Thank you so much, sa mga nagbabasa at nag-subscribe nito. Patuloy n'yo po sanang subaybayan ang kwento ni Arrianne at Danny. Don't hesitate to leave a comment. Pa rate na rin po sana... thank you.
Naibuka ko ang mga palad ko. Mas lalong nanigas ang katawan ko habang walang kurap na nakatitig sa mukha ni Sir Danny. Gusto kong iangat ang kamay ko para sampalin siya pero hindi ko magawa. Parang ang bigat ng mga kamay ko. Hindi ko maigalaw. Inikot niya ako kasabay ang paghakbang. Animo'y magkahinang ang aming mga labi at hindi mapaghiwalay. Malapit na magsara ang mga mata ko. Hindi dahil sa sarap, kung hindi dahil sa malapit na akong maubusan ng hininga. Diniin niya ako sa lamesa at akmang ihihiga na. Ramdam ko na ang..."Aray!" hiyaw ko, nang bumagsak ako sa sahig. Napakurap-kurap ako nang makita ang puting kisame ng kwarto. Nakapa ko ang dibdib. Kapos pa rin ang paghinga ko. "Bangungot..." nasabi ko. Muntik na akong mamatay sa halik ni Sir Danny. Pastilan! Mas gusto kong mamatay sa sakal, kay sa mamatay sa halik niya. Dahan-dahan akong tumayo. Ang sakit ng balakang ko. Nabalian yata ako. "Arrianne," kalampag, ang sunod sa pagtawag ng pangalan ko. "Akin na ang susi," rinig
"Tanga mo talaga kahit kailan!" singhal niya, kasabay ang marahas na paghila sa akin. Hawak ko na ang dibdib at walang paki' sa narinig na salita mula kay Sir Danny.Dumungaw ako sa balcony, at mangiyak-ngiyak na tumingin sa kaniya. "Muntik na nga akong mahulog, Sir. Pagagalitan mo pa ako. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit iyon nangyari." Pinahid ko ang luhang namuo sa mga mata ko. Hindi ako naiyak dahil sa sermon niya. Naiyak ako dahil sa kabang naramdaman sa muntikang pagkahulog dahil dito sa boss ko. Ngayon siya pa ang galit. Dumikit nga sa akin iyong alaga niyang naninipa ng puson. "How dare you blame me!" duro niya ako. "Sino po ba dapat ang sisihin ko, Sir? Ginulat mo po ako. 'Tsaka bakit po ba kayo galit?" Nagawa ko talagang magmaktol kahit hindi na nga halos maipinta ang mukha nitong boss ko. "You have no right to blame me for your stupidity!" sikmat niya. May kasamang duro at dilat na mata.Sumimangot ako at matiim na tumitig sa kaniya. "Lahat na lang ng parte ng
"Ronan, ano ba ang problema mo?" irita kong tanong. Kanina pa 'to. Nakakainis na. Hindi ko alam, kung nagseselos ba siya o talagang na nanadya. "Kalma, Anne... hindi ko naman aawayin si Joel," ngising saad niya. "May itatanong lang ako."Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nakangisi nga siya habang nakatingin kay Joel, pero mga tingin naman niya, mas matalim pa sa tingin ni Sir Danny. "Ano ba kasi iyang tanong mo, at kailangan pa talagang humarang sa daanan namin?!" Bakas ang inis sa boses ni Joel. Naghahanap talaga ng gulo itong si Ronan. "May kapatid kang babae, Joel?" biglang tanong ni Ronan. "Suss... akala ko naman kung ano! Iyan lang pala ang itatanong mo, pinakaba mo pa ako." Hinampas ko ang balikat niya. "Walang kapatid 'yan. Gaya ko nag-iisang anak din siya," ako na ang sumagot. Mukhang walang balak kasi si Joel na sagutin ang walang kwenta niyang tanong. "Ah... nag-iisang anak." Tumango-tango siya habang sinasabi 'yon. "Bakit mo ba tinatanong?!" Bakas pa rin sa bose
