All Chapters of Married to the Prominent Family's Adopted Son: Chapter 41 - Chapter 50

83 Chapters

Kabanata Cuarenta y uno

SA PAGMULAT NG MATA ay inakala pa ni Luna na nananaginip siya. Ang makitang katabing natutulog sa sariling kwarto ang asawa'y tila isang panaginip.Tila nagbalik ang mga araw na naro'n pa sila sa Cebu at magkatabing matulog. Pero mas higit na kasaya-saya ang tagpong ito na sa pagmulat ng mata'y ang mukha nito ang siyang unang makikita.Dahan-dahan ay inangat niya ang isang kamay upang haplusin ang pisngi nito. Gusto niyang siguruhin na totoo at hindi isang panaginip ang lahat.“Mabuti't gising ka na.”Sa pagkabigla'y natampal ni Luna ang pisngi ng asawa. Mabilis siyang bumangon pagkarinig sa boses ng Ina.Sa ginawa niyang ‘yun ay bigla na lang sumakit na may dalang kirot ang kanyang ulo. Naramdaman niyang gumalaw ang katabi hanggang sa tuluyang bumangon.“Ayos ka lang? Masakit bang ulo mo?” tanong ni Marcus kahit na dapat ay siya ang nagtatanong.“Anong nakain mo't naglasing ka kagabi?” ani Liliane na nakasandal pa sa hamba ng pintuan.Hindi nakasagot si Luna dahil sa kirot ng ulo san
Read more

Kabanata Cuarenta y dos

MAKALIPAS LANG NG ILANG MINUTO ay lumapit ang lawyer at may binulong kay Alberto.Iritado ang naging ekspresyon na pinuna agad ni Ramon, “Anong nangyayari?”“May kaunting aberya lang sa bahay.” Pinili ni Alberto na ‘wag ng ipaalam kay Ramon kung ano man ang sinabi ng lawyer.Pero hindi kumbinsido si Ramon at tinanong ang lawyer, “Ano ‘yun?”Nagkatinginan muna ang dalawa bago tuluyang sumagot si Alberto, “Pasensiya na, may dumating na pulis sa bahay at hinahanap ako. Ayoko sanang ipaalam ‘to dahil—”Bigla'y hinugot ni Ramon ang baril at itinutok kay Alberto. “Wala kang balak sabihin sa ‘kin? Bakit, may binabalak ka?”Mabilis ang taas ng kamay ni Alberto sinyales na wala siyang balak lumaban. “A-ayoko lang na masira ang magandang umpisa ng plano ‘pag nalaman niyong pinaghahahanap ako.”Matagal bago tuluyang ibaba ni Ramon ang baril. “Inaasahan ko ng kikilos ang Lopelion, pero mas maaga sa inaasahan ko. 'Wag kang mag-alala wala tayong dapat na ipangamba.”“Pero pa'no ‘pag hinuli nila ako
Read more

Kabanata Cuarenta y tres

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Luna para mapigilan ang nagaganap na meeting sa conference room.Napakawalang respeto na mag-appoint ng CEO ngayon habang ang kanyang Ama ay nasa ospital at wala pang malay. Isang malaking kabastusan para sa kanila ang ginagawa ng mga ito!Ang pagbagsak ng Ama ba ang hinihintay ng mga ito para makapagtraydor?Mga walang puso!Nagpupuyos siya sa galit at mabigat ang hakbang. Pagdating sa pintuan ay bigla na lamang siyang pinigilan ni Marcus. “Huminahon ka muna, masiyado kang emosiyonal,” sambit pa nito.Tumitig si Luna ng ilang segundo pero hindi niya maintindihan ang asawa. “How?! Pa'no ako kakalma kung—” At saka mariing pumikit.Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.May punto ang asawa. Kung hindi siya hihinahon ay mapupunta lang sa wala ang lahat.Ilang beses huminga nang malalim si Luna at nang sa tingin niya'y medyo kalmado na siya'y binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang gulat na mukha ng ilang chief-director at shareholder.Ngayon niya nasisigurong ang sh
Read more

