Yannie Ace RuizMaliit lamang akong ngumiti kay Kris bilang pagtugon. At kasunod no’n ang panunukso sa amin ng mga kasama namin doon. Nag-iwas ako ng tingin kay Kris lalo pa nang maupo ito sa tapat ko habang nakangiti at nakatingin sa akin na para bang natutuwa pa siya sa panunuksong ginagawa sa amin ng mga kasama namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang at kinabahan. Siguro dahil nag-aalala ako na baka malaman ni Josh na nandito si Kris ngayon, knowing na ito ang naging dahilan ng huling pag-aaway namin na nauwi pa nga sa break up. Hindi ko kasi alam kung ano ang mga sinabi nito kay Josh noong nagkausap sila gamit ang cellphone ko, para magalit nang ganoon si Josh at sugurin siya. Oo, seloso nga si Josh, pero sa tingin ko ay hindi naman ito basta-basta manunugod ng ganoon ng wala lang. At sa kanilang dalawa, syempre mas pinagkakatiwalaan ko ang boyfriend ko. Hindi na din naman kasi sinabi sa akin ni Josh ang mga sinabi sa kanya ni Kris noon. Ayaw niya na rin kasing
Yannie Ace Ruiz“Yannie!” Mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan ko nang makita kong nagmamadaling dumarating si Veron kasama sina Jenny at Ivory. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang labis na pag-aalala.Kasulukuyan kaming nasa hospital ngayon upang maipagamot ang mga sugat na natamo nina Josh kasama ng mga kaibigan niya, at maging si Jomar. Dito kami dinala ng mga pulis na tumulong sa amin kanina, kasama rin sina Kris at ang ibang mga kasama nitong lalaki na sugatan din dahil sa pagganti nina Josh.“Yannie, okay ka lang ba? Huh? Nasaktan ka ba?” sunod-sunod na nag-aalalang tanong sa akin ni Ivory pagkalapit nila nang tuluyan sa akin.“Ayos lang ako. Huwag kayong mag-alala,” marahang tugon ko sa mga ito.Nagpakawala ng malalim na paghinga si Veron. “Mabuti naman kung ganoon.”“Mabuti na lang at dumating ang boyfriend mo,” saad ni Ivory.“Nasaan nga pala? Si Jomar? Kasama rin ba siya sa mga nasaktan kanina?” nag-aalalang tanong naman ni Jenny sa akin.“Oo. Nandito sila,” saad ko sa
Yannie Ace Ruiz“Ang akala ko ba ay pwede na rin kayong umuwi ngayon? May problema ba? Ano bang sabi ng Doctor?” sunod-sunod na tanong ko kay Josh habang walang imik naman sina Ramil, Byron, at Jomar na mga nakahiga lamang sa hospital bed nila at tila wala lang sa kanila kung magtatagal pa sila ng ilang araw dito sa hospital.Binalingan ko ng tingin si Ate Rica sa pagbabaka-sakaling makakakuha ako ng sagot sa kanya. Pero nag-iwas lamang ito ng tingin sa akin na para bang may alam ito na ayaw niyang sabihin sa akin. Humigit ako ng malalim na paghinga saka ko muling binalingan ng tingin si Josh. “Josh…”“Hmm?” balin ni Josh sa akin na para bang hindi niya naunawaan ang mga tanong ko sa kanya kanina. Nanatili ang mga tingin ko sa kanya habang naghihintay ng sagot niya. Sa huli ay nagtagumpay naman ako sapagkat sinagot din niya ako. “Hindi pa kasi magaling ang mga sugat at pasa namin kaya ilang araw pa kaming mananatili rito.”“Dahil lang sa mga sugat at pasa? Wala naman bang ibang sinabi
Yannie Ace Ruiz Kumabog ang dibdib ko nang matanaw ko si Josh na nagmamadali sa paglalakad papalapit sa akin. Kanina ay siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko. Pero ngayon na nakikita ko na siya ay para bang nakalimutan ko na sa isang iglap ang lahat ng saloobin ko. At wala na akong ibang maramdaman kung ‘di ang kakaibang tuwa at excitement sa puso ko dahil nakikita ko siya ngayon. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay agad niya akong marahan na h******n. “I miss you,” usal niya na siyang nagpalambot lalo sa puso ko. Pagkatapos no’n ay marahan siyang humiwalay sa akin ngunit masuyo at malambing na inabot at hinawakan ang dalawa kong kamay. “Kanina ka pa ba? Ang sabi ko naman kasi sa iyo ay susunduin na lang kita sa school ninyo.” Hindi na ako nagpasundo pa sa kanya sa school at sa halip ay nakipagkita na lamang ako sa kanya rito sa isang mall na malapit sa lugar niya para hindi na siya bumiyahe pa ng ganoong kalayo papunta sa akin. Lumunok ako saka ako marahang napatingin sa
