Napako ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko na nga magawang umatras. Hinayaan ko lang siyang lumapit ng husto sa akin, sa punto na halos magdikit na ang mga mukha namin. "Manhid?" tanong ko, matapos ang sandaling pananahimik. "Pinagsasabi mo, Sir? Ang issue natin ay tungkol sa pagdala mo sa akin dito na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha kung ano ba talaga ang dahilan mo!" Bahagya ko siyang tinulak matapos sabihin 'yon. Pero hindi siya natinag kaya ako na lang ang umtras. Nakakatunaw na rin kasi ang titig niya. "Oo, 'yon nga ang issue ... pero dahil sa manhid ka nga, kaya hindi mo pa rin makuha ang totoong dahilan kung bakit kita dinala rito," may diin niyang sabi kasabay ang paghakbang palapit sa akin. "Kita mo nga 'yan." Turo niya ang balikat ko. "Sa sobrang manhid mo, pati hapdi ng balat mo, hindi mo na ramdam." Nakakalito na talaga to si Sir. Panay iwas sa akin. Pero ngayon, gustong-gusto namang dumikit sa akin. "Ako manhid?" tanong ko, habang turo ko ang sarili. "Ako pa
Huling Na-update : 2023-02-17 Magbasa pa