Ayaw niyo po ba ang mga pinamili sa inyo ng inyong abuela?" "Ang mga iyan? Ito? Sa akin ba ang mga ito?" "Opo, Senyorita."Ngumuso ako at isa-isang tinignan ang mga naka-hanger na damit. Pumili naman ang isa sa kanila. Pinakita niya sa akin ang isang kulay puting bestida. "Sige, iyan na lang," sabi ko. Ang isa naman ay pinilian ako ng sandals. Tinulungan nila akong mag-ayos. Ultimo paglalagay ng lotion sa aking katawan ay sila pa ang gumawa. Nakakailang, kaso hindi ko naman sila masaway. Bl-in-ower nila ang buhok ko. Nilagyan ako ng ipit sa gilid ng buhok, bago ako nilagyan ng manipis na make up sa mukha. Ilang segundo kong tinitigan ang mukha ko. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang
Read more

Chapter 32

Two weeks bago ang alis namin papunta ng Spain, nagpunta kami sa Baguio. Sa lumang ancestral house ng pamilya. Dito muna namin iiwan ang mga bata. Sa mga katiwala na tinuring na din daw na pamilya ng lolo at lola ko. "Esmeralda!" Nagulat ako nang makita ko ang matandang babae. Bakas din ang gulat sa kaniyang mukha. Gulat, pag-aalala at pagkasabik na makita ako. Nakilala ko siya. Siya ang matanda noon sa restroom na tumawag sa akin ng Esmeralda. Si Manang Shon at ang kaniyang dalagang anak na si Melanie. Nag-uulyanin na daw si Manang Shon, sabi ni Lola. Tama ang naisip ko noon, pero nakakatuwa na kahit nag-uulyanin na. Hindi pa din niya nakakalimutan ang mukha ng aking ina. Tumayo daw itong pangalawang magulang ni Mommy noon. At sa kanilang mag-anak pansamantalang iiwan ang mga bata. Pinalakad na nina Lolo ang mga birth certificates ng mga bata. I-ho-homeschool din muna sila ng ilang mga buwan bago sila papasok sa isang eskuwelahan. Madaming kuwento si Manang Shon tungkol sa ak
Read more

Chapter 33

Mula dito sa himpapawid ay nakikita ko na ang mansyon ng mga De Lucca. Mula sa bakuran ay tanaw ko ang mga bata na nakahilera habang nakatingala at naghihintay sa paglapag ng chopper. Apat na taon mahigit din ang lumipas mula nang umalis ako ng bansa. Hanggang videocall na lang talaga kami ng mga bata. Ang laki na ng pinagbago ng kanilang mga itsura. Pati pananalita at pagkilos. "Ate!" sigaw nila habang tumatakbo palapit sa akin. "Ang lalaki niyo na, ah," sabi ko habang isa-isang hinahalikan ang mga bata. "Gumanda ka naman lalo, Ate." Ngumiti ako. Madami nang oras para alagaan ang sarili, e. Saka every two weeks din ang pa-spa namin ng mga pinsan ko sa aking ama. Na-miss ko na tuloy agad sila. Ngayon na nandito na ako sa Pinas, tiyak na mabo-bored ako dahil wala naman akong mga kaibigan dito. Oh, meron pala. Si Mady kaso busy din naman siya. At next week pa kami puwedeng magkita, dahil nag-out of town sila ng kaniyang boss. Pinsan ni Xavier ang kaniyang boss. Umalis na ito sa
Read more

