Share

Kabanata 3

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2022-10-18 14:35:43

Ala-sais ng umaga ay gising na ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip, sa kung ano'ng ugali mayr'on ang mga boss ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mangamba. Pero hindi naman siguro masyadong masama ang pag-uugali nila dahil hindi naman magtatagal itong mga kasama ko rito kung salbahe nga sila. Bahala na nga si batman!

Lutang ako na lumabas ng kwarto at agad tinungo ang kusina. Kumakalam na kasi ang sikmura ko. Ngayon lamang ako nagising ng ganitong oras. Bawal na rin pala akong makialam sa kusina. Hardinera nga kasi ako, kaya do'n lamang ako sa hardin nararapat.

"Wow...sana all!" bungad ni Ate Sally nang datnan ko sa kusina. Umawang na lamang ang bibig ko dahil 'di ko na gets ang pa sana all niya.

"Ganda ng legs ah," sabat naman ni Ate Sonia. Tumingin na lamang ako sa mga hita ko'ng nakaluwa pala. Naka-dolphin short nga pala ako.

"Kayo naman, kung maka-puri sa legs ko, parang hindi naman nag-gagandahan ang mga legs ninyo," sagot ko.

Dinadaan ko na lamang sa joke ang hiya ko. Ibang klase itong mga boss ko, hindi ko pa man sila na meet. Lutang na agad ako, ni ang magpalit man lang ng short hindi ko na nagawa.

"Alam mo, mukhang hindi ka mahirap," singit naman ni Ate Ammy. "Ang ganda kasi ng kutis mo. Halatang alagang-alaga."

Wala na talagang ibang nakikita itong mga kasama ko, panay puna na lamang sa akin. Smile lang ang naging sagot ko. Totoo naman kasi na hindi ako laki sa hirap.

Hindi ko tuloy napigil ang buntong-hininga. Sumagi na naman kasi sa isip ko si Papa na siyang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Malayo kay Mama at nag-iisa.

Isang OFW ang Papa ko. Sa kasamaang palad, na crashed ang eroplanong sinakyan nila pauwi rito sa Pilipinas. Lahat ng sakay ng eroplanong iyon, walang nailigtas.

Masakit ang biglang pagkawala niya, 'di man lang namin nakita kahit ang bangkay niya. Sa balitang 'yon nalugmok na kami. Pero mas nalugmok kami nang malamang hindi lang pala siya ang nawala sa amin. Kun'di lahat ng naipundar nila nawala. Wala kasi siyang iniwan sa amin si Papa, kun'di malaking utang.

Walang nagawa si Mama, kun'di ibenta lahat ng may roon kami para ipambayad lamang sa utang na iniwan sa amin ni Papa. Nalulong kasi sa sugal si Papa kaya ganoon kalaki ang naiwan niyang utang.

Ang sakit na naramdaman ko noon dahil sa pagkawala niya, napalitan ng galit. Hindi kasi nakayanan ni Mama ang balita. Inataki siya sa puso. Kaya nawala sa amin lahat, pati ang naipong pera ni Mama ay naubos sa pampa-ospital at sa gamot niya.

Wala kaming ibang pwedeng malapitan at wala na kaming ibang kamag-anak na maaring hingian ng tulong. Napilitan akong tumigil sa pag-aaral. Nag-part time job sa fast food at sa restaurant. Pero Hindi pa rin sapat ang kinikita ko pantustos sa pangangailangan namin ni Mama sa araw-araw.

Kahit nahihirapan akong gawin ang mga gawain na hindi ko naman nakasanayan, pinilit ko'ng matuto. Ilang part time job rin ang pinasukan ko.

Sinabay ko pa ang pag-aaral ng vocational course. Para kahit papaano, may certificate ako.

Dalawang taon na ang lumipas, pero kahit anong trabaho at ilang part time job pa ang pasukin ko. Hindi pa rin sapat para sa amin ni Mama ang kinikita ko, kaya nagdesisyon akong lumuwas ng Maynila.

