Yannie Ace RuizNagising ako sa sikat ng araw nang maramdaman ko itong tumama sa mukha ko. Ayaw ko pa sanang magdilat ng mga mata dahil tila napakasarap ng tulog ko. Pero masyado kasing nakakasilaw ang sikat ng araw kaya naman marahan akong kumilos paharap sa kabilang side, saka ako nagmulat ng mga mata. Pipikit-pikit pa ako noong una dahil sa antok pero agad na kumalabog ang puso ko nang masilayan ko si Josh na payapa at mahimbing na natutulog sa tabi ko.Kaya naman pala masarap ang naging tulog ko ay dahil kasama ko siya ngayon. Matamis akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Pero ilang segundo lang nang kumilos siya at yumakap sa akin. My heart almost skipped a beat dahil sa lapit niya sa akin ngayon.Nagbalik tuloy sa isipan ko ang mga nangyari sa amin kagabi. Muntik na kaming mauwi roon. Pinamulahanan ako ng magkabilang pisngi nang isa-isang balikan ng utak ko ang mga tagpo na iyon.Alam kong hindi dapat nangyari ang nangyari kagabi. At alam ko ring ano mang oras na maulit iyo
Yannie Ace Ruiz"Kailangan ba talaga nating umalis sa apartment mo?" marahang tanong ko kay Josh."Huh?""Hindi ba at mas mabuti kung makakapagpahinga ka ngayon? Lalo pa at ilang araw kang kulang sa tulog dahil sa pinasukan mong trabaho. Sa gabi ay nagtatrabaho ka, pagkatapos sa umaga naman ay pinupuntahan mo ako para sunduin at ihatid sa trabaho."Josh sweetly smiled at me, then he reached out to hold my hand gently while he was driving."Okay lang naman ako. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin, Yeobo ko. Saka isa pa, masarap at mahimbing ang naging tulog ko kagabi. Kaya doon pa lang ay bawing-bawi na ako," tugon niya sa akin kasunod ng pagngisi niya sa huling salitang binitiwan niya.Napatikhim ako. Nagbalik na naman kasi sa isipan ko ang mga tagpong nangyari sa pagitan naming dalawa. Mga tagpo na muntikan nang mauwi sa sagradong bagay na ginagawa lamang ng mag-asawa."Isa pa ay nag-leave ka ngayon sa part-time job mo para sa akin. Ayaw ko namang masayang lang ang araw mo." dagdag
Yannie Ace Ruiz"Mom! What are you doing?!" galit na sigaw ni Josh sa kanyang ina kasabay ng paghakbang niya palapit dito.Agad din naman akong kumilos palapit sa mga magulang ko. "Ma, Pa," alalang sambit ko kasunod ng hirap na paglunok ko.Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi pa ng Mommy ni Josh sa mga magulang ko. Pero hindi naman ako tanga para hindi maunawaan kung ano ang nangyayari ngayon. "Bakit, Mr. and Mrs. Ruiz? Hindi pa ba sapat ang dalawampung milyong piso?" tanong pa ng Mommy ni Josh sa mga magulang ko."Mommy! Ano bang ginagawa mo?!" muli ay saway ni Josh sa kanyang ina. Ngunit hindi siya pinansin nito at sa halip ay nagpatuloy pa rin sa panghahamak sa mga magulang ko."Kulang pa rin ba ang halagang iyan para layuan na ng anak niyo ang anak ko?""Mom, enough!" galit na sigaw ni Josh."Mrs. Montez," usal ni Mama na ikinatigil naming lahat.Tumayo si Mama mula sa kanyang kinauupuan saka siya nagtungo sa kusina. Sandali lang at mabilis din siyang nakabalik at nagulat kamin
Yannie Ace Ruiz"Pasensya ka na, Yannie. Kinulang din kasi ako at wala na akong ibang maisip na lapitan kung 'di siya lang. Eh hindi ko rin naman alam na... napaalis pala siya sa kanila," mahabang paliwanag sa akin ni Veron habang naghihintay kami sa paglabas ni Mama kasama si Papa at si Josh.Tinawagan ko kasi sina Veron para manghiram ng pera para mailabas ko si Mama, kulang kasi ang ipon kong pera para sa halagang hinihingi sa amin."Okay lang, Veron. Wala ka namang kasalanan doon," tugon ko sa kaibigan ko.Ilang sandali lang nang matanaw naman naming dalawa ang mabilis na pagdating nina Jenny at Jomar."Yannie! Kumusta si Tita?" bungad na alalang tanong ni Jomar sa akin."Okay naman na siya. Kasama niya si Papa at si James sa loob. Pati na rin si Josh," tugon ko."Eh Ikaw? Kumusta ka?" pagkuwan ay tanong pang muli ni Jomar sa akin. Nakita kong napabalin ng tingin si Jenny kay Jomar dahil doon."Huh?" Nagpatikhim si Jenny saka siya nagsalita. "Pinapasabi ni Ivory na pasensya na ra