Kabanata Cuarenta y cuatro

PANIBAGONG ARAW na walang kasiguraduhan. May kaba at takot para sa lahat ng malapit sa kanya.Iyon ang nararamdaman ni Luna pagpasok sa kompanya. Dahil may iba ng humahawak sa kompanya ng pamilya ay mas lalo niyang ayaw pumasok ngunit pinilit siya ng Ina at ni Marcus.Na hindi dapat siya sumuko sa laban dahil wala pang nananalo.Sa katunayan ay pwede nilang idaan ang lahat sa batas dahil wala sa proseso ang ginawang pag-appoint kay Alberto. Pwede nilang kontrahin ito at idaan legally kung hindi lang sila nangangamba sa kahahantungan kung malalaman ni Fausto ang nangyari sa kompanya.Pagtapak sa loob ay tinginan agad ng ibang empleyado ang napansin niya. May mga nagbubulungan at natatawa.Sa isip ni Luna ay baka kumalat na sa lahat ang nangyari sa meeting… pero mali siya.Dahil nakita niya na lamang si Jenny na mabilis na lumapit sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mukha at tila mangiyak-ngiyak pa.“What happen?” tanong niya agad nang mapagtanto na may hindi tama.“May announcement galing
Read more

Kabanata Cuarenta y cinco

ILANG BESES na ba niyang inisip ang tagpong ‘to? Hindi na niya bilang.Pero isa lang ang nasisiguro ni Andrew.Ito na ang katapusan ni Alberto Roces.Pero kung siya ang papipiliin? Mas gusto niya munang danasin nito ang nangyari sa kanya.Taste his own medicine.Ang tangkang pagpatay sa kanya na kung hindi lang nagawang iligtas ay baka naaagnas na ang katawan niya sa ilalim ng lupa.Gusto niyang lapitan si Alberto at suntukin sa mukha kahit isang beses, makaganti lang.At para magawa ‘yun ay kailangan niyang makalapit. Humakbang siya ng ilang beses.“Oy, sa'n ka pupunta?” Pigil ni Scarlette at hinarang pa ang kamay na sakto namang natamaan sa tiyan si Andrew na hindi pa gaanong magaling mula sa tinamo.Napaatras ito at matalim na tumingin kay Scarlette na walang kamalay-malay sa nagawa.Matapos na mapigilan ay binalik ni Scarlette ang atensiyon kay Alberto. “Okay na ba?” Saka ito pinusasan nang tuluyang hindi makasagot dahil sa labis na pagkabigla. Pagkatapos ay tinuro ang lawyer na k
Read more

Kabanata Cuarenta y seis

SA PAGPUPULONG NA NANGYARI sa kompanya ay napagpasiyahan ng karamihan sa pamamagitan ng pagboto, na magiging bakante pansamantala ang posisyon ng CEO. Kahit pa ang iba ay nag-aagawan na maupo lang sa posisyon.Pagod na bumalik sa opisina si Luna at agad na naupo sa swivel chair. Hindi pa tapos ang araw pero pagod na pagod na siya dahil sa gulo nang naganap na meeting.Ang ingay at kanya-kanyang suggestion sa meeting kung sino ang dapat na pumalit kay Alberto Roces kahit hindi pa man din napapatunayan na may ginawa nga itong krimen. Puro pansariling hangarin ang nais ng iba kaya gusto na lamang niyang matapos ang lahat.Hindi pa rin tumatawag ang pulisya upang linawin ang lahat. Magmumukha lang tuloy katawa-tawa ang mga nagpakabibo kanina sa meeting kung bigla na lamang bumalik si Alberto.Isa pa'y kailangan niyang isipin ang mangyayari sa kanya at sa ibang katrabaho. Matutuloy ba ang paglipat nila o hindi, ngayong nagkaro’n ng pagbabago dahil sa biglaang pagdakip kay Alberto Roces?Ka
Read more

Kabanata Cuarenta y siete

MATAAS NA ANG ARAW nang magising si Luna. Wala na sa kanyang tabi si Marcus ngunit nag-iwan naman ito ng maliit na note na nagsasabing nauna na itong umalis para sa trabaho.Ayon pa sa note, ay hindi na niya kailangan tawagan ang opisina na hindi siya makakapasok ngayong araw dahil nakausap na ni Marcus ang kanyang sekretarya. Sa pa'nong paraan nito nakuha ang contact number ni Jenny ay wala siyang ideya.Nilapag niya sa table ang note at pinagmasdan ang pagkaing iniwan nito para sa kanya.Breakfast in bed, o tamang sabihing bruch in bed dahil tanghali na.Isang simpleng pagkain na may garlic rice, sunny side-up egg at fries. May kape rin pero malamig na hindi na dapat pagtakhan.Magkago'n man ay ininom niya pa rin ito dahil pinagluto at pinagtimpla siya ng kape ni Marcus. Alam niyang ito ang naghanda ng pagkain niya dahil hindi naman mahilig mag-utos ang isang ‘yun sa cook. Bagay na ikinatuwa niya nang labis dahil bukod sa marunong sa gawaing bahay ay magaling pang magluto. Mawalan m
Read more

