Home / Romance / Arrianne's Door / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Arrianne's Door: Chapter 11 - Chapter 20

70 Chapters

Kabanata 11

Natawa ako. Paulit-ulit ang pagkiling ko sa ulo ko. Hindi... mali ang naiisip ko. Arte-arte ko nga raw, tapos gagamutin niya ang sugat ko. Imposible! Paulit-ulit akong umiling kasabay ang mahinang tawa. Para na nga akong tanga. Nahawa na yata ako sa pagkabuang ng boss ko, o dahil sa wala pa akong tamang tulog kaya kung ano-ano na lang naiisip ko. Pinilit kong burahin sa isipan ang walang basehan na naisip ko. Napabuntong-hininga ako pagkatapos magamot ang sarili. Naisip ko kasi... kung sakali ba na tinulungan ko si Sir Danny noong unang gabi na nagkita kami. Hindi niya ba ako pag-iinitan ng ganito? Magiging maayos kaya ang pakikitungo niya akin? Ayoko kasi ng ganitong feeling. Ang bigat kasi sa pakiramdam na may taong galit o ayaw sa akin.Gusto ko naman talaga sanang tumulong nang gabing 'yon. Pero naisip ko rin ang bilin ni Nanay. Nakakainis lang, dahil sa gabing iyon, naging miserable ang pamamalagi ko rito. Ang laki ng epekto sa trabaho ko ang nangyari.Kung iisipin hindi ako ang
last updateLast Updated : 2022-11-09
Read more

Kabanata 12

"Joel, kanina ka pa?" tanong ko. Ang lapad ng ngiti nito at talagang agaw pansin ang kakisigan. Nakakasilaw nga!"Kararating ko lang, " sagot niya kasabay ang pagbukas ng pinto ng kotse. Agad naman akong pumasok. "Salamat." Masyado akong pa-girl. Hindi naman ako ganito. Pero ewan, kapag si Joel ang kasama ko. Pinipilit kong maging mahinhin, kahit hindi. Maton kasi ako. Ako iyong babae na hindi kailangan ng lalaki sa buhay. Pero... muntik ko na rin makalimutan ang magiging maton ko. Sa sobrang takot ko kay Sir Danny. Pero ngayon hindi na ako takot. Lalo na at alam kong wala akong ginawang masama at nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko.Halos mapatalon nga ako nang marinig ko ang tili ng kambal at kalabog no'nong araw na huminigi ako ng sorry kay Sir Danny. May hang over pa yata siya no'n, o 'di kaya, tumaas ang presyon dahil sa akin. Natumba lang naman siya, pagtayo niya. Pinakakaba niya lang lagi ang kambal, si Nanay, at Sir Dante. "Arrianne... 'wag pagabi, ha!" pahabol na sabi ni
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more

Kabanata 13

Sa sobrang gulat, napabitaw ako sa kamay ni Joel. Para akong dalagitang nahuli ng tatay na palihim na nakipag-date. Itong si Sir Danny naman kasi, parang Tatay nga kung makasikmat. "S-sir... day-off ko po ngayon," aniko. Nautal na naman tuloy ako. "Namasyal po lamang kami," dagdag ko pa. Pero teka, bakit ba ako nagpapaliwanag? Ano ba ang paki nito, kung mamasyal man ako sa araw ng day-off ko? Kaya lang, imbes sa akin ang tingin ni Sir Danny. Nakipagtitigan ba naman kay Joel. Ganito rin sila no'ng unang pagkikita nila sa labas ng village."Tara na, Joel," sabi ko. Hila ko na rin ang manggas ni Joel na ayaw din talaga patalo. "Alis na po kami, Sir—" Ang sarap na pag-untugin ang mga ulo nila. "Joel, tara na..." Sinadya kong maglambing para maawat ang titigan ng dalawa. Naagaw ko nga, hindi lang ang pansin ni Joel, pati na rin kay si Sir Danny. "Let's go, Anne." Matamis ang ngiti ni Joel at muling hinawakan ang kamay ko. Sekreto akong napabuga ng hangin. Sa dami naman kasing resor
last updateLast Updated : 2022-11-11
Read more