"S-sir..." Hinarang ko ang mga kamay ko at pumikit ng todo. Another harassment na naman itong ginawa sa akin ni Sir. "Oo, maganda ka nga. Amoy suka naman. Ang asim mo, dugyot talaga!" Dumilat ako, kasabay ng pagbitiw niya. Nakangisi siya, pulang-pula ang mukha. Parang nakainum na naman. "Sa tingin ko, Sir Danny, hindi suka ang nasinghot mo, kun'di tuba! Ayan oh, ang pula mo!" Turo ko ang mukha niya. Kaagad nagsalubong ang mga kilay niya at naubo. Sekretong inamoy ko ang sarili. Amoy suka nga! Kakahiya panay yakap pa namin sa akin si Joel kanina. Sumimangot ako. Nakakaloko naman ang ngiti ni Sir."Ang swerte ni Joel— " "Oo talagang ma-swerte siya dahil maganda na nga ang girlfriend niya, may bunos pang suka. Two in one!" Putol ko sa panglalait niya sana. "Kayong dalawa! Hindi ba talaga matigil ang bangayan ninyo?" Si Sir Dante ang nagsalita. Hindi ko napansin na dumating na pala siya. Siguro dumating siya no'ng nakapikit ako. "Magandang gabi po, Sir Dante." Bahagya akong yum
Napatulala ako matapos maputol ang tawag ni Joel. Sino 'yong babaeng narinig ko? May tiwala ako sa kan'ya, pero hindi ko pa rin maiwasan ang magduda.Kiniling ko ang ulo. Ginugulo ko lang ang utak ko. Ayokong pag-isipan ng masama si Joel. Alam ko, may dahilan at may tamang paliwanag.Sandali akong naghintay ng tawag niya, pero wala na talaga. Sinubukan ko rin na tawagan siya pero nakapatay na ang cellphone niya. Napabuntong hininga na lang ako. Matamlay akong humiga. Pinilit kong alisin ang pagdududa. May dahilan si Joel, alam ko. Bukas tatawag siya at sasabihin kung bakit naputol ang tawag. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. ***Nagising ako sa tunog ng cellphone. Kaagad akong bumangon at dinampot iyon. "Joel," sabi ko. Pupungas-pungas, pero gusto ko nang marinig ang paliwanag niya."Good morning, my love," malambing na boses ang bungad nito sa akin.Hindi ako tumugon. Paliwanag ang gusto kong marinig at hindi lambing. "Hello, my love... 'andiyan ka pa ba?" Bumuntong-
Tumayo si Sir Danny at ngumisi. Ang talim pa ng tingin. Para tuloy akong natuod sa kinatatayuan ko. Akala ko pa naman mag-enjoy kami ni Nanay, hindi pala. Kasama pala itong boss kong buang."Nay... hindi na lang po kaya ako sasama," pabulong kong sabi. "Hindi sasama? At sino ang gusto mong magbuhat ng mga bibilhin namin, si Nanay?" Nasa tapat na ng kotse si Sir Danny. Pero lakas pa rin ng pandinig niya o nabasa yata ang galaw ng bibig ko."Hindi ko naman, po sinabing si Nanay ang magbubuhat... nandiyan nga po, kayo, Sir... " Yuko-ulo kong sabi. "Halika ka na, Arrianne," aya ni Nanay. Hinila pa ako. "kanina may pa talon-talon ka pa. Ngayon inarte ka na. Hala, pasok..." Nasermonan pa tuloy ako. Tahimik akong umupo sa tabi ni Sir Danny. Lumaki kasi ang mga mata niya kanina nang akmang tatabi ako kay Nanay. Kaya wala akong choice, kun'di magtiis na katabi na naman siya. "Nay, kakain na kaya muna tayo." Panaka-nakang sulyap ang ginawa niya sa rare-view mirror para tingnan si Nanay."Ika
Sir Danny tightened his grip on my hand and gently faced the woman, habang ako tulalang napatitig sa magkahawak naming kamay. Nag-angat lang ako ng tingin nang marinig ang tawa niya. "Danny, many years have gone, but you still haven't moved on?" sabi ng babae, kasabay ang pag-iling. Mapang-asar din ang ngiti niya. 'Yong tipong pinu-provoke niya si Sir Danny.Hindi naman nagpatalo si Sir, mapang-asar din ang tawa niya na nagpahalukipkip sa babae at bumakas ang inis sa mukha."I've moved on, but I still hate you to my bones!" So the next time, just pretend na hindi mo ako kilala dahil baka hindi ko na mapigil ang sarili na isumbat lahat sa'yo ang ginawa mo!" Walang prenong sabi ni Sir. Matalim na tingin ang iniwan niya sa babae na hindi na nagawang magsalita. Tahimik kong sinundan si Sir Danny habang hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang sa makalabas na kami ng coffee shop. His acting cool ka kanina. May patawa-tawa pa, pero 'yong klase ng paghawak niya sa kamay ko ay malaking patun
