maraming salamat sa mga nagbabasa at nag-subscribe nitong story ko. Please don't hesitate to leave a comment and pa rate na rin sana at mag-iwan ng review.
What is the matter with him? Is he not aware that I can feel his bulge? Or did he really intend to press it on me? The sensation prompted all of my body hair to stand up. I simply moved my a$$ away.I held onto his arms, which were still clutching my upper chest. His hot breath is rubbing across my nape. Every hair on my body sprang even more when he stroked his lips across my neck. Nataranta ako. "Ahmm... Joel, ano kasi... masakit tiyan ko. Hatid mo na ako, please," pagkukunwari ko, just to get free of his hug. I also took his still-circling hands from me, saka ako humarap sa kaniya."Hatid mo na ako, please, sakit talaga." Para akong batang nagmamakaawa.I clenched my lips as I saw him smile."Cute mo talaga," ngising sabi niya. He squeezes my cheeks gently and slowly moves his face closer to mine. Tinampal ko ang noo niya. Para-paraan kasi, gusto agad maka-isa. No, hindi pa pwede. Wala pa ngang biente-kuatro oras na naging kami, gusto agad matikman ang labi ko. Talagang malandi pa
Halos malaglag ang puso ko, hindi dahil sa halik ni Joel, na malapit na sanang tumama sa labi ko, kung hindi, dahil sa kung sinong tarantadong kaskasiro na bumangga sa kotse ni Joel. "What the fuck?" Joel exclaimed furiously. Kaagad siyang nagpunta sa likod ng kotse. Sumunod na rin ako habang kapa ang dibdib. Mabuti na lamang at hindi na ako nakasandal sa kotse. Tinangka ko na kasi ang umiwas mula sa pagdiin sa akin ni Joel. Kung nagkataon kasi na nakasandal pa ako, siguradong masasaktan din ako. Napasabunot si Joel sa sariling buhok nang makita ang basag na tail light. "Lumabas ka riyan, gago!" pigil na sigaw nito. Paulit-ulit niyang sinipa ang gulong ng kotse ng kaskasirong driver na hanggang ngayon hindi pa lumalabas mula sa kotse niya. Sayang ang kotse, kabago-bago sira na agad. Kaskasiro kasi ang may-ari. Maya maya, nagbukas ang pinto ng kotse. Unang lumabas ang paa ng driver na akmang susugurin agad ni Joel. Pinigil ko lang. "Sir Danny?" nalaglag ang balikat ko, habang tan
Naibuka ko ang mga palad ko. Mas lalong nanigas ang katawan ko habang walang kurap na nakatitig sa mukha ni Sir Danny. Gusto kong iangat ang kamay ko para sampalin siya pero hindi ko magawa. Parang ang bigat ng mga kamay ko. Hindi ko maigalaw. Inikot niya ako kasabay ang paghakbang. Animo'y magkahinang ang aming mga labi at hindi mapaghiwalay. Malapit na magsara ang mga mata ko. Hindi dahil sa sarap, kung hindi dahil sa malapit na akong maubusan ng hininga. Diniin niya ako sa lamesa at akmang ihihiga na. Ramdam ko na ang..."Aray!" hiyaw ko, nang bumagsak ako sa sahig. Napakurap-kurap ako nang makita ang puting kisame ng kwarto. Nakapa ko ang dibdib. Kapos pa rin ang paghinga ko. "Bangungot..." nasabi ko. Muntik na akong mamatay sa halik ni Sir Danny. Pastilan! Mas gusto kong mamatay sa sakal, kay sa mamatay sa halik niya. Dahan-dahan akong tumayo. Ang sakit ng balakang ko. Nabalian yata ako. "Arrianne," kalampag, ang sunod sa pagtawag ng pangalan ko. "Akin na ang susi," rinig
"Tanga mo talaga kahit kailan!" singhal niya, kasabay ang marahas na paghila sa akin. Hawak ko na ang dibdib at walang paki' sa narinig na salita mula kay Sir Danny.Dumungaw ako sa balcony, at mangiyak-ngiyak na tumingin sa kaniya. "Muntik na nga akong mahulog, Sir. Pagagalitan mo pa ako. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit iyon nangyari." Pinahid ko ang luhang namuo sa mga mata ko. Hindi ako naiyak dahil sa sermon niya. Naiyak ako dahil sa kabang naramdaman sa muntikang pagkahulog dahil dito sa boss ko. Ngayon siya pa ang galit. Dumikit nga sa akin iyong alaga niyang naninipa ng puson. "How dare you blame me!" duro niya ako. "Sino po ba dapat ang sisihin ko, Sir? Ginulat mo po ako. 'Tsaka bakit po ba kayo galit?" Nagawa ko talagang magmaktol kahit hindi na nga halos maipinta ang mukha nitong boss ko. "You have no right to blame me for your stupidity!" sikmat niya. May kasamang duro at dilat na mata.Sumimangot ako at matiim na tumitig sa kaniya. "Lahat na lang ng parte ng
