Revenge or Love

Revenge or Love

last updateHuling Na-update : 2022-09-28
By:  Miam WritesKumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
80Mga Kabanata
15.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Si Rafael Jones ay bumalik ng Pilipinas dahil sa pagkamatay ng kanyang Kuya James. He never imagined that his brother would be killed in a car accident. He can't accept his death, so he tries to figure out why he had that accident. He finds out that James' girlfriend had another man and discovers that his girlfriend--Diane, is cheating on him. Then James was drunk and got into an accident. Rafael wants to exact his vengeance on the person who murdered James. Hindi siya naniniwalang aksidente lang ang lahat. Ipinadakip niya si Diane upang parusahan sa kanyang ginawa pero pinipilit nito na hindi siya si Diane kung hindi si Michaela. Hindi siya naniniwala dito. Michaela wakes up in an unknown place, and a man abducted her because of Diane's faults. Hindi niya alam kung ano bang nagawa nito. Hanggang itago siya ni Rafael at dinala sa kaniyang Isla. Pilit tinatanong nito kung ano ang ginawa niya kay James o ano ba ang nagawang kasalanan nito para mauwi lahat sa tragedy. Until Rafael realized he was falling in love with Michaela while they were on the island. Will he go for revenge or love?

view more

Kabanata 1

Chapter 1: Kidnap

Nagising na lang ako sa isang madilim na lugar. Pinipilit kong tumayo pero hindi ko magawa paghawak ko sa aking kamay may kung anong tali na nakalagay dito. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Tanging naaalala ko lamang sinama ako ng aking ate sa isang party at kasama namin ang kanyang boyfriend na si Macky Cruz. Naginuman sila at sumayaw habang ako nasa isang sulok at umiinom ng juice. Ito ang unang pagkakataon na sinama nila ako. Ang aking ate na si Diane Clementon ay half sister ko. Alam kong may galit siya sa akin kaya hindi ko ubod akalain na sinama niya ako rito. Hindi kaya plinano niya ito lahat. Biglang may narinig ako na bumukas na pinto agad kong ipinikit ang aking mga mata. Naririnig ko ang mga yabag na papalapit sa akin.

"Sigurado ba kayo na siya talaga ang may kasalanan kung bakit namatay ang kuya ko?"

"Opo siya po si Diane Clementon"

Si ate ang kailangan nila bakit ako ang kinuha nila at ano ang kasalanan na nagawa niya? Gulong gulo na ako at hindi ako makapagisip ng mabuti.

"Sige kalagan niyo na ang tali sa kanyang kamay at paa. Pakainin at paliguan niyo siya. Ang baho na niyan. Siguraduhin niyong malinis siyang ihaharap sa akin bago ko kausapin."

Hindi ko mapigilang mainis sa lalaking ito. Mabango kaya ako. Sinubukan kong amuyin ang sarili ko pagkatapos kalagan ang mga tali sa kamay ko. Napailing ako sa amoy ko pero bakit amoy alak ako. Hindi naman ako umiinom ng alak. Pilit kong iniisip ang nangyari at hindi ko pa rin maalala. ang sakit na ng ulo ko. Biglang nagliwanag at agad kong pinikit ang aking mga mata.

"Nanay Linda utos po ni Rafael na paliguan at pakainin niyo daw po siya."

"Ano ba kasing nangyari sa girlfriend niya bakit amoy alak?"

Girlfriend? Wow kanina inakala nila na ako ang ate Diane ko tapos ngayon girlfriend naman ng Rafael na iyon. Sa bagay halos ang lahat pinagkakamalan akong si Ate. Siya lang naman lagi ang kilala ng lahat. Tanging ang bestfriend ko lang na si Lance ang nakakakilala talaga sa akin.

Ako si Michaela Clementon, 21 years old pangalawang asawa ng ama ni ate Diane ang mama ko pero matagal kaming itinago ni Daddy sa kanya dahil ayaw ni Ate Diane na may kapalit ang mommy niya kahit matagal na itong patay. Kaya kapag inaaway niya ako hindi na lang ako lumalaban kaso ako pa din ang pinapagalitan ni Daddy.

