Yannie Ace Ruiz Mabilis kong hinawakan si Josh sa braso nito upang pigilan ito sa kung ano man ang binabalak pa nitong gawin kay Edric. Nakita ko naman ang pagseryoso ng mukha ni Edric at ang pagtaas ng kilay nito habang nakatitig din ngayon kay Josh. Tila nababakas sa mukha nito ang pagtatanong kung sino si Josh na bigla na lang sumugod at pumagitna sa amin. Kaya bago pa ito tuluyang magtanong o magsalita ay mabilis na akong humakbang pagitna sa kanilang dalawa. “Uhm… pasensya ka na. Mauna na kami—” “Bakit ka humihingi ng pasensya at nagpapaalam sa kanya?” mabilis na putol naman sa akin ni Josh na siyang ikinagulat ko, lalo pa nang bigla niya na akong hinila palabas ng shop. “Josh, ano ba? Josh!” tawag ko sa kanya habang dere-deretsyo lang siya sa paglalakad palayo roon at hila-hila ako. Tuluyan niya lang akong binitiwan nang makarating kami sa tapat ng sasakyan niya. Napalunok ako nang makita ko ang inis sa mga mata niya. Humigit siya ng malalim na paghinga saka siya marahan na
Yannie Ace Ruiz“Happy birthday!” Nagitla ako nang sa paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin sina Mama at Papa na may hawak na birthday cake, kasama ang mga kapatid ko na sabay-sabay na bumati sa akin.“Ma, Pa…” tanging nasambit ko dahil sa labis na tuwang nararamdaman ko.“Happy 21st birthday, Anak!” nakangiting bati sa akin ni Mama saka niya tiningnan ang cake na hawak nila ni Papa.“Thank you po, Ma,” tugon ko saka ako sandaling pumikit upang humiling. Wala naman akong ibang gusto pa kung ‘di ang araw-araw na pagiging masaya ng mga mahal ko sa buhay. Nang matapos ako sa aking paghiling at sa pagmulat ko ng aking mga mata ay marahan ko na ring hinipan ang kandila na nasa cake.Mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Mama at ni Papa. Habang ang mga kapatid ko naman ay masayang nagsipagtungo sa kusina sa aming hapag-kainan. Hindi ko alam na maaga silang naghanda ng mga pagkain para sa kaarawan ko ngayon. Alas dyis pa lang ng umaga pero nakapagluto na sila ng pancit, sopas, spaghet
Yannie Ace Ruiz “See you later, Yeobo ko.” “See you later.” “Huwag mong kakalimutan ‘yong mga bilin ko sa iyo huh. Okay lang na kausapin mo siya basta tungkol lang sa trabaho—” “Josh…” marahang pagtawag ko sa pangalan niya dahilan upang matigilan siya sa mga sinasabi niya. Ilang ulit na kasi niyang sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyan. Na huwag na raw akong lalapit kay Edric o sa kahit na sinong lalaki na katrabaho ko. At okay lang naman daw na kausapin ko basta tungkol lang daw sa trabaho. Tumikhim siya. “Pinapaalala ko lang naman,” aniya. “Huwag kang mag-alala dahil hinding-hindi ko naman kakalimutan na may boyfriend akong seloso,” natatawang pagbibiro ko sa kanya na ikinangisi niya. “Dapat lang,” tugon niya kasabay ng paghapit niya sa baywang ko papalapit sa kanya at nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan ng mabilis sa aking mga labi. “Josh!” namumulang saway ko sa kanya dahil nasa gitna kami ng daanan ng mga tao at may mga taong nakakita sa ginawa niya sa ak
Yannie Ace Ruiz Nanghina ang mga tuhod ko nang sunod-sunod na pumasok ang mga messages ni Josh sa akin sa cellphone ko. Maging sina Mama at Papa pati na rin sina Veron na panay ang pagtatanong kung nasaan ako. Pilit kong inalala ang mga nangyari kahapon at ang pinakahuling natatandaan ko lang ay nang kumakain ako kasama nina Bam sa may coffee shop. Sigurado ako sa sarili kong hindi naman ako uminom ng kahit na ano no’n at hindi ako nalasing. Kaya paanong wala na akong matandaan pagkatapos no’n? Binitiwan ko ang cellphone ko saka ko nasapo ang ulo ko. Anong nangyari? Paulit-ulit ang tanong na iyon sa isipan ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko at tiningnan ko ang gamit ko. Wala namang kahit na anong gamit ang nawawala sa akin. Iginala ko rin ang paningin ko sa lugar na kinaroroonan ko. Nasaan ba ako? Sa huli nang makabawi ako sa sarili ko at nang maipon ko kahit na papaano ang mga lakas ko ay pilit na akong naglakad palabas ng kwartong kinaroroonan ko. Sa paglabas ko ay nagulat ako nang