Nag-apply sa isang agency kaya nandito ako ngayon.

Dapat kasambahay ang papasukin ko'ng trabaho, kaya lang narinig kong nag-uusap ang mga empleyado ng agency na may nangailangan daw ng gardener. Dati na rin kasi akong mahilig sa mga halaman.

Nag-presenta ako, ilang interview ang ginawa sa akin at nasagot ko naman ng maayos. Sa awa ng Diyos natanggap ako. Fifteen thousand ang sahod ko sa isang buwan bilang gardener. Malaki na iyon, libre na ang house at pagkain.

"Hoy!" pukaw ni Ate Ammy sa akin. May kasama pa'ng hampas. "Ang lalim ng iniisip ah, na miss yata ang boyfriend," biro niya pa na ikinatawa ko lamang.

"Wala naman po akong boyfriend. Wala akong panahon sa mga lalaki, trabaho lamang ang gusto ko," sagot ko.

"Sa ganda mo'ng 'yan wala kang boyfriend, sinong pinagloloko mo?" sabat ni Ate Mercy.

Gusto ko lang naman sanang mag-breakfast! Pero ako ang ginawa nilang breakfast. "Wala nga," na-iilang kong sagot.

Nakailang boyfriend din ako noong nag-aaral pa ako, kaya lang, lahat hindi nagtagal. Wala talagang maidudulot na maganda ang pakikipag-boyfriend. Kaya off-limit muna ang mga lalaki, hangga't hindi pa maayos ang buhay namin ng Mama ko. At saka dagdag sakit sa ulo lamang ang mga lalaki.

"Aminin mo na, hindi ko naman aagawin ang boyfriend mo," tukso pa ni Ate Sally. Panay pa ang sundot sa tagiliran ko na ikinatawa ko naman, kasabay ang pag-ilag.

"Tama na nga yan! Pinagtutulungan ninyo si Arrianne!" saway ni Aling Donna. "Bilisan n'yo na r'yan nang matapos na agad ang trabaho at makapagpahinga ng maaga. Bukas na darating ang mga amo natin at ang mga bata," mahabang litanya ni Aling Donna.

"Akala ko po ba, ngayon sila darating, Aling Donna?" taka kong tanong.

"Nagbago ang isip ni Danny," tipid na sagot ng matanda.

"Huh, kasama si Sir Danny?!" sabay na tanong ng lima. Reaction pa lang nila nakakakaba na!

"Sana magbago pa ulit ang isip niya at tuluyan nang hindi bumalik dito. Ngayon pa lamang takot na ako," sabi ni Ate Sally na may hikbing kasama.

"Siguro naman nagbago na siya, dalawang taon na kaya ang lumipas. Siguro naman hilum na ang sugat sa kan'yang puso," sabi naman ni Ate Sonia.

Wala na akong ka ide-ideya sa kung ano pa ang pinag-uusapan nila, kaya nakinig lamang ako. Pero base sa pagkakaintindi ko, may pinagdadaanan ang sinasabi nilang Sir Danny, kaya siguro naging salbahe. Sana naman hindi gano'n ka salbahe.

"Pero mabuti na lamang din at babalik na rin dito ang maglolo nang magkabuhay naman ulit itong mansyon. Nakakatakot na kasi, laging walang tao," sabi ni Ate Mercy.

"Oh, siya magligpit na kayo," putol naman ni Aling Donna sa usapan ng mga kasama ko. Gusto ko pa sanang maki-usyoso sa buhay ng mga boss namin.

"Arrianne, halika muna rito sa sala, may mga dagdag paalala lang ako," sabi ni Aling Donna at nagtungo na sa sala.

