Napako ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko na nga magawang umatras. Hinayaan ko lang siyang lumapit ng husto sa akin, sa punto na halos magdikit na ang mga mukha namin. "Manhid?" tanong ko, matapos ang sandaling pananahimik. "Pinagsasabi mo, Sir? Ang issue natin ay tungkol sa pagdala mo sa akin dito na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha kung ano ba talaga ang dahilan mo!" Bahagya ko siyang tinulak matapos sabihin 'yon. Pero hindi siya natinag kaya ako na lang ang umtras. Nakakatunaw na rin kasi ang titig niya. "Oo, 'yon nga ang issue ... pero dahil sa manhid ka nga, kaya hindi mo pa rin makuha ang totoong dahilan kung bakit kita dinala rito," may diin niyang sabi kasabay ang paghakbang palapit sa akin. "Kita mo nga 'yan." Turo niya ang balikat ko. "Sa sobrang manhid mo, pati hapdi ng balat mo, hindi mo na ramdam." Nakakalito na talaga to si Sir. Panay iwas sa akin. Pero ngayon, gustong-gusto namang dumikit sa akin. "Ako manhid?" tanong ko, habang turo ko ang sarili. "Ako pa
DANNY POVPaulit-ulit na pag-ubo ang naging tugon ni Arrianne sa sinabi ko. Tapik niya rin ang dibdib at ang mga mata ay hindi na maperme. Halatang ayaw na niyang salubungin ang mga titig ko. Sigurado akong nag-iisip na naman siya ng palusot. Pero talagang kanina ko pa napapansin na may iba na nga siyang nararamdaman. Hindi ako sigurado kung hiya, kilig o naiilang lang siya. Basta pakiramdam ko ay ramdam niya ang mga pasaring ko. Pero ang tigas nga niya. Kahit may nararamdaman na, pinipilit pa rin niyang takpan. She was hurt by that jerk Joel once, so I can't really blame her for acting this way now. Alam kong nais lamang niyang iwasan na masaktan at mahulog muli sa isang taong mapagpanggap kaya pinili niyang maging matigas at manhid."Ayos ka lang ba, Arrianne?" tanong ko. Hinaplos ko rin ang likod niya. Pero kaagad siyang lumayo."Ayos lang po ako, Sir ..." tugon niya, kasabay ang paminsan-minsang pag-ubo. "Sigurado ka? tanong ko ulit at akmang hahawakan siya. "Ayos nga lang po a
ARRIANNE POVAng OA ... 'yon ang nasa utak ko, habang nakikinig sa mga sinasabi ni Sir. May pa iyak-iyak pa talaga siyang nalalaman. But why can't I stop myself na makaramdam ng kilig. I feel the sincerity in every word he uttered. Damang-dama ko dito sa puso ko ang mga sinasabi niya. Pero kahit na ganito na ang nararamdaman ko. Kahit lumulundag-lundag na ang puso ko at parang may kumikiliti na sa kaibuturan ko. Hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba. Totoo ba? Totoo nga ba talaga ang sinasabi niya? Baka kasi mapagtripan na naman ako at mangyari na naman sa akin ang ginawa ni Joel. Nakakatakot na magtiwala at magmahal. Habang tahimik ko siyang pinagmamasdan na nagsasalita. Nag-flashback lahat sa utak ko ang mga ginawa niya para akin noon. 'Yong mga aksidenting naglapat ang mga labi at katawan namin at 'yong mga araw na bigla na lang siyang sumusulpot sa lugar kung nasaan kami ni Joel. Coincedence lang ba 'yon o talagang sinusundan niya kami? "Mahal kita, Arrianne ... pero kung talaga
DANNY POVAyoko ko na sanang sagutin ang tanong ni Arrianne, tungkol sa kung ano ang totoong parusa sa pagdaan sa main door. Nakakahiya kasi. Pero naisip ko rin naman na kailangan niyang malaman para maiwasan na rin ang hindi pagkakaintindihan.Sa utak mayro'n nga kasi itong 'Be ko, hindi malayong mag-isip nga siya ng masama. Baka mapurnada pa ang masayang sandali ng buhay ko. Nagsisisi tuloy ako, kung bakit 'yon pa ang naisip kong gawing parusa. Sa pag-aakala na hindi na nga muling magbubukas ang puso ko sa kahit sinong babae ay naisip kong iyon ang gawing parusa para wala nang babae na basta-bastang makakapasok sa buhay ko. At kung may magpupumilit man ay panandalian lang. Isang gabi lang. Ngayon ko lang naisip na may kamanyakan din pala ako. "Ano nga ulit 'yon, Sir?" tanong niya. Napatikhim ako. Nakagat ko pa ang labi ko. "Danny?!" Galit na nga siya. Nagawa na nga akong tawagin sa pangalan ko. Ngumiti ako. Ngiting nanlalandi. Baka sakaling madala sa landi at hindi na ako awayin.
