Share

Chapter 19

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Umungol ako nang marinig ko ang ilang malalakas na katok mula sa labas ng pintuan ng silid ko.

Tinakip ko ang unan sa aking mukha pero dinig ko pa din ang mga katok at pagtawag ni Joshua sa aking pangalan.

"Ikaw na lang ang mag-jogging," inaantok na sabi ko sa kaniya pagbukas ko ng pintuan.

"Sumama ka na sa akin." Alas singko pa lang ng umaga. Madilim pa at malamig din kaya mas gusto kong matulog kaysa mag-jogging at magpakapagod lang.

"Wala akong jacket na pang-jogging," palusot ko dahil ayaw ko talagang sumama.

Inabot niya sa akin ang kaniyang hoodie jacket.

Wala talaga akong lusot.

Inirapan ko siya bago ko kinuha ang rubber shoes na binigay sa akin ni Mady.

Paglabas namin ng bahay sinimulan niyang tumakbo. Tamad naman akong sumunod sa kaniya. Mabagal kaming tumakbo pababa hanggang sa hindi namin namamalayan na nakalayo na kami.

"Sumakay na lang tayo pabalik sa bahay mo," hinihingal na sabi ko sa kaniya. Masakit na ang balakang at paa ko.

"Hindi ko na kayang maglakad pa pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Dah 🤍
juskolord! ngayon lang ulit kinilig ang tita nyo 🥹 Thanks ms.A
goodnovel comment avatar
Margz Roylo Galdarase
kakilig ang cute ng pagtatapat ni Joshua at si Petra di halos makapaniwala heheh
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
ayeiiiii sa wakas umamin ka Rin Joshua sa nararamdaman mo Kay Petra
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 20

    Nawalan ako ng sasabihin kaya nagpanggap akong inaantok na. Humikab ako kunwari. "Inaantok na ako. Goodnight." Naglakad ako papuntang pintuan ng aking silid. Nilingon ko si Joshua at nakita kong nakatitig siya sa akin. Nakatayo habang ang kaniyang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng kaniyang jogging pants. Ngumiti siya at tumango. "Goodnight." Tumango bago ko tinulak ang pintuan at mabilis na nagpatibuwal sa kama. "Gusto ako ni Joshua?" Nakagat ko ang aking labi. Ilang sandali akong napatunganga sa kisame bago ako napatili dahil sa hindi ko din malamang dahilan. Gusto niya daw ako! Sinabi ko na inaantok ako pero inabot na ako ng alas-dos nang madaling araw, dilat pa din ako at paulit-ulit na nag-pe-play sa aking isipan ang pagtatapat ni Joshua. Bumangon ako bandang alas-sais ng umaga. "Mukhang may napuyat kagabi," nakangising sabi ni Joshua nang madatnan ko siya sa kusina. Nagluluto siya ng almusal. Nagkibit balikat lang ako. Mahapdi pa ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 21

    May isang araw pa sana kami dito sa Baguio pero may nangyari sa mommy ni Joshua kaya kinailangan na naming bumalik ng Manila. Sumama ako sa kaniya hanggang sa ospital kung saan naka-confine si Madam. Nadulas siya sa banyo at hindi maganda ang pagbagsak ng kaniyang balakang. Nagtamo siya ng injury. "I'm fine, you don't have to worry about me," sambit nito habang hinahaplos ang buhok ni Joshua na makikitaan ng labis na pag-aalala sa kaniyang ina. Tahimik naman akong nakatayo sa sulok. "Kumusta ang Baguio?" "Still Baguio," sagot naman ni Joshua. Sinulyapan niya ako nang mapansin niya na nasa akin ang tingin ng kaniyang ina. "Maupo ka, hija," sabi ni Ma'am. Tinuro niya ang sofa sa gilid. Tahimik akong naupo doon. Pinauwi na muna ni Joshua ang katulong na nagdala sa kaniyang ina dito sa ospital, para kumuha sa mansyon ng makakain. "May good news ba?" tanong ni Ma'am. Nagawa pa niyang ngumiti pero alam kong may iniinda siyang masakit sa kaniyang katawan. Siguro ayaw niyang mag-ala