Na naman! Sekretong bumuga na lamang ako ng hangin. Ang daming paalala naman itong si Aling Donna. Hindi pa man dumating ang mga amo ko, mukhang aatakihin na ako sa puso. Grabeng nerbyos na ang dulot sa akin ng boss kong 'di ko pa nga nakita. Anong klaseng hayop... ay este... tao kaya itong si Sir Dann?.

"Upo!" Isa pa itong si Aling Donna, parang ang init ng dugo sa akin. Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa.

"Tandaan mo, gardener ka rito kaya 'yon lamang ang trabaho mo," sabi ng matanda.

"Opo," kahit hindi niya sabihin. Alam ko naman ang papel ko rito sa mansyon. Hardinera ang kontratang penirmahan ko at hindi kasambahay.

"Napaka-strikto ng batang amo natin, kaunting mali napupuna. Kaya ayusin mo ang iyong trabaho. Ang hardin pagandahin mo, alagaan mo'ng mabuti. Gawin mo lahat ng kaya mo para maibalik ang ganda noon, dahil hardin iyon ng namayapang asawa ni Danny. Full time housewife ang yumaong asawa ng amo natin at 'yan lamang ang tanging libangan niya dahil hindi naman siya mahilig sa office work."

"Ano po ba ang nangyari sa asawa niya?" Hindi ko napigil ang magtanong.

Yumuko si Aling Donna dahil sa tanong ko. Gusto ko sanang bawiin ang tanong ko, pero seryoso na itong tumitig sa mga mata ko. Lalo tuloy akong na curious.

Bakas kasi ang lungkot sa mga mata niya.

"Car accident. Napakasakit para sa mag-ama ang nangyari. Sabay nawala ang mga babaeng pinakamamahal nila," malungkot na sabi ni Aling Donna.

Ramdam ko ang lungkot ni Aling Donna. "Sorry po, hindi na sana ako nagtanong." Alam ko kasi kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay, kasi nangyari na nga rin iyon sa akin. Sa amin ni Mama.

"Ano po pala ang negosyo ng mga amo natin, Aling Donna?" pag-iba ko sa usapan. Hindi na kasi umimik si Aling Donna.

"Sila ang May-ari ng HT Company. Factory iyon ng mga high technology gadgets," sagot niya.

"Wow!"tanging nasabi ko." Kaya pala ang yaman nila.

"Magaling mamahala ng negosyo si Danny. Mas napalago niya pa iyon, kaya lang dahil sa nangyari sa asawa at Mommy niya. Bigla na lamang siyang nagbago. Laging mainit ang ulo, laging lasing, at hindi makausap ng maayos. Napabayaan na niya ang negosyo pati na ang sarili niya. Lagi ring napapaaway, madalas umuwing basag ang mukha."

Tahimik na lamang akong nakikinig sa kwento ni Aling Donna, siguro naman, may tinatago pa rin na kabutihan ang Boss naming lansinggo pala.

Parang naiiyak pa si Aling Donna habang nagkukwento. Nakasilip naman sa pinto ang mga kasama namin na may lungkot din sa mga mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Aling Donna.

"May ibang bilin pa po ba kayo, Aling Donna?" tanong ko nang hindi na ito nagsasalita. Agad naman itong umayos sa pagkakaupo at tumikhim pa. Pero kahit anong tago niya pa sa nararamdaman. Alam kong nasasaktan at nalulungkot siya dahil sa mga nangyayari sa boss namin.

Close siguro sila. Danny nga lang ang tawag niya sa boss naming lasinggo.

" 'Yong sabi ko na bawal dumaan sa main door, huwag na huwag mo iyong kakalimutan," sabi niya kasabay ang pasimpleng pahid sa namumuong luha sa mga mata.

"Opo, hindi ko talaga iyon kakalimutan, Aling Donna," sagot ko.

"Daisy at Dennis ang pangalan ng mga anak ni Danny, kambal sila. Napakasiglang mga bata, mahilig silang maglaro sa garden kaya makikila mo sila bukas. Kung maari huwag mo silang kausapin," naiiling niyang sabi.