"Iha"

Nagulat na lamang ako ng hinawakan ako sa kamay ni Nanay Linda. Minulat ko na ang aking mga mata dahil mukhang mabait naman siya. Pagtingin ko sa paligid nasa isang malaking silid ako at maraming mga paintings sa dingding. Namangha ako dahil ang lalim ng ibig ipakahulugan ng mga larawan. Nakikita ko ang isang lalaking nakatalikod habang may hawak na lantang Rosas. Biglang kumirot ang puso ko. Ang lungkot siguro ng taong nagpinta nito dahil naramdaman ko ang sakit na nais niyang ipahiwatig sa kanyang iginuhit. Sa pangalawa naman dalawang batang lalaki na nakangiti at sa pangatlo nagimbal ako dahil kamukha ko ang nasa larawan at may hawak ng mga Rosas na maraming tinik.

"Iha, pipi ka ba?"

"Hindi po"

"Kanina pa kita tinatawag. Halika pinaghanda na kita ng makakain sa kusina."

Sumunod na lamang ako. Habang kami ay naglalakad hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ang daming silid sa bahay na ito. Ito ay parang mansion pero parang ang lungkot ng atmosphere nila dito. Walang buhay ang paligid at bakit parang walang masyadong tao.

"Paano kayo nagkakilala ni Rafael? Alam mo ba ikaw ang unang babaeng dinala niya dito."

"Hindi ko po talaga siya kilala."

"Ha?"

"Hindi ko nga po alam kung bakit andito ako."

"Anong Sabi mo?"

Biglang ngumiti ang matanda. Akala ko pa naman tutulungan niya akong makaalis dito.

"Si Rafael talaga pilyong bata. Siguro gustong gusto ka talaga niya kaya pinakuha ka na lang niya sa mga tauhan niya."

"Mukha hindi po Ganoon. Pwede niyo po--"

Biglang naputol ang aking sasabihin ng biglang lumitaw ang napakagwapong lalaki. Ang lakas ng kanyang dating kahit naka short lang siya at plain white t-shirt. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya.

"Manang ako na pong bahala sa kanya. Salamat po."

"Ikaw talaga Rafael ay napakapilyo. Pinakidnap mo pa ang gusto mong babae."

"Manang"

"Sige Rafael hindi na kita kukulitan. Maiwan ko na kayo. Pero teka pwede ko bang malamang ang pangalan mo iha?"

"Michaela po"

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Rafael at hindi nagpahalata.

"Napakaganda naman. O siya aalis na ako."

"Niloloko mo ba ako? Kung sa tingin mo Diane maniniwala ako sa kalokohan mo nagkakamali ka. Hindi ka makakaalis dito hanggat hindi ka nagbabayad sa ginawa mo."

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Pakawalan mo na ako."

"May pagkakataon ka na kaninang kasama mo si Nanay Linda bakit hindi ka tumakas?"

Tama siya dapat nagtatakbo na ako kanina para makatakas pero bakit hindi ko ginawa? Hindi ako nakakibo at napatingin sa may pinto. Mas gusto ko ba dito malayo kay ate,daddy at mommy? Sariwa pa sa aking isipan ang ginagawa nila sa akin.

Para akong katulong sa kanilang bahay at ang masakit pa doon pati ang sarili kong ina parang hindi ako anak kong tratuhin mas kinakampihan niya pa si Ate Diane. Naalala ko pa noong kami lang ni mama ang magkasama. Lagi kaming dumadaan sa bahay nila Daddy pero si Ate Diane naman ang lagi niyang tinitignan.

"Diane"

Sumigaw si Rafael at tinawag ang pangalan ni ate Diane. Napatingin ako sa kanya sa gulat.

"Hindi ako si Diane."

"Huwag mo kong manipulahin gaya ng ginawa mo sa kuya ko."

"What? I didn't do anything to anyone."

"Wow, you are a great liar. Kumain ka na dun sa kusina at maligo. Ang baho mo, sabagay mas mabaho pa ang ugali mo."

Ang sakit niyang magsalita pero hinayaan ko na lamang siya dahil ramdam ko ang bigat ng loob niya. Minabuti ko na lamang sundan ang utos niya. Pagpunta ko sa kusina namangha akong makita ang daming pagkain. May mga iba’t ibang putahe ng manok at may sushi pa. Nagningning ang aking mga mata ngunit bigla ako napalunok. Bibitayin na ba ako dito kaya pinapakain ako ng masarap? Nanginig ako sa takot sa ideyang iyon.

"Michaela kumain kang mabuti. Hindi ko kasi alam ang gusto mong kainin kaya nagluto na lamang ako ng marami."

