Share

Kabanata 2

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2022-10-18 14:35:34

Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay dilat na ang mga mata ko. Medyo nanibago nga kasi ako. Hindi talaga ako sanay na wala si Mama sa tabi ko. Ito nga ang unang beses na malayo ako sa Mama ko.

Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kahit malungkot, at kahit miss ko na siya kailangan maging positibo. Focus sa kung ano ang pakay ko rito, iyon ay ang mabigyan ng magandang pamumuhay si Mama. Hindi man bumalik sa dati ang aming pamumuhay. At least hindi na kami maghihirap.

Agad akong naligo, at pagkatapos ay nagluto ng almusal para sa aming lahat. Palakas sa mga kasama, para bati nila ako. Hirap na kung may hindi ako makapalagayan ng loob sa kanila. Sagabal iyon sa trabaho. Mas lalong hindi ako magiging komportable.

Nilagang baka ang naisipan kung lutuin at nagprito rin ako ng isda. Buti na lamang at maraming laman ang ref. Matapos kung magluto. Hindi ko na muna ginising ang mga kasama ko kasi maaga pa naman. Nauna na rin lang akong kumain. Gusto ko na kasing magsimula na agad sa trabaho.

Bumalik ako sa kwarto para magbihis ng uniform ko. Nagsuot muna ako ng maikling short at puting t-shirt, bago ko naman sinuot ang uniform ko. Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas ng silid. Sinuot ko na rin ang boots at gloves.

Bitbit ko na ang mga gardening tools na siyang laman ng box. 'Yong naka-usling matulis na bagay na laman ng box kagabi ay gunting lang pala. Nag-isip pa ako ng masama. Kakapanood kasi ng movie. Kaya medyo praning.

Manghang-mangha pa rin talaga ako sa ganda ng mansyon na ito. Hindi ko tuloy mapigil ang ngumiti habang mabagal ang paghakbang papunta sa hardin.

Tumikhim naman ako nang mapasulyap sa may gate. Ibang klase, hindi pa sikat ang araw, pero itong mga mata ng guards sobra pa sa sikat ng araw ang kislap nang makita ako.

Balot na balot naman ako sa suot kong uniform pero kung makatitig sila, iba!

Bahagya na lamang akong ngumiti. Ayoko naman na isipin nilang suplada ako. E, kabago-bago ko pa nga lang dito, magmamaldita na. Baka mapalayas agad ako. Pero hindi ko nakikita sa kanila si Ronan. Ang guard na nagpapasok sa akin kahapon. By shift siguro ang guards dito. Kiniling ko naman ang ulo ko. Bakit ko ba naisip ang lalaking 'yon.

Agad na akong nasimula sa trabaho. Tinanggal ang mga tuyong dahon ng mga halaman. Kung maari ay gusto ko agad matapos ang paglilinis. Para focus na ako sa pagpapaganda ng hardin.

Na-cut ko na rin ang mga nagtataasang mga waling waling at nabunot ko na rin lahat ng mga damong tumubo roon.

Sayang iyong ibang orchids, talagang hindi na maisalba, tinapon ko na lang. Naglagay ako ng moss sa mga walang laman na paso. Hinanay ko ang mga orchids base sa kanilang mga dahon. May stand ang mga paso na kulay puti. Mga sampong paso ang kasya bawat stand.

Ang saya ko habang pinagmasdan ang mga orchids na maayos na nakahanay sa lagayan nila. Ang ganda na nilang tingnan. Parang ako lang, ganda!

Maaliwalas na rin tingnan ang garden, hindi pa man ako tapos sa ginagawa ko.

Maraming pa akong dapat gawin. Ang laki kaya ng garden. Pero sa ngayon kailangan ko na munang magpahinga. Umupo ako sa steel chair. Uminom ng tubig at muling iginala ang paningin sa napakalaking mansyon.

Iba talaga kapag mayaman. Ang ipinagtataka ko lang ay hindi ko pa nakikita ang mga boss ko. Wala ring nabanggit si Aling Donna tungkol sa kanila.

Siguro na sa business trip. O 'di kaya na sa bakasyon. Tanong ko, sagot ko! Ang hirap mag-isa, parang baliw kausap ang sarili.

Bumuntong-hininga na lamang ako kasabay nang muling paglibot ng paningin sa paligid. Hanggang sa matuon ang paningin ko sa may gate. Nalingat lamang ako sandali, iba na agad ang set of guards. Nando'n na si Ronan at dalawa niyang kasama kahapon na hindi ko pa alam ang mga pangalan.

