All Chapters of Married to the Prominent Family's Adopted Son: Chapter 51 - Chapter 60

83 Chapters

Kabanata Cincuenta y uno

HINDI MALAMAN ni Luna kung ano ang mararamdaman, nang ipaalam ni Scarlette na posibleng malagay sa listahan ng mga suspek ang kanyang Ina'ng si Liliane sa oras na mapatunayan na sadya at hindi isang aksidente ang nangyari kay Alberto Roces, Andrew at iba pang nasawi sa insidente.Umawang ang kanyang bibig upang magsalita ngunit bigo namang isatinig ang talagang nasa isip. Napatingin na lang siya sa nanginginig na kamay. Natatakot siya.Takot na takot para sa maaaring sapitin ng kanyang Ina.Si Marcus na napansin ang takot mula sa asawa ay humawak sa kamay nito bilang pagsuporta. At matapos ay tumingin kay Scarlette. Kumurap ng isang beses bilang sinyales ng pasasalamat dahil hindi ito nagsalita tungkol sa DNA result.Sumenyas din si Scarlette. Tinatanong kung ano ang mangyayari ngayong hindi pa mahanap ang nawawalang katawan ni Roces. Pa'no sila makapagsasagawa ng DNA test kung wala silang samples na magagamit?Kailangan pang mapatunayan na hindi magkadugo si Luna at Alberto upang hin
Read more

Kabanata Cincuenta y dos

HABANG NASA DAAN PAUWI ay hindi maalis sa isip ni Marcus ang sinabi sa kanya ng asawa, sa puntong natigilan talaga siya at hindi malaman kung ano ang isasagot dito.Anong dahilan kung bakit gusto nitong umalis?May natuklasan kaya si Luna kaya nais na lumayo?Dahil sa labis na pag-iisip ay mas pinili niyang umuwi nang maaga upang makausap ito nang masinsinan. Bukod ro'n ay talagang bumabagabag sa kanya ang iyak nito.Hindi niya gustong isipin na baka nalaman na ni Luna na totoo ang DNA test result na bigay ni Alberto ngunit ‘yun lamang ang nakikita niyang dahilan kung ba't ito umiiyak?Marahang umiling si Marcus nang maisip niya ‘yun. Hindi tamang mag-isip ng gano'n, lalo't wala talaga siyang alam sa mga nangyayari.Saglit niyang hininto ang kotse nang mag-red ang traffic light. Sa bukas na bintana ay dumungaw siya at pinagmasdan ang langit.Medyo may kalamigan pa ang simoy ng hangin dahil sa papasikat pa lamang ang araw. Summer season na ngayong buwan at ilang araw ng hindi umuulan.
Read more

Kabanata Cincuenta y tres

DAHIL SA GINAWA ni Ramon na pag-kidnàp sa batang Lucas noon ay itinago ni Maximo ang anak sa military camp sa takot na maulit ang nangyari rito. Si Corazon ang kapatid ni Dahlia ay lumuwas dahil sa nangyari sa kapatid, kasama ang anak na si Marcus.Sobrang laking balita ang nangyari sa pamilya nila kaya halos lahat ng reporter ay sumugod sa Lopelion residence upang makasagap ng magandang balita.Hindi pa mahigpit ang Lopelion noon kaya marami ang nakapasok at nakita ang batang Marcus. Inakalang ito ang anak ni Maximo na nakidnap at walang pahintulot na kinuhanan ng litrato.Muntik nang lumabas sa mga dyaryo ang mukha ni batang Marcus, mabuti na lang at agad napigilan ni Maximo. Ngunit hindi nila itinama ang pagkakamali ng mga reporter. Sa pahintulot ni Corazon ay naging si Lucas ang anak upang maprotektahan ang pamangkin mula sa mga taong naghahanap, gaya ng mga reporter lalo na kay Ramon. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa naisipan na lamang nilang pagmukhaing totoong Lopelion si Marcus
Read more