Yannie Ace Ruiz"Yannie! Nasa shop ka na ba?" bungad na tanong ni Jenny sa akin pagkasagot ko ng tawag niya."Hello, Jenny. Papunta pa lang ako ng shop. May naging emergency kasi sa bahay kaya na-late—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang magsalita na si Jenny mula sa kabilang linya."Pakisabi naman kay boss na hindi ako makakapasok ngayon.""Huh? Bakit? May problema ba? May nangyari ba?""Si Kuya ko kasi, dinampot daw ng mga pulis," tugon ni Jenny sa akin na siyang labis kong ikinabahala."Huh? Bakit? Anong nangyari?" alalang tanong ko."Napagbintangan eh. Siya 'yong dinidiin no'ng kasama niya na nanloko raw doon sa nagrereklamo. Actually, hindi ko rin talaga maintindihan kung ano. Kaya ito pupunta kaming prisinto ngayon ni Mama.""Okay sige, ingat kayo ni Tita.""Thank you!"Marahan kong ibinaba ang cellphone ko kasabay ng paghilot ko sa magkabilang sentido ko. Hindi ko alam kung bakit parang sunod-sunod na problema na lang 'yong sumasalubong sa akin. Hindi pa nga natat
Yannie Ace RuizNanikip ang dibdib ko nang tuluyan akong makalabas at makalayo sa lugar na iyon. Tila ang lahat ng lakas ng loob ko kanina ay biglang tumakas sa akin, dahilan upang makaramdam ng matinding panghihina ang mga tuhod ko.Muli kong naramdaman ang pag-init ng magkabilang sulok ng mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko matapos kong malaman na ang dahilan ng lahat ng problemang dinaranas ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko, ay walang iba kung 'di ako. Ako ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Ayaw ko silang masaktan at mahirapan. Ayaw kong may madamay na iba nang dahil lamang sa akin. Pero... hindi ko kayang iwan si Josh. Hindi ko siya kayang saktan at isuko.Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng tuluyang pag-alpas ng mga luha ko. Anong gagawin ko? Sinabi ko sa Mommy ni Josh na lalaban ako pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako lal
Yannie Ace Ruiz"Hindi ka ba talaga sasama sa amin, Ate?""Oo nga, Ate. Payag ka talaga magpa-iwan kayo rito ni Kuya James? Paano naman kami roon?""Wala na kaming Ate na katabi sa pagtulog."Parang may kung anong kumukurot sa puso ko habang pinagmamasdan at pinakikinggan ko sina Yuri at Yumi na nag-aayos ng mga gamit nila.Hindi ko gustong mapawalay sa kanila pero, hindi ko rin talaga alam kung ano pa ang gagawin ko. Gusto kong tumakbo patungo sa Mommy ni Josh ngayon at magmakaawa na itigil na ang pagpapahirap sa pamilya ko, pero... may kung anong pumipigil sa loob ko para gawin iyon, dahil sa oras na sumuko ako sa Mommy ni Josh, ibig sabihin ay pinapalaya ko na si Josh sa buhay ko."Huwag kayong mag-alala, magiging okay rin ang lahat," tugon ko sa mga kapatid ko."Paano, Ate? Eh ayaw na nga nilang tumira tayo rito. Tapos wala na rin tayong panggastos kasi wala ng trabaho si Papa pati si Mama," malungkot na sabi ni Yumi sa akin.Maliit akong ngumiti sa mga kapatid ko. "Basta, magigin
Yannie Ace Ruiz"Hindi pa naman masyadong luto 'yan eh. Kulang pa 'yan sa luto kaya hayaan mo lang muna," narinig kong reklamo ni Veron habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin at kakailanganin namin mamaya."Hindi pa ba luto ito? Eh kaunti na lang ay pasunog na ito," narinig kong tugon naman ni Ramil kay Veron."Hindi pa nga 'yan luto. Ba't ba kasi mas marunong ka pa sa akin? Akala mo naman marunong kang magluto.""Hindi nga ako marunong magluto, pero lagi naman akong kumakain. Saka laging pulutan 'yan sa mga inuman namin eh.""Ah ganoon? Lasinggero ka talaga eh, 'no?""Kapag naging misis na kita ay hindi na ako iinom," makulit na sabi ni Ramil kay Veron na ikinatigil at ikinapula ni Veron. Agad naman kaming nagtawanan dahil doon."Hay naku, wala pa rin talaga kayong pinagbago na dalawa. Aso't pusa pa rin kung magbangayan pero lover naman talaga sa totoong buhay," pang-aalaska ni Jenny na natatawang sinang-ayunan ni Jomar."Anong lover pinagsasasabi mo dyan?" balin ni V
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma