Share

Arrianne's Door
Arrianne's Door
Author: sweetjelly

Kabanata 1

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2022-10-18 14:35:19

Napabuntong-hininga ako pagkababa ko mula sa eroplanong sinakyan ko. Ito na ang simula sa pagbabago ng aking buhay. Ang makipagsapalaran sa lugar na ibang-iba sa aking nakasanayan.

Mariin ako'ng pumikit at pagdilat ay simula na ang aking paghakbang. Sinundan ang mga tao na galing din sa sinakyang eroplano.

Diretso na ako'ng naglakad palabas ng airport. Kung saan tumambad sa akin ang maraming sasakyan at mga tao na ang bibilis maglakad. Lahat nagmamadali na akala mo ay may hinahabol.

Ang ingay ng paligid, busina dito, busina doon. Ang lapad pa ng mga kalsadang nakikita ko. Naisip ko pa, kung kakayanin ko ba ang buhay dito sa syudad.

Muli ay bumuntong-hininga ako at inaalo ang sarili. Tapik ko ang dibdib ko na hindi matigil ang kabang nararamdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, kaba. Ayan kape pa!

Nakailang buntong-hininga na ako, pero ni kaunti ay hindi nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Kaya mo 'to Arrianne, matapang ka! Kakayanin mo ang bago mo'ng buhay. Laban para kay Nanay at sa'yo!" tahimik ko'ng pag-cheer sa aking sarili.

Pumara ako ng taxi at inabot ko sa driver ang papel kung saan nakasulat ang address ng pupuntahan ko. Hindi na ako nagsalita at baka malaman pa nitong driver na dayo ako rito sa Maynila at maguyo pa ako ng wala sa oras.

Nakakagulat lang, matapos kasing mabasa ang nakasulat sa papel ay iba na kung makatingin si Mamang driver. Hindi ko alam kung minamata niya ba ako o ano.

Iyon kasi ang address na binigay sa akin ng agency. Mamamasukan ako bilang hardinera sa isang mayamang pamilya.

Habang sakay ng taxi, hindi matigil ang pag-iisip ko. Maraming tumatakbo sa isipan ko. Nandoon ang pag-aalala kung mababait ba o salbahe ang magiging boss ko.

Nasa labas lamang ang paningin ko. Binibilang ang mga posteng nadadaan namin. Wala lang, gusto ko lang bilangin mawala man lang kahit kaunti ang kaba ko.

Hanggang sa marating namin ang exclusive village. Sandaling huminto ang taxi, kasabay ang paglapit ng dalawang guards. Sandali nilang kinausap ang driver. Saka ito nagpatuloy sa loob ng village.

Hindi na ako magkamayaw sa kalilingon. Ang gaganda ng mga bahay na nakikita ko. Napangiti ako. Napaghalata kasi na ignorante ako.

"Wow!' bulalas ko nang tumigil ang taxi sa harap ng isang mansyon. Napakagandang mansyon na sa panaginip ay hindi ko naisip na makapasok. Agad ako'ng bumaba, awang ang bibig gaya ng pinto ng kotse na nakalimutan ko nang isara.

Narinig ko na lamang na tawa ng driver. Napagtanto niya siguro na mamamasukan lamang ako bilang kasambahay sa napakagandang mansyon na ito.

"Salamat po," sabi ko sa driver, matapos ibigay ang bayad ko.

"Walang ano man, Ma'am," sagot naman nito at ngumiti bago umalis.

Bitbit ang hindi kalakihang bag. Mabagal akong naglakad papunta sa tapat ng gate at pinindot ang doorbell. Kaagad namang nagbukas iyon at dumungaw mula roon ang guard.

"Magandang hapon po. Ako po ang bagong hire na hardinera," pakilala ko kasabay ang pag-abot ng mga katibayan na galing sa agency ko.

Walang ano mang salita na tinanggap iyon ng guard at binuklat isa-isa at nang masiguro na tunay ang mga ito saka niya na ako pinapasok.