Alas-otso nang umaga, nagsimula na naman akong magtrabaho. Ang mga rosas naman ang hinarap ko. Alam kong maganda at mamahalin ang mga rosas na ito. Sayang at napabayaan. 'Di bale pagagandahin ko uli kayo ng bongga. Gaya ko!

Gandang-ganda talaga sa sarili, natawa na lamang ako sa naisip ko. Inayos ko ang mga batong nagsilbing bakod ng mga rosas. Pagkatapos ko sa mga rosas ang mga chrysanthemum at peace lili naman. Naka-alternate ang pagkatanim ng mga iyon.

Pagkatapos ko sa halaman, bumaling naman ako sa bermuda grass. Katatapos ko lang e-trim ang bermuda nang lumabas ang isang kasambahay at tinawag ako.

Nagdala rin siya ng pagkain para sa tatlong guards. Hindi ko namalayan na tanghali na pala. Hindi naman kasi masyadong tirik ang araw kaya hindi ko napansin. Masyado akong nawili sa pag-aasikaso ng mga halaman.

"Arrianne, kain ka na muna," tawag uli ng kasambahay na hindi ko pa alam ang pangalan.

"Sige po, susunod ako," magalang kong tugon, at medyo nahiya pa. Lumingon naman ako sa mga guards nang may tumawag sa pangalan ko, at si Ronan iyon.

"Arrianne, kain tayo," aya niya sa akin, kasabay ang pa-cute na ngiti.

Hindi niya yata alam na dati na siyang cute, trying hard pa kasi magpa-cute. Sabihin ko kaya! Lukarit ko rin talaga!

"Sige... salamat, kakain na rin ako sa loob," sagot ko na pilit tinutuwid at pinapalambot ang matigas kong dila.

Nagsimula nang kumain ang lima kong kasamahan, kasama si Aling Donna nang pumasok ako ng maid's quarter.

Iba na rin ang ulam namin. Chicken adobo at ginisang string beans na. Naubos yata nila 'yong niluto ko kanina. Nasarapan? Hindi na iyon nakapagtataka, mana yata ako sa Mama ko.

"Upo ka na Arrianne, nang makakain na at makabalik ka na rin agad sa trabaho mo," sabi ni Aling Donna.

Sa tabi niya ako umupo. Kasyang-kasya kaming pito sa pabilog na mesa.

"Sarap ng nilagang baka kanina ah! Sarap mo pala'ng magluto," sabi ng kasamahan ko na hindi ko pa alam ang pangalan.

Maliit siyang babae at balingkinitan. Hindi maganda hindi rin pangit. Siya ang pinaka-maingay sa lahat. Pati nga ang pagnguya, maingay din.

"Hindi naman po," pa humble ko pa raw na tugon.

"Sally pala ang pangalan ko," pakilala niya, habang tuloy lang ang kain. "Single since birth," sabi niya na ikanatuwa ko.

"Ako naman si Sonia," pakilala naman nang isa na medyo may edad na. Sa tingin ko, pamilyado na siya. May suot kasi itong wedding ring.

"Rita," pakilala naman ng isa, na kumaway lang sa akin, siya ang pinakabata sa lahat.

"Ammy," pakilala niya at kumaway din sa akin.

"Mercy, ang labandera ng pamilya Ohera," pakilala niya habang naka-smile.

Mabuti na lamang at mukhang mababait naman sila. Hindi nga mawala ang mga ngiti sa labi nila. Ngayon lang yata sila nakakita ng babaeng maganda, at mukhang manghang-mangha sila sa hitsura ko. Napakahangin ko rin talaga!

"Hello sa inyong lahat, ako po si Arrianne," pakilala ko, kasabay ang pagkaway at pagngiti. Parang pang pageant lang kung maka-kaway.

Matapos naming makilala ang isa't-isa, mas naging ganado pa kaming kumain kasabay naman ang masayang kwentuhan. Ang saya, ang bilis makagaanan ng loob ang mga kasama ko.

Si Aling Donna lang ang mukhang alanganin. Ang ingay na nga namin. E, siya naman, tahimik lang. Problema nitong matandang 'to. Gusto ko pa naman sana siyang maging ka close, parang ayaw naman niya.

