Home / Romance / Sweetest Love / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Sweetest Love: Chapter 81 - Chapter 90

113 Chapters

Chapter 80: Fragile

Yannie Ace Ruiz“Grabe ang bilis ng panahon, ‘no? Summer na at 3rd year na tayo sa susunod na pasukan!”“Kaya nga eh. Parang kailan lang no’ng nag-enroll tayo para sa 2nd sem. Ngayon, 3rd year na tayo!”“So, ano palang plano niyo ngayong bakasyon? Uuwi ba kayo sa mga province niyo?”“Hmm. Ako baka hindi na muna. Baka maghanap muna ako ng summer job. Kayo ba?”“Uy, gusto ko rin ‘yan!”“Sama rin ako. May alam akong fast-food restaurant na tumatanggap daw ngayong summer ng mga part-time students!”“Nice! Saan ‘yan? Mag-apply tayo. Ano sa tingin mo, Yannie?”“Yannie?”“Huy, Yannie!” Nagitla ako nang marahan akong yugyugin ni Veron.“H-Huh?”“Okay ka lang ba? Bakit parang ang lalim naman yata niyang iniisip mo?” puna naman sa akin ni Ivory.“Huh? Uhm… o-oo, okay lang ako.”“Sure ka? Parang hindi ka naman okay eh. Kanina pa kaya kami nagdadaldalan dito pero wala kang imik dyan sa tabi.” sabi naman ni Jenny.“Bakit, Yannie? Anong problema? Ikwento mo sa amin ‘yan,” ani Veron.Isang malalim n
Read more

Chapter 81: Jealous

Josh Rain Montez“Palagi ka na lang yatang ginagabi ng uwi?” Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Mommy.Marahan ko siyang hinarap at kalmado na sinagot. “Kahit ginagabi po ako ng uwi, wala naman po akong ginagawang masama.”Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na tila ba may malalim na iniisip.“Magpapahinga na po ako,” pagkuwan ay magalang na paalam ko sa kanya saka ako tumalikod. Pero agad din akong natigilan sa paghakbang nang magsalita siyang muli.“We will have a party next week.” Muli kong nilingon si Mommy. “It’s your birthday party, so get ready.”“I don’t need a birthday party, Mom. Okay na po akong magkaroon lang ng simpleng celebration,” tugon ko.“We will have your birthday party next week, and that is the final,” giit niya na siyang ikinasinghap ko na lamang. “Isa pa, darating doon ang mga kasosyo namin ng Daddy mo sa negosyo. So, it’s a big party.”“Kayo pong bahala,” pagsuko ko na lamang sa huli saka ako muling tumalikod sa kanya. Nagsimula na
Read more

Chapter 82: The Confrontation

Yannie Ace RuizMabuti kong pinagmasdan ang isang napakagandang sky blue dress sa harapan ko at ang kulay puting sandals na kapareha nito. Sa tingin pa lang ay halata nang mamahalin ang mga ito na para bang hindi ito nababagay sa isang tulad ko.Ilang sandali pa nang tumunog ang cellphone ko dahil sa incoming call. Lumabas ang pangalan ni Josh sa screen ng cellphone ko kaya naman dali-dali ko iyong sinagot.“Hello?”“Hello, Yeobo ko! Have you seen it? Did you like it?” masayang bungad na sunod-sunod na tanong niya sa akin.“Of course, I like it. Pero, Josh, hindi mo naman na ako kailangang bilhan ng ganitong kamamahalin na dress—”“Bakit naman hindi?” putol niya sa akin. “I like that dress at unang kita ko pa lang dyan ay ikaw na agad ang pumasok sa isip ko. I’m pretty sure na babagay sa’yo iyan. Na para bang ginawa ‘yan para sa’yo lang talaga,” malambing na tugon niya sa akin.Napahigit ako ng malalim na paghinga. “Ikaw talaga.”“Basta isuot mo bukas ‘yan huh. Please?”“Oo na. Isusuo
Read more

