Home / Romance / Arrianne's Door / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng Arrianne's Door: Kabanata 1 - Kabanata 10

70 Kabanata

Kabanata 1

Napabuntong-hininga ako pagkababa ko mula sa eroplanong sinakyan ko. Ito na ang simula sa pagbabago ng aking buhay. Ang makipagsapalaran sa lugar na ibang-iba sa aking nakasanayan. Mariin ako'ng pumikit at pagdilat ay simula na ang aking paghakbang. Sinundan ang mga tao na galing din sa sinakyang eroplano. Diretso na ako'ng naglakad palabas ng airport. Kung saan tumambad sa akin ang maraming sasakyan at mga tao na ang bibilis maglakad. Lahat nagmamadali na akala mo ay may hinahabol. Ang ingay ng paligid, busina dito, busina doon. Ang lapad pa ng mga kalsadang nakikita ko. Naisip ko pa, kung kakayanin ko ba ang buhay dito sa syudad. Muli ay bumuntong-hininga ako at inaalo ang sarili. Tapik ko ang dibdib ko na hindi matigil ang kabang nararamdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, kaba. Ayan kape pa! Nakailang buntong-hininga na ako, pero ni kaunti ay hindi nabawasan ang kabang nararamdaman ko. "Kaya mo 'to Arrianne, matapang ka! Kakayanin mo ang bago mo'ng buhay. Laban para k
last updateHuling Na-update : 2022-10-18
Magbasa pa

Kabanata 2

Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay dilat na ang mga mata ko. Medyo nanibago nga kasi ako. Hindi talaga ako sanay na wala si Mama sa tabi ko. Ito nga ang unang beses na malayo ako sa Mama ko.Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kahit malungkot, at kahit miss ko na siya kailangan maging positibo. Focus sa kung ano ang pakay ko rito, iyon ay ang mabigyan ng magandang pamumuhay si Mama. Hindi man bumalik sa dati ang aming pamumuhay. At least hindi na kami maghihirap. Agad akong naligo, at pagkatapos ay nagluto ng almusal para sa aming lahat. Palakas sa mga kasama, para bati nila ako. Hirap na kung may hindi ako makapalagayan ng loob sa kanila. Sagabal iyon sa trabaho. Mas lalong hindi ako magiging komportable. Nilagang baka ang naisipan kung lutuin at nagprito rin ako ng isda. Buti na lamang at maraming laman ang ref. Matapos kung magluto. Hindi ko na muna ginising ang mga kasama ko kasi maaga pa naman. Nauna na rin lang akong kumain. Gusto ko na kasing magsimula na agad sa trabaho.Bu
last updateHuling Na-update : 2022-10-18
Magbasa pa

Kabanata 3

Ala-sais ng umaga ay gising na ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip, sa kung ano'ng ugali mayr'on ang mga boss ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mangamba. Pero hindi naman siguro masyadong masama ang pag-uugali nila dahil hindi naman magtatagal itong mga kasama ko rito kung salbahe nga sila. Bahala na nga si batman!Lutang ako na lumabas ng kwarto at agad tinungo ang kusina. Kumakalam na kasi ang sikmura ko. Ngayon lamang ako nagising ng ganitong oras. Bawal na rin pala akong makialam sa kusina. Hardinera nga kasi ako, kaya do'n lamang ako sa hardin nararapat."Wow...sana all!" bungad ni Ate Sally nang datnan ko sa kusina. Umawang na lamang ang bibig ko dahil 'di ko na gets ang pa sana all niya."Ganda ng legs ah," sabat naman ni Ate Sonia. Tumingin na lamang ako sa mga hita ko'ng nakaluwa pala. Naka-dolphin short nga pala ako. "Kayo naman, kung maka-puri sa legs ko, parang hindi naman nag-gagandahan ang mga legs ninyo," sagot ko. Dinadaan ko na lamang sa joke ang hiya ko. Ibang klase it
last updateHuling Na-update : 2022-10-18
Magbasa pa

