Home / Romance / Sweetest Love / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng Sweetest Love: Kabanata 51 - Kabanata 60

113 Kabanata

Chapter 50: Rush

Yannie Ace Ruiz Nagitla ako nang biglang tumunog ng malakas ang cellphone ko habang nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng mga gulay sa isang supermarket. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at napangiti ako nang makita ang pangalan ni Josh sa screen no’n. “Hello?” “Nakauwi ka na ba? Bakit wala kang text or chat sa akin?” bungad na tanong ni Josh sa akin pagkasagot ko sa tawag niya. “Wala pa ako sa bahay. Inutusan kasi ako ni Mama na dumaan sa supermarket para mamili,” tugon ko sa kanya. “Sinong kasama mo?” tanong niya pa ulit. “Ako lang,” sagot ko. Narinig ko ang paghigit niya ng malalim na paghinga mula sa kabilang linya. “Sorry,” marahang wika niya. “Huh? Para saan?” kunot noong tanong ko sa kanya. “Hindi man lang kita masamahan. Sorry dahil ang layo ko sa iyo,” mabigat na sagot niya sa akin. Marahan akong napasinghap saka nagsalita, “Ano ka ba? Hindi mo naman kasalanan kung malayo ka sa akin. Kaya hindi ka dapat mag-sorry,” tugon ko kasunod ng pagkagat ko sa ibabang labi ko. “Ik
Magbasa pa

Chapter 51: Break Up

Josh Rain Montez Pagod akong naupo sa bench nang mag-water break ulit kami sa practice namin. Inabot ko ang bottled water ko at ininom ang laman no’n saka ko kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko ang oras doon, 6:06 p.m. Alam kong nagsabi sa akin si Yannie na magme-message na lang siya kapag nakauwi na siya sa kanila. Pero dahil sa nami-miss ko siya at gusto kong marinig ang boses niya ay hindi din ako nakatiis at muli ko na naman siyang tinawagan. “Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig,” ani Ramil habang napapailing-iling sa akin. “Tama ka diyan, Pre. Kada-water break gusto na lang palaging kausap ang girlfriend,” saad naman ni Byron. “Tingin mo dapat na din ba tayong mag-girlfriend?” tanong ni Ramil na siyang malakas na tinawanan ni Byron. “Huwag, Pre! Kahit na anong mangyari, huwag tayong tutulad sa kaibigan nating ito. Mas madaming chicks, mas masaya!” ani Byron na siyang tinayuan ko dahil ang ingay nilang dalawa. “Hello, Yeobo ko! Nakauwi ka na?” mabilis at excited na tanong
Magbasa pa

Chapter 52: Surpise

Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig sa screen ng cellphone ko at matiyagang naghihintay sa paglitaw ng pangalan ni Josh doon. Mula pa kanina ay wala na akong ibang ginawa kung ‘di ang maya’t mayang titigan ang cellphone ko dahil sa pag-asang magpaparamdam sa akin si Josh.“Kumusta, Yannie? Wala pa din ba?” marahang tanong sa akin ni Jenny pagkalapit niya sa akin kasama sina Ivory at Veron. Nilingon ko ang mga ito saka marahan at malungkot na umiling sa kanila bilang pagtugon.Humigit ng malalim na paghinga si Ivory saka ako nito inakbayan. “Huwag kang panghinaan ng loob. Maghintay ka pa sa kanya,” saad nito sa akin.“Tama si Ivory. Siguro ay masama pa din talaga ang loob niya pero okay lang iyan. Palamigin mo muna siya,” wika naman ni Jenny sa akin.Ikinuwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyaring pag-aaway namin ni Josh kagabi nang bigla na lang itong dumating at sinugod ng suntok si Kris. Sinabi ko sa kanila ang detalye ng naging pagtatalo namin ni J
Magbasa pa