"Ronan, ano ba ang problema mo?" irita kong tanong. Kanina pa 'to. Nakakainis na. Hindi ko alam, kung nagseselos ba siya o talagang na nanadya. "Kalma, Anne... hindi ko naman aawayin si Joel," ngising saad niya. "May itatanong lang ako."Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nakangisi nga siya habang nakatingin kay Joel, pero mga tingin naman niya, mas matalim pa sa tingin ni Sir Danny. "Ano ba kasi iyang tanong mo, at kailangan pa talagang humarang sa daanan namin?!" Bakas ang inis sa boses ni Joel. Naghahanap talaga ng gulo itong si Ronan. "May kapatid kang babae, Joel?" biglang tanong ni Ronan. "Suss... akala ko naman kung ano! Iyan lang pala ang itatanong mo, pinakaba mo pa ako." Hinampas ko ang balikat niya. "Walang kapatid 'yan. Gaya ko nag-iisang anak din siya," ako na ang sumagot. Mukhang walang balak kasi si Joel na sagutin ang walang kwenta niyang tanong. "Ah... nag-iisang anak." Tumango-tango siya habang sinasabi 'yon. "Bakit mo ba tinatanong?!" Bakas pa rin sa bose
"S-sir..." Hinarang ko ang mga kamay ko at pumikit ng todo. Another harassment na naman itong ginawa sa akin ni Sir. "Oo, maganda ka nga. Amoy suka naman. Ang asim mo, dugyot talaga!" Dumilat ako, kasabay ng pagbitiw niya. Nakangisi siya, pulang-pula ang mukha. Parang nakainum na naman. "Sa tingin ko, Sir Danny, hindi suka ang nasinghot mo, kun'di tuba! Ayan oh, ang pula mo!" Turo ko ang mukha niya. Kaagad nagsalubong ang mga kilay niya at naubo. Sekretong inamoy ko ang sarili. Amoy suka nga! Kakahiya panay yakap pa namin sa akin si Joel kanina. Sumimangot ako. Nakakaloko naman ang ngiti ni Sir."Ang swerte ni Joel— " "Oo talagang ma-swerte siya dahil maganda na nga ang girlfriend niya, may bunos pang suka. Two in one!" Putol ko sa panglalait niya sana. "Kayong dalawa! Hindi ba talaga matigil ang bangayan ninyo?" Si Sir Dante ang nagsalita. Hindi ko napansin na dumating na pala siya. Siguro dumating siya no'ng nakapikit ako. "Magandang gabi po, Sir Dante." Bahagya akong yum
Napatulala ako matapos maputol ang tawag ni Joel. Sino 'yong babaeng narinig ko? May tiwala ako sa kan'ya, pero hindi ko pa rin maiwasan ang magduda.Kiniling ko ang ulo. Ginugulo ko lang ang utak ko. Ayokong pag-isipan ng masama si Joel. Alam ko, may dahilan at may tamang paliwanag.Sandali akong naghintay ng tawag niya, pero wala na talaga. Sinubukan ko rin na tawagan siya pero nakapatay na ang cellphone niya. Napabuntong hininga na lang ako. Matamlay akong humiga. Pinilit kong alisin ang pagdududa. May dahilan si Joel, alam ko. Bukas tatawag siya at sasabihin kung bakit naputol ang tawag. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. ***Nagising ako sa tunog ng cellphone. Kaagad akong bumangon at dinampot iyon. "Joel," sabi ko. Pupungas-pungas, pero gusto ko nang marinig ang paliwanag niya."Good morning, my love," malambing na boses ang bungad nito sa akin.Hindi ako tumugon. Paliwanag ang gusto kong marinig at hindi lambing. "Hello, my love... 'andiyan ka pa ba?" Bumuntong-
Tumayo si Sir Danny at ngumisi. Ang talim pa ng tingin. Para tuloy akong natuod sa kinatatayuan ko. Akala ko pa naman mag-enjoy kami ni Nanay, hindi pala. Kasama pala itong boss kong buang."Nay... hindi na lang po kaya ako sasama," pabulong kong sabi. "Hindi sasama? At sino ang gusto mong magbuhat ng mga bibilhin namin, si Nanay?" Nasa tapat na ng kotse si Sir Danny. Pero lakas pa rin ng pandinig niya o nabasa yata ang galaw ng bibig ko."Hindi ko naman, po sinabing si Nanay ang magbubuhat... nandiyan nga po, kayo, Sir... " Yuko-ulo kong sabi. "Halika ka na, Arrianne," aya ni Nanay. Hinila pa ako. "kanina may pa talon-talon ka pa. Ngayon inarte ka na. Hala, pasok..." Nasermonan pa tuloy ako. Tahimik akong umupo sa tabi ni Sir Danny. Lumaki kasi ang mga mata niya kanina nang akmang tatabi ako kay Nanay. Kaya wala akong choice, kun'di magtiis na katabi na naman siya. "Nay, kakain na kaya muna tayo." Panaka-nakang sulyap ang ginawa niya sa rare-view mirror para tingnan si Nanay."Ika