Lahat ng Kabanata ng Married to the Prominent Family's Adopted Son: Kabanata 31 - Kabanata 40

83 Kabanata

Kabanata Treinta y uno

TININGNAN ni Andrew si Mr. Roces, mula ulo hanggang paa. Sa suit at relo na suot, hanggang sa mamahaling sapatos. Lahat ay sumisigaw ng karangyaan kaya nagduda si Andrew kung bakit gusto nitong tulungan sila? Sila na pinaghahahanap ng alagad ng batas. “Gusto mo kaming tulungan? Anong kapalit?” diretsahan niyang tanong. Matalim ang tingin ni Alberto at saka tiningnan ang kasamang lawyer. Ito ang magpapaliwanag ng dapat na gawin ng grupo. Inumpisahang ipaliwanag ng lawyer ang plano at kondisyon. Ngunit hindi nagustuhan ni Andrew ang sinabi nito. “Ano?! Hindi ko binuong muli ang grupo para lang maging alipin ng kung sino lang.” Nagkatinginan si Alberto at Mr. O. “Masiyadong hambog ang pinakilala mo sa ‘min. Ayokong mag-aksaya ng oras kaya aalis na lang kami.” Tumalikod si Alberto upang umalis. Tumango naman si Mr. O at hindi ito pinigilan. “Pasensiya sa istorbo, ihahatid ko na kayo sa labas.” “S-sandali lang!” pigil ni Andrew. “P-pa’no kami Mr. O.?” “Tulad ng sinabi ko. Hindi ko
Magbasa pa

Kabanata Treinta y dos

SA MAY KAKAHUYAN ay tinungo nila Scarlette ang lugar kung sa'n sinasabing natagpuan ang patay na katawan ng isang lalake. At kahit paakyat ang daang tinatahak ay hindi niya iyon alintana, makita lang sa malapitan ang sinasabing bangkay ni Andrew. May ilang sibilyan ang nais makiisyoso sa nangyayari na pinapauwi ng ilang pulis na nakaharang. Pinapasok naman sila agad matapos magpakilala. Nakaalalay sa magkabilang bahagi ni Scarlette ang dalawa dahil malubak at matalahib ang daan. Napalingon ang kasamahan nilang pulis. “O, anong ginagawa niyo rito?” Ito ang kausap kanina ni Scarlette na nagsabing magtutungo sa kabilang bayan. “Anong sabi? Si Andrew ba talaga ang bangkay?” balik tanong niya. “Inaalam pa ng SOCO. Masiyadong wasak ang pagmumukha kaya baka matagalan ang pagkumpirma. Siya ba ‘yung na-encounter niyo?” Tumango si Scarlette pero ang tingin ay nasa nakataob na katawan ‘di umano ni Andrew. Nakapaling ang mukha sa kabilang direksyon pero makikitang dumanas ito nang paghihira
Magbasa pa

Kabanata Treinta y tres

PIGIL ANG HININGANG naghintay si Luna.Pero wala siyang naramdaman.Ang inaasahan niyang halik ay hindi nangyari.Pagmulat ng mata'y malayo na ang mukha ni Marcus.Napahiya siya sa pag-iisip na hahalikan siya nito!Matalim siyang tumingin at marahang tinulak upang itago ang hiyang nararamdaman. Pero kalaunan ay nawala rin agad ang inis nang mapansin ang pamumula ng tenga nito.Nakaiwas ang mga mata at hindi siya matingnan nang diretso.Tumikhim pa ito at bahagyang lumikot ang mga mata na nagbigay tuwa sa kanya. Ibig sabihin ay apektado ito. May epekto siya kay Marcus!“G-gusto ko lang sanang tanungin kung pwede ba akong sumama?” napahagod pa sa batok si Marcus nang tanungin ‘yun.Kumibot ang labi ni Luna sa pagpipigil na mangiti. “Bakit?” pero trinaydor siya ng sariling nararamdaman at tuluyan na ngang napangiti.“Day off ako ng ilang araw at wala naman akong ibang gagawin kaya...” Natigil si Marcus nang makita ang matamis nitong ngiti.Hindi napalis ang ngiti niya nang tumango. “Of c
Magbasa pa

Kabanata Treinta y cuatro

NILAPAG ni Luna ang dalang bag sa kama at pagtapos ay nilingon si Marcus, na sinusuri ang banyo na transparent glass ang style.Kumunot ang kanyang noo. Bakit lagi silang napupunta sa ganitong klaseng style ng banyo?Nabaling tuloy ang tingin niya kay Marcus at napatitig hanggang sa muling mahuli nito.Pambihira! Strike two na siya!Kaya mabilis niyang tinuro ang bag nito na nasa sofa bilang pantatakip sa hiyang nararamdaman. “Ilagay m-mo na rito ang bag mo.”“Hindi na kailangan, sa sofa ako matutulog.”Napaturo naman si Luna sa kama. “Maluwag ‘tong kama, kasya tayong dalawa.”Lumamlam ang tingin ni Marcus. “Sigurado ka?”Tumango si Luna at saka lang na-realize ang nasabi. Nanlaki ang mata niya.Yes! Nagkasama na sila sa iisang kwarto. Pero ibang usapan na ang magtabi sa kama!Napaurong siya sa kaba. Hindi na niya mababawi pa ang nasabi na kahit gusto niyang bawiin. Bukod pa ro'n ay kinuha na ni Marcus ang bag at nilipat sa tabi ng kama.Nakasunod ang tingin ni Luna dahil hindi na gum
Magbasa pa