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 22

    NA-LATE ako ng dating sa trabaho dahil may sakit si Popoy. Kahit na may bantay sila, sinigurado ko muna may gamot siya para hindi na ako mag-alala pa..May breakfast meeting si Joshua ngayon at dapat kasama ako. Tumawag ako kanina sa kanya gamit ang celphone ng maid upang magpaalam. Pagdating ko sa trabaho, nadatnan ko ang isang babae na nakikipagtalo kay Mady. "Ma'am, umalis na po kayo dahil kung hindi mapipilitan po akong tawagin ang security para—" Napatingin sa akin si Mady. "Kausapin niyo na lang po ang girlfriend ni Sir," sabi ni Mady. Napatingin ako sa aking likuran. Sino'ng girlfriend? Ako ba?Pasimpleng tumango at kumurap sa akin si Mady. Inayos ko naman ang aking tindig bago ako lumapit sa kanila. "Ano'ng nangyayari dito?" tanong ko. "Ah, Ma'am, nanggugulo po siya dito."Tinaasan ko ng kilay ang babae. Nakakainis. Hindi pa man din maganda ang suot ko ngayon, dahil hindi pa nalabhan ang mga maayos kong damit. Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Nakipagtitigan

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 23

    Nagmamadali akong pumasok sa banyo upang makapag-toothbrush at maghilamos. Nagsuklay na din ako ng buhok at sinigurado na maayos ang aking mukha. Nagpalit ako nang mas maayos na damit. Bumalik ako ng sala ng tiyak kong malapit na siyang dumating. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba habang naghihintay ako sa kaniya. At nang magbukas ang pintuan ng condo, napatayo ako. Pero agad din akong umupo. Bakit ba ako tatayo? Kailangan ko ba siyang salubungin ng yakap? Eh, hindi pa naman kami. May bitbit siyang paper bags na hula ko ay pagkain ang laman. Nakangiti siya at kahit magulo ang kaniyang buhok ay guwapong-guwapo pa din siya. Hindi na niya suot ang kaniyang neck tie. Nakalas na din ang dalawang butones ng suot niyang polo. "Can't sleep?" "Lasing ka ba?" Magkapanabay naming tanong sa isa't isa. "No, I'm not drunk. Dalawang baso pa lang ang naiinom ko. I was actually planning to come here before you call.""Ta-Talaga?" nangingiting tanong ko. "Hmmm. I thought you go out on a date with

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 24

    Tulad kahapon, sinundo ulit ako ni Joshua. May dala siyang flowers at sabay ulit kaming nag-almusal. Pagbaba namin ng kaniyang sasakyan, hawak kamay kaming naglakad papasok ng kanilang building. Nagtatawanan pa kami paglabas namin ng elevator pero napadta ako nang makita ko si Xavier na nakatayo sa harap ni Mady, habang nakatulala na nakatingin sa amin ni Joshua. Tahimik na pumasok si Joshua sa loob. Habang ako naman ay hindi malaman kung paano haharapin si Xavier. Napakamot ako ng aking batok. Si Mady na hindi nauubusan nang sasabihin, tila naumid naman. Nakikiramdam sa amin. Awkward na tumawa si Xavier bago siya nagsalita. "Mukhang nahuli ako," naiiling at nakangiti niyang sambit. Hindi ko naman magawang ngumiti sa joke niya kung joke man iyon. "Ah. . . Xavier.""It's okay, I understand. Congratulations! I'm happy for you. Really. . ."Naramdaman ko ang sinseridad sa kaniyang sinabi. "S-Salamat, Xavier."Tumango siya at tipid na ngumiti bago nagpaalam na aalis na. "Naawa nam

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 25

    Bababa na sana ako sa sasakyan nang hawakan ni Joshua ang akiñg kamay. "Bakit?" Nanlaki ang aking mga mata nang kabigin niya ako at siniil ng mapusok na halik sa aking mga labi. Para na naman akong aatakehin sa puso dahil sa bilis ng tibok ng aking puso habang patindi naman nang patindi ang pag-atake niya sa aking mga labi. Hinihingal siya nang huminto siya sa paghalik. Nanatiling nakadikit ang kaniyang noo sa aking noo. "Aalis ako mamayang madaling araw. Pupunta ako ng Hongkong."Natahimik ako. Ilang araw naman kaya siya doon? Tiyak na mamimis ko siya. "Wala ka pang passport kaya hindi kita maisasama." Napangiti ako. "Aasikasuhin ko ang passport ko sa susunod para kahit saan ka magpunta, kasama mo ako," sagot ko naman. Mahina siyang tumawa. "Glad to hear that."Ngumuso naman ako at ginamit naman niyang pagkakataon iyon upang dampian ako ng mabilis na halik sa aking mga labi. "Ihatid na kita sa taas tapos uuwi din ako agad para makapag-impake.""Okay." Nakaakbay siya sa akin

