Nagising na lang ako sa isang madilim na lugar. Pinipilit kong tumayo pero hindi ko magawa paghawak ko sa aking kamay may kung anong tali na nakalagay dito. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Tanging naaalala ko lamang sinama ako ng aking ate sa isang party at kasama namin ang kanyang boyfriend na si Macky Cruz. Naginuman sila at sumayaw habang ako nasa isang sulok at umiinom ng juice. Ito ang unang pagkakataon na sinama nila ako. Ang aking ate na si Diane Clementon ay half sister ko. Alam kong may galit siya sa akin kaya hindi ko ubod akalain na sinama niya ako rito. Hindi kaya plinano niya ito lahat. Biglang may narinig ako na bumukas na pinto agad kong ipinikit ang aking mga mata. Naririnig ko ang mga yabag na papalapit sa akin.
"Sigurado ba kayo na siya talaga ang may kasalanan kung bakit namatay ang kuya ko?"
"Opo siya po si Diane Clementon"
Si ate ang kailangan nila bakit ako ang kinuha nila at ano ang kasalanan na nagawa niya? Gulong gulo na ako at hindi ako makapagisip ng mabuti.
"Sige kalagan niyo na ang tali sa kanyang kamay at paa. Pakainin at paliguan niyo siya. Ang baho na niyan. Siguraduhin niyong malinis siyang ihaharap sa akin bago ko kausapin."
Hindi ko mapigilang mainis sa lalaking ito. Mabango kaya ako. Sinubukan kong amuyin ang sarili ko pagkatapos kalagan ang mga tali sa kamay ko. Napailing ako sa amoy ko pero bakit amoy alak ako. Hindi naman ako umiinom ng alak. Pilit kong iniisip ang nangyari at hindi ko pa rin maalala. ang sakit na ng ulo ko. Biglang nagliwanag at agad kong pinikit ang aking mga mata.
"Nanay Linda utos po ni Rafael na paliguan at pakainin niyo daw po siya."
"Ano ba kasing nangyari sa girlfriend niya bakit amoy alak?"
Girlfriend? Wow kanina inakala nila na ako ang ate Diane ko tapos ngayon girlfriend naman ng Rafael na iyon. Sa bagay halos ang lahat pinagkakamalan akong si Ate. Siya lang naman lagi ang kilala ng lahat. Tanging ang bestfriend ko lang na si Lance ang nakakakilala talaga sa akin.
Ako si Michaela Clementon, 21 years old pangalawang asawa ng ama ni ate Diane ang mama ko pero matagal kaming itinago ni Daddy sa kanya dahil ayaw ni Ate Diane na may kapalit ang mommy niya kahit matagal na itong patay. Kaya kapag inaaway niya ako hindi na lang ako lumalaban kaso ako pa din ang pinapagalitan ni Daddy.
"Iha"
Nagulat na lamang ako ng hinawakan ako sa kamay ni Nanay Linda. Minulat ko na ang aking mga mata dahil mukhang mabait naman siya. Pagtingin ko sa paligid nasa isang malaking silid ako at maraming mga paintings sa dingding. Namangha ako dahil ang lalim ng ibig ipakahulugan ng mga larawan. Nakikita ko ang isang lalaking nakatalikod habang may hawak na lantang Rosas. Biglang kumirot ang puso ko. Ang lungkot siguro ng taong nagpinta nito dahil naramdaman ko ang sakit na nais niyang ipahiwatig sa kanyang iginuhit. Sa pangalawa naman dalawang batang lalaki na nakangiti at sa pangatlo nagimbal ako dahil kamukha ko ang nasa larawan at may hawak ng mga Rosas na maraming tinik.
"Iha, pipi ka ba?"
"Hindi po"
"Kanina pa kita tinatawag. Halika pinaghanda na kita ng makakain sa kusina."