"Bakit naman po?" nagtataka kong tanong.

"Basta kapag sinubukan mo silang kausapin, malalaman mo ang ibig kong sabihin," sagot ng matanda. Mas lalo lamang tuloy akong na-curious

"Paano na lamang kong sisirain nila ang mga halaman?"

" 'Yan ang hindi nila gagawin dahil para sa kanila. Ang garden ay ang Mommy nila." Kamot sa ulo na lamang ang nagawa ko. Grabe naman pala ang imagination ng mga batang 'yon.

" 'Yong matandang boss, po natin?" tanong ko uli."

"Wala ka dapat ipag-alala kay Sir Dante, mabait siya at maunawain," nakangiting sabi ni Aling Donna.

Hala Kuminang ang mga mata ni Aling Donna. Bumaling naman ang tingin ko sa mga kasamahan kong sabay pa na tumango.

"E, Aling Donna... pogi po ba, si Sir Dante?"

Nanlaki ang mga mata ni Aling Donna, dahil sa tanong ko. Feeling ko, mukhang sasabog. Amay! Mali yata ang tanong ko.

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Range
Anong meron sa main door na yan?
goodnovel comment avatar
Jotoy
tuloy Ang pagbabasa!
goodnovel comment avatar
Bts Lexba
anO na sir., .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arrianne's Door   Kabanata 4

    Matamis na ngiti ang bungad ko sa mga kasama kinaumagahan, mapagtakpan lamang ang kalokohang tanong ko kay Aling Donna kagabi.Paminsan-minsan ako'ng nagnakaw ng tingin sa matanda. Tahimik na siya dati, mas naging tahimik pa ngayon. Pati mga kasama ko, nahawa yata at nawala na rin ang pagiging makulit. "Tuloy po ba ang uwi ng mga boss natin?" basag ko sa katahimikan. Nakakailang na kasi. Hindi ako sanay na ganito sila katahimik. "Mamaya nandito na ang mga 'yon," sagot ni Ate Sonia.Tumango lamang ako bilang tugon. Mukhang wala kasi talaga silang ganang makipag-usap o magbiro. Biglang change mode ngayong pauwi na ang mga boss.Matapos kumain ay matamlay ko'ng tinungo ang hardin. Abala na ako sa ginawa. Naagaw lamang ang pansin ko sa pagbukas ng malaking gate at pagpasok ng itim na sasakyan. Halos patakbo namang lumabas ang mga kasama ko. Nagtulong-tulong sila na ilabas ang mga gamit mula sa kotse. Habang si Aling Donna, nakatayo lamang sa gilid.Tanaw ko lamang sila at hindi na lumap

    Last Updated : 2022-10-24
  • Arrianne's Door   Kabanata 5

    Ilang araw din ako'ng nagmistula zombie. Hindi kasi maalis sa isip ko ang talim ng tingin ni Sir Danny. Pati mabantot niyang amoy, hindi mawala sa ilong ko. May pa bawal-bawal pa kasi. Tapos galit pala kapag sinunod. Ay, ewan. Bahala nga siya! Gagawa-gawa ng rules, ngayon sa akin binunton ang galit. Kung sa tingin nila, mali ang ginawa ko'ng pagsunod sa kalokohan nilang rules. Nasa kanila na iyon kung sisantihin nila ako. Ang tapang ko no? Bahag pala ang buntot kapag makita ang lasinggo.Kasalanan din ito ni Ate Mercy. May pa sabi-sabi pa kasi na magdilang angel. Ayon, nagdilang anghel nga. Unang kita ko pa lang sa boss kung lasinggo, sablay na. Badtrip na!Para tuloy ako'ng kriminal na nagtatago sa mga pulis. Panay tago at iwas ang ginawa ko, hindi ko lamang makita si Sir Danny. Pati nga anino niya takot ako'ng makita.Ayoko na kasing maulit ang nangyari. Lalong ayokong magkasakit sa puso nang dahil lamang sa kaniya. Mabuti na lamang talaga at hardinera ang pinasok ko'ng trabaho at