Agad na rin akong bumalik sa hardin matapos ang masayang salo-salo. Umupo muna ako sandali sa steel chair. Dinukot ang cellphone sa aking bulsa, at nag-type ng mensahe.

"Ma, kumusta na? Miss na kita," tipa ko. Pero hindi ko iyon magawang e-send. Binura ko na lamang, at binalik sa bulsa ang cellphone.

Matapos magpakawala ng buntong-hininga, nilapitan ko ang gripo at hinila ang hose. Magdidilig na ako ng mga halaman dahil maayos na naman ang lahat. Nakapagwalis na rin ako kanina at nailigpit ko na ang mga basurang naipon.

Ang kaninang lungkot na naramdaman ko dahil na miss ko ang Mama. Naibsan dahil nagawa ko nang maayos ang trabaho ko. Kahit nakakapagod. Sulit pa rin naman.

Maganda na kasing tingnan ang hardin, siguradong hindi ako mapapahiya sa mga boss ko kapag nakita nila ito.

Binalik ko ang hose sa dating kinalalagyan nito at pumasok na sa loob ng bahay. Humiga ako at dinukot uli ang cellphone sa bulsa, at nilagay iyon sa bedside table. Hinubad ko na rin ang aking uniform at saka humiga.

Sandali pa akong nakatutunga lang. Walang galaw na nakatingin lamang sa kisame. Saka dinampot uli ang cellphone ko at nag-dial.

"Hello anak!" masayang wika ni Mama, mula sa kabilang linya. Bakas sa boses niya ang tuwa. Pero alam ko, pinipigilan niya lang ang sarili na 'wag maiyak. Iyon din kasi ang nararamdaman ko. Kaya nag-aalangan akong tawagan siya. Baka kasi umuwi ako nang wala sa oras.

"Hello 'Ma, kumusta? Sorry ngayon lang ako tumawag." Pinipilit kong hindi maiyak.

"Okay lang ako anak. Na miss kita, sobra!" May bahid nang lungkot ang boses niya.

"Miss na rin kita, 'Ma, sobra!" sabi ko, habang pigil na rin ang pag-iyak. "I love you ' Ma."

"I love you too, Anak. Ingat ka r'yan palagi. 'Wag magpagutom. Alagaan mo ang sarili. 'Wag pabaya, Anak," paalala ni Mama.

"Opo, Ma, ikaw din d'yan. Ingat palagi. 'Yong gamot mo, 'wag mo'ng kalimuta."

Kaagad ko nang pinutol ang aming usapan matapos kung sabihin ang mga paalala ko. Ayoko kasi na mauwi kami sa iyakan. Parehong mahirap sa amin na malayo kami sa isat-isa. Pero kailangan ko itong gawin.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. Napatanag ang loob ko nang marinig ang boses ni Mama. Pinili ko ang magtrabaho sa malayo para sa kan'ya. Para kahit paano maging maayos ang pamumuhay naming dalawa. Kailangan ko munang magtiis at magpakatatag upang makamit ang ninanais.

"Arrianne, gising ka pa ba?" tawag ni Aling Donna, kasabay ang mahinang katok.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Bakit po?" matamlay kong tanong.

Titig na titig sa akin ang matanda at hindi kaagad natugon ang tanong ko. " Iyong mga sinabi ko sa'yo, natatandaan mo ba lahat?"

"Opo," matamlay ko pa rin na sagot.

"Bukas darating ang mga amo natin. Siguraduhin mo'ng lahat ng sinabi ko, sundin mo! Maliwanag ba?" striktong saad nito.

"Opo, susundin ko po lahat. 'Wag po kayong mag-alala, Aling Donna."

"Mabuti kung gano'n! Sige magpahinga ka na. Siya nga pala, 'wag ka nang makialam sa kusina simula bukas." Pahabol na bilin pa ng matanda bago ako iniwan.

Hindi ko tuloy maiwasan ang kabahan sa kinikilos ni Aling Donna. 'Di kaya salbahe ang mga Boss ko, kaya gano'n na lamang ang paalala ni Aling Donna?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jotoy
Ganda, ramdam ko ang lungkot malayo sa magulang
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arrianne's Door   Kabanata 3