Sumunod na lamang ako. Habang kami ay naglalakad hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ang daming silid sa bahay na ito. Ito ay parang mansion pero parang ang lungkot ng atmosphere nila dito. Walang buhay ang paligid at bakit parang walang masyadong tao.
"Paano kayo nagkakilala ni Rafael? Alam mo ba ikaw ang unang babaeng dinala niya dito."
"Hindi ko po talaga siya kilala."
"Ha?"
"Hindi ko nga po alam kung bakit andito ako."
"Anong Sabi mo?"
Biglang ngumiti ang matanda. Akala ko pa naman tutulungan niya akong makaalis dito.
"Si Rafael talaga pilyong bata. Siguro gustong gusto ka talaga niya kaya pinakuha ka na lang niya sa mga tauhan niya."
"Mukha hindi po Ganoon. Pwede niyo po--"
Biglang naputol ang aking sasabihin ng biglang lumitaw ang napakagwapong lalaki. Ang lakas ng kanyang dating kahit naka short lang siya at plain white t-shirt. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya.
"Manang ako na pong bahala sa kanya. Salamat po."
"Ikaw talaga Rafael ay napakapilyo. Pinakidnap mo pa ang gusto mong babae."
"Manang"
"Sige Rafael hindi na kita kukulitan. Maiwan ko na kayo. Pero teka pwede ko bang malamang ang pangalan mo iha?"
"Michaela po"
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Rafael at hindi nagpahalata.
"Napakaganda naman. O siya aalis na ako."
"Niloloko mo ba ako? Kung sa tingin mo Diane maniniwala ako sa kalokohan mo nagkakamali ka. Hindi ka makakaalis dito hanggat hindi ka nagbabayad sa ginawa mo."
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Pakawalan mo na ako."
"May pagkakataon ka na kaninang kasama mo si Nanay Linda bakit hindi ka tumakas?"
Tama siya dapat nagtatakbo na ako kanina para makatakas pero bakit hindi ko ginawa? Hindi ako nakakibo at napatingin sa may pinto. Mas gusto ko ba dito malayo kay ate,daddy at mommy? Sariwa pa sa aking isipan ang ginagawa nila sa akin.
Para akong katulong sa kanilang bahay at ang masakit pa doon pati ang sarili kong ina parang hindi ako anak kong tratuhin mas kinakampihan niya pa si Ate Diane. Naalala ko pa noong kami lang ni mama ang magkasama. Lagi kaming dumadaan sa bahay nila Daddy pero si Ate Diane naman ang lagi niyang tinitignan.
"Diane"
Sumigaw si Rafael at tinawag ang pangalan ni ate Diane. Napatingin ako sa kanya sa gulat.
"Hindi ako si Diane."
"Huwag mo kong manipulahin gaya ng ginawa mo sa kuya ko."
"What? I didn't do anything to anyone."
"Wow, you are a great liar. Kumain ka na dun sa kusina at maligo. Ang baho mo, sabagay mas mabaho pa ang ugali mo."
Ang sakit niyang magsalita pero hinayaan ko na lamang siya dahil ramdam ko ang bigat ng loob niya. Minabuti ko na lamang sundan ang utos niya. Pagpunta ko sa kusina namangha akong makita ang daming pagkain. May mga iba’t ibang putahe ng manok at may sushi pa. Nagningning ang aking mga mata ngunit bigla ako napalunok. Bibitayin na ba ako dito kaya pinapakain ako ng masarap? Nanginig ako sa takot sa ideyang iyon.
"Michaela kumain kang mabuti. Hindi ko kasi alam ang gusto mong kainin kaya nagluto na lamang ako ng marami."
"Salamat po"
Nagaalangan pa din ako maupo baka may lason silang nilagay dito. Napansin ni Manang Linda ang pagaalinlangan kong umupo.
"Iha, mukha bang hindi masarap ang pagkain?"
Naguilty naman ako at umupo na rin.
"Hindi mukhang masasarap nga po. Hindi lang po ako sanay kumain magisa. Saluhan niyo po ako."