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 26

    Tumawa siya at agad umalis sa aking ibabaw. "Magpa-deliver na lang ako ng dinner natin," aniya. After dinner uuwi na din ako para makapagpahinga. Hindi ako nagsalita. Gusto ko sanang sabihin na maari naman siyang matulog dito, kaso baka mapahiya na naman ako. Magmumukha na akong patay na patay sa kaniya. Madami siyang in-order na pagkain na pinagsaluhan naming lahat. Naging masaya at maganang kumain ang mga bata. "Kayo na ang maghugas ng mga pinagkainan," utos ko sa mga bata. Hindi porket dito na kami nakatira at may kasambahay ay hindi na din sila gagawa ng gawaing bahay. "Opo, ate!" Pinagtulungan nila ang paghuhugas, habang kami naman ni Joshua ay tumambay muna sa balcony. Nakatayo siya sa aking likuran at yakap ako. "K-Kumusta ang meeting mo sa hongkong?" tanong ko dahil wala akong ma-i-topic. "Ayos naman.""Hindi mo sinabi na kasama mo doon si Kaitlin. Ahm. . .""I didn't expect her to be there. Ang kaniyang daddy naman ang madalas na dumalo sa mga meetings na ganoon." T

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 27

    Alas-nuebe na ng makauwi ako ng condo. Hinatid ako ni Joshua at umuwi na din siya agad kahit pa kinukulit ko siya na matulog na lang dito. "Saan ako matutulog?" nakangisi niyang tanong. Alam ko na sinusubukan lang niya ako. Hindi ko talaga mapipilit. "Sa sofa," sabi ko naman. Makahulugan siyang tumingin sa akin. "Sasakit lang ang likod ko," pagdadahilan niya. Saka tiyak na hindi ako makakatulog dahil gagapangin mo ako. Tumawa siya nang malakas ng samaan ko siya ng tingin. "Bye, babe. Bukas ulit." Hinalikan niya ako. Apat na mabibilis na halik. Tumawa siya nang kumapit ako sa kaniyang balikat. "Goodnight." Agad na siyang tumalikod. Hindi naman maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi habang tinatanaw siya hanggang sa makalapit siya sa may elevator. "Pumasok ka na," aniya sabay senyas sa akin. Matamis akong ngumiti at kumaway sa kaniya. Nag-flying kiss pa ako at agad naman niya itong sinalo. Tawang-tawa tuloy ako. At hanggang sa mahiga ako, hindi na maalis-alis ang ngiti sa aki

Latest chapter

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 67— SC Honeymoon

    Kagat ko ang aking labi habang pinupunasan ni Joshua ang tubig na tumutulo sa aking balat. Katatapos lang naming maligo. Napaiwas ako ng tingin nang magpantay ang aming mukha. Ang dulo naman ng buhok ko ang tinutuyo niya. "Are you satisfied?" nakangisi niyang tanong. Nag-init naman lalo ang pisngi ko. Super satisfied, sagot ng aking isip. "Parang ayaw mo pang matulog, huh..." panunukso niya na kinatulis ng aking nguso. Tumawa siya at pinisil ang ilong ko. "Matulog na tayo," malambing niyang saad bago siya lumuhod upang tulungan akong magsuot ng panty. "Kaya ko namang magsuot ng underwear..." Sinubukan ko siyang awatin. I tried to bend pero muli kong naramdaman ang pananakit ng aking panggitna. "You're sore. Kaya tutulungan na kita. At matulog na din tayo baka hindi ako makapagpigil, malulumpo ka talaga sa akin." Nagtawanan kami. Pagkatapos akong suotan ng panty, sinuotan naman niya ako ng kaniyang malaking tshirt. Binuhat niya ako at nilapag sa kama. Tinabihan niya ako at niy

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 66 Epilogue

    IzabellaEverything was like a dream. It feels like a fairytale. But it isn't. Because fairytale only happens in a book. This isn't a book. This is a reality. After all the heartbreaks that we went through. The past years that we've been apart. The hope that I lost. The hopes that he hold on to. The faith that he have. And the powerful God who helped us make it. And now... here we are. I am now Mrs. Izabella De Lucca—Harper. We really made it. Masakit na ang panga ko kakangiti at kapipigil na humagalpak ng tawa habang pinapanood si Joshua sa pagsasayaw sa aking harapan kasama ang kaniyang kaibigan. Dancer daw silang magkakaibigan nang sila ay nasa high school. And judging how they moved—mga dancer nga sila. May bago tuloy akong nalaman tungkol sa aking asawa. Hindi lang ako ang nag-enjoy ngayon. Maging ang mga asawa at nobya ng mga kaibigan ni Joshua ay tuwang-tuwa habang pinapanood ang kanilang mga kapareha na sumasayaw. Hanggang sa mag-iba ang music at lumapit na sila sa amin.