"Salamat po"

Nagaalangan pa din ako maupo baka may lason silang nilagay dito. Napansin ni Manang Linda ang pagaalinlangan kong umupo.

"Iha, mukha bang hindi masarap ang pagkain?"

Naguilty naman ako at umupo na rin.

"Hindi mukhang masasarap nga po. Hindi lang po ako sanay kumain magisa. Saluhan niyo po ako."

"Sigurado ka?"

"Opo"

Umupo na rin siya at kumain kami. Masayang niyang ibinida si Rafael at nalungkot siya nang sinabi ang huli.

"Magmula ng mamatay ang kuya niya hindi na muli siyang ngumiti."

Totoo kaya ang pinaparatang niya kay Ate Diane. Ano kaya talaga ang nangyari?

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
80 Kabanata
Chapter 1: Kidnap
Nagising na lang ako sa isang madilim na lugar. Pinipilit kong tumayo pero hindi ko magawa paghawak ko sa aking kamay may kung anong tali na nakalagay dito. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Tanging naaalala ko lamang sinama ako ng aking ate sa isang party at kasama namin ang kanyang boyfriend na si Macky Cruz. Naginuman sila at sumayaw habang ako nasa isang sulok at umiinom ng juice. Ito ang unang pagkakataon na sinama nila ako. Ang aking ate na si Diane Clementon ay half sister ko. Alam kong may galit siya sa akin kaya hindi ko ubod akalain na sinama niya ako rito. Hindi kaya plinano niya ito lahat. Biglang may narinig ako na bumukas na pinto agad kong ipinikit ang aking mga mata. Naririnig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. "Sigurado ba kayo na siya talaga ang may kasalanan kung bakit namatay ang kuya ko?" "Opo siya po si Diane Clementon" Si ate ang kailangan nila bakit ako ang kinuha nila at ano ang kasalanan na nagawa niya? Gulong g
last updateHuling Na-update : 2021-08-10
Magbasa pa
Chapter 2: Punishment
Nabusog ako sa mga pagkain na inihanda sa akin ni Nanay Linda at binigyan pa niya ako ng maisusuot na damit. Nagalinlang ako noong una dahil ang ganda nang dress na ito. Mayroon itong mga disensiyo na maliliit na bulaklak at kulay asul ito. Tinuro niya sa akin ang daan patungo sa isang silid na maaari akong maligo at magbihis. Pagpasok ko nagulat ako sa laki ng kwarto. Double ang laki nito kaysa sa kwarto ko. Ang ganda ng kama parang gusto kong humiga. Umiling na lamang ako at tumuloy sa banyo. Habang ako ay nalilito hindi ko maiwasan isipin kung ano ba talaga ang nangyari sa kuya ni Rafael at anong kinalaman ni ate sa pagkamatay niya? Napabuntong hininga na lamang ako. Nakidnap na nga ako pero bakit hindi pa rin ako tumatakas? Napatingin ako sa bintana mukha kakasya naman ako dito. Tama kailangan kong umalis dito. Nagmadali akong maligo at magbihis. Umakyat ako sa bintana at nagulat ako na may asong nakaabang dito. Tatalon ba ako o huwag na lang? Hindi ko alam ang aking gagawin. Il
last updateHuling Na-update : 2021-08-10
Magbasa pa
Chapter 3: Escape
Pagkapasok namin sa kanyang bahay. Bigla niya akong binuhat at ang ulo ko ay nasa likod niya. "Ibaba mo ako" "Matigas ang ulo mo. Sinabi ko na sa iyo, huwag mong susubukang tumakas or else you will be punished." "Hindi pa ba sapat itong ginawa mo? Nilayo mo ako sa pamilya ko." "What? Hindi pa ako nagsisimula kaya mas mabuting sumunod ka na lamang." "Ano bang kasalanan ko sayo? At hindi naman ako si Diane." "Liar" Binaba na niya ako sa kama at akmang lalabas na siya ng niyakap ko ang mga tuhod niya. "Maniwala ka sa akin. Hindi ako si Diane." Hindi ko masabi sa kanya na ate ko ang hinahanap niya dahil baka lalong siyang magalit.Kahit na naging masama si ate Diane sa akin ayaw ko siyang mapahamak. "Let me go." "No, please I am begging you." Tinayo niya ako at tinulak sa kama. Nahila ko ang kamay niya at nakapatong siya sa akin. Hindi ko maiwasan na tignan ang mapupula niyang labi. Biglang pa
last updateHuling Na-update : 2021-08-10