Tahimik ako'ng sumunod sa kanya, kasabay ang panakanakang sulyap sa paligid.

"Dumito ka muna, tatawagin ko muna si Aling Donna," mahinahong sabi nito.

"Sige po, salamat," mahina ko'ng tugon, nag-iingat kasi ako na hindi mabaliktad ang dila ko kapag nagsalita, dahil nga hindi ako sanay magsalita ng tagalog, kasi nga bisaya ako.

Habang naghihintay, malaya ko namang nilibot ng tingin ang buong paligid. Ang ganda ng mga halaman kaya lang mukhang hindi na alagaan.

Ang daming lantang dahon at masyado nang malago ang iba kaya kalat na itong tingnan. Naisip ko na kaya nga sila kumuha ng bagong hardinera, para may mag-alaga sa mga halaman nila.

Ang laki nitong mansyon at ang ganda. Pero ramdam ko ang lungkot. Walang ingay at wala ako'ng nakikita na ibang tao bukod sa tatlong guards. Siguro laging busy sa mga trabaho nila ang mga boss ko. Sana lang mabait sila.

Maya maya ay nakita ko nang papalapit ang isang matandang babae, mga nasa late 50's ang edad sa tantiya ko. May puti na itong buhok at naka-uniform ng kulay itim na may puti sa collar.

Agad akong tumayo hindi pa man sila tuluyang nakalapit.

"Magandang hapon po," magalang kong bati. Ingat na ingat pa rin sa pagbigkas ng salita.

"Magandang hapon!" sagot ng matanda na wala man lang kangiti-ngiti. Napalunok na lamang ako sa turan ng matanda. Alam ko'ng siya ang katiwala ng mansyon.

Sa awra pa lamang niya ay bakas na ang pagiging strikto.

"Ako po si Arrianne Dela Zerna, ang bagong hire na hardinera," pakilala ko sa matanda.

Hindi ko naman mapigil ang makaramdam ng pagkailang. Paano kasi, kita ko sa gilid ng aking paningin ang pag-smile ng guard na nagbukas sa akin ng gate kanina.

Bukod sa ngiti niya, nakakailang din ang mga titig nito. Hindi na nga siya kumurap.

"Donna," pakilala ng matanda kasabay ang pag-abot ng kamay na agad ko namang tinanggap para kamayan siya. Sinabayan ko pa ng ngiting na-iilang.

Talaga naman kasing nakakailang siya. Ayaw nga niyang ngumiti, naka-straight face lang siya.

"Ako ang mayordoma ng tahanang ito," sabi niya na seryoso pa rin ang mukha. "Tawagin mo na lamang akong Aling Donna gaya ng tawag sa akin ng iba," sabi niya pa.

"Opo, Aling Donna," sagot ko.

Habang nagsasalita ang matanda, hindi ko naman maiwasan na muling mapasulyap sa guard na nakatayo pa rin malapit sa amin ni Aling Donna.

Isa rin siyang nakakailang. Kanina pa kasi siya nakangiti at hindi man lang nahihiya kahit mahuli ko pa na nakatitig sa akin.

Loko din 'to, ah! Kararating ko nga lang, pagka-interesan ba agad ako. Sorry siya at wala akong interest sa mga lalaki. Trabaho ang pinunta ko rito at hindi lalaki.

"Hoy, Ronan! Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan?! Bumalik ka na sa pwesto mo," bulyaw ni Aling Donna nang mapansin itong hindi pa rin umalis malapit sa amin.

Kamot sa ulo na lamang ang tugon ng lalaki na tinawag ni Aling Donna na Ronan. Umiiling-iling ito na bumalik sa guard house habang pinagtatawan ng dalawang kasama.