"Sigurado ka?"
"Opo"
Umupo na rin siya at kumain kami. Masayang niyang ibinida si Rafael at nalungkot siya nang sinabi ang huli.
"Magmula ng mamatay ang kuya niya hindi na muli siyang ngumiti."
Totoo kaya ang pinaparatang niya kay Ate Diane. Ano kaya talaga ang nangyari?
Nabusog ako sa mga pagkain na inihanda sa akin ni Nanay Linda at binigyan pa niya ako ng maisusuot na damit. Nagalinlang ako noong una dahil ang ganda nang dress na ito. Mayroon itong mga disensiyo na maliliit na bulaklak at kulay asul ito. Tinuro niya sa akin ang daan patungo sa isang silid na maaari akong maligo at magbihis. Pagpasok ko nagulat ako sa laki ng kwarto. Double ang laki nito kaysa sa kwarto ko. Ang ganda ng kama parang gusto kong humiga. Umiling na lamang ako at tumuloy sa banyo. Habang ako ay nalilito hindi ko maiwasan isipin kung ano ba talaga ang nangyari sa kuya ni Rafael at anong kinalaman ni ate sa pagkamatay niya? Napabuntong hininga na lamang ako. Nakidnap na nga ako pero bakit hindi pa rin ako tumatakas? Napatingin ako sa bintana mukha kakasya naman ako dito. Tama kailangan kong umalis dito. Nagmadali akong maligo at magbihis. Umakyat ako sa bintana at nagulat ako na may asong nakaabang dito. Tatalon ba ako o huwag na lang? Hindi ko alam ang aking gagawin. Il
Pagkapasok namin sa kanyang bahay. Bigla niya akong binuhat at ang ulo ko ay nasa likod niya. "Ibaba mo ako" "Matigas ang ulo mo. Sinabi ko na sa iyo, huwag mong susubukang tumakas or else you will be punished." "Hindi pa ba sapat itong ginawa mo? Nilayo mo ako sa pamilya ko." "What? Hindi pa ako nagsisimula kaya mas mabuting sumunod ka na lamang." "Ano bang kasalanan ko sayo? At hindi naman ako si Diane." "Liar" Binaba na niya ako sa kama at akmang lalabas na siya ng niyakap ko ang mga tuhod niya. "Maniwala ka sa akin. Hindi ako si Diane." Hindi ko masabi sa kanya na ate ko ang hinahanap niya dahil baka lalong siyang magalit.Kahit na naging masama si ate Diane sa akin ayaw ko siyang mapahamak. "Let me go." "No, please I am begging you." Tinayo niya ako at tinulak sa kama. Nahila ko ang kamay niya at nakapatong siya sa akin. Hindi ko maiwasan na tignan ang mapupula niyang labi. Biglang pa
Lahat ng sinabi ni Rafael tungkol sa relasyon ng ate ko at kuya niya ay totoo pero may kinalaman ba talaga ang ate ko sa pagkamatay ng kuya niya? Natapos ko nang linisin ang buong bahay ni Rafael pero hindi pa rin ako mapalagay sa aking nakita dahil ang alam ko lang na boyfriend ni ate ay si Macky Cruz. Laging siya ang pumupunta sa bahay namin at halos 5 years na din sila. Kailangan kong malaman ang totoo. Inabangan ko ang pagdating ni Rafael pero 6:00 pm na, wala pa siya. Biglang tumunog ang tiyan ko at hindi ko na matiis ang gutom ko. Kumain na lamang ako. Biglang narinig ko ang tunog ng isang sasakyan. Nagmadali akong pumunta at nakita ko si Matt. "You look disappointed. Are you waiting for Rafael?" "No," Nakakanosebleed namang kausap ito. "Can I ask you something?" "Sure" "Are you foreigner?" "Not really I just live in United States for 10 years but I am pure Pilipino. Rafael is half American. Do you know that his name is R
