"Dennis, Daisy, 'wag masyadong lumayo, 'tsaka mag-iingat kayo," paalala ko sa kambal. Nagsitakbo na naman kasi palabas ng bahay. "Yes, po Mommy," magalang at sabay nilang tugon. Hindi kasi maperme sa loob ng bahay. Gusto nila laging maglaro sa labas, hindi na magsawa. Sabagay, ngayon lang kasi nila narasan ang makaapak ng damo, manghuli ng tutubi, at paruparo. Sana hindi na nila hahanap-hanapin ang buhay na nakasanayan nila noon. Limang buwan na rin mula nang dumating kami rito sa probinsya. Oo, bumalik ako sa lugar kung saan ako nagmula. Akala ko, matagal pa bago ako makabalik rito o kung bumalik man ako, bakasyon lang. Pero hindi kasi iyon ang nangyari. Dahil ang sinabi kong hindi susukuan ang asawa ko ay hindi ko natupad. Umalis ako dala ang kambal at ang baby ko sa tiyan pero hindi kami sa dating bahay namin tumutuloy.Iniwan namin ang bahay at ang tindahan kay Maribel. Pero kapag check-up ko. Doon kami tumutuloy. Malapit lang kasi ang dati naming tirahan sa syudad. Kaya lang nai
Last Updated : 2023-03-25 Read more