    Last Updated : 2022-10-27
  • Arrianne's Door   Kabanata 6

    Ito naman si Sir Danny, pwede naman kasing sukob lang, walang hawakan. Ibang klaseng kuryente ang naranasan ko. Nanigas lang naman ang buong katawan ko. Pati panga at dila ko nanigas! Paano ba kasi, iyong kamay niya na sobrang lambot, hawak pa rin ang kamay kong magaspang! "Hey!" sigaw niya sa tainga ko. Muntik ko na tuloy mabitiwan ang hawak kong mga bulaklak. Lunok muna bago tingin ang ginawa ko. Ayan na naman ang mga mata niyang matulis pa sa patalim. Nakamamatay!"S-Sir Danny?" kanda-utal kong bigkas na may kasabay na ngiting aso.Sana ay naging aso na nga lang talaga ako nang makagat ko itong kamay niyang lapastangan na hanggang ngayon hawak pa rin ang kamay ko. "Ihatid mo ako sa main door!" madiin nitong utos.Kumurap ako ng ilang beses. Saka kunot-noo na tumitig sa kan'ya. Talagang tumitig ako. "Po?" tanong ko. "Bingi ka ba? Sabi ko, ihatid mo ako sa main door," ulit niya. "Ah.. Eh.. Sir!" Muntik ko nang mabigkas ang buong alpabetong pilipino sa kabang naramdaman. "Ano?!

    Last Updated : 2022-10-30
  • Arrianne's Door   Kabanata 7

    Nanginig ang buo kong katawan nang bumagsak ang beer na hawak ni Sir Dante sa sahig at natapon ang laman niyon. Kaagad ko iyong dinampot. "Tanga!" singhal ni Sir Danny. "P-pasensya na po, Sir Danny!" yuko-ulo kong paghingi ng pasensya saka inabot sa kanya ang beer. Tiningnan niya lang iyon at hindi tinanggap. Umismid pa. "Ipapainum mo pa sa akin 'yan?! Tanga ka nga!" Napanguso ako habang nakayuko. Tumalsik pa ang laway niya sa mukha ko. "Itapon mo na ‘yan, tanga!" Talagang may pahabol pang singhal bago tumalikod at iniwan kami. Pigil ang pag-iyak ko nang humarap sa mga kaibigan at kay Nanay. Tinapik na lamang nila ang likod. "Hindi ko naman po, sinasadya!" aniko. "Oo, alam namin na hindi mo sinasadya. Pagpasensyahan mo na lamang si Danny." Hinaplos ni Nanay Donna ang likod ko. Pasensya na naman? Hanggang kailan? Malamang hanggang sa boss ko siya at hardinera nila ako. Ang hirap makisama sa taong gaya niya, kung makapagsabi ng tanga, parang ang laki ng nagawa kong pinsala. "Sig

    Last Updated : 2022-11-01
  • Arrianne's Door   Kabanata 8

    "Arrianne!" malakas na singhal ang umuntag sa akin mula sa likuran ko. "Sir Dante..." nahihiyang sambit ko. Kaagad akong yumuko nang makita ang galit nitong mukha. "Pasensya na po." Hindi ko na magawang tingnan ang boss kong matanda. Sa galit niya, alam kong may paglalagyan ako. Alam kong sumubra na rin ako. Boss ko pa rin kasi ang loko-lokong lasinggong ito na tumulak sa akin. Hindi dapat ako nagbitaw ng ganoong salita. Pero sinagad niya kasi ang pasensya ko. Tiniim ko ang mga mata kasabay ang pagbuntong-hininga."Pumasok ka na Arrianne! Bukas na natin pag-usapan itong nangyari!" sabi niya na bakas sa boses ang dismaya. "Pasensya na po uli, Sir Dante," ani ko at matamlay na tumalikod. Ramdam ko ang pagkirot ng mga tuhod at siko ko ngayong paalis na ako sa harapan nila. Kanina kasi, parang namanhid ang katawan ko dahil sa inis kay Sir Danny, at hiya kay Sir Dante. Ang malas naman, hindi man lang ako umabot ng isang buwan dito sa mansyon. Sesante agad.Marahas na buntong-hininga an