Chapter 83: Surprise Announcement

Yannie Ace RuizTila may kung anong nagbara sa lalamunan ko nang mga sandaling iyon, dahilan upang walang kahit na anong salita ang makalabas mula sa mga labi ko. Kasunod din no’n ang tila unti-unting pagbigat ng loob ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda at kaelegante ang ex ni Josh. At higit sa lahat ay hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon dito.“Arriane, bumalik ka na lang sa pwesto mo. Huwag ka na dito,” lapit ni Byron sa amin upang palayuin din si Arriane sa akin.“Pwede ba? Mag-chill nga kayo,” natatawang sabi ni Arriane kina Ramil at Byron. “Wala naman akong gagawing masama or kahit na ano. Nandito lang naman ako para…” Binalingan niya ako ng tingin. “Para makilala ang lucky girl sa buhay ni Josh ngayon,” dugtong niya sa sinasabi niya habang nakangisi sa akin.“But I don’t think you have the right to know her, like… sino ka ba?” Napalingon kaming lahat nang biglang sumingit sa amin si Ate Rica.“S-Sissy…” nauutal na usal ni Arriane. Na kung kanina ay parang pun
Read more

Chapter 84: Get Away

Yannie Ace RuizPagkatapos humarap ni Josh sa kanyang mga bisita ay nagsimula na siyang humakbang palayo sa lugar na iyon habang hawak-hawak ang kamay ko.Narinig namin ang ilang beses na pagtawag ng Mommy niya sa kanya, pero hindi nag-abala si Josh para bigyan iyon ng pansin. At sa halip ay parang bingi na nagpatuloy lamang sa paglalakad habang hila-hila ako.Mabilis na binuksan ni Josh ang pintuan ng sasakyan niya nang makarating kami roon, saka niya ako maingat na pinasakay sa loob. Pagkatapos no'n ay mabilis siyang umikot sa kabila para makasakay rin saka niya tuluyang pinaandar ang sasakyan niya.Katahimikan ang bumalot sa amin habang patungo kami sa kung saan. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari at hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak ko ang lahat ng iyon.Inanunsyo ng Mommy ni Josh kanina sa harap ng maraming tao na ipapakasal nila si Josh kay Arriane, ang ex ni Josh. Pero hinalikan naman ako ni Josh sa harap nilang lahat at buong tapang na sinabing ako ang mahal n
Read more

Chapter 85: Banned

Josh Rain Montez"What do you mean? Anong sinasabi mo na bawal ako rito?" galit na tanong ko sa guard na nangharang sa akin. Kasulukuyan akong nasa building ng condo ko at nang papasok na ako sa loob ay bigla naman akong hinarang ng dalawang guard."Sorry, Sir. Sumusunod lang po kami sa utos sa amin," tugon no'ng isang guard sa akin."Utos? Nino?" kunot-noong tanong ko saka mabilis na pumasok sa isip ko si Mommy."Ang sabi po kasi sa amin ay huwag kaming magpapapasok ng kahit sino sa unit niyo. Kahit na kayo pa raw po mismo ay hindi pwedeng papasukin. Kaya pasensya na po, Sir."Napahigit ako ng malalim na paghinga. I knew it. Si Mommy ang nasa likod nito. Siya lang naman kasi ang pwedeng gumawa nito sa akin.Pagkatapos ng naging pagtatalo namin kanina ay dito ako sa Intramuros sa condo ko dumiretsyo para makapagpalit ng damit. Hindi ko naman akalain na pati rito sa condo ay paaalisin niya ako.Ilang sandali pa nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko dahil sa incoming call. It's my
Read more

Chapter 86: Found Out

Yannie Ace RuizAgad kong kinuha ang cellphone ko nang mag-vibrate ito dahil sa message ni Josh.Josh Rain: I'll see you later. Ingat ka. I love you!Matamis akong napangiti dahil doon habang nagtitipa ng reply sa kanya.Me: I love you too. Ingat ka rin."Ang tamis naman ng mga ngiti na 'yan," pagkuwan ay sabi ni Ivory pagkalapit nila sa akin ni Jenny."Mukhang napapadalas ang pagkikita n'yo ni Josh ah. Araw-araw ka niyang sinusundo rito at hinahatid pauwi sa inyo," sabi naman ni Jenny.Tatlong araw na ang nakalilipas at consistent pa rin si Josh sa pagsundo sa akin mula sa part-time job at paghatid sa akin pauwi ng bahay. Kung minsan pa ay dumadaan siya sa akin para lang sabay kaming mag-lunch na dalawa. Na para bang wala siyang ibang pinagkakaabalahan na gawin kung 'di ang magpunta lang palagi sa akin.Sa tuwing tinatanong ko naman siya at sinasabihan na okay lang huwag muna pumunta sa akin kahit na isang araw para lang makapagpahinga siya, ay nauuwi lamang iyon sa pagtatalo. Kaya n
Read more

