Home / Romance / Sweetest Love / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng Sweetest Love: Kabanata 71 - Kabanata 80

113 Kabanata

Chapter 70: Bar

Yannie Ace Ruiz “Ate Yannie, tawag ka na nina Papa. Kakain na daw po tayo,” marahang sabi ni Yuri sa akin. “Hindi pa ako nagugutom, Yuri.” “Pero kahapon ka pa nga hindi nakain tapos hanggang ngayon hindi ka pa rin nagugutom?” Hindi ako umimik at sa halip ay nanatili lamang na nakapikit ang mga mata ko habang nakahiga sa kama ko. Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga hakbang ni Yuri palabas ng kwarto at ang tuluyang pagsara ng pinto. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang makipaghiwalay sa akin si Josh. At dalawang araw na rin na hindi ko siya makausap dahil naka-off ang cellphone niya at naka-deactivate ang social media accounts niya. Sinubukan ko siyang tanungin kina Ramil at Byron pero ayon sa mga ito ay halos tatlong araw na raw nilang hindi nakikita si Josh dahil hindi ito pumapasok sa internship nito. Nag-reach out na rin ako kay Ate Rica kung nakakausap niya ba si Josh pero ayon din dito ay hindi rin ito sumasagot sa lahat ng messages niya, at dahil busy pa siya sa trab
Magbasa pa

Chapter 71: Crazy

Josh Rain MontezNagising ako na mabigat ng sobra ang ulo ko. Patunay no’n ang mahihinang daing at ungol ko habang nakapikit ang mga mata ko at sapo-sapo ko ang ulo ko. Ilang sandali pa ang lumipas nang unti-unti ay marahan ko nang naimulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang puting kisame saka ko iginala ang mga mata ko sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito.Nasaan ako?Gustuhin ko mang bilisan ang pagkilos at pagbangon ko ay hindi ko iyon magawa dahil sa sobrang sakit at bigat ng ulo ko. Muli kong iginala ang mga mata ko sa paligid at pilit na pinapamilyar ang lugar. Nasaan ba ako?Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko, at kasabay no’n ang ilang mga alaala na nangyari kagabi.“Hi, handsome, are you alone? Do you want me to join you tonight?”“No, thanks.”“Are you sure you don't want to? You know, I can really make you happy and horny now.”“Shit!” mariing pagmumura ko habang sunod-sunod na bumabalik sa isipan ko ang mga natatandaan kong
Magbasa pa

Chapter 72: To Destroy

Josh Rain MontezAgad kong pinaharurot ang sasakyan ko nang makasakay ako rito. Gamit ang isang kamay ay nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko para sana tawagan si Yannie. Pero naka-receive muna ako ng tawag mula kay Ramil at wala na akong nagawa kung ‘di ang sagutin iyon.“Hello—”“Buti naman at na-contact ka na namin,” mabilis na putol sa akin ng nasa kabilang linya. “Damn it, Bro! What the hell are you thinking? Why did you do that?”“What?” iritang tanong ko kay Ramil sa mga hindi ko maunawaang bungad na sinasabi nito sa akin.“Hindi namin alam kung ano ang problema ninyo ni Yannie, but I think hindi naman yata tama ang ginagawa mo.” Nahimigan ko ang galit sa akin ni Ramil sa tinig niyang iyon and knowing him, hindi siya magkakaganito kung hindi seryoso ang dahilan.“Ramil—”“Si Josh ‘yan? Nasaan daw siya?” Natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ko si Byron na nagtatanong kay Ramil sa akin. At maya-maya pa ay ito na nga ang kumausap sa akin. “Hello? Josh? Nasaan ka?”“I’m on
Magbasa pa