Nagising na lamang ako na nakahiga ako sa bathtub. Nakita ko ang punit kong damit at nagmadaling lumabas at nagsuot ng mas mahabang damit na ibinigay ni Matt. Kailangan ko nang makaisip ng paraan para makalis dito. Nakakatakot si Rafael baka anong gawin niya sa akin. Hindi pa ako kailanman nagkaboyfriend at ayaw ko makuha ang dangal ko. Biglang may kumatok ng malakas sa aking pinto. "Are you trying to escape again?" Pasigaw niyang sinabi. Huminga muna ako ng malalim at hindi dapat ako pahalatang natatakot. Kailangan kong maging matatag dahil wala makakatulong sa akin dito. Binuksan ko ang pinto at humarap sa kanya. Biglang siyang nagulat ng makita ako. "Akala ko tumakas ka na naman." "No" Tinalikuran ko na siya at naglakad pababa ng hagdan. "Anong pagkain?" "Ang kapal ng mukha mo na magtanong nang makakain." "Okay, sanay naman akong magutom." Naglakad ako palayo sa kanya at kinuha ang isang mansanas. Nagulat siy
Bumuti ang aking pakiramdam at pagtingin ko sa aking katabi lumaki ang aking mga mata dahil si Rafael ito at wala siyang suot na damit. Pinagmasdan ko siya at mukha siyang anghel na natutulog. Hindi ko namalayan na ang lapit na pala ng mukha ko sa kanya. Pagdilat ng mata niya hinila niya ako pahiga. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ako pumikit dahil alam kong wala naman siyang gagawin sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Nakatikom lang ang bibig ko dahil wala pa akong first kiss. Biglang naglakbay ang kamay niya sa katawan ko. Para akong nakuryente at tuluyan ko ng nabuksan ang bibig ko. Bigla siyang huminto at iniwan ako. Iyon ang una kong halik. Matutuwa ba ako o matatakot? Ang lakas ng tibok ng aking puso. Tuloy tuloy ang luha sa aking mga mata. Kailanman hindi ka niya magugustuhan Michaela Clementon. Paghihiganti lang ang hangarin niya. Pilit koi tong tinatanim sa aking isipan. Bumukas ang pinto at nadismaya ako. Si Matt ang dumating at may d
"I can't win with this man!" Pasigaw kong sinasabi habang paakyat ng aking silid. Paalis na lang kami gusto pa niyang magbihis ako ulit. Ano bang problema niya? Padabog kong binuksan ang silid at kinalkal ang mga damit na binili ni Matt. Pumili na lamang ako ng makapal na T-shirt na dark blue at mahabang palda daig ko pa ang lola nito. Tumayo na ko pagkatapos makakuha ng damit at papunta na sa banyo nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Lumaki ang aking mga mata at nagmamadaling pumasok ng banyo. Ramdam ko ang init ng aking mukha sa kahihiyan. Kaya pala gusto niyang magpalit ako ng damit dahil ang lipis nito at kita na ang panloob kong suot. Nagmadali na akong nagpalit at lumabas na ngunit hindi ko alam kong bababa pa ba ako o mananatili na lang sa aking kwarto. Kahihiyan itong ginagawa ko dapat hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya. No! Kasalanan niya rin siya ang nagbigay ng mga damit na ito. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili habang pabababa ako ng hagdan pero pagtin
Tumakbo ako ng tumakbo at hindi malaman kung saan papunta ang aking mga paa. Gusto kong makawala sa sakit na aking nadarama. Naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na dumapo sa aking ulo. Pagtingin ko sa kalangitan bumubuhos na ang ulan. Natawa ako ng mapait dahil pati ang panahon nakikisali sa aking pag iyak. Nakakakita ako ng waiting area na may maliit na bubong. Minabuti ko na munang umupo dito. Naalala ko na naman ang nakit kong eksena kanina. Naglapat ang mga labi ni Monica at Rafael. Hindi pa sila nahiya sa gitna pa talaga ng daan. Bigla akong napatayo at narinig ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ito maaari unti unti na ba akong nahuhulog sa kanya. Nagising ako sa malalim kong pagiisip ng bigla may isang kotseng huminto sa akin."Diane pinaparusahan ka na naman ba ni Rafael?""Matt? Akala ko bang umalis ka na.""Nadelay ang flight ko pabalik kaya minabuti ko munang pumunta dito." Bigla niyang sinara ang bintana ng kanyang kotse. Akala ko isasakay niya a