    Last Updated : 2022-11-03
  • Arrianne's Door   Kabanata 9

    Lumandas ang mga mata ni Sir Danny sa kamay ni Joel na mahigpit na nakalingkis sa baywang ko. Kunot- noo ko siyang tinitigan matapos matanggal ang puwing sa mata ko. Saka binaling ang tingin ko kay Joel na matalim din ang tingin kay Sir Danny. Kung magtitigan ang dalawa parang mortal na magkaaway. E, ngayon nga lang sila nagkita. Pero bakit ba biglang sumulpot ang lalaking ito na siyang dahilan kung bakit aalis ako sa trabaho, kahit mabigat sa loob ko."B-bakit po, Sir?" utal kong tanong pero na kay Joel ang tingin. Hila-hila ko ang manggas ng t-shirt niya. Ayaw kasi lubayan ng tingin ang boss ko. Ewan ko ba sa lalaking ito. Parang leon na gustong lapain itong boss kong buang. "Bakit? Do you know, kung ano ang nakapaloob dito sa kontrantang pinermahan mo? O talagang tanga ka lang kaya hindi mo na intindahan?!" "Danny!" singhal ni Sir Dante. Umiiling pa ito habang papalapit kinaroroonan ng Anak.Buti na lamang at nakita ko ang paghinto ng kotse ni Sir Dante. Muntik na naman kasi akon

    Last Updated : 2022-11-04
  • Arrianne's Door   Kabanata 10

    "Arte-ate!" Umawang ang bibig ko. Touch na sana ako sa pabigay niya ng gamot, hindi naman pala bukal sa loob. Ay... ewan! "Arrianne! Ano ba ang pumasok sa utak mo at bigla ka na lang umalis?!" Singhal ni Nanay ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng quarters. Mabuti na lamang at wala ang iba kong mga kasama. Ang sakit siguro sa tainga kung sabay silang tumalak. Lalo tuloy akong nanghina. Hindi pa nga ako naka-get over sa mga nangyari kanina. Heto, sermon naman ang bungad sa akin ni Nanay. "Pasensya na po, Nay," halos pabulong kong bigkas. Tumiim ang bibig ko at yumuko pagkatapos. Bakas kasi ang inis sa mukha ni Nanay, ngunit may pag-aalala akong nakikita. Parang maiiyak pa nga. Guilty tuloy ako. Alam ko naman kasi na mali nga ang ginawa ko. Mali ang hindi kausapin si Sir Dante, bago ako umalis. At lalong mali na hindi ako nagpaalam sa mga kasama ko. Naging insensitive ako sa puntong iyon. Hindi ko naiisip na mag-aalala sila. Hindi ko na isip na masasaktan sila. Sarili ko lang ang nai