Magbasa pa
Chapter 4: Diane Fault
Lahat ng sinabi ni Rafael tungkol sa relasyon ng ate ko at kuya niya ay totoo pero may kinalaman ba talaga ang ate ko sa pagkamatay ng kuya niya? Natapos ko nang linisin ang buong bahay ni Rafael pero hindi pa rin ako mapalagay sa aking nakita dahil ang alam ko lang na boyfriend ni ate ay si Macky Cruz. Laging siya ang pumupunta sa bahay namin at halos 5 years na din sila. Kailangan kong malaman ang totoo. Inabangan ko ang pagdating ni Rafael pero 6:00 pm na, wala pa siya. Biglang tumunog ang tiyan ko at hindi ko na matiis ang gutom ko. Kumain na lamang ako. Biglang narinig ko ang tunog ng isang sasakyan. Nagmadali akong pumunta at nakita ko si Matt. "You look disappointed. Are you waiting for Rafael?" "No," Nakakanosebleed namang kausap ito. "Can I ask you something?" "Sure" "Are you foreigner?" "Not really I just live in United States for 10 years but I am pure Pilipino. Rafael is half American. Do you know that his name is R
last updateHuling Na-update : 2021-08-10
Magbasa pa
Chapter 5: I want you
Nagising na lamang ako na nakahiga ako sa bathtub. Nakita ko ang punit kong damit at nagmadaling lumabas at nagsuot ng mas mahabang damit na ibinigay ni Matt. Kailangan ko nang makaisip ng paraan para makalis dito. Nakakatakot si Rafael baka anong gawin niya sa akin. Hindi pa ako kailanman nagkaboyfriend at ayaw ko makuha ang dangal ko. Biglang may kumatok ng malakas sa aking pinto. "Are you trying to escape again?" Pasigaw niyang sinabi. Huminga muna ako ng malalim at hindi dapat ako pahalatang natatakot. Kailangan kong maging matatag dahil wala makakatulong sa akin dito. Binuksan ko ang pinto at humarap sa kanya. Biglang siyang nagulat ng makita ako. "Akala ko tumakas ka na naman." "No" Tinalikuran ko na siya at naglakad pababa ng hagdan. "Anong pagkain?" "Ang kapal ng mukha mo na magtanong nang makakain." "Okay, sanay naman akong magutom." Naglakad ako palayo sa kanya at kinuha ang isang mansanas. Nagulat siy
last updateHuling Na-update : 2021-08-10
Magbasa pa
Chapter 6: First Kiss
Bumuti ang aking pakiramdam at pagtingin ko sa aking katabi lumaki ang aking mga mata dahil si Rafael ito at wala siyang suot na damit. Pinagmasdan ko siya at mukha siyang anghel na natutulog. Hindi ko namalayan na ang lapit na pala ng mukha ko sa kanya. Pagdilat ng mata niya hinila niya ako pahiga. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ako pumikit dahil alam kong wala naman siyang gagawin sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Nakatikom lang ang bibig ko dahil wala pa akong first kiss. Biglang naglakbay ang kamay niya sa katawan ko. Para akong nakuryente at tuluyan ko ng nabuksan ang bibig ko. Bigla siyang huminto at iniwan ako. Iyon ang una kong halik. Matutuwa ba ako o matatakot? Ang lakas ng tibok ng aking puso. Tuloy tuloy ang luha sa aking mga mata. Kailanman hindi ka niya magugustuhan Michaela Clementon. Paghihiganti lang ang hangarin niya. Pilit koi tong tinatanim sa aking isipan. Bumukas ang pinto at nadismaya ako. Si Matt ang dumating at may d
last updateHuling Na-update : 2021-08-11
Magbasa pa
Chapter 7: Feelings
"I can't win with this man!" Pasigaw kong sinasabi habang paakyat ng aking silid. Paalis na lang kami gusto pa niyang magbihis ako ulit. Ano bang problema niya? Padabog kong binuksan ang silid at kinalkal ang mga damit na binili ni Matt. Pumili na lamang ako ng makapal na T-shirt na dark blue at mahabang palda daig ko pa ang lola nito. Tumayo na ko pagkatapos makakuha ng damit at papunta na sa banyo nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Lumaki ang aking mga mata at nagmamadaling pumasok ng banyo. Ramdam ko ang init ng aking mukha sa kahihiyan. Kaya pala gusto niyang magpalit ako ng damit dahil ang lipis nito at kita na ang panloob kong suot. Nagmadali na akong nagpalit at lumabas na ngunit hindi ko alam kong bababa pa ba ako o mananatili na lang sa aking kwarto. Kahihiyan itong ginagawa ko dapat hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya. No! Kasalanan niya rin siya ang nagbigay ng mga damit na ito. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili habang pabababa ako ng hagdan pero pagtin