Kabanata Treinta y cinco

HINDI ITO ANG UNANG BESES na may hahalikan siyang babae. Hindi rin unang beses na naakit siya ng ganito. Lalong hindi unang beses na may babaeng nagpasabik sa natutulog niyang diwa.Pero alam niyang iba si Luna sa mga babaeng nakilala at nakasama. Hindi ito nagkaro'n ng boyfriend at sigurado siyang wala itong experience pagdating sa ganitong bagay.Sa madaling salita'y inosente pa ito’t puro.Kaya labis-labis ang pagpipigil niya upang hindi ito mabigla at matakot. Dahil isang maling galaw lang ay baka kumaripas ito ng takbo palayo sa kanya.Pero talagang sinusubok siya ng pasensiya. Pasensiyang kanina pa napigtas.Kaya kahit todo-todo ang pagpipigil ay nagpasawalang bahala na lamang siya. Hindi naman siguro masamang damhin kung gaano kalambot ang labi nito. Hindi naman siguro masamang hawakan ang makinis nitong pisngi pababa sa balingkinitan nitong katawan.May mali ba sa gagawin niya?Wala.Asawa niya ‘to. At alam niyang pareho nilang gusto ang susunod na mangyayari. Kitang-kita ‘yun
Magbasa pa

Kabanata Treinta y seis

SA PAGBALIK ay nakiusap si Luna na ‘wag silang magsabay na umuwi sa mansiyon. At kahit hindi nito sabihin ang dahilan ay nauunawaan ni Marcus na inaalala lang nito ang magiging reaksiyon ng mga magulang sa oras na maabutan silang magkasama.Nagawa na niyang makuha ang loob ng asawa at ngayon nga'y nagkakamabutihan na sila. Kaya ang nais niya'y isunod ang mga magulang nito. Kung kinakailangan na ligawan niya ang mga ito ay gagawin niya, makuha lamang ang pagsang-ayon ng mga ito sa relasiyon. Ngunit hindi muna ngayon. Hindi niya nais biglain ang mga ito at makatanggap ng masamang reaksiyon.Paunti-unti niyang kukunin ang loob ng mga ito para pagdating ng araw ay matanggap na siya at sumang-ayon sa relasyon nila ni Luna.At dahil nga sa pakiusap ng asawa ay pinauna na niya itong umuwi at naglakad na lamang siya pagkarating sa subdivision.Wala pa ngang five minutes ay nakarating na siya sa gate para lang hilahin ni Benjie palayo. “Sir, nag-report sa ‘kin ang kasamahan kong nakabantay sa
Magbasa pa

Kabanata Treinta y siete

ANG BUHAY NI LILIANE ay masaya at perpekto. Mula siya sa mayamang angkan at nakapagtapos sa isa sa mga tanyag na unibersidad sa bansa. May nobyo na talagang mahal na mahal siya, si Fausto Fajardo.Apat na taon na silang magkasintahan at hinihintay na lamang na makasal. At ang bahay na pinapatayo para sa pagbuo ng masayang pamilya.Isang gabi sa birthday party ng kaibigan ay may mga grupo ng kalalakihan ang lumapit sa table kung saan siya naro'n kasama ang mga kaibigan.Wala siyang kilala kahit na isa sa grupo ng mga kalalakihang lumapit. Magkagano'n man ay naging casual pa rin siya sa pakikipag-usapan. Hanggang sa may nag-offer sa kanya ng inumin. Tinanggap niya ito pero hindi niya ininom bilang pag-iingat sa bagong kakilala.Hanggang sa dumating si Fausto na galing pa sa trabaho at humabol na lamang sa party. Pero unti-unti siyang nakaramdam ng antok kaya agad niyang niyaya ang nobyo na umuwi matapos nitong makakain ng handa.“Nasa may dulo pa ang kotse,” ani Fausto nang lumabas sila
Magbasa pa

Kabanata Treinta y ocho

NALILITO NA SI FAUSTO sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa sa opisina kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niya pang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha sa ‘tin si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto
Magbasa pa

Kabanata Treinta y nueve

SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod. Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo. Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo. Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?” Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik. Ilang sandali pa'y muling lumapit si
Magbasa pa

Kabanata Cuarenta

NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang
Magbasa pa
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status