Mahihiga na lang sana ako ng makita ko ang isang paper bag at my sticky notes na "Eat well". Dahan dahan ko itong binuksan at namilog ang aking mga mata ng mapagtanto na ito pala ay pagkain. My favorite spaghetti and fried chicken. Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko ang tinidor. Sinimulang kung kainin ang spaghetti at napapikit ako sa sarap. Kung kanino man galing ito napakabait niya. Naubos ko ang spaghetti sa limang subo lamang at tumayo ako at pumunta sa banyo upang maghugas ng kamay. Pagbalik ko sinimulang kung kainin ang dalawang fried chicken. I miss this food. Naubos ko ito at tumayo ako at naglakad lakad. Pagbabago ko ng hagdan wala na si Rafael sa kusina. Saan na naman kaya punta iyon? Umiling ako sa ideya na iyon at minabuting umakyat na lang muli papunta sa aking silid. Tinitigan ko ang paper bag nakalimutan ko pa lang ibaba sa higaan. Pagtingin ko nakita ko na may laman pa ito. Nagliwanag ang aking mga mata ng makita ko na street food ito with sauce na may
Michaela's Point of View Hindi ako makakilos nang marinig ang sinabi ng aking anak at biglang yumakap kay Rafael. Halatang nagulat siya sa narinig at nalito. Mabilis ko hinila si Raffy at pinapasok sa loob ng bahay. Akmang susundan ko ang bata ng tinawag ako ni Rafael. Pilit ako nakikiusap sa kanya na hayaan na niya si ate Diane pero mukhang mabibigo ako. Huminga ako ng malalim at lumuhod sa harap niya upang makiusap pero hinila niya ako patayo. Bago pa niya ako mayakap biglang dumating si Matt at si ate Diane ay yumuko sa harap niya. "Kung anong magiging hatol sa akin tatanggapin ko, Rafael. Marami akong naging kasalanan kay Michaela… at kinausap ko na siya tungkol dito." Sabi ni ate Diane sa pagitan ng mga hikbi niya. Sinalubong niya ang mga matatalim na tingin ni Rafael. "Minahal ko rin nang sobra si James. Patawad kong naging mahina ako at nahulog sa patibong ni Mackenzie." Hindi kumibo si Rafael pero hinawakan siya sa braso ni Matt. "What are you doing here?" Naiirita na sabi
Rafael's Point of ViewPatuloy ako sa pagtakbo at hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Matapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Matt para akong nabunutan ng tinik. Napahinto lang ako ng maalala ang bata, bumigat na naman ang kalooban ko. Tinanaw ko ang villa. Bakit nga ba siya nandito? Sino ba talaga ang batang iyon? Mabagal akong naglakad palapit at tumapat sa gate. Tinanaw ko ang bintana. May mga nagtatawanan sa taas at may boses lalaki rin. Hindi nga ako trinaydor ni Matt pero hindi pa rin maikakaila na may anak na siya. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod."Sino po kayo?" Napalingon ako sa matinis na boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagimbal ako ng makita ang mga mata niya na hugis oval at ang perpektong hugis ng mukha niya. Para kong nakikita ang sarili ko noong bata pa ko. Lumunok ako ng ilang ulit at hindi ko mahanap ang tamang salita. Nananaginip ba ko? Kumurap ako ng ilang ulit at ginaya naman ako ng bata. Lumapit