last updateHuling Na-update : 2021-09-03
Magbasa pa
Chapter 8: Eat Well
Tumakbo ako ng tumakbo at hindi malaman kung saan papunta ang aking mga paa. Gusto kong makawala sa sakit na aking nadarama. Naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na dumapo sa aking ulo. Pagtingin ko sa kalangitan bumubuhos na ang ulan. Natawa ako ng mapait dahil pati ang panahon nakikisali sa aking pag iyak. Nakakakita ako ng waiting area na may maliit na bubong. Minabuti ko na munang umupo dito. Naalala ko na naman ang nakit kong eksena kanina. Naglapat ang mga labi ni Monica at Rafael. Hindi pa sila nahiya sa gitna pa talaga ng daan. Bigla akong napatayo at narinig ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ito maaari unti unti na ba akong nahuhulog sa kanya. Nagising ako sa malalim kong pagiisip ng bigla may isang kotseng huminto sa akin."Diane pinaparusahan ka na naman ba ni Rafael?""Matt? Akala ko bang umalis ka na.""Nadelay ang flight ko pabalik kaya minabuti ko munang pumunta dito." Bigla niyang sinara ang bintana ng kanyang kotse. Akala ko isasakay niya a
last updateHuling Na-update : 2021-09-04
Magbasa pa
Chapter 9: Heartbeat
Mahihiga na lang sana ako ng makita ko ang isang paper bag at my sticky notes na "Eat well". Dahan dahan ko itong binuksan at namilog ang aking mga mata ng mapagtanto na ito pala ay pagkain. My favorite spaghetti and fried chicken. Hindi na ako nagdalawang isip  at kinuha ko ang tinidor. Sinimulang kung kainin ang spaghetti at napapikit ako sa sarap. Kung kanino man galing ito napakabait niya. Naubos ko ang spaghetti sa limang subo lamang at tumayo ako at pumunta sa banyo upang maghugas ng kamay. Pagbalik ko sinimulang kung kainin ang dalawang fried chicken. I miss this food. Naubos ko ito at tumayo ako at naglakad lakad. Pagbabago ko ng hagdan wala na si Rafael sa kusina. Saan na naman kaya punta iyon? Umiling ako sa ideya na iyon at minabuting umakyat na lang muli papunta sa aking silid. Tinitigan ko ang paper bag nakalimutan ko pa lang ibaba sa higaan. Pagtingin ko nakita ko na may laman pa ito. Nagliwanag ang aking mga mata ng makita ko na street food ito with sauce na may
last updateHuling Na-update : 2021-09-11
Magbasa pa
Chapter 10: Falling for you
Natuwa ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Matt, akala ko bang aalis ka rin agad?"Ngumiti siya at para bang maganda ang awra niya ngayon. "Oo, pero nakiusap si Rafael na bantayan ka sa mga gagawin mo sa pabrika." Namilog ang aking mga mata at umiling."Bakit pa ko kailangan bantayan? Hindi naman na ako bata.""I don't know. Let's just meet in the Villa Letisha." Lumaki ang aking mga mata at lumapit sa kanya."Hindi mo ako ihahatid?" Umiling lang siya at sumakay na sa kabayo. Tinanaw ko na lamang siya habang palayo sa akin. Maaga pa naman at hindi pa mainit. "Mag Jogging na lamang ako." Pag Kumbinsi ko sa aking sarili. Nagsimula na ako tumakbo at nakalagpas pa lang ako ng isang kanto ramdam ko na ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Nagpasya akong sumilong muna at nagpunas ng mukha. Napabuntong hininga ako at nag isip. Sa bagay kung tutuusin hindi naman parusa ang ginagawang ito sa akin ni Rafael. Tama! Tumayo ak
last updateHuling Na-update : 2021-09-21
Magbasa pa
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status