Nang makalayo ang guard. Niyaya ako ni Aling Donna na pumasok na sa loob. Pero ang ipinagtataka ko, hindi kami sa main door dumaan. Sa gilid ng mansyon kami dumaan. Hindi pa nga maalis ang tingin ko sa malaking pinto na iyon.

Malapit lamang kasi kami ro'n, pero lumayo pa kami. Para namang may magagawa ako kung saan man ako padaanin ng matandang masungit na ito.

Nakasunod lamang ako sa kaniya habang nililibot pa rin ang paningin sa paligid.

"Dito ang daan nating mga naninilbihan sa mansyon. Ito ang daan papuntang maid's quarter. Hindi tayo pwedeng dumaan sa main door kahit na anong mangyari," sabi ni Aling Donna.

Tahimik lamang ako'ng nakikinig sa mga sinasabi niya, kahit nagtataka talaga ako kung bakit hindi kami pwedeng dumaan sa main door. Pinili ko na lamang na huwag magtanong. Baka isipin niya pa na kalahi ko ang mga marites.

"May sariling kusina at sala ang maid's quarter. Magkahiwalay ang mga babae at lalaki," patuloy ng matanda hanggang sa makapasok kami.

Diretso ang punta niya sa kusina habang nakasunod pa rin ako. Nagtimpla siya ng kape at inabot iyon sa akin, kasabay ang pagsabi na maupo ako. Tahimik na siya habang tinititigan ako.

Mahilig ako sa kape, pero 'di magawang humigop. Kamot sa leeg na lamang ang ginawa ko. May dalang higad kasi ang mga tingin ng matandang ito, nangati akong bigla.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" seryosong tanong niya.

"Arrianne po, taga Negros po ako. Twenty-three years old na po ako," tugon ko.

"Pangalan mo lamang ang tinatanong ko, pati address at edad, sinabi mo na!" Naka-straight-face pa rin siya at hindi mawala ang pagkakatitig sa akin.

"Bawal ang makipagrelasyon sa katrabho mo rito," may diin nitong sabi. Pero ewan kung bakit natawa ako. Lalo tuloy sumama ang timpla ng mukha niya. Pasaway ka Arrianne! Ginalit mo ang matanda. Lunok-laway na lamang ako at nagbaba ng tingin.

"Walang nakakatawa, Arrianne! Isa lamang iyan sa mga dapat mong tandaan na mga rules dito!"

Talagang hindi pala iyon biro. Napalunok uli ako. "Ano pa po, ang ibang rules na dapat kong tandaan?" tanong ko.

"Bawal kang dumadaan sa main door," maagap niyang tugon.

"Opo, natandaan ko. Nasabi niyo na po iyan kanina," putol-putol kong sagot.

"Kahit na anong mangyari, huwag na huwag kang dadaan do'n. Kahit na may mamatay pa sa harap ng main door!" Mas lalong bumakas ang pagiging estrekto niya nang sabihin niya iyon.

Pero hindi ko napigil ang pagkunot ng noo. Kahit sino naman siguro, hindi makakayang manood lang kung may taong naghihingalo sa harap mo. Pero mahigpit na bilin kaya kailangan sundin.

"Alam ko ang iniisip mo, Arrianne! Basta sundin mo na lamang ang sinasabi ko."

"Opo," sagot ko. Sabi na. Huwag nang magreklamo, Arrianne. Sumunod na lamang at huwag nang galitin ang matanda.

"Mamaya, ipakikilala kita sa iba pa nating mga kasama. Bukas ka na magsisimula sa iyong trabaho. Magpahinga ka na muna kung gusto mo. Iyan ang kwarto mo." Turo niya ang kwarto na malapit sa pinto papasok sa loob ng mansyon.

Agad na rin ako'ng pumasok sa kwarto na tinuro sa akin ni Aling Donna pag-alis niya. Medyo pagod na rin kasi ako. Hindi nga kasi ako sanay sa byahe.