    Ala-sais ng umaga ay gising na ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip, sa kung ano'ng ugali mayr'on ang mga boss ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mangamba. Pero hindi naman siguro masyadong masama ang pag-uugali nila dahil hindi naman magtatagal itong mga kasama ko rito kung salbahe nga sila. Bahala na nga si batman!Lutang ako na lumabas ng kwarto at agad tinungo ang kusina. Kumakalam na kasi ang sikmura ko. Ngayon lamang ako nagising ng ganitong oras. Bawal na rin pala akong makialam sa kusina. Hardinera nga kasi ako, kaya do'n lamang ako sa hardin nararapat."Wow...sana all!" bungad ni Ate Sally nang datnan ko sa kusina. Umawang na lamang ang bibig ko dahil 'di ko na gets ang pa sana all niya."Ganda ng legs ah," sabat naman ni Ate Sonia. Tumingin na lamang ako sa mga hita ko'ng nakaluwa pala. Naka-dolphin short nga pala ako. "Kayo naman, kung maka-puri sa legs ko, parang hindi naman nag-gagandahan ang mga legs ninyo," sagot ko. Dinadaan ko na lamang sa joke ang hiya ko. Ibang klase it

    Last Updated : 2022-10-18
  • Arrianne's Door   Kabanata 4

    Matamis na ngiti ang bungad ko sa mga kasama kinaumagahan, mapagtakpan lamang ang kalokohang tanong ko kay Aling Donna kagabi.Paminsan-minsan ako'ng nagnakaw ng tingin sa matanda. Tahimik na siya dati, mas naging tahimik pa ngayon. Pati mga kasama ko, nahawa yata at nawala na rin ang pagiging makulit. "Tuloy po ba ang uwi ng mga boss natin?" basag ko sa katahimikan. Nakakailang na kasi. Hindi ako sanay na ganito sila katahimik. "Mamaya nandito na ang mga 'yon," sagot ni Ate Sonia.Tumango lamang ako bilang tugon. Mukhang wala kasi talaga silang ganang makipag-usap o magbiro. Biglang change mode ngayong pauwi na ang mga boss.Matapos kumain ay matamlay ko'ng tinungo ang hardin. Abala na ako sa ginawa. Naagaw lamang ang pansin ko sa pagbukas ng malaking gate at pagpasok ng itim na sasakyan. Halos patakbo namang lumabas ang mga kasama ko. Nagtulong-tulong sila na ilabas ang mga gamit mula sa kotse. Habang si Aling Donna, nakatayo lamang sa gilid.Tanaw ko lamang sila at hindi na lumap

    Last Updated : 2022-10-24
  • Arrianne's Door   Kabanata 5

    Ilang araw din ako'ng nagmistula zombie. Hindi kasi maalis sa isip ko ang talim ng tingin ni Sir Danny. Pati mabantot niyang amoy, hindi mawala sa ilong ko. May pa bawal-bawal pa kasi. Tapos galit pala kapag sinunod. Ay, ewan. Bahala nga siya! Gagawa-gawa ng rules, ngayon sa akin binunton ang galit. Kung sa tingin nila, mali ang ginawa ko'ng pagsunod sa kalokohan nilang rules. Nasa kanila na iyon kung sisantihin nila ako. Ang tapang ko no? Bahag pala ang buntot kapag makita ang lasinggo.Kasalanan din ito ni Ate Mercy. May pa sabi-sabi pa kasi na magdilang angel. Ayon, nagdilang anghel nga. Unang kita ko pa lang sa boss kung lasinggo, sablay na. Badtrip na!Para tuloy ako'ng kriminal na nagtatago sa mga pulis. Panay tago at iwas ang ginawa ko, hindi ko lamang makita si Sir Danny. Pati nga anino niya takot ako'ng makita.Ayoko na kasing maulit ang nangyari. Lalong ayokong magkasakit sa puso nang dahil lamang sa kaniya. Mabuti na lamang talaga at hardinera ang pinasok ko'ng trabaho at

    Last Updated : 2022-10-27
  • Arrianne's Door   Kabanata 6

    Ito naman si Sir Danny, pwede naman kasing sukob lang, walang hawakan. Ibang klaseng kuryente ang naranasan ko. Nanigas lang naman ang buong katawan ko. Pati panga at dila ko nanigas! Paano ba kasi, iyong kamay niya na sobrang lambot, hawak pa rin ang kamay kong magaspang! "Hey!" sigaw niya sa tainga ko. Muntik ko na tuloy mabitiwan ang hawak kong mga bulaklak. Lunok muna bago tingin ang ginawa ko. Ayan na naman ang mga mata niyang matulis pa sa patalim. Nakamamatay!"S-Sir Danny?" kanda-utal kong bigkas na may kasabay na ngiting aso.Sana ay naging aso na nga lang talaga ako nang makagat ko itong kamay niyang lapastangan na hanggang ngayon hawak pa rin ang kamay ko. "Ihatid mo ako sa main door!" madiin nitong utos.Kumurap ako ng ilang beses. Saka kunot-noo na tumitig sa kan'ya. Talagang tumitig ako. "Po?" tanong ko. "Bingi ka ba? Sabi ko, ihatid mo ako sa main door," ulit niya. "Ah.. Eh.. Sir!" Muntik ko nang mabigkas ang buong alpabetong pilipino sa kabang naramdaman. "Ano?!