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 65 Joshua's POV IV

    Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Seryosong-seryoso siya sa kaniyang ginagawa. She's calm for how many minutes but get irritated after. Napangiti ako. Agad ko na din siyang nilapitan dahil baka kailangan niya ng aking tulong. "What's wrong?" I asked her while hugging her back hug. Pinakita naman niya sa akin ang kaniyang tablet. She wanted a red wedding gown, not the traditional white wedding gown. I thought white or cream color was perfect because it represents her. Clean, pure and a virgin. Hinalikan ko siya sa kaniyang leeg. "I can't decide," she said. She swipe her tablet and show me another color. Black wedding gown. Hindi ko alam kung paano ko siya ipagtatanggol kina mommy at sa lola niya kapag sakaling nalaman nila na black or red na gown ang gusto niya. "Are you sure about it?" tanong ko. I don't want to upset her. She's hands on with the weddding preparations. She's been dealing with it even the smallest detail. "I don't know," nakanguso niyang sagot. Three months lan

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 64 Joshua's POV III

    PAGKATAPOS ng ilang mga taon, nagbalik siya. Nagbalik bilang Izabella De Lucca. Hindi na siya si Petra. Hindi na siya ang Petra na kilala ko. Lalong hindi na siya ang Petra na pagmamay-ari ko. Madami ang nagbago sa kaniya... Hindi lang ang pangalan niya. Maging ang kaniyang pananamit, kilos at pananalita ay nag-iba na. At maging ang mahal niya ay iba na. Hindi na ako, kundi si Xavier na. Galit na galit ako kay Marko. He knew where she is the whole time. His family knew. They're family were friends. But he didn't even bother to tell me. Nasuntok ko siya. Nagsuntukan kami. "Hinayaan ko lang siya na tuparin niya ang pangarap niya. Hindi niya iyon magagawa kung magkasama kayo. I'm sure bubuntisin mo lang siya. Paano naman ang pangarap niya. She's still young at madami pa siyang gustong gawin sa buhay. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Look what she became." FOR days I've been deppressed. Nagbalik nga siya na gaya ng pinagdadasal ko sa naglipas na taon, ngunit ngayon, hanggang tanaw

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 63 Joshua's POV II

    She's Petra Estrada. May pagkabalahura ang bunganga. Madaldal. And also... she's annoying. At natutuwa ako kapag ganiyan na naaasar siya sa akin. Ibang-iba siya sa mga dating sekretarya ko, pero mas okay ito kaysa sa mga dati kong sekretarya na iba ang pakay sa pagpasok sa trabaho. SHE said she don't like me. May mga bagay din siya na sinasabi sa akin na kailanman hindi ko narinig sa ibang mga babae. Hindi daw siya nagaguwapuhan sa akin. Napatingin ako sa salamin. She's a liar. KAHIT pangit ang kaniyang fashion sense, hindi maipagkakaila ang kaniyang kagandahan. Walang panama ang ilang mga modelo na nakasabit sa edsa. She has a beautiful set of eyes. Pointed nose and a red lips that is so tempting, kung hindi lang niya sinabi na mabaho ang hininga ko, baka hindi ko napigilan ang sarili na angkinin ang kaniyang mga labi. Ilang beses ko na siyang nahuli na kung ano -ano ang sinasabi sa akin. Napapailing na lang talaga ako sa kaniya. "May bago ka ng sekretarya?" tanong ng mga ka