Chapter 34

"Shit!" mura ko nang hindi ko agad maapakan ang brake ng sasakyan. Bumangga ako sa likuran ng sports car na nasa aking harapan. Nagpasya ako na mag-drive ngayon, mag-isa lang ako sa sasakyan pero may bodyguard pa din naman ako na naka-convoy sa akin gamit ang dalawang sasakyan. Lumabas ang driver ng nabangga ko. At mas nadagdagan pa ang mga mura na lumabas sa aking bibig nang makilala ko kung sino ito. Ang liit talaga ng mundo at dito pa ulit kami magkikita pagkatapos nang birthday ni Tita Eliza. Nameywang siya habang tila problemado na nakatingin sa likod ng kaniyang sasakyan na nabangga ko. Hindi naman ako makapagpasya kung bababa ako o hindi. Ngayon ay tumingin na siya sa harap ng aking sasakyan. Tinted kaya hindi niya ako kita mula dito sa loob. I know he will not let me go away this easy, lalo at malaki ang gasgas at yupi ng sasakyan dahil sa pagkabangga ko. Well, as if naman na hindi ko kayang magbayad. Lumabas ako ng sasakyan pagkatapos ng ilang sandali. Nakalabas na d
Read more

Chapter 35

Hindi ko masasabi na apektado ako. At kung bakit nakapalibot ang mga kamay ko sa aking nobyo ay hindi dahil alam kong nakatuon pa din ang mga mata sa amin ni Joshua. I love my boyfriend. And I am lucky to have him. Iyon lang. I don't want to dwell on the past. Dahil kung namumuhay pa din ako sa nakaraan hindi ko magagawang bigyan ng tiyansa si Xavier at hindi ko malalaman kung gaano kasarap mahalin ng isang gaya niya. Naging masaya naman ako noon kay Joshua habang nasa relasyon pa lang kami. And what happened after that. . . Pinasa-Diyos ko na lang. Hindi ko na lang dinibdib pa. Hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob. I just want to live each new day with a positive outlook.Dahil alam kong nandito din sa bar si Joshua, pinigilan kong mapatingin sa gawi nila. I am here to enjoy with my boyfriend. Nagkatinginan kami ni Xavier nang abutin ko ang pangatlong baso ng order kong alak. Nangingiti ngunit alam kong gusto niya akong sawayin. Ngumuso ako sa kaniya. Bumuntong hininga s
Read more

Chapter 36

Hindi ko alam kung kailan pa siya naroon, pero mas makakabuti kung hindi ko na lang alam. Wala din naman akong pakialam. Pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat sa aking silid. Nagpalit ako ng pajama bago tinignan ang mga mensahe sa aking celphone. Inaantok na ako pero hihintayin ko muna ang text ni Xavier na nakarating na siya sa kanila. While waiting, naisip kong i-text si Marko upang sabihin na nandito na naman ang kaibigan niya. "Okay, tatawagan ko at paaalisin," ito ang kaniyang reply. Sandali lang ay tumawag na si Xavier. "I'm home," sambit niya. "Hindi na ako makapaghintay na umuwi sa bahay kasama ka." Nakangiti kong tinanaw ang chandelier dito sa aking kuwarto. "Puwede naman tayong magsama na muna," natatawa kong suhestyon kahit na alam kong hindi siya papayag sa idea na ito. May pagka-conservative ang kaniyang mommy at lola kaya tiyak na hindi ito papayag sa aking sinasabi. Sasabihin ng mga iyon na kasal muna. Sa magdadalawang taon na relasyon namin ni Xavier, n
Read more

Chapter 37

"Sina Lola, kumain na ba?" tanong ko sa kasambahay na nagsasalin ng juice sa aking baso. "Opo, kanina pa po," sagot nito at pagkatapos ay tumayo ito sa gilid. Sumubo ako kahit wala akong gana. Ala-una na ng hapon at ngayon pa lang ako lumabas ng aking silid. Hindi ako nakatulog sa magdamag, pasikat na ang araw nang makatulog ako, pero hindi iyon payapa. Masakit ang aking ulo at mata ko. Kumain ako nang kaunti bago ako nagpasyang umakyat muli sa aking silid. Nahiga ako sa kama, nag-text kay Xavier at pagkatapos ay binuksan ang tv upang doon ituon ang aking pansin. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano dahil mas lalo lang sasakit ang aking ulo. Kaso kahit ano'ng pilit ko, kusang pumapasok sa aking isipan ang nangyari kagabi. Pinatay ko ang tv at sinilip ang aking celphone, kaso wala pang reply si Xavier. Nagpasya ako na lumabas ng silid. Buryong-buryo at hindi alam kung paano papatayin ang oras. Paglabas ko, sakto namang paakyat ng hagdan ang personal maid ko na sina Lumen at Wel
Read more