    Last Updated : 2022-10-30
  • Arrianne's Door   Kabanata 7

    Nanginig ang buo kong katawan nang bumagsak ang beer na hawak ni Sir Dante sa sahig at natapon ang laman niyon. Kaagad ko iyong dinampot. "Tanga!" singhal ni Sir Danny. "P-pasensya na po, Sir Danny!" yuko-ulo kong paghingi ng pasensya saka inabot sa kanya ang beer. Tiningnan niya lang iyon at hindi tinanggap. Umismid pa. "Ipapainum mo pa sa akin 'yan?! Tanga ka nga!" Napanguso ako habang nakayuko. Tumalsik pa ang laway niya sa mukha ko. "Itapon mo na ‘yan, tanga!" Talagang may pahabol pang singhal bago tumalikod at iniwan kami. Pigil ang pag-iyak ko nang humarap sa mga kaibigan at kay Nanay. Tinapik na lamang nila ang likod. "Hindi ko naman po, sinasadya!" aniko. "Oo, alam namin na hindi mo sinasadya. Pagpasensyahan mo na lamang si Danny." Hinaplos ni Nanay Donna ang likod ko. Pasensya na naman? Hanggang kailan? Malamang hanggang sa boss ko siya at hardinera nila ako. Ang hirap makisama sa taong gaya niya, kung makapagsabi ng tanga, parang ang laki ng nagawa kong pinsala. "Sig

    Last Updated : 2022-11-01
  • Arrianne's Door   Kabanata 8

    "Arrianne!" malakas na singhal ang umuntag sa akin mula sa likuran ko. "Sir Dante..." nahihiyang sambit ko. Kaagad akong yumuko nang makita ang galit nitong mukha. "Pasensya na po." Hindi ko na magawang tingnan ang boss kong matanda. Sa galit niya, alam kong may paglalagyan ako. Alam kong sumubra na rin ako. Boss ko pa rin kasi ang loko-lokong lasinggong ito na tumulak sa akin. Hindi dapat ako nagbitaw ng ganoong salita. Pero sinagad niya kasi ang pasensya ko. Tiniim ko ang mga mata kasabay ang pagbuntong-hininga."Pumasok ka na Arrianne! Bukas na natin pag-usapan itong nangyari!" sabi niya na bakas sa boses ang dismaya. "Pasensya na po uli, Sir Dante," ani ko at matamlay na tumalikod. Ramdam ko ang pagkirot ng mga tuhod at siko ko ngayong paalis na ako sa harapan nila. Kanina kasi, parang namanhid ang katawan ko dahil sa inis kay Sir Danny, at hiya kay Sir Dante. Ang malas naman, hindi man lang ako umabot ng isang buwan dito sa mansyon. Sesante agad.Marahas na buntong-hininga an

    Last Updated : 2022-11-03
  • Arrianne's Door   Kabanata 9

    Lumandas ang mga mata ni Sir Danny sa kamay ni Joel na mahigpit na nakalingkis sa baywang ko. Kunot- noo ko siyang tinitigan matapos matanggal ang puwing sa mata ko. Saka binaling ang tingin ko kay Joel na matalim din ang tingin kay Sir Danny. Kung magtitigan ang dalawa parang mortal na magkaaway. E, ngayon nga lang sila nagkita. Pero bakit ba biglang sumulpot ang lalaking ito na siyang dahilan kung bakit aalis ako sa trabaho, kahit mabigat sa loob ko."B-bakit po, Sir?" utal kong tanong pero na kay Joel ang tingin. Hila-hila ko ang manggas ng t-shirt niya. Ayaw kasi lubayan ng tingin ang boss ko. Ewan ko ba sa lalaking ito. Parang leon na gustong lapain itong boss kong buang. "Bakit? Do you know, kung ano ang nakapaloob dito sa kontrantang pinermahan mo? O talagang tanga ka lang kaya hindi mo na intindahan?!" "Danny!" singhal ni Sir Dante. Umiiling pa ito habang papalapit kinaroroonan ng Anak.Buti na lamang at nakita ko ang paghinto ng kotse ni Sir Dante. Muntik na naman kasi akon