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 62 Joshua's POV I

    "Oh, shit! Ah!" The woman satisfyingly smile after that multiple and mind blowing orgasm that I gave her. Umalis ako sa kaniyang ibabaw at bumaba ng kama. Nagpunta ako sa loob ng banyo upang itapon ang condom na suot ko. At para na ding makapaglinis ng aking katawan. Paglabas ko ng banyo, nasa kama pa din ito. What's her name again? Rosie, Josie, Lassie? I don't fucking remember. "Another round?" tanong niya sa akin. "I'm going home," walang buhay kong sagot.. She look offended, disappointed and mad. "Matulog ka na lang dito. Sa tabi ko," sabi nito. Napangiwi lang ako nang ikurap-kurap niya ang kaniyang mga mata. Trying to look cute or seductive but I find it disgusting. Pagkatapos kong isuot ang aking mga damit bumunot ako ng ilang bills sa aking wallet. Nilapag ko ito sa bed side table malapit sa kama. "What's this? What do you think of me a prostitute?" Hindi ko na siya pinansin pa at dire-diretso ng lumabas. Pagpasok ko sa condo ko, isang lumilipad na unan ang bumungad

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 61

    Pagkatapos ng dinner at isang oras na kuwentuhan, hinatid ako ni Joshua sa penthouse. "Isn’t this the part where we are supposed to make love?"Nakasimangot na tumingin sa akin si Joshua. "Oh, bakit?" Ngumuso naman ako, sabay kurap ng aking mga mata. "No sex," sabi niya, kaya inikutan ko siya ng mga mata. Hindi na siya pumasok sa loob ng penthouse. Hanggang pintuan lang niya ako hinatid. Kahit nakatirik ang kaniyang flagpole ay talagang tiniis niya ito. Hindi pa din siya nagbabago. Baka igigiit na naman niya ang kasal muna. Bago ko ipikit ang aking mga mata, may pahabol pa siyang text sa akin. "Thank you so much, babe! I love you so much."Hindi ko na na-send ang message ko dahil habang nagtitipa, biglang nalobat ang aking celphone. Tinulog ko na lang. Alas-sais pa lang ng umaga pero napabangon na ako sa higaan dahil sa pag-iingay ng doorbell. Nagulat ako nang mapagbuksan ko ang mommy ni Joshua, lalo na ng agad niya akong niyakap. "Thank you so much, hija..." Kahit naiilang

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 60

    Tahimik kaming bumaba ng building kung saan kami binaba ng chopper na sumundo sa amin sa isla. Sumakay kami ni Mady sa sasakyan na sumundo kay Joshua, since iisa lang naman ang lugar na uuwian namin. Nagkatinginan kami ni Joshua nang malapit na kami sa palapag kung saan ang unit niya. "I think we should call a doctor first before you take a rest."Tumango ako. "I'll call our family doctor." Nilabas ko ang aking celphone at agad ni-dial ang kaniyang numero. "Samahan na muna kita sa penthouse, habang hinihintay natin na dumating ang doctor."Napangiti ako at nailing. "Ikaw ang bahala."Pagdating ng penthouse dumiretso ako sa aking silid at naligo. Paglabas ko wala pa din ang doktor. Nahanap ko din si Joshua sa kusina. Nagluluto siya. "Nagsaing na din ako," sabi niya. Bahagya niya akong nilingon. Nakahubad siya ng baro at suot ang aking pastel pink na apron. Bago matapos ang kaniyang niluluto, dumating ang doktor. Nilinis niya ang aking sugat at binigyan ako ng gamot. Hindi na di

  • The Billionaire's Annoying Assistant    Chapter 59

    Nagising ako na nakayakap kay Joshua. "Mukhang hindi ko na kailangang manligaw," sabi niya nang maramdaman na gising na ako. Tumawa naman ako. "Hanggat hindi ko sinasabi ang magic word, manliligaw ka pa din," sagot ko naman pero nanatili pa din ang aking kamay na nakayakap sa kaniyang katawan. Umayos siya ng higa at yumakap din sa akin pabalik. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking pisngi. Nakangiti kong pinikit ang aking mga mata, habang sinasamyo ang kaniyang natural scent. Na-miss ko 'to. "I missed this," bulong niya. "Iyong mga yakap mo. Mga paglalambing mo." "Masakit ba ang talampakan mo?" magiliw niyang tanong. Tumango ako. Tumitibok-tibok ang sugat kaya nagising din ako. Para akong hinehele sa yakap ni Joshua kaya muli akong nakatulog. Nang magising ako, tirik na tirik na ang araw. Mausok at nalalanghap ko ang mabangong amoy ng pagkain na niluluto ni Joshua. Bumaba ako ng duyan at tinignan ang kaniyang ginagawa. "Hinuli mo?" mangha kong tanong nang

DMCA.com Protection Status