Walang kurap at maluha-luha ang mga mata ko, ngunit may ngiti naman sa labi habang nakatingin sa malaking salamin ng dresser. Maingat kong pinahid ang namumuong luha sa aking mga mata at ngumiti nang matanaw ang repleksyon ni Mama sa salamin. Kapapasok niya lang sa kwarto. "Ang ganda mo, Anak ... " Halik sa pisngi ang kasabay ng salitang 'yon. Muling namuo ang mga luha ko. Hindi ko talaga mapigil ang maging emotional sa mga oras na 'to. Syempre, matapos ang isang taon na malayo kami sa isa't-isa, heto at kasama ko na siya. Nahahawakan, nayayakap, at nahahalikan. Kaya ang saya ko. Umaapaw ang sayang nararamdaman ko. "Ano ka ba, Anak, 'wag ka ngang umiyak ... masisira ang make-up mo," nakangiting sabi ni Mama, ngunit siya man ay may luha din sa mga mata. Pinahid niya ang mga luha ko at umupo sa tabi ko. Sabay naming pinagmasdan ang sarili sa salamin at sabay din na napangiti. Pero hindi na namin magawang magsalita. Alam kasi naming pareho, oras na magbukas ang aming bibig ay sigurad
Sandali akong hindi nakakilos. Yakapin ka ba naman ng lalaking alam mong may gusto sa'yo simula pa lang pero walang lakas ng loob magtapat dahil takot matanggal sa trabaho. Bakit ngayon ay may payakap-yakap itong nalalaman? Hindi pa simpleng yakap ang ginagawa niya. Yapos na matindi. "Ronan, gusto mo bang matanggal sa trabaho?" may diin na tanong ng asawa ko. Rinig ko ang mapakla niyang tawa at may papisil pa talaga sa balikat ko bago bumitiw sa pagyakap sa akin, saka hinarap ang asawa ko na hindi maitago ang inis.Pero imbes na sumagot kaagad, nanghahamong ngiti ang tugon niya sa naiinis kong asawa. Anong kaartehan ba itong ginagawa ni Ronan? Ngayon pa talagang kasal na ako, saka pa siya nagkalakas ng loob na isiwalat ang nararamdaman niya."Sana nga po, pinili ko na lang na matanggal sa trabaho. Hindi mo sana ako nasalisihan kay Anne ..." halos pabulong, ngunit walang ligoy at kakurap-kurap na tugon niya. Napigil ko ang paghinga. Nahibang na. Talagang na hihibang na 'to Ronan. Hi
Nagising ako na wala ang asawa ko sa tabi ko. Kahit pagod at antok pa rin ako, pinilit ko pa rin na bumangon. Sandali muna akong naligo at nag-ayos ng sarili.Sinilip ko rin muna ang mga bata sa kwarto nila. Inaasahan ko rin kasi na nando'n ang asawa ko. Iyon kasi ang lagi niyang ginagawa. Hindi niya kinaliligtaan na silipin muna ang mga bata bago bumaba o magpunta sa trabaho. Pero wala siya do'n. Mahimbing din ang tulog ng mga bata kaya hinayaan ko na lang. Total wala namang pasok dahil linggo ngayon. Saan na naman kaya nagpunta ang asawa kong 'yon? Napangiti ako. Iniisip ko kasi na may pa surprise na naman siya sa akin. Lagi kasi siyang gano'n. Sa isang buwan naming pagsasama bilang mag-asawa. Walang mintis ang pagpapakilig niya sa akin. Lagi niya akong sinusurpresa. Kahit ano na lang ang ginagawa, mapasaya lang ang umaga ko. Kaya malamang naghahanda na naman 'yon ng magpapakilig at magpapangiti sa akin. Hindi pa man ako tuluyang nakababa. Kita ko na sila Mama at Daddy na nag-uus
Hindi ko na nagawang magsalita pa. Sobrang nabigla ako sa naging turan niya. Talagang hindi ko inaasahan na gano'n ang magiging reaksyon niya sa pagtatanong ko. Oo naging mainit din ang pag-approach ko sa kanya. Sino ba ang hindi mag-iinit, wala akong alam kung bakit siya umalis? Hindi ko alam kung anong problema. Hindi ko alam kung bakit naglalasing na naman siya.Ang hirap intindihin. Bakit sa isang iglap lang ay nabago ang ugali niya? Nanatili na lang akong nakatayo at pinagmasdan siyang padabog na pumanhik.Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko kasabay ng pabagsak na pagsara niya sa pinto ng aming kwarto.Nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo pero ang mga mata ko nasa ikalawang palapag pa rin. Hoping na muling bumaba ang asawa ko at mag-sorry. Pero sumakit na lang ang leeg ko kakatingala sa taas. Talagang hindi na siya bumaba.Sumama pa lalo ang loob ko. Nakakalito. Ano ba 'tong nangyayari sa amin? Napasabunot na rin ako sa sariling buhok at nasapo ang mukha. Ano ba an