Rafael's Point of ViewFive years have passed, but the pain in my chest keeps nagging me to find her—the woman who stole my heart. I planned my revenge until I succeeded in abducting her, but in turn out, I fell for her. Sino ka nga ba talaga Michaela Clementon? Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinabi niya. Matapos ng may mangyari sa amin five years ago doon ako kinutuban na hindi nga talaga siya si Diane pero wala pa rin akong lakas ng loob harapin ang katotohanan. Pinili kong tumakas pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng katotohanan. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang business partner ko sa Pilipinas na nahuli na raw si Mackenzie Cruz at kailangan kong umuwi upang sampahan siya ng kaso pagpatay sa kuya ko. Sa wakas makakamit ko na rin ang tagumpay ngunit nagimbal akong makita ang larawan na kasama niya si Diane. She is not the woman I love. The Diane in the picture has long blonde hair with a spoiled brat aura, and the woman I know has an innocent look with gleaming
Yumuko ako at nagmamakaawa kay Macky at ate Diane. "Please, huwag niyong idamay ang anak ko." Pakiusap ko sa kanila. Ngumisi si Macky at tinitigan si Raffy. Akmang lalapitan niya ito ng biglang kinagat ni Raffy ang lalaking may hawak sa kanya at nabitawan siya. Mabilis siyang tumakbo pero si Macky hinila niya ang baril sa tagiliran ng lalaking kasama niya. Hindi na ko nagdalawang isip pa at sinipa sa maselang bahagi ang lalaki may hawak sakin at tumakbo kay Raffy. Kasabay noon ang lakas ng putok ng baril at unti-unting lumabo ang aking paningin. "M-Mommy!" Umalingawngaw ang iyak ni Raffy sa garden at mabilis na dumating ang mga magulang ko. Bago ko pa makita ang buong pangyayari tuluyan nang bumigat ang talukap ng mga mata ko. I can give all for my little angel, even my life; I can surrender it for his safety. —Mabigat ang katawan ko ng magising ako. Lahat sa paligid ay puro puti at naramdaman ang maliit na ulo na nakadagan sa tiyan ko. Pagyuko ko si Raffy pala ang natutulog sa ta
Hindi ako makatingin ng diretso kay ate Diane. Mula ng pagdating niya kagabi hindi na siya umalis. Buti na lang mahaba ang pasensya ni mama at hindi siya pinapatulan pero si papa mukhang punung-puno na."Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong niya kay ate Diane habang tahimik kaming nag-aagahan sa dining room. "Bakit Pa, bawal na akong pumunta sa inyo?" Tumawa siya na ikinagulat ni Raffy at yumakap sakin. Tinaasan siya ng kilay ni Diane. "Hello little kid, you must be Raffy. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang mga Jones?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mas lalo akong nagulat ng makita siyang naluluha na para bang may dinaramdam. "Alis na po ako." Biglang sabi niya at diretsong lumabas ng pinto. "Mukha may problema siya, hon." Sabi ni mama kay papa. Tumikhim lang si papa at umiling. Bumuntong hininga ako habang pinagmasdan si Raffy. Wala ngang duda na kamukha niya si Rafael. "Hayaan na lang natin siya. May tumawag sakin kanina. Naghiwalay na daw sila ng boyfriend n
Hindi ko ubod akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Nakangiti ang mama at papa ko habang nagtatago sa likod ng puno. Akala ko noon hindi na muli silang magkakaayos pero heto ngayon, masaya na muli kami bilang isang buong pamilya. Ngumiti ako hanggang nakita ko ang batang bersyon ni Rafael. Kahit wala na akong narinig tungkol sa kanya umaasa pa rin akong balang araw makikita niya ang anak namin."Granny, I can see you," Matunog na tawa ang binitawan ng aking anak na si Raffaello. Umiling ako. Kung gaano kasungit si Rafael ganon naman ang kabaligtaran ng anak namin. Masayahin siya pero sobrang pilyo. "Mommy! I caught lolo and lola," Masaya niyang sabi habang tumatakbo papunta sakin. Ngumiti ako at niyakap siya."Are you hungry?" Tumango siya. "I want fried chicken!" sigaw niya habang lumulundag."Nakakapagod nang makipaglaro sa apo natin ngayon," bulong ng papa ko sa mama ko pero rinig namin ang mga reklamo niya."Lolo!" maktol sabi ni Raffaello. "Raffy, don't shout to your