Yannie Ace Ruiz“Hoy Jenny! Anong nangyari sa inyo ni Red? Nag-away na naman kayo?” bungad na tanong ni Ivory kay Jenny pagkapasok niya sa loob ng classroom.“Wala. Pabayaan mo siya,” walang buhay na tugon naman ni Jenny kay Ivory habang abala ito sa pagsusulat.“Ano ngang nangyari? Kagabi niya pa ako kinukulit. Nakikipag-break ka raw sa kanya at hindi mo na raw siya kinakausap,” pangungulit pa rin ni Ivory kay Jenny.Huminto sa pagsusulat si Jenny saka ito humigit ng malalim na paghinga. “Oo nakipag-break na ako sa kanya. Nakakasawa na kasi.”“Huh?” parehas na gulat na reaksyon namin ni Veron sa sinabi ni Jenny.“My gosh, Jenny! Wala pa kayong tatlong buwan nagsawa ka na agad?” pagtutuloy na sermon naman ni Ivory kay Jenny.“Eh anong magagawa ko eh sa nagsasawa na ako sa kanya,” tugon ni Jenny.“Alam mo hindi na kita maintindihan. Ang tinong lalaki ni Red para pakawalan mo pa. Bakit ka ba ganyan? Bakit ba parang laro lang ang pakikipagrelasyon mo sa iba? Wala nang tumagal sa iyo. Tap
Yannie Ace Ruiz “Sorry, Bam. Naabutan ako ng heavy traffic. Kanina ka pa ba?” hinihingal na sabi ko kay Bam pagkalapit ko rito. Tila nagulat naman siya sa aking biglang pagsulpot kaya mabilis siyang napaayos ng upo. At nang makita niya ako ay gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. “Okay lang, Yannie. Halos kadarating ko lang din naman,” marahang tugon niya sa akin. “Ganoon ba? Thank you huh. Kahit hindi naman na kailangan ay sinamahan mo pa rin ako ngayon dito.” “Naku, wala iyon. Ikaw pa ba?” nakangiting sabi niya sa akin at pagkuwan ay tumayo na ito at isinukbit ang bag niya sa kanyang balikat. “Tara na!” yaya niya. Sabado ngayon at kasulukuyan kaming nasa Alabang ni Bam. Unang araw ko ngayon sa part-time job at nagprisinta si Bam na samahan ako sa coffee shop ng Uncle niya para pormal na maipakilala rito. Hindi na kasi ako dumaan sa interview at sa halip ay pinagpasa na lamang ako ni Bam ng ilan sa mga requirements na kailangan ng Uncle niya para sa pagha-hire ng part-timer sa
Yannie Ace Ruiz Mabilis kong hinawakan si Josh sa braso nito upang pigilan ito sa kung ano man ang binabalak pa nitong gawin kay Edric. Nakita ko naman ang pagseryoso ng mukha ni Edric at ang pagtaas ng kilay nito habang nakatitig din ngayon kay Josh. Tila nababakas sa mukha nito ang pagtatanong kung sino si Josh na bigla na lang sumugod at pumagitna sa amin. Kaya bago pa ito tuluyang magtanong o magsalita ay mabilis na akong humakbang pagitna sa kanilang dalawa. “Uhm… pasensya ka na. Mauna na kami—” “Bakit ka humihingi ng pasensya at nagpapaalam sa kanya?” mabilis na putol naman sa akin ni Josh na siyang ikinagulat ko, lalo pa nang bigla niya na akong hinila palabas ng shop. “Josh, ano ba? Josh!” tawag ko sa kanya habang dere-deretsyo lang siya sa paglalakad palayo roon at hila-hila ako. Tuluyan niya lang akong binitiwan nang makarating kami sa tapat ng sasakyan niya. Napalunok ako nang makita ko ang inis sa mga mata niya. Humigit siya ng malalim na paghinga saka siya marahan na
Yannie Ace Ruiz“Happy birthday!” Nagitla ako nang sa paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin sina Mama at Papa na may hawak na birthday cake, kasama ang mga kapatid ko na sabay-sabay na bumati sa akin.“Ma, Pa…” tanging nasambit ko dahil sa labis na tuwang nararamdaman ko.“Happy 21st birthday, Anak!” nakangiting bati sa akin ni Mama saka niya tiningnan ang cake na hawak nila ni Papa.“Thank you po, Ma,” tugon ko saka ako sandaling pumikit upang humiling. Wala naman akong ibang gusto pa kung ‘di ang araw-araw na pagiging masaya ng mga mahal ko sa buhay. Nang matapos ako sa aking paghiling at sa pagmulat ko ng aking mga mata ay marahan ko na ring hinipan ang kandila na nasa cake.Mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Mama at ni Papa. Habang ang mga kapatid ko naman ay masayang nagsipagtungo sa kusina sa aming hapag-kainan. Hindi ko alam na maaga silang naghanda ng mga pagkain para sa kaarawan ko ngayon. Alas dyis pa lang ng umaga pero nakapagluto na sila ng pancit, sopas, spaghet
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma