ISANG MALALIM NA HININGA ang pinakawalan ni Marcus nang marinig ang garalgal na boses ng asawa. Mas lalo niya tuloy ramdam ang pagkamiss kay Luna.“Oo, uuwi ako,” tipid niyang sagot.“… Okay lang, kahit matagalan, I can wait. Basta umuwi ka lang sa'kin,” halata ang lungkot sa boses ni Luna.Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Pawang pinapakinggan ang hininga ng bawat isa. Kahit wala ng masabi ay patuloy pa ring nasa tenga ang cellphone, walang gustong tapusin ang tawag. Hanggang sa kusa nang naputol.Binaba ni Marcus ang cellphone saka napasandal sa pader na kahoy, kung sa'n ay matatanaw mula sa kinalalagyan niya ang malawak na taniman ng mga gulay.Mga magsasakang pinipiling bantayan ang mga taniman kaysa umuwi sa kanya-kanyang tahanan kahit pa malalim na ang gabi.Isang linggo na siya sa lugar matapos umalis sa kabilang bayan, at huling araw na rin niya ngayong gabi. Dahil bukas ay muli siyang lilipat sa katabing bayan para hanapin si Ramon. Na mas uncivilized at kakaunti lang a
Read more