Chapter 53: Girlfriend

Yannie Ace Ruiz“Yannie, sure kang hindi ka muna talaga magpapakita kay Josh?” tanong sa akin ni Ivory pagkaupo namin sa bandang dulo.“Oo nga, Yannie. Mas okay siguro kung magpapakita ka na sa kanya,” sabi naman ni Veron.“Mamaya na lang siguro. Baka kasi… galit pa siya sa akin. At baka kapag nakita niya agad ako bago magsimula ang game niya, baka hindi siya makapag-focus,” marahang tugon ko sa mga kaibigan ko.“Sa bagay. May point ka din naman,” ani Ivory. “Grabe! Ang ganda dito sa school nila. Ang saya-saya sigurong mag-aral dito! Lalo pa at ang dami ding gwapo!” masiglang sabi pa ni Ivory habang pinagmamasdan ang kanyang paligid at panay ang tingin sa mga lalaking nakikita niya.“Gwapo na naman ang hanap mo,” naiiling na sabi ni Veron kay Ivory.“Sayang wala si Jenny! For sure isa din iyong matutuwa na makakita ng mga gwapo,” nakatawang sabi ni Ivory.Hindi pa nagsisimula ang laro nila Josh. Madaming tao ang siyang patuloy na dumadating at umuupo sa mga bakanteng upuan. At habang
Magbasa pa

Chapter 54: Hidden Feelings

Jenny DelsarioNapahigit ako ng malalim na paghinga nang matapos ako sa paghahain ng pagkain sa hapag-kainan. Pinagmasdan ko ang mga pagkain na inihanda ko saka ako maliit na napangiti. Ilang sandali pa nang bigla namang tumunog ang cellphone ko dahil sa chat sa akin ni Ivory.Ivory: Girl! Sayang talaga na wala ka dito! Ang daming gwapo dito! Shete! Hindi ko alam kung school ba talaga ‘to, o taguan ng mga gwapong nilalang!Natawa ako sa chat na iyon sa akin ni Ivory. Para kasing naririnig ko ang boses niya habang binabasa ang chat niya. Pagdating talaga sa mga ganitong bagay ay magkasundong-magkasundo kaming dalawa. Nakaramdam din tuloy ako ng panghihinayang dahil hindi ako nakasama sa kanila. Ilang araw ko pa man din talaga hinintay ang araw na ito, kaso ayon nga, hindi ako nakasama sa kanila dahil may inuna akong ibang bagay.Me: Hindi ako naniniwala! Sa’n na ang picture?! Patingin nga!Reply ko kay Ivory at ilang sandali lang nang agad din itong nag-send sa akin ng isang stolen pic
Magbasa pa

Chapter 55: Cupcakes

Yannie Ace Ruiz “I’m sorry, hindi na ako makakasama sa inyo. Tumakas lang kasi ako sa work kaya kailangan ko na ring bumalik,” sabi ni Ate Rica sa amin. “Iyong trabaho mo o ako?” tanong naman ni Josh kay Ate Rica. “Syempre ‘yong trabaho ko. Pinsan lang naman kita eh,” sagot ni Ate Rica kay Josh na siyang ikinatawa naming lahat. “Girls, pasensya na kayo huh. Babawi na lang ako sa susunod,” nakangiting balin ni Ate Rica sa amin. “No worries po, Ate Rica. Ingat ka po,” nakangiting tugon ko naman sa kanya. “Una na rin ako,” nakangiting sabi naman ni Ate Aika saka ito bumalin ng tingin kay Ate Rica. “Sabay na ako sa iyo, Rics.” “Sure!” nakangiting tugon naman ni Ate Rica kay Ate Aika. “Bye guys!” paalam nila sa amin saka sila tuluyang umalis. “So, paano na tayo? May pupuntahan ba tayo? May gala ba tayo?” sunod-sunod na tanong ni Ivory. Nagpatikhim si Josh saka ito nagsalita, “Uhm… hihiramin ko sana sa inyo si Yannie,” saad nito na siyang ikinalingon ko rito. “Huh? Anong ibig mong s
Magbasa pa

Chapter 56: Punch

Veron Velaz“Magpahatid na lang tayo sa kanila sa Mall malapit dito. Tapos gala na lang tayong dalawa,” bulong ni Ivory sa akin habang naglalakad kami pasunod kina Ramil at Byron.“Pwede rin naman,” pagsang-ayon ko.“Hay. Si Josh kasi hiniram pa sa atin si Yannie. Pero okay lang dahil hindi naman sila laging nagkikita. Sayang wala si Jenny para tatlo tayong gagala ngayon. Maaga pa naman eh,” madaldal na sabi ni Ivory saka ito sumulyap sa suot nitong relo. “5:45,” pagbasa pa ni Ivory sa oras ng relo niya.“Kaso, hindi kaya gabihin naman tayo ng sobra pag-uwi natin? Ma-traffic dito sa Manila baka mahirapan tayong sumakay,” saad ko kay Ivory.“Okay lang iyon. Wala naman tayong klase bukas,” ani Ivory na siyang marahang tinanguan ko na lamang.Ilang sandali pa nang biglang may apat na babae ang nagsipaglapitan kina Ramil at Byron. Kaya naman napahinto ang mga ito sa paglalakad na siyang ikinahinto rin namin ni Ivory.“Congrats, boys!”“Congrats, Ramil and Byron.”“Napakahusay ninyo!”Pagb
Magbasa pa