    Last Updated : 2022-11-06
  • Arrianne's Door   Kabanata 11

    Natawa ako. Paulit-ulit ang pagkiling ko sa ulo ko. Hindi... mali ang naiisip ko. Arte-arte ko nga raw, tapos gagamutin niya ang sugat ko. Imposible! Paulit-ulit akong umiling kasabay ang mahinang tawa. Para na nga akong tanga. Nahawa na yata ako sa pagkabuang ng boss ko, o dahil sa wala pa akong tamang tulog kaya kung ano-ano na lang naiisip ko. Pinilit kong burahin sa isipan ang walang basehan na naisip ko. Napabuntong-hininga ako pagkatapos magamot ang sarili. Naisip ko kasi... kung sakali ba na tinulungan ko si Sir Danny noong unang gabi na nagkita kami. Hindi niya ba ako pag-iinitan ng ganito? Magiging maayos kaya ang pakikitungo niya akin? Ayoko kasi ng ganitong feeling. Ang bigat kasi sa pakiramdam na may taong galit o ayaw sa akin.Gusto ko naman talaga sanang tumulong nang gabing 'yon. Pero naisip ko rin ang bilin ni Nanay. Nakakainis lang, dahil sa gabing iyon, naging miserable ang pamamalagi ko rito. Ang laki ng epekto sa trabaho ko ang nangyari.Kung iisipin hindi ako ang

    Last Updated : 2022-11-09

Latest chapter

  • Arrianne's Door   Wakas

    " 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko

  • Arrianne's Door   Kabanata 69

    "Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.

  • Arrianne's Door   Kabanata 68

    "Aso nga, asong ulo!" gigil na sabi ni Nanay.Saka niya hinarap ang lalaking tinawag niya na asong ulol. Matalim ang mga titig niya at hindi pa kaagad nagsalita. " 'Wag mo akong matawag-tawag na mahal dahil matagal ka nang may ibang mahal," sikmat ni Nanay, duro niya pa ang matandang aso. "Teka nga lang!" awat ko sa dramang nagaganap. Hinarap ko si Maribel. "Maribel, sila ang sinasabi mong mga aso na humabol sa'yo?" Tumango siya. "Sila nga, Ate." Kilala n'yo pala sila?" tanong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo. "Pasensya na po, akala ko kasi mga baliw."pahapyaw na tawa ang narinig ko mula kay Danny, na bakas ang inis kay Maribel. "Tinawag pa kita, Maribel, pero tumakbo ka pa rin." Napapailing pa siya. "Kung hindi ka sana tumakbo no'n. Noon pa sana naayos ang lahat," dagdag niya pa. "Pasensya. Kayo kaya ang sigawan ng taong hindi kilala at mukhang baliw? Hindi ba kayo tatakbo?" iritang tugon din ni Maribel. "Pero teka nga lang, bakit n'yo ho ba ako kilala?" Napakamot uli siya sa u

  • Arrianne's Door   Kabanata 67

    Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!" "Galing mo, nawala lang ako sa buhay niya, pumasok ka agad! Nakaabang ka lang palang hayop ka!" Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Talagang iniisip niya n papatol u

  • Arrianne's Door   Kabanata 66

    Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa ni baby. Ngayon napaka-bungisngis na. Tatlong buwan na kasi siya, kaya marunong nang maglaro. Kahit lagi akong puyat sa pag-aalaga sa kanya. Masaya pa rin ako. Bawing-bawi ang pagod ko dahil nag-uumap

  • Arrianne's Door   Kabanata 65

    "Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masayang mukha ni Mama ang bumungad sa akin pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti ako pero napangiwi nang makaramdam ng pananakit sa tiyan ko. "Masakit, Ma," sabi ko. Kapa ko na rin ang tiyan ko. "Ang baby ko po, Ma?" tanong ko at akmang babangon." 'Wag ka munang bumangon, Anak, baka bumuka ang sugat mo," pigil ni Mama. Hinawakan niya ang balikat ko at inayos ang kumot ko. Napangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan si Mama. Talagang ang saya kasi niya. Hindi pa rin nawala ang ngiti. Syempre, lola na kasi siya. "Maayos ang baby mo. Nasa nursery. Nando'n nga silang lahat. Hindi na magsawang tingnan ang baby n'yo ni Danny.""Napangiti ako pero kaagad din namang napalis ang ngiti ko. Nakaramdam kasi ako ng lungkot at awa sa baby ko. Sinilang ko ba naman siya na hindi man lang namin kasama ang Daddy niya. Kainis din ang Danny na 'yon. Ang tagal matauhan. Imbes na siya ang nataranta kanina nang pumutok ang panubigan ko, si Felly tuloy ang halos pumuto