Maayos naman ang kwarto ko. May single bed, may kumbre kama na, at may dalawang unan. Tamang-tama lamang ang laki ng silid. Ang ikinatuwa ko, may sariling banyo ang kwarto. Patango-tango ako habang nilibot ang paningin sa loob ng silid.

Lumapit ako sa may cabinet, sakto lamang din ang laki no'n. May laman na iyong dalawang jumpsuit na kulay green at may bulaklak pa talaga sa harap. Ito yata ang uniform ko. Kulay green pa talaga. Tsskk... isang tingin lang. Alam na! Isa akong dakilang hardinera.

Napangiti na lamang ako at umupo sa gilid ng kama. Malambot din naman iyon kaya alam ko na magiging komportable ang pagtulog ko.

Sana magiging komportble nga. Ito ang unang beses na wala si Mama sa tabi ko. Ngayon pa nga lang, sobrang miss ko na siya. Paano pa sa susunod na mga araw?

Muli ko pa'ng nilibot ang paningin sa maliit na silid na ito. Hanggang sa matuon ang paningin ko sa malaking kahon na katabi ng cabinet.

Ayaw ko na sanang pansinin iyon, kaya lang na curious akong bigla sa nakita kong naka-usling matulis na bagay.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
bhabylyn💖❣️
parang magnda ung story Neto......
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Thank you so much to everyone for taking the time to read this story. Your support means the world to me. I’d love to hear your thoughts, so please don’t hesitate to leave a comment and share your feedback. Your opinions and suggestions will help me grow and improve as a writer!
goodnovel comment avatar
Range
mukhang maganda to!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Arrianne's Door   Kabanata 2

    Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay dilat na ang mga mata ko. Medyo nanibago nga kasi ako. Hindi talaga ako sanay na wala si Mama sa tabi ko. Ito nga ang unang beses na malayo ako sa Mama ko.Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kahit malungkot, at kahit miss ko na siya kailangan maging positibo. Focus sa kung ano ang pakay ko rito, iyon ay ang mabigyan ng magandang pamumuhay si Mama. Hindi man bumalik sa dati ang aming pamumuhay. At least hindi na kami maghihirap. Agad akong naligo, at pagkatapos ay nagluto ng almusal para sa aming lahat. Palakas sa mga kasama, para bati nila ako. Hirap na kung may hindi ako makapalagayan ng loob sa kanila. Sagabal iyon sa trabaho. Mas lalong hindi ako magiging komportable. Nilagang baka ang naisipan kung lutuin at nagprito rin ako ng isda. Buti na lamang at maraming laman ang ref. Matapos kung magluto. Hindi ko na muna ginising ang mga kasama ko kasi maaga pa naman. Nauna na rin lang akong kumain. Gusto ko na kasing magsimula na agad sa trabaho.Bu

    Huling Na-update : 2022-10-18
  • Arrianne's Door   Kabanata 3

    Ala-sais ng umaga ay gising na ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip, sa kung ano'ng ugali mayr'on ang mga boss ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mangamba. Pero hindi naman siguro masyadong masama ang pag-uugali nila dahil hindi naman magtatagal itong mga kasama ko rito kung salbahe nga sila. Bahala na nga si batman!Lutang ako na lumabas ng kwarto at agad tinungo ang kusina. Kumakalam na kasi ang sikmura ko. Ngayon lamang ako nagising ng ganitong oras. Bawal na rin pala akong makialam sa kusina. Hardinera nga kasi ako, kaya do'n lamang ako sa hardin nararapat."Wow...sana all!" bungad ni Ate Sally nang datnan ko sa kusina. Umawang na lamang ang bibig ko dahil 'di ko na gets ang pa sana all niya."Ganda ng legs ah," sabat naman ni Ate Sonia. Tumingin na lamang ako sa mga hita ko'ng nakaluwa pala. Naka-dolphin short nga pala ako. "Kayo naman, kung maka-puri sa legs ko, parang hindi naman nag-gagandahan ang mga legs ninyo," sagot ko. Dinadaan ko na lamang sa joke ang hiya ko. Ibang klase it