Yannie Ace Ruiz Walang tigil sa paglalandas ang mga luha ko kahit pa anong pagpigil ang gawin ko sa mga ito. Patuloy pa rin ito sa pagpatak habang kasulukuyan akong nasa isang pampasaherong Jeep. Batid kong pinagtitinginan na ako ng mga tao at pinag-uusapan dahil sa patuloy na pag-iyak ko. Pero wala akong ibang magawa kung ‘di ang patuloy lamang na lumuha dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Nahihirapan ako sa paghinga at ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Bukod doon ay humahapdi rin ang puso ko na para bang literal na may humihiwa rito sa loob ko. Parang noong isang araw lang ay napakasaya pa naming dalawa ni Josh. Napakasaya namin na para bang wala ng mapaglagyan ang tuwa sa puso ko. Kaya ngayon, hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay hahantong kaming dalawa sa ganito. Hindi ko akalain na magagawa naming saktan ang isa’t isa sa mga paraang hindi naman namin ginusto at sinasadya. “Miss, okay ka lang ba?” Napasinghot ako nang may isang babae ang tumabi at
Yannie Ace Ruiz “Ate Yannie, tawag ka na nina Papa. Kakain na daw po tayo,” marahang sabi ni Yuri sa akin. “Hindi pa ako nagugutom, Yuri.” “Pero kahapon ka pa nga hindi nakain tapos hanggang ngayon hindi ka pa rin nagugutom?” Hindi ako umimik at sa halip ay nanatili lamang na nakapikit ang mga mata ko habang nakahiga sa kama ko. Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga hakbang ni Yuri palabas ng kwarto at ang tuluyang pagsara ng pinto. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang makipaghiwalay sa akin si Josh. At dalawang araw na rin na hindi ko siya makausap dahil naka-off ang cellphone niya at naka-deactivate ang social media accounts niya. Sinubukan ko siyang tanungin kina Ramil at Byron pero ayon sa mga ito ay halos tatlong araw na raw nilang hindi nakikita si Josh dahil hindi ito pumapasok sa internship nito. Nag-reach out na rin ako kay Ate Rica kung nakakausap niya ba si Josh pero ayon din dito ay hindi rin ito sumasagot sa lahat ng messages niya, at dahil busy pa siya sa trab
Josh Rain MontezNagising ako na mabigat ng sobra ang ulo ko. Patunay no’n ang mahihinang daing at ungol ko habang nakapikit ang mga mata ko at sapo-sapo ko ang ulo ko. Ilang sandali pa ang lumipas nang unti-unti ay marahan ko nang naimulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang puting kisame saka ko iginala ang mga mata ko sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito.Nasaan ako?Gustuhin ko mang bilisan ang pagkilos at pagbangon ko ay hindi ko iyon magawa dahil sa sobrang sakit at bigat ng ulo ko. Muli kong iginala ang mga mata ko sa paligid at pilit na pinapamilyar ang lugar. Nasaan ba ako?Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko, at kasabay no’n ang ilang mga alaala na nangyari kagabi.“Hi, handsome, are you alone? Do you want me to join you tonight?”“No, thanks.”“Are you sure you don't want to? You know, I can really make you happy and horny now.”“Shit!” mariing pagmumura ko habang sunod-sunod na bumabalik sa isipan ko ang mga natatandaan kong
Josh Rain MontezAgad kong pinaharurot ang sasakyan ko nang makasakay ako rito. Gamit ang isang kamay ay nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko para sana tawagan si Yannie. Pero naka-receive muna ako ng tawag mula kay Ramil at wala na akong nagawa kung ‘di ang sagutin iyon.“Hello—”“Buti naman at na-contact ka na namin,” mabilis na putol sa akin ng nasa kabilang linya. “Damn it, Bro! What the hell are you thinking? Why did you do that?”“What?” iritang tanong ko kay Ramil sa mga hindi ko maunawaang bungad na sinasabi nito sa akin.“Hindi namin alam kung ano ang problema ninyo ni Yannie, but I think hindi naman yata tama ang ginagawa mo.” Nahimigan ko ang galit sa akin ni Ramil sa tinig niyang iyon and knowing him, hindi siya magkakaganito kung hindi seryoso ang dahilan.“Ramil—”“Si Josh ‘yan? Nasaan daw siya?” Natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ko si Byron na nagtatanong kay Ramil sa akin. At maya-maya pa ay ito na nga ang kumausap sa akin. “Hello? Josh? Nasaan ka?”“I’m on
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma