"Pasensya na po, Sir..." pahapyaw kong paghingi ng pasensya. "Tara na, Joel." Nauna na akong sumakay. A deep sigh came out nang makaupo ako. Gusto ko pa sanang magpaliwanag. Pero naisip ko, may mali rin naman talaga ako. Personal na gamit niya ang pinakialaman ko. kaya tanggapin ko na lamang ang galit niya. Sa tipo rin kasi niya na sobrang sungit. Aksaya ng laway, aksaya pa ng oras, ang magpaliwanag. Pareho pa rin ang resulta. Galit pa rin siya. Binubuhay na ni Joel ang makina. Pero biglang pumasok si sir. Walang imik. Basta na lamang siyang pumasok at pabagsak na sinara ang pinto. Kita ko pa ang paggalaw ng panga ni Joel. Akmang magsasalita na, pero inawat ko na lang. Nagsenyas ako na huwag na lamang pansinin. Ang hirap talagang intindihin ang ugali ng taong ito. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Mapapakuyom ka na lamang ng kamao at mapapamura ka na lamang ng sekreto.Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makatulog nga ako. Hindi ko alam kung may nangyaring bangayan ba hab
Matapos ang nakakagulat na sinabi ni Sir Danny. Agad na rin itong umalis na walang paalam, kahit kay Nanay.Talagang nakakagulat. Sa apat na buwan na nagtrabaho ko rito sa mansyon ay silid lamang ni Sir Danny ang hindi ko nakita at napasok, dahil ayaw naman niya ng bulaklak. Ayaw niya na maglagay ako ng bulaklak, dahil pambabae lang daw iyon. Bakit si Sir Dante, gusto ng bulaklak sa kwarto?Sa bagay iba nga ang utak ni Sir Danny. Bakit ngayon biglang nagbago? Siguro nasobrahan siya ng bagsak kagabi. Naalog ang utak. Pati tuloy si Nanay, nagulat sa akto ni Sir Danny. Pero wala naman siyang sinasabi. Basta naipunas niya lang ang basahan sa mukha niya. Muntik pa nga niyang makagat. Mabuti na lamang at nakita ko. Naawat ko ang nakakadiring gagawin niya. Nanay talaga.Matapos kong kumain. Bumalik na rin ako sa hardin. Namitas ng mga bulaklak para sa silid ni Sir Danny. Rosas at lily ang maraming bulaklak kaya iyon ang pinitas ko. Marami-rami rin akong napitas kaya dalawang vase ang nilagy
Mapakla akong ngumiti kay Sir Danny. Habang siya nagtagis ang mga ngipin. Tingin ko nga, gusto na niya akong isawsaw sa inidoro. "Sir Danny, pasensya na po, madaldal nga po ako. Peace."Dahan-dahan akong naglakad pa-atras habang yakap ang flower vase at naka-peace sign kay Sir Danny. Paulit-ulit nasapo ni Nanay ang noo. Habang si Ate Mercy, pigil ang mapahagikhik.Kaagad akong pumasok sa kwarto. Hinugasan ang stalk ng mga bulaklak, at nilagay ulit sa flower vase. Pinatong ko iyon sa bedside table. Sayang naman kasi kung itapon. Naligo na rin lang ako nang mabawasan ang pag-iinit ng ulo. Talagang consistent ang paninira ng araw ni Sir Danny. Simula pa kahapon hanggang ngayon. Pero okay na, dahil pareho nang sira ang aming araw ngayon. Kala niya masisindak pa ako sa mga pagsusungit niya. Hindi na oy!Ewan ko ba, pinipilit ko namang iwasan siya, kaya lang lagi pa rin nagtatagpo ang landas namin. Ayos lang sana kung dito lang sa bahay. Pati ba naman sa araw ng day-off ko. May kalahi yata
"Ladies first," Sir Danny remarked mockingly. I scowled at him while putting on a smile. "How thoughtful of you, Sir Danny, but you must take the lead, and your humble gardener will follow.""Ano ba, Danny! I don't have all the time, para panoorin ang bangayan ninyo!" Sir Dante snorted.Walang nagawa si Sir Danny, kun'di ang maunang lumapit sa Daddy niya na hindi na ma-drawing ang mukha. Habang ako nanatiling nasa likod niya nagtatago. Mindset ba, gawing shield ang kaaway, para siya ang unang tamaan. Para hindi rin tablan ng nanlilisik na mga mata ni Sir Dante. "Stay there, Arrianne," turo niya ang malaking couch na nasa likuran ko. Yumuko lamang ako bilang tugon. "Sit down, Danny," mairing utos nito sa anak na matigas ang ulo. Pabagsak itong umupo."What is it, Dad? Is this about what happened yesterday?" bagot na tanong nito. "No, Danny, this is about you wasting your life; how long are you going to do this?" I'm not getting any younger, and neither are you, so please get back t