    Huling Na-update : 2022-10-18
  • Arrianne's Door   Kabanata 4

    Matamis na ngiti ang bungad ko sa mga kasama kinaumagahan, mapagtakpan lamang ang kalokohang tanong ko kay Aling Donna kagabi.Paminsan-minsan ako'ng nagnakaw ng tingin sa matanda. Tahimik na siya dati, mas naging tahimik pa ngayon. Pati mga kasama ko, nahawa yata at nawala na rin ang pagiging makulit. "Tuloy po ba ang uwi ng mga boss natin?" basag ko sa katahimikan. Nakakailang na kasi. Hindi ako sanay na ganito sila katahimik. "Mamaya nandito na ang mga 'yon," sagot ni Ate Sonia.Tumango lamang ako bilang tugon. Mukhang wala kasi talaga silang ganang makipag-usap o magbiro. Biglang change mode ngayong pauwi na ang mga boss.Matapos kumain ay matamlay ko'ng tinungo ang hardin. Abala na ako sa ginawa. Naagaw lamang ang pansin ko sa pagbukas ng malaking gate at pagpasok ng itim na sasakyan. Halos patakbo namang lumabas ang mga kasama ko. Nagtulong-tulong sila na ilabas ang mga gamit mula sa kotse. Habang si Aling Donna, nakatayo lamang sa gilid.Tanaw ko lamang sila at hindi na lumap

    Huling Na-update : 2022-10-24
  • Arrianne's Door   Kabanata 5

    Ilang araw din ako'ng nagmistula zombie. Hindi kasi maalis sa isip ko ang talim ng tingin ni Sir Danny. Pati mabantot niyang amoy, hindi mawala sa ilong ko. May pa bawal-bawal pa kasi. Tapos galit pala kapag sinunod. Ay, ewan. Bahala nga siya! Gagawa-gawa ng rules, ngayon sa akin binunton ang galit. Kung sa tingin nila, mali ang ginawa ko'ng pagsunod sa kalokohan nilang rules. Nasa kanila na iyon kung sisantihin nila ako. Ang tapang ko no? Bahag pala ang buntot kapag makita ang lasinggo.Kasalanan din ito ni Ate Mercy. May pa sabi-sabi pa kasi na magdilang angel. Ayon, nagdilang anghel nga. Unang kita ko pa lang sa boss kung lasinggo, sablay na. Badtrip na!Para tuloy ako'ng kriminal na nagtatago sa mga pulis. Panay tago at iwas ang ginawa ko, hindi ko lamang makita si Sir Danny. Pati nga anino niya takot ako'ng makita.Ayoko na kasing maulit ang nangyari. Lalong ayokong magkasakit sa puso nang dahil lamang sa kaniya. Mabuti na lamang talaga at hardinera ang pinasok ko'ng trabaho at

    Huling Na-update : 2022-10-27
  • Arrianne's Door   Kabanata 6

    Ito naman si Sir Danny, pwede naman kasing sukob lang, walang hawakan. Ibang klaseng kuryente ang naranasan ko. Nanigas lang naman ang buong katawan ko. Pati panga at dila ko nanigas! Paano ba kasi, iyong kamay niya na sobrang lambot, hawak pa rin ang kamay kong magaspang! "Hey!" sigaw niya sa tainga ko. Muntik ko na tuloy mabitiwan ang hawak kong mga bulaklak. Lunok muna bago tingin ang ginawa ko. Ayan na naman ang mga mata niyang matulis pa sa patalim. Nakamamatay!"S-Sir Danny?" kanda-utal kong bigkas na may kasabay na ngiting aso.Sana ay naging aso na nga lang talaga ako nang makagat ko itong kamay niyang lapastangan na hanggang ngayon hawak pa rin ang kamay ko. "Ihatid mo ako sa main door!" madiin nitong utos.Kumurap ako ng ilang beses. Saka kunot-noo na tumitig sa kan'ya. Talagang tumitig ako. "Po?" tanong ko. "Bingi ka ba? Sabi ko, ihatid mo ako sa main door," ulit niya. "Ah.. Eh.. Sir!" Muntik ko nang mabigkas ang buong alpabetong pilipino sa kabang naramdaman. "Ano?!

