Share

Kabanata 28

Tumayo si Sir Danny at ngumisi. Ang talim pa ng tingin. Para tuloy akong natuod sa kinatatayuan ko. Akala ko pa naman mag-enjoy kami ni Nanay, hindi pala. Kasama pala itong boss kong buang.

"Nay... hindi na lang po kaya ako sasama," pabulong kong sabi.

"Hindi sasama? At sino ang gusto mong magbuhat ng mga bibilhin namin, si Nanay?" Nasa tapat na ng kotse si Sir Danny. Pero lakas pa rin ng pandinig niya o nabasa yata ang galaw ng bibig ko.

"Hindi ko naman, po sinabing si Nanay ang magbubuhat... nandiyan nga po, kayo, Sir... " Yuko-ulo kong sabi.

"Halika ka na, Arrianne," aya ni Nanay. Hinila pa ako. "kanina may pa talon-talon ka pa. Ngayon inarte ka na. Hala, pasok..." Nasermonan pa tuloy ako.

Tahimik akong umupo sa tabi ni Sir Danny. Lumaki kasi ang mga mata niya kanina nang akmang tatabi ako kay Nanay. Kaya wala akong choice, kun'di magtiis na katabi na naman siya.

"Nay, kakain na kaya muna tayo." Panaka-nakang sulyap ang ginawa niya sa rare-view mirror para tingnan si Nanay.

"Ika
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nakakatuwa at kinilig Kay Sir Danny at Kay Arianne bagay silang dalawa excited Ako sa next update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status