Kabanata Cuarenta y ocho

MATAPOS NA MAIHATID si Luna sa mansiyon ay ipinagkatiwala muna ni Marcus ang asawa sa pangangalaga ng Mayordomang si Myrna. Ibinilin niya pang huwang itong iiwan at palalabasin ng mansiyon habang wala siya't may aasikasuhing importante.Sa may daan habang nagmamaneho ay tinawagan niya si Scarlette, “Si Alberto?”“Ini-escort na sa van para mailipat na sa kulungan. May gusto ka bang ipasabi?”“Kumuha ka ng samples, hibla ng buhok, laway o kahit ano na pwedeng gamitin sa DNA test.” Pagkatapos ay napasulyap sa passenger seat kung sa'n niya hinagis ang envelope na kanina'y nilamukos.Walang maraming tanong ay um-oo si Scarlette. “Ako nang bahala,” aniya dahil maging siya ay hindi natutuwa sa ginawa ni Roces. Dapat mabigyan ng kalinawan ang lahat at matigil ang kalukuhang ginawa nito.“Salamat,” ani Marcus saka tinapos ang tawag. Patungo siya ngayon sa ospital para makausap si Liliane.Kung totoo man na si Alberto ang biological father ni Luna ay kailangan nitong managot sa nagawa nito kay
Read more

Kabanata Cuarenta y nueve

ISANG NAKAPANLULUMONG TAGPO ang nakikita ngayon ni Scarlette. Nakatanaw man siya sa malayo ay ramdam niya ang hinagpis at sakit na nakikita sa mga naulilang kaanak ng mga namatay na biktima ng aksidente.Ang hiyaw ng mga naiwan ay sadyang masakit at malungkot marinig. Hindi katanggap-tanggap at humihingi ng hustisya ang mga ito para sa nasawing mahal sa buhay.Hindi man siya ang nawalan ay ramdam niya ang sakit. Sadyang nakakagalit at puno ang kalooban niya ng pagsisisi.Dapat ay may nagawa man lang siya. Sana’y hindi niya hinayaan na may buhay ang tuluyang mawala. Kung sana'y hindi siya naduwag at natakot, ay may nailigtas sana siyang buhay.“Captain,” sambit ni Kurt sabay abot ng styro-cup na may lamang mainit-init na tubig. “Uminom ka muna.”Pero hindi kumibo si Scarlette. Masama ang loob niya para pansinin ito.Napabuntong-hininga naman si Kurt at kinuha ang kamay ni Scarlette para ibigay ang styro-cup, saka naupo sa tabi nito. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Captain. Isipin mon
Read more

Kabanata Cincuenta

MASAMA ANG LOOB ni Liliane. Pakiramdam niya'y hinusgahan siya ng lahat kahit hindi naman totoo ang ibinibintang sa kanya.Mga haka-hakang walang basehan!Biktima rin siya! Pero wala ng dapat makaalam no'n.Kahit pa nais siyang tulungan ni Scarlette na malinis ang sariling pangalan.“Maraming salamat na lang sa tulong, pero marami na ‘kong iniisip ngayon. Hindi pa magaling ang asawa ko't nagkakaproblema pa ang kompanya namin kaya hindi ko na ‘yan mahaharap, kaya ang lawyer ko na lamang ang kausapin mo,” pahayag niya at saka tuluyang umalis upang balikan si Fausto.Si Scarlette naman na naiwan ay tinanaw na lamang ang papalayo nitong pigura saka nagpasiyang tawagan si Marcus upang sabihin ang nangyari.“Hayaan mo na lamang siya, kung ‘yun ang nais niya,” tugon ni Marcus.“Maaari siyang mapasama sa listahan ng mga suspek sa oras na mapatunayan na sinadya ang aksidente.”“Hanggang do'n lang ‘yun. Walang makukuhang ebidensya laban sa kanya.”“Alam ko ‘yun dahil pareho nating alam kung sino
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status