    Huling Na-update : 2022-10-30
  • Arrianne's Door   Kabanata 7

    Nanginig ang buo kong katawan nang bumagsak ang beer na hawak ni Sir Dante sa sahig at natapon ang laman niyon. Kaagad ko iyong dinampot. "Tanga!" singhal ni Sir Danny. "P-pasensya na po, Sir Danny!" yuko-ulo kong paghingi ng pasensya saka inabot sa kanya ang beer. Tiningnan niya lang iyon at hindi tinanggap. Umismid pa. "Ipapainum mo pa sa akin 'yan?! Tanga ka nga!" Napanguso ako habang nakayuko. Tumalsik pa ang laway niya sa mukha ko. "Itapon mo na ‘yan, tanga!" Talagang may pahabol pang singhal bago tumalikod at iniwan kami. Pigil ang pag-iyak ko nang humarap sa mga kaibigan at kay Nanay. Tinapik na lamang nila ang likod. "Hindi ko naman po, sinasadya!" aniko. "Oo, alam namin na hindi mo sinasadya. Pagpasensyahan mo na lamang si Danny." Hinaplos ni Nanay Donna ang likod ko. Pasensya na naman? Hanggang kailan? Malamang hanggang sa boss ko siya at hardinera nila ako. Ang hirap makisama sa taong gaya niya, kung makapagsabi ng tanga, parang ang laki ng nagawa kong pinsala. "Sig

    Huling Na-update : 2022-11-01
  • Arrianne's Door   Kabanata 8

    "Arrianne!" malakas na singhal ang umuntag sa akin mula sa likuran ko. "Sir Dante..." nahihiyang sambit ko. Kaagad akong yumuko nang makita ang galit nitong mukha. "Pasensya na po." Hindi ko na magawang tingnan ang boss kong matanda. Sa galit niya, alam kong may paglalagyan ako. Alam kong sumubra na rin ako. Boss ko pa rin kasi ang loko-lokong lasinggong ito na tumulak sa akin. Hindi dapat ako nagbitaw ng ganoong salita. Pero sinagad niya kasi ang pasensya ko. Tiniim ko ang mga mata kasabay ang pagbuntong-hininga."Pumasok ka na Arrianne! Bukas na natin pag-usapan itong nangyari!" sabi niya na bakas sa boses ang dismaya. "Pasensya na po uli, Sir Dante," ani ko at matamlay na tumalikod. Ramdam ko ang pagkirot ng mga tuhod at siko ko ngayong paalis na ako sa harapan nila. Kanina kasi, parang namanhid ang katawan ko dahil sa inis kay Sir Danny, at hiya kay Sir Dante. Ang malas naman, hindi man lang ako umabot ng isang buwan dito sa mansyon. Sesante agad.Marahas na buntong-hininga an