Chapter 73: Meeting Her Parents

Yannie Ace Ruiz“Anak!” Mabilis akong napalingon kay Mama nang masaya at tila excited itong pumasok sa loob ng kwarto namin.“Bakit po, Ma?” Dere-deretsyo siyang naupo sa tabi ko habang may malapad na ngiti sa kanyang mga labi.“May magandang balita ako sa iyo. Ito oh!” aniya sabay pakita niya sa akin sa cellphone ko na siyang ikinamangha at ikinagalak ko. Patunay no’n ang mabilis na pagtutop ko sa aking bibig. “Binigay na ng Papa mo. Sa tingin ko ay hindi na siya galit,” dagdag pa ni Mama sa akin.“Thank you po, Ma!” masayang wika ko saka ko kinuha mula sa kanya ang cellphone ko kasunod ng mahigpit na pagyakap ko rito. “Ano pong sabi ni Papa?” pagkuwan ay hiwalay ko kay Mama.“Kinausap ko kasi siya, Anak. Nag-alala lang talaga siya ng sobra sa iyo kaya siya nagalit nang ganoon. Basta huwag mo na lamang uulitin ang ganoon, maliwanag ba? Magpapaalam ka palagi sa amin ng Papa mo.”“Opo, Mama. Sorry po ulit. Hinding-hindi ko na po iyon uulitin.” Dahil hindi na ulit ako magtitiwala ng bas
Magbasa pa

Chapter 74: Pursuing

Yannie Ace Ruiz“Guys, alam niyo na bang nag-drop na raw si Bam. Iyon ang chika sa akin kanina ni Kristy,” saad ni Veron.“Aba dapat lang na mag-drop na siya. Hindi naman pag-aaral ang intensyon niya rito eh,” ani Jenny.“Alam niyo hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na si Bam ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Like, talaga ba? Lahat tayo ay napaniwala niyang mabait at inosente siyang babae?” himutok ni Ivory kasunod ng pagsipsip niya sa straw ng milk tea niya.“Well, ako una pa lang medyo hindi ko na talaga siya feel. Pakiramdam ko kasi parang may something talaga sa kanya. Pero ayun nga, my gosh! Hindi ko naman expect na baliw pala ang babaeng iyon!” ani Jenny. Kasulukuyan kaming nasa bench ng school. Nagpapalipas ng oras dahil sa vacant class namin.“Baliw talaga! Nakakatakot siya. Imagine, sa sobrang pagka-obsess niya kay Josh Rain, nagawa niya ang lahat ng iyon? Ang effort niya huh!” sabi naman ni Veron.“Pasensya na kayo. Alam ko namang kasalanan ko rin ang lahat. Ma
Magbasa pa

Chapter 75: Grant

Yannie Ace Ruiz“Payagan mo na kasi ang anak mo. Nasa tamang edad naman na siya.”“Alam kong nasa tamang edad na siya. Pero hindi lahat ng desisyon niya ay makabubuti para sa kanya. Paano kung masaktan lang siya ng lalaki na iyon?”“Huwag mo naman agad husgahan ang bata na iyon. Mukha naman siyang mabuting tao. Kita mo naman na humarap siya sa atin para magpaalam. Humarap siya sa atin ng maayos.”“Pero hindi ba at ngayon lang naman natin siya nakilala?”“Eh paano natin siya makikilala pa ng lubos kung hindi mo naman pinapayagan na manligaw sa anak mo? At kung tuwing nandito ay pinapaalis mo naman kaagad? Kaya nga siya nagpapaalam na manliligaw sa anak natin eh, para mapatunayan niya ang sarili niya sa atin na karapat-dapat siyang pagkatiwalaan.”Nakagat ko ang ibabang labi ko habang pinagmamasdan ko ang mga magulang ko na nagtatalo sa harapan ko.“Ma, hindi mo ba nakita? Sa itsura pa lang ng batang iyon ay mukhang galing siya sa maganda at maayos na pamilya,” sabi ni Papa kay Mama na
Magbasa pa

Chapter 76: Another Girlfriend?

Yannie Ace RuizMabilis akong kumilos at napalayo kay Josh nang marinig ko ang itinawag ni Josh sa babaeng nasa mid 40’s na biglang dumating sa loob ng bahay nina Josh. Napakaelegante ng pananamit nito na siyang dumadagdag sa tila punong-puno ng awtoridad na awra niya.“M-Magandang araw po,” nauutal na pagbati ko kasabay ng pagtayo ko. Marahan namang tumayo rin si Josh sa tabi ko habang gulat pa rin na nakatitig sa babaeng tinawag niyang ina niya.“What are you doing here?” kunot-noong tanong ni Josh sa babae.Sumilay ang maliit na pagngisi sa mga labi ng babae. “What kind of question is that? I’m here because, of course, this is my house.”Napalunok si Josh. “I mean… why are you here? Why is it sudden?”“It is not sudden, Son. Ilang beses ka naming tinatawagan ng Daddy mo pero hindi ka namin ma-contact. Hindi ko nga ine-expect na naririto ka pala at…” Ibinalin sa akin ng Mommy ni Josh ang mga tingin niya at naglakbay ito mula sa aking ulo pababa sa aking mga paa. “May kasama pang iba.
Magbasa pa