Kabanata 4

Matamis na ngiti ang bungad ko sa mga kasama kinaumagahan, mapagtakpan lamang ang kalokohang tanong ko kay Aling Donna kagabi.Paminsan-minsan ako'ng nagnakaw ng tingin sa matanda. Tahimik na siya dati, mas naging tahimik pa ngayon. Pati mga kasama ko, nahawa yata at nawala na rin ang pagiging makulit. "Tuloy po ba ang uwi ng mga boss natin?" basag ko sa katahimikan. Nakakailang na kasi. Hindi ako sanay na ganito sila katahimik. "Mamaya nandito na ang mga 'yon," sagot ni Ate Sonia.Tumango lamang ako bilang tugon. Mukhang wala kasi talaga silang ganang makipag-usap o magbiro. Biglang change mode ngayong pauwi na ang mga boss.Matapos kumain ay matamlay ko'ng tinungo ang hardin. Abala na ako sa ginawa. Naagaw lamang ang pansin ko sa pagbukas ng malaking gate at pagpasok ng itim na sasakyan. Halos patakbo namang lumabas ang mga kasama ko. Nagtulong-tulong sila na ilabas ang mga gamit mula sa kotse. Habang si Aling Donna, nakatayo lamang sa gilid.Tanaw ko lamang sila at hindi na lumap
last updateHuling Na-update : 2022-10-24
Magbasa pa

Kabanata 5

Ilang araw din ako'ng nagmistula zombie. Hindi kasi maalis sa isip ko ang talim ng tingin ni Sir Danny. Pati mabantot niyang amoy, hindi mawala sa ilong ko. May pa bawal-bawal pa kasi. Tapos galit pala kapag sinunod. Ay, ewan. Bahala nga siya! Gagawa-gawa ng rules, ngayon sa akin binunton ang galit. Kung sa tingin nila, mali ang ginawa ko'ng pagsunod sa kalokohan nilang rules. Nasa kanila na iyon kung sisantihin nila ako. Ang tapang ko no? Bahag pala ang buntot kapag makita ang lasinggo.Kasalanan din ito ni Ate Mercy. May pa sabi-sabi pa kasi na magdilang angel. Ayon, nagdilang anghel nga. Unang kita ko pa lang sa boss kung lasinggo, sablay na. Badtrip na!Para tuloy ako'ng kriminal na nagtatago sa mga pulis. Panay tago at iwas ang ginawa ko, hindi ko lamang makita si Sir Danny. Pati nga anino niya takot ako'ng makita.Ayoko na kasing maulit ang nangyari. Lalong ayokong magkasakit sa puso nang dahil lamang sa kaniya. Mabuti na lamang talaga at hardinera ang pinasok ko'ng trabaho at
last updateHuling Na-update : 2022-10-27
Magbasa pa

Kabanata 6

Ito naman si Sir Danny, pwede naman kasing sukob lang, walang hawakan. Ibang klaseng kuryente ang naranasan ko. Nanigas lang naman ang buong katawan ko. Pati panga at dila ko nanigas! Paano ba kasi, iyong kamay niya na sobrang lambot, hawak pa rin ang kamay kong magaspang! "Hey!" sigaw niya sa tainga ko. Muntik ko na tuloy mabitiwan ang hawak kong mga bulaklak. Lunok muna bago tingin ang ginawa ko. Ayan na naman ang mga mata niyang matulis pa sa patalim. Nakamamatay!"S-Sir Danny?" kanda-utal kong bigkas na may kasabay na ngiting aso.Sana ay naging aso na nga lang talaga ako nang makagat ko itong kamay niyang lapastangan na hanggang ngayon hawak pa rin ang kamay ko. "Ihatid mo ako sa main door!" madiin nitong utos.Kumurap ako ng ilang beses. Saka kunot-noo na tumitig sa kan'ya. Talagang tumitig ako. "Po?" tanong ko. "Bingi ka ba? Sabi ko, ihatid mo ako sa main door," ulit niya. "Ah.. Eh.. Sir!" Muntik ko nang mabigkas ang buong alpabetong pilipino sa kabang naramdaman. "Ano?!
last updateHuling Na-update : 2022-10-30
Magbasa pa

Kabanata 7

Nanginig ang buo kong katawan nang bumagsak ang beer na hawak ni Sir Dante sa sahig at natapon ang laman niyon. Kaagad ko iyong dinampot. "Tanga!" singhal ni Sir Danny. "P-pasensya na po, Sir Danny!" yuko-ulo kong paghingi ng pasensya saka inabot sa kanya ang beer. Tiningnan niya lang iyon at hindi tinanggap. Umismid pa. "Ipapainum mo pa sa akin 'yan?! Tanga ka nga!" Napanguso ako habang nakayuko. Tumalsik pa ang laway niya sa mukha ko. "Itapon mo na ‘yan, tanga!" Talagang may pahabol pang singhal bago tumalikod at iniwan kami. Pigil ang pag-iyak ko nang humarap sa mga kaibigan at kay Nanay. Tinapik na lamang nila ang likod. "Hindi ko naman po, sinasadya!" aniko. "Oo, alam namin na hindi mo sinasadya. Pagpasensyahan mo na lamang si Danny." Hinaplos ni Nanay Donna ang likod ko. Pasensya na naman? Hanggang kailan? Malamang hanggang sa boss ko siya at hardinera nila ako. Ang hirap makisama sa taong gaya niya, kung makapagsabi ng tanga, parang ang laki ng nagawa kong pinsala. "Sig
last updateHuling Na-update : 2022-11-01
Magbasa pa