Kahit anong pagmamatigas at pagpigil ko ay sapilitan pa rin akong hinila ni Sir Danny papasok sa pinto. "Sir... " tili ko nang sumalubong sa akin ang napakadilim na silid. Kaagad akong yumakap sa kan'ya. Talagang diin na diin ang mukha ko sa dibdib niya. Bahala na kung bahala, pero wala akong paki' kung ano man ang isipin niya. "Sir Danny, ayoko rito... ilabas mo na ako, Sir, please..." Pikit-mata kong paki-usap habang yakap pa rin siya. Mahigpit na mahigpit. Daig ko pa ang girlfriend na naglalambing sa klase ng pagyakap ko. Alam kong gulat siya. Nanigas nga kasi ang katawan niya, ni hindi nga ako nagawang itulak o kalasin man lang ang kamay kong mahigpit na lumingkis sa baywang niya. Tingin ko nga, napigil din niya ang paghinga."Sorry... Joel, sorry," nasambit ko na may kasamang paghikbi. Feeling ko nagtaksil ako, nagkusa akong yumakap sa lalaking laging galit sa akin."Arrianne... L-let go of me..." matapos ang mahaba-habang paninigas at pananahimik ay nagawa niya ring magsalita
" 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko
"Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.
"Aso nga, asong ulo!" gigil na sabi ni Nanay.Saka niya hinarap ang lalaking tinawag niya na asong ulol. Matalim ang mga titig niya at hindi pa kaagad nagsalita. " 'Wag mo akong matawag-tawag na mahal dahil matagal ka nang may ibang mahal," sikmat ni Nanay, duro niya pa ang matandang aso. "Teka nga lang!" awat ko sa dramang nagaganap. Hinarap ko si Maribel. "Maribel, sila ang sinasabi mong mga aso na humabol sa'yo?" Tumango siya. "Sila nga, Ate." Kilala n'yo pala sila?" tanong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo. "Pasensya na po, akala ko kasi mga baliw."pahapyaw na tawa ang narinig ko mula kay Danny, na bakas ang inis kay Maribel. "Tinawag pa kita, Maribel, pero tumakbo ka pa rin." Napapailing pa siya. "Kung hindi ka sana tumakbo no'n. Noon pa sana naayos ang lahat," dagdag niya pa. "Pasensya. Kayo kaya ang sigawan ng taong hindi kilala at mukhang baliw? Hindi ba kayo tatakbo?" iritang tugon din ni Maribel. "Pero teka nga lang, bakit n'yo ho ba ako kilala?" Napakamot uli siya sa u
Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!" "Galing mo, nawala lang ako sa buhay niya, pumasok ka agad! Nakaabang ka lang palang hayop ka!" Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Talagang iniisip niya n papatol u
Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa ni baby. Ngayon napaka-bungisngis na. Tatlong buwan na kasi siya, kaya marunong nang maglaro. Kahit lagi akong puyat sa pag-aalaga sa kanya. Masaya pa rin ako. Bawing-bawi ang pagod ko dahil nag-uumap
"Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masayang mukha ni Mama ang bumungad sa akin pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti ako pero napangiwi nang makaramdam ng pananakit sa tiyan ko. "Masakit, Ma," sabi ko. Kapa ko na rin ang tiyan ko. "Ang baby ko po, Ma?" tanong ko at akmang babangon." 'Wag ka munang bumangon, Anak, baka bumuka ang sugat mo," pigil ni Mama. Hinawakan niya ang balikat ko at inayos ang kumot ko. Napangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan si Mama. Talagang ang saya kasi niya. Hindi pa rin nawala ang ngiti. Syempre, lola na kasi siya. "Maayos ang baby mo. Nasa nursery. Nando'n nga silang lahat. Hindi na magsawang tingnan ang baby n'yo ni Danny.""Napangiti ako pero kaagad din namang napalis ang ngiti ko. Nakaramdam kasi ako ng lungkot at awa sa baby ko. Sinilang ko ba naman siya na hindi man lang namin kasama ang Daddy niya. Kainis din ang Danny na 'yon. Ang tagal matauhan. Imbes na siya ang nataranta kanina nang pumutok ang panubigan ko, si Felly tuloy ang halos pumuto