    Huling Na-update : 2022-11-03
  • Arrianne's Door   Kabanata 9

    Lumandas ang mga mata ni Sir Danny sa kamay ni Joel na mahigpit na nakalingkis sa baywang ko. Kunot- noo ko siyang tinitigan matapos matanggal ang puwing sa mata ko. Saka binaling ang tingin ko kay Joel na matalim din ang tingin kay Sir Danny. Kung magtitigan ang dalawa parang mortal na magkaaway. E, ngayon nga lang sila nagkita. Pero bakit ba biglang sumulpot ang lalaking ito na siyang dahilan kung bakit aalis ako sa trabaho, kahit mabigat sa loob ko."B-bakit po, Sir?" utal kong tanong pero na kay Joel ang tingin. Hila-hila ko ang manggas ng t-shirt niya. Ayaw kasi lubayan ng tingin ang boss ko. Ewan ko ba sa lalaking ito. Parang leon na gustong lapain itong boss kong buang. "Bakit? Do you know, kung ano ang nakapaloob dito sa kontrantang pinermahan mo? O talagang tanga ka lang kaya hindi mo na intindahan?!" "Danny!" singhal ni Sir Dante. Umiiling pa ito habang papalapit kinaroroonan ng Anak.Buti na lamang at nakita ko ang paghinto ng kotse ni Sir Dante. Muntik na naman kasi akon

    Huling Na-update : 2022-11-04

Pinakabagong kabanata

  • Arrianne's Door   Wakas

    " 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko

  • Arrianne's Door   Kabanata 69

    "Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.

  • Arrianne's Door   Kabanata 68

    "Aso nga, asong ulo!" gigil na sabi ni Nanay.Saka niya hinarap ang lalaking tinawag niya na asong ulol. Matalim ang mga titig niya at hindi pa kaagad nagsalita. " 'Wag mo akong matawag-tawag na mahal dahil matagal ka nang may ibang mahal," sikmat ni Nanay, duro niya pa ang matandang aso. "Teka nga lang!" awat ko sa dramang nagaganap. Hinarap ko si Maribel. "Maribel, sila ang sinasabi mong mga aso na humabol sa'yo?" Tumango siya. "Sila nga, Ate." Kilala n'yo pala sila?" tanong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo. "Pasensya na po, akala ko kasi mga baliw."pahapyaw na tawa ang narinig ko mula kay Danny, na bakas ang inis kay Maribel. "Tinawag pa kita, Maribel, pero tumakbo ka pa rin." Napapailing pa siya. "Kung hindi ka sana tumakbo no'n. Noon pa sana naayos ang lahat," dagdag niya pa. "Pasensya. Kayo kaya ang sigawan ng taong hindi kilala at mukhang baliw? Hindi ba kayo tatakbo?" iritang tugon din ni Maribel. "Pero teka nga lang, bakit n'yo ho ba ako kilala?" Napakamot uli siya sa u

  • Arrianne's Door   Kabanata 67

    Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!" "Galing mo, nawala lang ako sa buhay niya, pumasok ka agad! Nakaabang ka lang palang hayop ka!" Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Talagang iniisip niya n papatol u

  • Arrianne's Door   Kabanata 66

    Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa ni baby. Ngayon napaka-bungisngis na. Tatlong buwan na kasi siya, kaya marunong nang maglaro. Kahit lagi akong puyat sa pag-aalaga sa kanya. Masaya pa rin ako. Bawing-bawi ang pagod ko dahil nag-uumap

  • Arrianne's Door   Kabanata 65

    "Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masayang mukha ni Mama ang bumungad sa akin pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti ako pero napangiwi nang makaramdam ng pananakit sa tiyan ko. "Masakit, Ma," sabi ko. Kapa ko na rin ang tiyan ko. "Ang baby ko po, Ma?" tanong ko at akmang babangon." 'Wag ka munang bumangon, Anak, baka bumuka ang sugat mo," pigil ni Mama. Hinawakan niya ang balikat ko at inayos ang kumot ko. Napangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan si Mama. Talagang ang saya kasi niya. Hindi pa rin nawala ang ngiti. Syempre, lola na kasi siya. "Maayos ang baby mo. Nasa nursery. Nando'n nga silang lahat. Hindi na magsawang tingnan ang baby n'yo ni Danny.""Napangiti ako pero kaagad din namang napalis ang ngiti ko. Nakaramdam kasi ako ng lungkot at awa sa baby ko. Sinilang ko ba naman siya na hindi man lang namin kasama ang Daddy niya. Kainis din ang Danny na 'yon. Ang tagal matauhan. Imbes na siya ang nataranta kanina nang pumutok ang panubigan ko, si Felly tuloy ang halos pumuto