Kabanata 14

Nahampas ko sa braso si Joel. Imbes na tulungan kasi si Sir Danny. Tawang-tawa pa. "Tumigil ka na nga sa katatawa, Joel! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangudngod 'yan!" turo ko si Sir. "Bakit ako? Umatras lang naman ako. Kasalanan niya, lalasing-lasing hindi naman pala kaya, " depensa nito sa sarili. "Tulungan mo na nga lang ako!" Papadyak akong naglakad palapit kay Sir Danny na hindi pa rin gumagalaw. Natuluyan na yata."Sir, bangon na po," tapik ko ang balikat niya. "Joel, tulungan mo nga ako." "Bakit mo pa 'yan tutulungan? Sabi mo, masama ang ugali ng boss mo na 'yan!" Kinagat ko ang ibabang labi at sinamaan siya ng tingin. Daldal din pala nito si Joel. "Kahit na masama ugali nito. Boss ko pa rin 'to. Bawi naman ang ugali niya sa Daddy niya! Ano, tutulungan mo ba ako o maghahanap ako ng ibang tutulong sa akin? " Medyo naiirita na rin ako sa akto nitong si Joel. Parang bata. Wala na siyang tugon pero lumapit naman at inalalayang tumayo si Sir Danny."Kung hindi lang talaga
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more

Kabanata 15

"Pasensya na po, Sir..." pahapyaw kong paghingi ng pasensya. "Tara na, Joel." Nauna na akong sumakay. A deep sigh came out nang makaupo ako. Gusto ko pa sanang magpaliwanag. Pero naisip ko, may mali rin naman talaga ako. Personal na gamit niya ang pinakialaman ko. kaya tanggapin ko na lamang ang galit niya. Sa tipo rin kasi niya na sobrang sungit. Aksaya ng laway, aksaya pa ng oras, ang magpaliwanag. Pareho pa rin ang resulta. Galit pa rin siya. Binubuhay na ni Joel ang makina. Pero biglang pumasok si sir. Walang imik. Basta na lamang siyang pumasok at pabagsak na sinara ang pinto. Kita ko pa ang paggalaw ng panga ni Joel. Akmang magsasalita na, pero inawat ko na lang. Nagsenyas ako na huwag na lamang pansinin. Ang hirap talagang intindihin ang ugali ng taong ito. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Mapapakuyom ka na lamang ng kamao at mapapamura ka na lamang ng sekreto.Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makatulog nga ako. Hindi ko alam kung may nangyaring bangayan ba hab
last updateLast Updated : 2022-11-13
Read more

Kabanata 16

Matapos ang nakakagulat na sinabi ni Sir Danny. Agad na rin itong umalis na walang paalam, kahit kay Nanay.Talagang nakakagulat. Sa apat na buwan na nagtrabaho ko rito sa mansyon ay silid lamang ni Sir Danny ang hindi ko nakita at napasok, dahil ayaw naman niya ng bulaklak. Ayaw niya na maglagay ako ng bulaklak, dahil pambabae lang daw iyon. Bakit si Sir Dante, gusto ng bulaklak sa kwarto?Sa bagay iba nga ang utak ni Sir Danny. Bakit ngayon biglang nagbago? Siguro nasobrahan siya ng bagsak kagabi. Naalog ang utak. Pati tuloy si Nanay, nagulat sa akto ni Sir Danny. Pero wala naman siyang sinasabi. Basta naipunas niya lang ang basahan sa mukha niya. Muntik pa nga niyang makagat. Mabuti na lamang at nakita ko. Naawat ko ang nakakadiring gagawin niya. Nanay talaga.Matapos kong kumain. Bumalik na rin ako sa hardin. Namitas ng mga bulaklak para sa silid ni Sir Danny. Rosas at lily ang maraming bulaklak kaya iyon ang pinitas ko. Marami-rami rin akong napitas kaya dalawang vase ang nilagy
last updateLast Updated : 2022-11-14
Read more

Kabanata 17

Mapakla akong ngumiti kay Sir Danny. Habang siya nagtagis ang mga ngipin. Tingin ko nga, gusto na niya akong isawsaw sa inidoro. "Sir Danny, pasensya na po, madaldal nga po ako. Peace."Dahan-dahan akong naglakad pa-atras habang yakap ang flower vase at naka-peace sign kay Sir Danny. Paulit-ulit nasapo ni Nanay ang noo. Habang si Ate Mercy, pigil ang mapahagikhik.Kaagad akong pumasok sa kwarto. Hinugasan ang stalk ng mga bulaklak, at nilagay ulit sa flower vase. Pinatong ko iyon sa bedside table. Sayang naman kasi kung itapon. Naligo na rin lang ako nang mabawasan ang pag-iinit ng ulo. Talagang consistent ang paninira ng araw ni Sir Danny. Simula pa kahapon hanggang ngayon. Pero okay na, dahil pareho nang sira ang aming araw ngayon. Kala niya masisindak pa ako sa mga pagsusungit niya. Hindi na oy!Ewan ko ba, pinipilit ko namang iwasan siya, kaya lang lagi pa rin nagtatagpo ang landas namin. Ayos lang sana kung dito lang sa bahay. Pati ba naman sa araw ng day-off ko. May kalahi yata
last updateLast Updated : 2022-11-15
Read more