"Bingi ka na nga," maagap kong tugon, kahit medyo nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Masyado yata talaga akong nag-focus sa tanong ng mga bata na pati ang pagdating ni Joel ay hindi ko napansin. "Sabi ko nga." Napakamot na lamang siya sa ulo pero may ngiti naman sa labi. Kaagad niya ako'ng inalalayan nang akmang tatayo na ako. Kanina pa nga ako nakaupo. Medyo masakit na ang balakang ko. May kunting kirot na rin akong nararamdaman sa tiyan.Normal lang naman siguro ang pananakit ng balakang at tiyan kapag malapit nang manganak. Kaya nga kami lilipat muna sa lumang bahay. Sabi rin kasi ng doktor na hindi dapat pakampante, baka mapa-aga o lumampas ang panganganak ko sa expected naming araw. "Alis na ba tayo, friend—' sabi nito. Ang sarap niya rin batukan. Parang hindi manloloko. Kahit pa mukhang matino na naman siya, 'yong label na siya mismo ang naglagay sa mukha niya, hindi pa rin nabura. Maliban na lang kung talagang mapapatuyan niya sa mag-ina niya na talagang nagbago na siya.
Mapakla akong tumawa. "Talaga bang wala ka na sa katinuan, Joel? Sa tingin mo, papayag ako sa kahibangan mo? Hindi ako desperada na muling patulan ang lalaking nanakit at nanloko sa akin noon! Kahit maghirap pa ako ng todo, hindi ko gugustuhin na muli ka pang makapasok sa buhay ko!"Paulit-ulit na pag-iling ang tugon ni Joel. Nanlaki rin ang mga mata dahil sa pagtaas ng boses ko. Napasilip na rin sina Mama at Maribel sa amin. "Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Sorry, Anne. Huminahon ka nga muna," sabi nito pero na sa Mama ko ang tingin niya.Kita ko pa ang pag-iling ni Mama, pero maya maya ay pumasok na rin sila ni Maribel. Gano'n naman lagi siya. Hinahayaan niya lang na ako mismo ang umayos sa gulo o sa problema ko. Ang lagi niya lang ginagawa ay gabayan at paalalahanan ako. Siya ang taga bukas ng isip ko upang makapag-isip ng tama. Hindi siya basta nanghihimasok sa problemang may'ron ako. Lalo't alam naman niya na kaya ko namang ayusin na ako lang. "Kumalma ka naman muna, Anne ..
Sabay kaming napalingon ni doktora nang magbukas ang pinto. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang tigas din talaga ng bungo ni Joel. Hindi na tinatablan ng hiya. Hindi ko napigil ang pag-iinit ng ulo nang makita siya na sumilip mula sa labas ng pinto ng clinic. Kaagad niya rin na sinara ang pinto nang makita ang matalim ko'ng tingin. Bukod sa inis nga ako sa panay na paglapit niya sa akin. Mas lalo pa ako'ng nainis dahil madalas na siya'ng napagkakamalan na asawa ko. Tuwing check up ko kasi ay sumasama siya. Kahit anong pagtataray pa ang gawin ko ay hindi tumatalab. " 'Wag kalimutan ang mga bilin ko, Misis ha," sabi ng doctor kasabay ang pag-abot sa akin ang reseta."Opo, Dok." Tinanggap ko ang reseta kasabay na ang pagtayo ko. "Maraming salamat," dagdag ko pa bago tinungo ang pinto. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito, Joel?" irita kong tanong nang datnan ko siyang nakatayo sa labas ng clinic. Hinintay niya pa rin talaga ako kahit alam naman niya na galit ako. Matapos kasi no'ng ara