Kabanata Cincuenta y cuatro

KINABUKASAN, pagsapit ng umaga, kasabay ng papasikat na araw ay handa na sa pag-alis si Maximo.Wala siyang sinayang na oras at agad na naghanda sa pagtugis kay Ramon. Kasama ang mga pulis at personal na tauhan ay sasalakayin nila ang lungga ni Ramon matapos na mabigyan ng permiso ng Presidente upang hulihin ito.Nang makarating sa paliparan ay sinalubong siya ng kaibigan, si Allan. Si Police General Allan Rodriguez ang chief-in-command sa operasyon at binigyan siya ng pahintulot na tumulong sa operasyon.“Tulad ng napagplanuhan ay may pinauna na akong limang batch upang pumwesto sa lugar!” pahayag nito dahil sa ingay ng mga papaalis na helicopter.“Mabuti kung gano'n!” tugon ni Maximo saka tumingin sa ilang helicopter na hindi pa nakakaalis.May tatlo na kasalukuyang naghahanda sa pag-alis at hindi niya alam kung sa'n siya sasakay. Mabuti na lang at hinigit siya ni Allan patungo sa asul na helicopter.Matapos na sumakay ay agad na nagmaniobra ang piloto upang tuluyan silang makaalis.
Read more

Kabanata Cincuenta y cinco

MATAPOS NA MAGAWA ang ipinag-uutos ni Ramon ay nilagay ni Mr. O. ang litrato at liham sa loob ng brown envelope.Pagkatapos ay hinarap ang mga tauhan na halos magsiksikan sa sala at ang iba'y pinili na lamang pumwesto sa kusina.Si Ramon ay nasa nag-iisang kwarto sa loob ng lumang bahay na minadali pa nilang linisin upang mas lalong hindi uminit ang ulo nito. Nagkulong ito sa loob dahil sa naiinis pa rin sa sitwasyong nararanasan.Nilingon pa niya ang saradong pintuan bago lapitan ang isang tauhan na nakaupo sa sahig dahil sa kawalang ng mauupuan. “Alam mo'ng address ng mga Lopelion?”Umiling ito kaya bumaling siya sa iba. “Sino sa inyo ang nakakaalam ng address ng mga Lopelion?”Walang nagtaas ng kamay kahit ang ilan sa mga tauhan ay alam ang address ng mga Lopelion. Natunugan ng mga ito na may uutusang magtungo ro'n para maipadala ang brown envelope pero ang problema ay ang biyahe pabalik. Baka mahuli ang sino mang aalis at maiwan ng barko.At walang gustong magpaiwan sa takot na bak
Read more

Kabanata Cincuenta y seis

KAILAN nga ba niya unang nakilala si Dahlia?Hindi na matandaan ni Allan ang eksaktong araw, pero isa lang ang nasisiguro niya. Isa sa pinakahindi niya malilimutan ang una nilang pagtatagpo ni Amelia… na noon ay si Dahlia pa.No'ng magkaisip ay ay unti-unti niyang naunawaan ang hirap ng buhay.Isang waitress at nagbebenta ng aliw ang kanyang Ina sa isang maliit na bar noon. Mahirap mang aminin ngunit ikinahihiya niya ang trabahong ibinubuhay sa kanya ng Ina. Sa kung sino-sinong lalakeng dinadala sa maliit nilang bahay na ipinapakilala sa kanya bilang nobyo.Hanggang sa noong magbinata siya'y dinala ng Ina niya sa bahay si Ramon at pinakilalang nobyo. Wala siyang naging reaksyon dahil nasanay na sa mabilisang pagpapalit nito ng nobyo na madalas namang hindi nagtatagal.Tumira sa kanila si Ramon ng isang taon tapos ay biglang nawala. Hindi malaman ng kanyang Ina kung sa'n ito nagtungo o kung sa'n hahagilapin.At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang Ina na masaktan dahil sa isang lala
Read more

Kabanata Cincuenta y siete

KALANSING NG MGA KUBYERTOS ang maririnig sa hapagkainan. Parehong tahimik si Amelia at Allan na kumakain matapos ang masinsinang pag-uusap.Ngayong pareho na nilang nailabas ang mga itinatagong sekreto ay oras na para magpakatotoo. Hindi na nila kailangan magpanggap sa harap ng isa't isa.Ilang sandali pa'y huminto si Allan sa pagkain. “Sandali lang at may kukunin ako,” aniya at saka bumalik sa office room.Pagbalik ay nilapag niya sa harapan ni Amelia ang document ng annulment papers. “Sa susunod na buwan ang schedule sa korte. Pasensya na at ngayon ko lang pinaalam.”Nakatitig lang si Amelia sa document, hindi alam ang iri-react. “Bakit?” sa huli’y ito ang nasabi niya.Handa na talaga si Allan na pakawalan si Amelia at ibalik sa mga Lopelion. At wala man lang siyang kahit kaunting ideya sa plano nito.“Pa'no si Scarlette? Anong sasabihin natin sa kanya?”Muling naupo si Allan sa kinauupuan at nagpatuloy sa pagkain. “Sigurado akong maiintindihan niya, matatag siya kaya paniguradong ma
Read more