    Last Updated : 2022-11-04
  • Arrianne's Door   Kabanata 10

    "Arte-ate!" Umawang ang bibig ko. Touch na sana ako sa pabigay niya ng gamot, hindi naman pala bukal sa loob. Ay... ewan! "Arrianne! Ano ba ang pumasok sa utak mo at bigla ka na lang umalis?!" Singhal ni Nanay ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng quarters. Mabuti na lamang at wala ang iba kong mga kasama. Ang sakit siguro sa tainga kung sabay silang tumalak. Lalo tuloy akong nanghina. Hindi pa nga ako naka-get over sa mga nangyari kanina. Heto, sermon naman ang bungad sa akin ni Nanay. "Pasensya na po, Nay," halos pabulong kong bigkas. Tumiim ang bibig ko at yumuko pagkatapos. Bakas kasi ang inis sa mukha ni Nanay, ngunit may pag-aalala akong nakikita. Parang maiiyak pa nga. Guilty tuloy ako. Alam ko naman kasi na mali nga ang ginawa ko. Mali ang hindi kausapin si Sir Dante, bago ako umalis. At lalong mali na hindi ako nagpaalam sa mga kasama ko. Naging insensitive ako sa puntong iyon. Hindi ko naiisip na mag-aalala sila. Hindi ko na isip na masasaktan sila. Sarili ko lang ang nai

    Last Updated : 2022-11-06

Latest chapter

  • Arrianne's Door   Wakas

    " 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko

  • Arrianne's Door   Kabanata 69

    "Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.

  • Arrianne's Door   Kabanata 68

    "Aso nga, asong ulo!" gigil na sabi ni Nanay.Saka niya hinarap ang lalaking tinawag niya na asong ulol. Matalim ang mga titig niya at hindi pa kaagad nagsalita. " 'Wag mo akong matawag-tawag na mahal dahil matagal ka nang may ibang mahal," sikmat ni Nanay, duro niya pa ang matandang aso. "Teka nga lang!" awat ko sa dramang nagaganap. Hinarap ko si Maribel. "Maribel, sila ang sinasabi mong mga aso na humabol sa'yo?" Tumango siya. "Sila nga, Ate." Kilala n'yo pala sila?" tanong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo. "Pasensya na po, akala ko kasi mga baliw."pahapyaw na tawa ang narinig ko mula kay Danny, na bakas ang inis kay Maribel. "Tinawag pa kita, Maribel, pero tumakbo ka pa rin." Napapailing pa siya. "Kung hindi ka sana tumakbo no'n. Noon pa sana naayos ang lahat," dagdag niya pa. "Pasensya. Kayo kaya ang sigawan ng taong hindi kilala at mukhang baliw? Hindi ba kayo tatakbo?" iritang tugon din ni Maribel. "Pero teka nga lang, bakit n'yo ho ba ako kilala?" Napakamot uli siya sa u

  • Arrianne's Door   Kabanata 67

    Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!" "Galing mo, nawala lang ako sa buhay niya, pumasok ka agad! Nakaabang ka lang palang hayop ka!" Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Talagang iniisip niya n papatol u

  • Arrianne's Door   Kabanata 66

    Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa ni baby. Ngayon napaka-bungisngis na. Tatlong buwan na kasi siya, kaya marunong nang maglaro. Kahit lagi akong puyat sa pag-aalaga sa kanya. Masaya pa rin ako. Bawing-bawi ang pagod ko dahil nag-uumap