Chapter 57: His Friends

Yannie Ace RuizHindi tumitigil sa malakas na pagtibok ang puso ko habang nasa loob ako ng sasakyan ni Josh. Nagmamaneho ito ng sasakyan niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa isang kamay ko. Na para bang mawawala ako sa tabi niya kung bibitiwan niya ako. Panaka-naka ko naman siyang sinusulyapan at nakikita ko ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, na siyang nagpapatunaw sa puso ko.“May alam akong masarap na kainan malapit dito,” pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.“Huh?”“Pero kung may gusto kang kainan at puntahan, sabihin mo lang sa akin.”Nagpatikhim ako. “O-Okay lang ako… kahit saan mo gusto.”“Alright,” tugon niya habang naroroon pa rin ang mga ngiti sa mga labi nito.Ilang sandali pa ang lumipas nang inihinto ni Josh ang sasakyan niya sa tapat ng isang simple ngunit eleganteng restaurant. Agad naman akong nagkaroon ng pag-aalinlangan habang pinagmamasdan ko ang restaurant na iyon. Para kasing hindi nababagay ang suot ko ngayon doon.Mabilis na buma
Magbasa pa

Chapter 58: Party

Yannie Ace Ruiz Malaya kong pinagmamasdan ang buong kapaligiran at ang magandang tanawin sa aking harapan, habang patuloy akong niyayakap ng malamig at sariwang hangin. Tawanan ng mga batang masayang naglalaro kasama ng kanilang mga magulang, mga masasayang pag-uusap at tawanan ng mga magkakaibigan, at nakakakilig na pagsasama ng mga magkasintahan. Ilan lamang iyan sa paulit-ulit kong pinagmamasdan ngayon na siyang nagbibigay ng kaginhawaan sa aking kalooban. Ang sarap maging masaya at mamuhay sa paraan na alam mong wala kang inaapakan na ibang tao. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang maliitin ng ganoon. At hindi ko alam kung isa ba ito sa consequence dahil nagmahal ako ng isang tulad ni Josh. Ilang sandali pa ang lumipas nang maramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Josh mula sa bench na kinauupuan ko. Alas syete na ng gabi at kasulukuyan kaming nasa isang People’s Park ni Josh. Dito niya ako dinala pagkaalis namin sa restaurant na kinainan namin kanina. “Here,” saad niya
Magbasa pa

Chapter 59: Brotherhood

Yannie Ace RuizMaliit lamang akong ngumiti kay Kris bilang pagtugon. At kasunod no’n ang panunukso sa amin ng mga kasama namin doon. Nag-iwas ako ng tingin kay Kris lalo pa nang maupo ito sa tapat ko habang nakangiti at nakatingin sa akin na para bang natutuwa pa siya sa panunuksong ginagawa sa amin ng mga kasama namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang at kinabahan. Siguro dahil nag-aalala ako na baka malaman ni Josh na nandito si Kris ngayon, knowing na ito ang naging dahilan ng huling pag-aaway namin na nauwi pa nga sa break up. Hindi ko kasi alam kung ano ang mga sinabi nito kay Josh noong nagkausap sila gamit ang cellphone ko, para magalit nang ganoon si Josh at sugurin siya. Oo, seloso nga si Josh, pero sa tingin ko ay hindi naman ito basta-basta manunugod ng ganoon ng wala lang. At sa kanilang dalawa, syempre mas pinagkakatiwalaan ko ang boyfriend ko. Hindi na din naman kasi sinabi sa akin ni Josh ang mga sinabi sa kanya ni Kris noon. Ayaw niya na rin kasing
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
12
DMCA.com Protection Status