  • Arrianne's Door   Kabanata 64

    "Bingi ka na nga," maagap kong tugon, kahit medyo nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Masyado yata talaga akong nag-focus sa tanong ng mga bata na pati ang pagdating ni Joel ay hindi ko napansin. "Sabi ko nga." Napakamot na lamang siya sa ulo pero may ngiti naman sa labi. Kaagad niya ako'ng inalalayan nang akmang tatayo na ako. Kanina pa nga ako nakaupo. Medyo masakit na ang balakang ko. May kunting kirot na rin akong nararamdaman sa tiyan.Normal lang naman siguro ang pananakit ng balakang at tiyan kapag malapit nang manganak. Kaya nga kami lilipat muna sa lumang bahay. Sabi rin kasi ng doktor na hindi dapat pakampante, baka mapa-aga o lumampas ang panganganak ko sa expected naming araw. "Alis na ba tayo, friend—' sabi nito. Ang sarap niya rin batukan. Parang hindi manloloko. Kahit pa mukhang matino na naman siya, 'yong label na siya mismo ang naglagay sa mukha niya, hindi pa rin nabura. Maliban na lang kung talagang mapapatuyan niya sa mag-ina niya na talagang nagbago na siya.

  • Arrianne's Door   Kabanata 63

    Mapakla akong tumawa. "Talaga bang wala ka na sa katinuan, Joel? Sa tingin mo, papayag ako sa kahibangan mo? Hindi ako desperada na muling patulan ang lalaking nanakit at nanloko sa akin noon! Kahit maghirap pa ako ng todo, hindi ko gugustuhin na muli ka pang makapasok sa buhay ko!"Paulit-ulit na pag-iling ang tugon ni Joel. Nanlaki rin ang mga mata dahil sa pagtaas ng boses ko. Napasilip na rin sina Mama at Maribel sa amin. "Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Sorry, Anne. Huminahon ka nga muna," sabi nito pero na sa Mama ko ang tingin niya.Kita ko pa ang pag-iling ni Mama, pero maya maya ay pumasok na rin sila ni Maribel. Gano'n naman lagi siya. Hinahayaan niya lang na ako mismo ang umayos sa gulo o sa problema ko. Ang lagi niya lang ginagawa ay gabayan at paalalahanan ako. Siya ang taga bukas ng isip ko upang makapag-isip ng tama. Hindi siya basta nanghihimasok sa problemang may'ron ako. Lalo't alam naman niya na kaya ko namang ayusin na ako lang. "Kumalma ka naman muna, Anne ..

  • Arrianne's Door   Kabanata 62

    Sabay kaming napalingon ni doktora nang magbukas ang pinto. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang tigas din talaga ng bungo ni Joel. Hindi na tinatablan ng hiya. Hindi ko napigil ang pag-iinit ng ulo nang makita siya na sumilip mula sa labas ng pinto ng clinic. Kaagad niya rin na sinara ang pinto nang makita ang matalim ko'ng tingin. Bukod sa inis nga ako sa panay na paglapit niya sa akin. Mas lalo pa ako'ng nainis dahil madalas na siya'ng napagkakamalan na asawa ko. Tuwing check up ko kasi ay sumasama siya. Kahit anong pagtataray pa ang gawin ko ay hindi tumatalab. " 'Wag kalimutan ang mga bilin ko, Misis ha," sabi ng doctor kasabay ang pag-abot sa akin ang reseta."Opo, Dok." Tinanggap ko ang reseta kasabay na ang pagtayo ko. "Maraming salamat," dagdag ko pa bago tinungo ang pinto. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito, Joel?" irita kong tanong nang datnan ko siyang nakatayo sa labas ng clinic. Hinintay niya pa rin talaga ako kahit alam naman niya na galit ako. Matapos kasi no'ng ara

DMCA.com Protection Status