"Dennis, Daisy, 'wag masyadong lumayo, 'tsaka mag-iingat kayo," paalala ko sa kambal. Nagsitakbo na naman kasi palabas ng bahay. "Yes, po Mommy," magalang at sabay nilang tugon. Hindi kasi maperme sa loob ng bahay. Gusto nila laging maglaro sa labas, hindi na magsawa. Sabagay, ngayon lang kasi nila narasan ang makaapak ng damo, manghuli ng tutubi, at paruparo. Sana hindi na nila hahanap-hanapin ang buhay na nakasanayan nila noon. Limang buwan na rin mula nang dumating kami rito sa probinsya. Oo, bumalik ako sa lugar kung saan ako nagmula. Akala ko, matagal pa bago ako makabalik rito o kung bumalik man ako, bakasyon lang. Pero hindi kasi iyon ang nangyari. Dahil ang sinabi kong hindi susukuan ang asawa ko ay hindi ko natupad. Umalis ako dala ang kambal at ang baby ko sa tiyan pero hindi kami sa dating bahay namin tumutuloy.Iniwan namin ang bahay at ang tindahan kay Maribel. Pero kapag check-up ko. Doon kami tumutuloy. Malapit lang kasi ang dati naming tirahan sa syudad. Kaya lang nai
Tumayo ako at muling tinapunan ng matalim na tingin si Maribel na ngayon ay nakatayo na sa likuran ni Mama para magtago. Saka ko naman hinarap ang bwesitang nagpakulo ng dugo ko. "Ang lakas naman ng loob mo na magpakita sa akin matapos ng panlolokong ginawa mo!" may diin kong sabi.Nagngingitngit ang kalooban ko habang nakatingin kay Joel na ngayon ay wala na sa mukha ko ang tingin. Kun'di na sa tiyan ko."Ano ... sinong ..." Dahil sa pagtataka ay hindi niya magawang ibigkas ang salitang gusto niyang itanong.Talaga namang nakapagtataka itong nangyari sa akin. Matapos ba naman niya akong maloko, heto at nadali naman ako ng isang lalaking paasa lang din pala. "Wala kang karapatan na magtanong ng kahit na ano tungkol sa akin, Joel! Umalis ka ngayon din!" sikmat ko. Saka lamang siya nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ko. Nagbabagang tingin ang pinukol ko sa kanya. Ang amo ng mukha niya ngunit hindi nawala ang bakas ng pagtataka. Napapikit ako sandali. Sinubukan kong ikalma ang
Hindi ko magawang sagutin kaagad ang tanong ni Daisy. Hindi ko rin napigil ang pagpatak ng luha na pinahid ko naman kaagad."Mga Anak," pumiyok ang boses ko pero pinilit kong 'wag madaig ng lungkot at tuluyang maiyak. Huminga ako ng malalim, kasabay ang pagpikit ng mga mata at pagyakap sa kanila."Lagi ninyong tandaan, kahit anong mangyari, Daddy niyo pa rin siya. 'Tsaka kahit naman sinaktan niya ako, hindi naman ako galit. May tampo. May inis pero mahal ko pa rin ang Daddy n'yo," mahinahon kong paliwanag.Mahigpit na yakap na lang ang tunog nila, kabasay ang paghihikab. "Sige na mga, Anak. Matulog na kayo." Kaagad na ngang humiga ang mga bata matapos nila akong e-kiss.Talagang mali ang inasal ko kanina. Dahil do'n, maraming tanong ang buo sa munting isip nila. Nang masiguro kong tulog na ang mga bata ay saka ko na sila iniwan. Matamlay akong lumabas ng kwarto."Tulog na ba ang mga bata?" kaagad na tanong ni Nanay nang datnan ko siyang mag-isa sa sala. Mukhang malalim na naman ang in
Sabay kaming napalingon ni doktora nang magbukas ang pinto. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang tigas din talaga ng bungo ni Joel. Hindi na tinatablan ng hiya. Hindi ko napigil ang pag-iinit ng ulo nang makita siya na sumilip mula sa labas ng pinto ng clinic. Kaagad niya rin na sinara ang pinto nang makita ang matalim ko'ng tingin. Bukod sa inis nga ako sa panay na paglapit niya sa akin. Mas lalo pa ako'ng nainis dahil madalas na siya'ng napagkakamalan na asawa ko. Tuwing check up ko kasi ay sumasama siya. Kahit anong pagtataray pa ang gawin ko ay hindi tumatalab. " 'Wag kalimutan ang mga bilin ko, Misis ha," sabi ng doctor kasabay ang pag-abot sa akin ang reseta."Opo, Dok." Tinanggap ko ang reseta kasabay na ang pagtayo ko. "Maraming salamat," dagdag ko pa bago tinungo ang pinto. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito, Joel?" irita kong tanong nang datnan ko siyang nakatayo sa labas ng clinic. Hinintay niya pa rin talaga ako kahit alam naman niya na galit ako. Matapos kasi no'ng ara