Chapter 38

"I wish you are here.""Me too, babe. Mag-enjoy ka diyan and don't think too much about me."Ngumiti ako. "Okay, bye. I love you." Pagkatapos patayin ang tawag nagbihis na ako. It's four in the afternoon. Perfect time to make a dip. Nandito na kami sa Boracay kasama ang ilang mga kaibigan ko. Naiwan sina Lolo at Lola sa Manila. Ayaw nilang sumama dahil may mga inaasikaso sila. Plano nilang bumalik next year sa abroad at maiiwan naman ako dito sa Pinas upang pamahalaan ang negosyo na maiiwan nila. May mga mapagkakatiwalaan naman silang mga tao pero maganda pa din kung matutukan ko ito. "Ready?" tanong ko sa mga kasama ko. Nasa sala sila at nakasuot na ng mga bikini. "Yeah. Akala namin hindi ka na lalabas." Tumawa naman ako. Kanina pa ako nakabihis. Hinintay ko lang talaga na sumagot si Xavier sa videocall ko. Sabay na kaming lumabas at naglakad hanggang sa may dalampasigan. Madami ang turista na nagpapaaraw kaya pinili naming pumunta sa gawi na manipis lang ang mga tao. Sabay-sa
Read more

Chapter 39

Kahit gulat sa tanong ni Xavier, sumagot pa din ako. "Church wedding," kaswal kong sagot. "Dahil virgin pa ako, proud akong magmamartsa patungo sa altar at ikasal sa harap ng Diyos." He smiled. "Why?" I asked curiously. "I just want to know," sagot niya pero parang alam ko na kung bakit. Dahil sa nangyari sa pagitan nina Joshua at Xavier kagabi, napagpasyahan naming tapusin na ang bakasyon at bumalik na ng Manila. Pag-alis ko ng hotel hindi ko na nakita pa ang mga boys. Hindi na lang din ako nagtanong pa. Ang mga tao nina Lola ang naglinis ng kalat na naiwan. Making sure that no one would dare to talk. Hindi ito puwedeng makalabas sa media. Hinatid ako ni Xavier sa bahay. We had a little chit-chat before he decided to go home. May aasikasuhin pa daw siya. Pagkaalis niya, nagpunta naman ako sa study room kung saan naroon ang lolo at lola. Agad nilang pinatay ang tablet nang dumating ako. Ganunpaman alam ko kung ano ang pinapanood nila. "I'm sorry for the mess, Lolo, Lola."
Read more

Chapter 40

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Patay malisya sa kaniyang sinabi. Habang nasa biyahe ako pauwi, napapaisip ako. Hindi ko naman sinasadya na magkita o magkrus ang landas namin ni Joshua, pero hindi ba't parang pangit tignan? Nasa isang relasyon na ako. I love my boyfriend. . . Finance I should say. At wala akong planong lokohin ito, or bigyan ito ng dahilan para pagdudahan ako. I moved on. And Joshua is still in the process of moving on. Or wala pa talaga sa kukote niya ang pag-mu-move on. Well, I'm clean. My conscience is clean. Walang malisya. Nagpadala ako ng mensahe para kay Xavier. Just some sweet message para mawala ang guilt na nararamdaman ko. Okay, Izabella. It's not like you're cheating on him. Dapat talaga hindi na magkrus ang landas namin ng Joshua na iyon. Sumunod na araw, dinalaw ako ni Marko. Wala naman siyang sinasabi. Nakarami na siya ng kain pero hindi pa din ito nagsasalita. "Did you just came here to eat?"Ngumunguya siyang tumango. "Wala na
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status