Halos dalawang linggo akong nananatili sa ospital dahil na rin sa request ni mama. Minsan natatawag ko pa rin siyang Ginang Letisha at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Dapat kasi pinilit ko na lang na operahan na lang ang braso ko at taihan para magaling na agad. "Ang lalim ng iniisip mo." Bulong ni Rica sakin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siya."Ano sa tingin mo?" Nagkibit balikat siya at kinuha ang bag sa kama."Sa tingin ko. Magpagaling ka muna bago mag-isip ng kung ano-ano. Tignan mo nga may sling pa rin ang braso mo. Kailangan mo pa daw magpahinga pero bakit ganun?" Kumunot ang noo ko sa biglang pagtataka niya."Anong ibig mong sabihin?" Lumapit siya sakin at tinignan ang braso ko."Di ba naka schedule ka para maoperahan. Bakit iniba nila kahapon? Bilin pa ng doktor na dapat hayaan na lang daw maghilom tapos dapat puro gulay at prutas na lang ang kainin mo. Pati mga gamot mo tinanggal." Lalo akong napaisip sa sinabi niya. Bago
Bumigat ang pakiramdam ko at hindi makatingin kay ate Diane. Ang mga tingin niya ay makahulugan at nanonoot parang may alam siya na napakahalaga. "Bakit hindi ka makasagot?" Taas kilay na sabi niya. "Alam mo bang na-kidnap ako?" Tanong ko. Nawala ang ngiti niya sa labi at tumingin sa malayo. "Bakit ikaw naman ngayon ang hindi makasagot?" Umiling siya at lumapit sakin. "Sa huling balita ko tungkol sayo, nag-enjoy ka naman dito." Tumawa siya ng malakas. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko. "What?" Sita niya ng hindi ako makasagot. "Michaela, thank you." Dagdag niya at tuluyan ng naglakad papunta sa kotse nila. Nakatitig lang ako sa kanila at pinaandar na nila ang kotse. Ilang pulgada palang ang layo nila sakin ng biglang may dumating na mga pulis at hinarang sila. "Diane at Mildred Clementon, iniimbitahan namin kayo sa prisinto. May karapatan kayong manahimik at kumuha ng inyong abogado. Lahat ng sasabihin niyo ay maaaring gamitin laban sa
Tahimik lang ako nakamasid sa bintana habang tahimik na nagmamaneho si Lance. Nadaanan namin ang karatula ng villa Letisha at hindi ko mapigilan maluha. Hindi man lang ba ako magpapaalam kay Rica at Ginang Letisha?"Lance," Tumingin sa rearview mirror si Lance. "Pwede ba muna akong magpaalam sa kaibigan kong si Rica." Huminga siya ng malalim at hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Lumingon siya sakin."Saan ba siya nakatira? Akala ko bang magkasama kayo sa bahay na yun? Bakit lalaki ang kasama mo roon?" Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin. Ngayon ko lang napansin ang gamit niya sa passenger seat. "Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Huwag mong sabihin sakin matapos mo akong makausap kahapon agad ka nang nag-book ng flight pabalik dito sa Pilipinas?""Hindi pa ba obvious. Kausap pa lang kita kahapon agad na akong nag-book ng flight. Lalo na delikado ang buhay mo." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi pero malinaw ko pa rin itong naintindihan."Anong alam mo?" t