Mapakla akong tumawa. "Talaga bang wala ka na sa katinuan, Joel? Sa tingin mo, papayag ako sa kahibangan mo? Hindi ako desperada na muling patulan ang lalaking nanakit at nanloko sa akin noon! Kahit maghirap pa ako ng todo, hindi ko gugustuhin na muli ka pang makapasok sa buhay ko!"Paulit-ulit na pag-iling ang tugon ni Joel. Nanlaki rin ang mga mata dahil sa pagtaas ng boses ko. Napasilip na rin sina Mama at Maribel sa amin. "Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Sorry, Anne. Huminahon ka nga muna," sabi nito pero na sa Mama ko ang tingin niya.Kita ko pa ang pag-iling ni Mama, pero maya maya ay pumasok na rin sila ni Maribel. Gano'n naman lagi siya. Hinahayaan niya lang na ako mismo ang umayos sa gulo o sa problema ko. Ang lagi niya lang ginagawa ay gabayan at paalalahanan ako. Siya ang taga bukas ng isip ko upang makapag-isip ng tama. Hindi siya basta nanghihimasok sa problemang may'ron ako. Lalo't alam naman niya na kaya ko namang ayusin na ako lang. "Kumalma ka naman muna, Anne ..
"Bingi ka na nga," maagap kong tugon, kahit medyo nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Masyado yata talaga akong nag-focus sa tanong ng mga bata na pati ang pagdating ni Joel ay hindi ko napansin. "Sabi ko nga." Napakamot na lamang siya sa ulo pero may ngiti naman sa labi. Kaagad niya ako'ng inalalayan nang akmang tatayo na ako. Kanina pa nga ako nakaupo. Medyo masakit na ang balakang ko. May kunting kirot na rin akong nararamdaman sa tiyan.Normal lang naman siguro ang pananakit ng balakang at tiyan kapag malapit nang manganak. Kaya nga kami lilipat muna sa lumang bahay. Sabi rin kasi ng doktor na hindi dapat pakampante, baka mapa-aga o lumampas ang panganganak ko sa expected naming araw. "Alis na ba tayo, friend—' sabi nito. Ang sarap niya rin batukan. Parang hindi manloloko. Kahit pa mukhang matino na naman siya, 'yong label na siya mismo ang naglagay sa mukha niya, hindi pa rin nabura. Maliban na lang kung talagang mapapatuyan niya sa mag-ina niya na talagang nagbago na siya.
"Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masayang mukha ni Mama ang bumungad sa akin pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti ako pero napangiwi nang makaramdam ng pananakit sa tiyan ko. "Masakit, Ma," sabi ko. Kapa ko na rin ang tiyan ko. "Ang baby ko po, Ma?" tanong ko at akmang babangon." 'Wag ka munang bumangon, Anak, baka bumuka ang sugat mo," pigil ni Mama. Hinawakan niya ang balikat ko at inayos ang kumot ko. Napangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan si Mama. Talagang ang saya kasi niya. Hindi pa rin nawala ang ngiti. Syempre, lola na kasi siya. "Maayos ang baby mo. Nasa nursery. Nando'n nga silang lahat. Hindi na magsawang tingnan ang baby n'yo ni Danny.""Napangiti ako pero kaagad din namang napalis ang ngiti ko. Nakaramdam kasi ako ng lungkot at awa sa baby ko. Sinilang ko ba naman siya na hindi man lang namin kasama ang Daddy niya. Kainis din ang Danny na 'yon. Ang tagal matauhan. Imbes na siya ang nataranta kanina nang pumutok ang panubigan ko, si Felly tuloy ang halos pumuto
Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa ni baby. Ngayon napaka-bungisngis na. Tatlong buwan na kasi siya, kaya marunong nang maglaro. Kahit lagi akong puyat sa pag-aalaga sa kanya. Masaya pa rin ako. Bawing-bawi ang pagod ko dahil nag-uumap