Kabanata 18

"Ladies first," Sir Danny remarked mockingly. I scowled at him while putting on a smile. "How thoughtful of you, Sir Danny, but you must take the lead, and your humble gardener will follow.""Ano ba, Danny! I don't have all the time, para panoorin ang bangayan ninyo!" Sir Dante snorted.Walang nagawa si Sir Danny, kun'di ang maunang lumapit sa Daddy niya na hindi na ma-drawing ang mukha. Habang ako nanatiling nasa likod niya nagtatago. Mindset ba, gawing shield ang kaaway, para siya ang unang tamaan. Para hindi rin tablan ng nanlilisik na mga mata ni Sir Dante. "Stay there, Arrianne," turo niya ang malaking couch na nasa likuran ko. Yumuko lamang ako bilang tugon. "Sit down, Danny," mairing utos nito sa anak na matigas ang ulo. Pabagsak itong umupo."What is it, Dad? Is this about what happened yesterday?" bagot na tanong nito. "No, Danny, this is about you wasting your life; how long are you going to do this?" I'm not getting any younger, and neither are you, so please get back t
last updateLast Updated : 2022-11-17
Read more

Kabanata 19

"Sir Danny, naman! Bakit mo nilasing?" maktol ko, nang makitang wala na sa katinuan si Joel. Panay ngisi na. Nakakainis, sayang ang paganda ko. Lasing pala ang madadatnan ko."Anne..." tawag nito sa pangalan ko, kasabay ang pagsinok at pagtawa. Parang tanga!"Pambihira ka naman, Sir Danny! Ito ba ang sinasabi mo na, you will keep him company?! Nilasing mo! Kainis ka, sayang effort ko... bad influence ka talaga!" padabog kong nilagay sa table ang tray ng meryendang dala ko. Walang imik at kibit balikat lang ang tugon ni Sir Danny, sa mga pagdadabog at reklamo ko. "Umayos ka nga, Joel! Isa ka rin, sabi mo hindi mo kailangan ang pampalakas loob, ano na? Lasing ang labas mo!" irita kong sabi. Nakapagsermon pa ako ng wala sa oras.Sinamaan ko ng tingin sa Sir Danny na tahimik pa rin habang kinakain ang sandwich na para sana kay Joel. "Kasalanan mo talaga ito, Sir!" duro ko ang boss kong wala man lang paki. "Joel naman kasi, alam mo naman na madali kang malasing. Nangako ka pa noon na hi
last updateLast Updated : 2022-11-18
Read more

Kabanata 20

"See you in my dreams? Mukha mo! Kung sino ka mang loko ka, bangungutin ka sana." Wala akong planong makipagkita sa kahit sino, ni sa panaginip. Syempre, bukod kay Joel. Siya lang at wala ng iba. ***Alas-onse ng umaga ang usapan namin ni Joel na susunduin niya ako for our lunch date. Syempre nag-handa ako ng bongga today. Madaling araw pa lang binisita ko na ang hardin at ginawa ko na ang mga dapat gawin. Nakahanda na rin ang dress na isusuot ko. "Arrianne," tawag ni Ate Sonia at Ate Sally. Biglang sulpot sa kwarto ko ang dalawa. "Oy, ano ba kayo, nakakagulat!" Kapa ko ang dibdib. Katatapos ko lamang kasi magbihis."Bilisan mo na diyan. Nasa hardin na ang prince charming mo kausap si Sir Danny," sabi ni Ate Sally. Na sumilip pa sa bintana.Agad kumabog ang dibdib ko. Baka ano na naman ang ipapa-inum ng sira-ulo kong boss kay Joel. Dali-dali akong nagsuklay, ipinusod ang buhok at naglagay ng lip and cheek tint. "Effortless, ganda!" bulalas ng dalawa. Suot ko ang blue floral button-
last updateLast Updated : 2022-11-20
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status