"Sir Danny, naman! Bakit mo nilasing?" maktol ko, nang makitang wala na sa katinuan si Joel. Panay ngisi na. Nakakainis, sayang ang paganda ko. Lasing pala ang madadatnan ko."Anne..." tawag nito sa pangalan ko, kasabay ang pagsinok at pagtawa. Parang tanga!"Pambihira ka naman, Sir Danny! Ito ba ang sinasabi mo na, you will keep him company?! Nilasing mo! Kainis ka, sayang effort ko... bad influence ka talaga!" padabog kong nilagay sa table ang tray ng meryendang dala ko. Walang imik at kibit balikat lang ang tugon ni Sir Danny, sa mga pagdadabog at reklamo ko. "Umayos ka nga, Joel! Isa ka rin, sabi mo hindi mo kailangan ang pampalakas loob, ano na? Lasing ang labas mo!" irita kong sabi. Nakapagsermon pa ako ng wala sa oras.Sinamaan ko ng tingin sa Sir Danny na tahimik pa rin habang kinakain ang sandwich na para sana kay Joel. "Kasalanan mo talaga ito, Sir!" duro ko ang boss kong wala man lang paki. "Joel naman kasi, alam mo naman na madali kang malasing. Nangako ka pa noon na hi
"See you in my dreams? Mukha mo! Kung sino ka mang loko ka, bangungutin ka sana." Wala akong planong makipagkita sa kahit sino, ni sa panaginip. Syempre, bukod kay Joel. Siya lang at wala ng iba. ***Alas-onse ng umaga ang usapan namin ni Joel na susunduin niya ako for our lunch date. Syempre nag-handa ako ng bongga today. Madaling araw pa lang binisita ko na ang hardin at ginawa ko na ang mga dapat gawin. Nakahanda na rin ang dress na isusuot ko. "Arrianne," tawag ni Ate Sonia at Ate Sally. Biglang sulpot sa kwarto ko ang dalawa. "Oy, ano ba kayo, nakakagulat!" Kapa ko ang dibdib. Katatapos ko lamang kasi magbihis."Bilisan mo na diyan. Nasa hardin na ang prince charming mo kausap si Sir Danny," sabi ni Ate Sally. Na sumilip pa sa bintana.Agad kumabog ang dibdib ko. Baka ano na naman ang ipapa-inum ng sira-ulo kong boss kay Joel. Dali-dali akong nagsuklay, ipinusod ang buhok at naglagay ng lip and cheek tint. "Effortless, ganda!" bulalas ng dalawa. Suot ko ang blue floral button-
What is the matter with him? Is he not aware that I can feel his bulge? Or did he really intend to press it on me? The sensation prompted all of my body hair to stand up. I simply moved my a$$ away.I held onto his arms, which were still clutching my upper chest. His hot breath is rubbing across my nape. Every hair on my body sprang even more when he stroked his lips across my neck. Nataranta ako. "Ahmm... Joel, ano kasi... masakit tiyan ko. Hatid mo na ako, please," pagkukunwari ko, just to get free of his hug. I also took his still-circling hands from me, saka ako humarap sa kaniya."Hatid mo na ako, please, sakit talaga." Para akong batang nagmamakaawa.I clenched my lips as I saw him smile."Cute mo talaga," ngising sabi niya. He squeezes my cheeks gently and slowly moves his face closer to mine. Tinampal ko ang noo niya. Para-paraan kasi, gusto agad maka-isa. No, hindi pa pwede. Wala pa ngang biente-kuatro oras na naging kami, gusto agad matikman ang labi ko. Talagang malandi pa
Halos malaglag ang puso ko, hindi dahil sa halik ni Joel, na malapit na sanang tumama sa labi ko, kung hindi, dahil sa kung sinong tarantadong kaskasiro na bumangga sa kotse ni Joel. "What the fuck?" Joel exclaimed furiously. Kaagad siyang nagpunta sa likod ng kotse. Sumunod na rin ako habang kapa ang dibdib. Mabuti na lamang at hindi na ako nakasandal sa kotse. Tinangka ko na kasi ang umiwas mula sa pagdiin sa akin ni Joel. Kung nagkataon kasi na nakasandal pa ako, siguradong masasaktan din ako. Napasabunot si Joel sa sariling buhok nang makita ang basag na tail light. "Lumabas ka riyan, gago!" pigil na sigaw nito. Paulit-ulit niyang sinipa ang gulong ng kotse ng kaskasirong driver na hanggang ngayon hindi pa lumalabas mula sa kotse niya. Sayang ang kotse, kabago-bago sira na agad. Kaskasiro kasi ang may-ari. Maya maya, nagbukas ang pinto ng kotse. Unang lumabas ang paa ng driver na akmang susugurin agad ni Joel. Pinigil ko lang. "Sir Danny?" nalaglag ang balikat ko, habang tan