Kabanata 8

"Arrianne!" malakas na singhal ang umuntag sa akin mula sa likuran ko. "Sir Dante..." nahihiyang sambit ko. Kaagad akong yumuko nang makita ang galit nitong mukha. "Pasensya na po." Hindi ko na magawang tingnan ang boss kong matanda. Sa galit niya, alam kong may paglalagyan ako. Alam kong sumubra na rin ako. Boss ko pa rin kasi ang loko-lokong lasinggong ito na tumulak sa akin. Hindi dapat ako nagbitaw ng ganoong salita. Pero sinagad niya kasi ang pasensya ko. Tiniim ko ang mga mata kasabay ang pagbuntong-hininga."Pumasok ka na Arrianne! Bukas na natin pag-usapan itong nangyari!" sabi niya na bakas sa boses ang dismaya. "Pasensya na po uli, Sir Dante," ani ko at matamlay na tumalikod. Ramdam ko ang pagkirot ng mga tuhod at siko ko ngayong paalis na ako sa harapan nila. Kanina kasi, parang namanhid ang katawan ko dahil sa inis kay Sir Danny, at hiya kay Sir Dante. Ang malas naman, hindi man lang ako umabot ng isang buwan dito sa mansyon. Sesante agad.Marahas na buntong-hininga an
last updateHuling Na-update : 2022-11-03
Magbasa pa

Kabanata 9

Lumandas ang mga mata ni Sir Danny sa kamay ni Joel na mahigpit na nakalingkis sa baywang ko. Kunot- noo ko siyang tinitigan matapos matanggal ang puwing sa mata ko. Saka binaling ang tingin ko kay Joel na matalim din ang tingin kay Sir Danny. Kung magtitigan ang dalawa parang mortal na magkaaway. E, ngayon nga lang sila nagkita. Pero bakit ba biglang sumulpot ang lalaking ito na siyang dahilan kung bakit aalis ako sa trabaho, kahit mabigat sa loob ko."B-bakit po, Sir?" utal kong tanong pero na kay Joel ang tingin. Hila-hila ko ang manggas ng t-shirt niya. Ayaw kasi lubayan ng tingin ang boss ko. Ewan ko ba sa lalaking ito. Parang leon na gustong lapain itong boss kong buang. "Bakit? Do you know, kung ano ang nakapaloob dito sa kontrantang pinermahan mo? O talagang tanga ka lang kaya hindi mo na intindahan?!" "Danny!" singhal ni Sir Dante. Umiiling pa ito habang papalapit kinaroroonan ng Anak.Buti na lamang at nakita ko ang paghinto ng kotse ni Sir Dante. Muntik na naman kasi akon
last updateHuling Na-update : 2022-11-04
Magbasa pa

Kabanata 10

"Arte-ate!" Umawang ang bibig ko. Touch na sana ako sa pabigay niya ng gamot, hindi naman pala bukal sa loob. Ay... ewan! "Arrianne! Ano ba ang pumasok sa utak mo at bigla ka na lang umalis?!" Singhal ni Nanay ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng quarters. Mabuti na lamang at wala ang iba kong mga kasama. Ang sakit siguro sa tainga kung sabay silang tumalak. Lalo tuloy akong nanghina. Hindi pa nga ako naka-get over sa mga nangyari kanina. Heto, sermon naman ang bungad sa akin ni Nanay. "Pasensya na po, Nay," halos pabulong kong bigkas. Tumiim ang bibig ko at yumuko pagkatapos. Bakas kasi ang inis sa mukha ni Nanay, ngunit may pag-aalala akong nakikita. Parang maiiyak pa nga. Guilty tuloy ako. Alam ko naman kasi na mali nga ang ginawa ko. Mali ang hindi kausapin si Sir Dante, bago ako umalis. At lalong mali na hindi ako nagpaalam sa mga kasama ko. Naging insensitive ako sa puntong iyon. Hindi ko naiisip na mag-aalala sila. Hindi ko na isip na masasaktan sila. Sarili ko lang ang nai
last updateHuling Na-update : 2022-11-06
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status