Kabanata Cincuenta y ocho

LUMABAS NG KWARTO si Allan habang inaayos ang suot na uniporme. Nakaipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat habang hinihintay na sagutin ni Scarlette ang tawag.Kanina nang magising ay ibinalita ng tauhan na malapit nang dumaong ang barkong sinasakyan ni Ramon at ilan nitong tauhan.Nakaabang na sa lugar ang mga personal niyang tauhan upang hulihin ang grupo. Kaya bago pa makapagsalita si Ramon tungkol sa koneksyon nila'y kailangan na niyang makausap si Scarlette, mapauwi ito kahit saglit man lang upang magkasama naman silang tatlo bago tuluyang bumalik sa Lopelion si Amelia.Hindi sumagot si Scarlette kaya muli niyang tinawagan. Pababa na siya sa hagdan nang maamoy ang niluluto ni Amelia. Kahit may kalayuan sa distansya ng kusina ay umabot pa rin sa pang-amoy niya ang bango ng niluluto nito.“Good morning,” pormal niyang bati kay Amelia na nakatalikod at abala sa ginagawa.“Good morning din,” tugon nito.At muli, dumaan ang katahimikan sa pagitan nila tulad nang nangyari ka
Read more

Kabanata Cincuenta y nueve

PASALAMPAK NA NAUPO si Allan sa swivel chair. Narito siya ngayon sa opisina upang magtrabaho o tamang sabihing mag-resign. Handa na ang resignation letter niya't naipasa na rin sa secretary ang mga dapat gawin kapag wala na siya sa serbisyo.Ngunit dahil nagka-aberya at nagawa pa ring makatakas ni Ramon sa mga tauhang pinadala ay kailangan na niyang gawin ang plan B.Ang puntahan si Maximo at kausapin ito upang humingi ng tulong na madakip si Ramon sa lalong madaling panahon. Sa laki at lawak ng kapangyarihang sakop ni Maximo ay siguradong magagawa nilang matunton si Ramon. Idagdag pa ang mga tauhang mahusay sa trabaho.Pero may parte sa kanyang nag-aalinlangan. Kapag nagtungo siya sa mga Lopelion ay kailangan niyang aminin ang totoo at mas mapapaaga ang pag-alis ni Amelia sa bahay at buhay nila.Ang napag-usapan pa naman nila'y babalik ito sa totoong pamilya pagkatapos na makausap si Scarlette na darating pa mamayang gabi.Nangako siya kay Amelia na magsasalo-salo muna silang kumain
Read more

Kabanata Sesenta

SAMA-SAMANG NAGTANGHALIAN ang pamilyang Lopelion. Ngunit hindi tulad ng nagdaan ay naiiba ang araw ngayon. Dahil kasama na nila sa wakas si Dahlia.Kompleto na sila at kitang-kita ang saya sa mukha ng lahat habang nagkukuwentuhan.At walang ibang bida sa mga oras na ‘yun kundi si Amelia. Katabi nito ang kapatid at si Maximo.Habang sa harap naman si Marcus at Luna.“Tita ‘Ma,” tawag pansin ni Lucas sa kalagitnaan ng pagkukuwento ni Amelia. “You used another name for how many years, kaya iniisip ko lang kung anong itatawag namin sa'yo ngayon?”“Ano bang klaseng tanong ‘yan, Lucas?” ani Timoteo. “Siyempre ay Dahlia. ‘Yun ang orihinal niyang pangalan.”Napatango naman si Lucas pero… “Nasanay siyang tawaging Amelia, ‘Lo. At lahat ng tao'y kilala siya bilang si Amelia Rodriguez.”“Isa pa ‘yan sa dapat na asikasuhin. Dapat maisapubliko na nagbalik ka na,” si Maximo sabay tingin sa asawa.“’Wag muna, ‘Pa,” sabat ni Marcus. “Ilihim muna natin sa lahat hanggang hindi pa nahuhuli si Ramon.”“Ta
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status