Chapter 87: Fight For You

Yannie Ace RuizHawak-hawak ni Josh ang kamay ko habang nagmamaneho ito ng sasakyan niya. Hindi naman maalis ang tingin ko sa kanya at sa ilang minutong pagbyahe ay nananatili lamang akong nakatitig sa kanya."Baka matunaw na ako niyan," pagkuwan ay nangingiting sabi niya nang mapansin niya ang ilang minutong pagtitig ko sa kanya."H-Huh?""But I like it anyway. Gusto kong ako lang ang tinitingnan mo lagi," dagdag niya pa na siyang nagpapula sa magkabilang pisngi ko.Josh keeps on teasing me nang bigla ay marinig namin pareho ang pagkalam ng sikmura niya. Kapwa kaming natigilan dahil doon. Nagbalik din sa alaala ko ang palaging pagkalam ng sikmura niya sa tuwing magkasama kami. At ang palagi niyang dahilan sa akin ay busy siya kaya nalilimutan niyang mag-lunch kung hindi siya nakakadaan sa akin."Uhm...""May alam akong masarap na kainan," nakangiting sabi ko sa kanya."T-Talaga?""Nakalimutan mo na namang mag-lunch dahil busy ka? Nagpapasaway ka na huh," saad ko pa kahit na alam ko n
Read more

Chapter 88: Stay

Yannie Ace RuizHindi maalis sa isipan ko si Josh at ang mga nalaman ko kanina mula kay Arriane. Kaya naman hawak-hawak ko ang card na may address ng pinagtatrabahuhan ni Josh, at sa huli ay napagdesisyunan kong puntahan ito.Mabilis akong kumilos paalis ng bahay matapos kong magpaalam sa mga magulang ko para puntahan si Josh. Mula nang matanggap nila ang relasyon namin ni Josh ay hindi na sila naging mahigpit pa sa amin.Ilang minuto ang lumipas nang marating ko ang resto-bar na pinapasukan ni Josh. Malapit lamang ito sa pinapasukan kong part-time job.Marahan akong sumilip sa loob para tingnan kung naroroon siya pero bigo akong makita siya. Hindi ako sigurado sa kung ano ang oras ng pasok niya rito pero gusto ko lang magbakasakali. Kaya naman nanatili pa ako at pumasok sa loob. Naupo ako sa bakanteng table sa sulok saka ako nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid hanggang sa matanaw ko ang isang pamilyar na hubog ng lalaki, na abala sa paglilinis ng isang table.Agad na nakaramdam ng ki
Read more

Chapter 89: Sleep Over

Yannie Ace RuizRamdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Josh sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata kung gaano niya ako kamahal at kung gaano siya ka-sincere at kaseryoso sa lahat ng sinabi niya.At nang mga sandaling iyon, tila naubusan na ako ng mga salitang pwedeng iganti sa kanya. O dahil alam kong kulang ang mga salita para maipaliwanag ko sa kanya ngayon kung gaano ko siya sinisinta.Nangusap ang mga puso at ang mga mata namin. At ang sumunod ko na lamang na nalaman ay unti-unti nang naglalapit ang mga mukha namin hanggang sa tuluyang magtagpo ang mga labi namin.Tanging ang sigaw lamang ng mga puso namin ang pinakikinggan namin nang mga sandaling iyon. Hanggang sa unti-unting lumalalim ang bawat paghalik niya sa akin na tinutugunan ko naman.Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga bisig ni Josh sa akin habang patuloy akong hinahalikan. Awtomatiko ko namang ipinatong ang aking mga kamay sa balikat niya, payakap sa batok niya, habang abala
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status