  • Arrianne's Door   Kabanata 65

    "Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masayang mukha ni Mama ang bumungad sa akin pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti ako pero napangiwi nang makaramdam ng pananakit sa tiyan ko. "Masakit, Ma," sabi ko. Kapa ko na rin ang tiyan ko. "Ang baby ko po, Ma?" tanong ko at akmang babangon." 'Wag ka munang bumangon, Anak, baka bumuka ang sugat mo," pigil ni Mama. Hinawakan niya ang balikat ko at inayos ang kumot ko. Napangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan si Mama. Talagang ang saya kasi niya. Hindi pa rin nawala ang ngiti. Syempre, lola na kasi siya. "Maayos ang baby mo. Nasa nursery. Nando'n nga silang lahat. Hindi na magsawang tingnan ang baby n'yo ni Danny.""Napangiti ako pero kaagad din namang napalis ang ngiti ko. Nakaramdam kasi ako ng lungkot at awa sa baby ko. Sinilang ko ba naman siya na hindi man lang namin kasama ang Daddy niya. Kainis din ang Danny na 'yon. Ang tagal matauhan. Imbes na siya ang nataranta kanina nang pumutok ang panubigan ko, si Felly tuloy ang halos pumuto

  • Arrianne's Door   Kabanata 64

    "Bingi ka na nga," maagap kong tugon, kahit medyo nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Masyado yata talaga akong nag-focus sa tanong ng mga bata na pati ang pagdating ni Joel ay hindi ko napansin. "Sabi ko nga." Napakamot na lamang siya sa ulo pero may ngiti naman sa labi. Kaagad niya ako'ng inalalayan nang akmang tatayo na ako. Kanina pa nga ako nakaupo. Medyo masakit na ang balakang ko. May kunting kirot na rin akong nararamdaman sa tiyan.Normal lang naman siguro ang pananakit ng balakang at tiyan kapag malapit nang manganak. Kaya nga kami lilipat muna sa lumang bahay. Sabi rin kasi ng doktor na hindi dapat pakampante, baka mapa-aga o lumampas ang panganganak ko sa expected naming araw. "Alis na ba tayo, friend—' sabi nito. Ang sarap niya rin batukan. Parang hindi manloloko. Kahit pa mukhang matino na naman siya, 'yong label na siya mismo ang naglagay sa mukha niya, hindi pa rin nabura. Maliban na lang kung talagang mapapatuyan niya sa mag-ina niya na talagang nagbago na siya.

  • Arrianne's Door   Kabanata 63

    Mapakla akong tumawa. "Talaga bang wala ka na sa katinuan, Joel? Sa tingin mo, papayag ako sa kahibangan mo? Hindi ako desperada na muling patulan ang lalaking nanakit at nanloko sa akin noon! Kahit maghirap pa ako ng todo, hindi ko gugustuhin na muli ka pang makapasok sa buhay ko!"Paulit-ulit na pag-iling ang tugon ni Joel. Nanlaki rin ang mga mata dahil sa pagtaas ng boses ko. Napasilip na rin sina Mama at Maribel sa amin. "Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Sorry, Anne. Huminahon ka nga muna," sabi nito pero na sa Mama ko ang tingin niya.Kita ko pa ang pag-iling ni Mama, pero maya maya ay pumasok na rin sila ni Maribel. Gano'n naman lagi siya. Hinahayaan niya lang na ako mismo ang umayos sa gulo o sa problema ko. Ang lagi niya lang ginagawa ay gabayan at paalalahanan ako. Siya ang taga bukas ng isip ko upang makapag-isip ng tama. Hindi siya basta nanghihimasok sa problemang may'ron ako. Lalo't alam naman niya na kaya ko namang ayusin na ako lang. "Kumalma ka naman muna, Anne ..

  • Arrianne's Door   Kabanata 62

    Sabay kaming napalingon ni doktora nang magbukas ang pinto. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang tigas din talaga ng bungo ni Joel. Hindi na tinatablan ng hiya. Hindi ko napigil ang pag-iinit ng ulo nang makita siya na sumilip mula sa labas ng pinto ng clinic. Kaagad niya rin na sinara ang pinto nang makita ang matalim ko'ng tingin. Bukod sa inis nga ako sa panay na paglapit niya sa akin. Mas lalo pa ako'ng nainis dahil madalas na siya'ng napagkakamalan na asawa ko. Tuwing check up ko kasi ay sumasama siya. Kahit anong pagtataray pa ang gawin ko ay hindi tumatalab. " 'Wag kalimutan ang mga bilin ko, Misis ha," sabi ng doctor kasabay ang pag-abot sa akin ang reseta."Opo, Dok." Tinanggap ko ang reseta kasabay na ang pagtayo ko. "Maraming salamat," dagdag ko pa bago tinungo ang pinto. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito, Joel?" irita kong tanong nang datnan ko siyang nakatayo sa labas ng clinic. Hinintay niya pa rin talaga ako kahit alam naman niya na galit ako. Matapos kasi no'ng ara

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status