  • Arrianne's Door   Kabanata 64

    "Bingi ka na nga," maagap kong tugon, kahit medyo nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Masyado yata talaga akong nag-focus sa tanong ng mga bata na pati ang pagdating ni Joel ay hindi ko napansin. "Sabi ko nga." Napakamot na lamang siya sa ulo pero may ngiti naman sa labi. Kaagad niya ako'ng inalalayan nang akmang tatayo na ako. Kanina pa nga ako nakaupo. Medyo masakit na ang balakang ko. May kunting kirot na rin akong nararamdaman sa tiyan.Normal lang naman siguro ang pananakit ng balakang at tiyan kapag malapit nang manganak. Kaya nga kami lilipat muna sa lumang bahay. Sabi rin kasi ng doktor na hindi dapat pakampante, baka mapa-aga o lumampas ang panganganak ko sa expected naming araw. "Alis na ba tayo, friend—' sabi nito. Ang sarap niya rin batukan. Parang hindi manloloko. Kahit pa mukhang matino na naman siya, 'yong label na siya mismo ang naglagay sa mukha niya, hindi pa rin nabura. Maliban na lang kung talagang mapapatuyan niya sa mag-ina niya na talagang nagbago na siya.

  • Arrianne's Door   Kabanata 63

    Mapakla akong tumawa. "Talaga bang wala ka na sa katinuan, Joel? Sa tingin mo, papayag ako sa kahibangan mo? Hindi ako desperada na muling patulan ang lalaking nanakit at nanloko sa akin noon! Kahit maghirap pa ako ng todo, hindi ko gugustuhin na muli ka pang makapasok sa buhay ko!"Paulit-ulit na pag-iling ang tugon ni Joel. Nanlaki rin ang mga mata dahil sa pagtaas ng boses ko. Napasilip na rin sina Mama at Maribel sa amin. "Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Sorry, Anne. Huminahon ka nga muna," sabi nito pero na sa Mama ko ang tingin niya.Kita ko pa ang pag-iling ni Mama, pero maya maya ay pumasok na rin sila ni Maribel. Gano'n naman lagi siya. Hinahayaan niya lang na ako mismo ang umayos sa gulo o sa problema ko. Ang lagi niya lang ginagawa ay gabayan at paalalahanan ako. Siya ang taga bukas ng isip ko upang makapag-isip ng tama. Hindi siya basta nanghihimasok sa problemang may'ron ako. Lalo't alam naman niya na kaya ko namang ayusin na ako lang. "Kumalma ka naman muna, Anne ..

  • Arrianne's Door   Kabanata 62

    Sabay kaming napalingon ni doktora nang magbukas ang pinto. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang tigas din talaga ng bungo ni Joel. Hindi na tinatablan ng hiya. Hindi ko napigil ang pag-iinit ng ulo nang makita siya na sumilip mula sa labas ng pinto ng clinic. Kaagad niya rin na sinara ang pinto nang makita ang matalim ko'ng tingin. Bukod sa inis nga ako sa panay na paglapit niya sa akin. Mas lalo pa ako'ng nainis dahil madalas na siya'ng napagkakamalan na asawa ko. Tuwing check up ko kasi ay sumasama siya. Kahit anong pagtataray pa ang gawin ko ay hindi tumatalab. " 'Wag kalimutan ang mga bilin ko, Misis ha," sabi ng doctor kasabay ang pag-abot sa akin ang reseta."Opo, Dok." Tinanggap ko ang reseta kasabay na ang pagtayo ko. "Maraming salamat," dagdag ko pa bago tinungo ang pinto. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito, Joel?" irita kong tanong nang datnan ko siyang nakatayo sa labas ng clinic. Hinintay niya pa rin talaga ako kahit alam naman niya na galit ako. Matapos kasi no'ng ara

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status