Chapter 77: Approved

Josh Rain Montez“Mommy, ano ‘to?” kunot-noong tanong ko kay Mommy kasabay ng mabilis kong pagtayo mula sa upuan upang mapigilan siya sa tuluyan niyang pag-alis.Wala na akong ibang nagawa pa kanina kung ‘di ang samahan sila sa pagkain habang naroroon si Arriane. Hindi ko ginalaw ang pagkain ko pero hindi ko naman magawang tanggihan si Lola na umupo sa harap ng hapag-kainan kasama sila. Kahit na labis na pagkainis ang nararamdaman ko kanina dahil hindi ko maunawaan kung bakit nandito ngayon ang taong ayaw ko nang makita kahit na kailan.Pagkatapos nilang kumain ay niyaya naman ngayon ni Lola si Arriane sa may sala upang manood ng movie hanggang sa kaming dalawa na nga lang ni Mommy ang naiwan dito sa dining area.“What?” inosenteng balin ng tingin sa akin ni Mommy.Humigit ako ng malalim na paghinga dahil sa pagpipigil ko ng inis na nararamdaman ko. “Alam niyo naman po ang nangyari sa amin ni Arriane, hindi po ba? Matagal na po kaming hiwalay. Hindi na po siya ang girlfriend ko, Mommy
Magbasa pa

Chapter 78: New Business Partner

Josh Rain Montez“Where have you been?”Agad akong natigilan nang marinig ko ang boses ni Mommy mula sa aking likuran. Humigit ako ng malalim na paghinga saka ko siya marahan na hinarap. Nakahalukipkip ito habang nakaupo sa sofa. Hindi ko siya kaagad na napansin pagkapasok ko ng bahay.Hindi ko siya sinagot sa tanong niya at sa halip ay nanatili lamang akong tahimik na nakatingin sa kanya. Kumilos siya at tumayo. Saka humakbang papalapit sa akin.“Where did you sleep last night? Why did you just come home now?” sunod-sunod na muling tanong niya sa akin.Dahil doon, hindi ko maiwasang hindi mapangisi ng maliit. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga tanong niya sa akin dahil ito ang unang beses na nagtanong siya sa akin ng ganito.“Anong mayroon? Bakit niyo po ako tinatanong ngayon ng ganyan?”“What?” Kumunot ang noo niya.Muli akong humigit ng malalim na paghinga. “I’m sorry. This is just new for me. Ngayon lang naman po kasi kayo nagtanong ng tungkol sa akin.” Natigilan siya sa naging sag
Magbasa pa

Chapter 79: Last Wish

Josh Rain MontezTahimik akong nagsimula sa pagkain at mabuti na lang dahil sa wakas ay tumahimik na rin si Arriane sa tabi ko. Pero napansin niya sigurong hindi ko ginagalaw ‘yong beef caldereta na inilagay niya sa pinggan ko.“Ayaw mo? Masarap naman ‘yan. Hindi ba at isa rin ‘yan sa paborito mong ulam?” mahinang pagkausap niya sa akin.“Maybe I’ll eat that next time, ‘yong hindi ikaw ang katabi ko,” malamig na sagot ko sa kanya habang ganoon pa rin, hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin.“Josh, I know you’re still mad at me. But please—”“Pwede ba, Arriane? Can you just please shut up and eat?” mabilis na putol ko sa kanya.“Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyong dalawa ah,” pagkuwan ay nakangiting puna sa amin ni Lola. “Gaano na nga ba kayo katagal na dalawa?”Lahat ay natigilan sa naging tanong na iyon ni Lola sa amin ni Arriane. Of course, hindi naman lingid sa kaalaman ng parents ni Arriane ang nangyari sa amin. Alam nilang matagal na kaming tapos ni Arriane dahil maayos
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status