KINABUKASAN, pagsapit ng umaga, kasabay ng papasikat na araw ay handa na sa pag-alis si Maximo.Wala siyang sinayang na oras at agad na naghanda sa pagtugis kay Ramon. Kasama ang mga pulis at personal na tauhan ay sasalakayin nila ang lungga ni Ramon matapos na mabigyan ng permiso ng Presidente upang hulihin ito.Nang makarating sa paliparan ay sinalubong siya ng kaibigan, si Allan. Si Police General Allan Rodriguez ang chief-in-command sa operasyon at binigyan siya ng pahintulot na tumulong sa operasyon.“Tulad ng napagplanuhan ay may pinauna na akong limang batch upang pumwesto sa lugar!” pahayag nito dahil sa ingay ng mga papaalis na helicopter.“Mabuti kung gano'n!” tugon ni Maximo saka tumingin sa ilang helicopter na hindi pa nakakaalis.May tatlo na kasalukuyang naghahanda sa pag-alis at hindi niya alam kung sa'n siya sasakay. Mabuti na lang at hinigit siya ni Allan patungo sa asul na helicopter.Matapos na sumakay ay agad na nagmaniobra ang piloto upang tuluyan silang makaalis.
MATAPOS NA MAGAWA ang ipinag-uutos ni Ramon ay nilagay ni Mr. O. ang litrato at liham sa loob ng brown envelope.Pagkatapos ay hinarap ang mga tauhan na halos magsiksikan sa sala at ang iba'y pinili na lamang pumwesto sa kusina.Si Ramon ay nasa nag-iisang kwarto sa loob ng lumang bahay na minadali pa nilang linisin upang mas lalong hindi uminit ang ulo nito. Nagkulong ito sa loob dahil sa naiinis pa rin sa sitwasyong nararanasan.Nilingon pa niya ang saradong pintuan bago lapitan ang isang tauhan na nakaupo sa sahig dahil sa kawalang ng mauupuan. “Alam mo'ng address ng mga Lopelion?”Umiling ito kaya bumaling siya sa iba. “Sino sa inyo ang nakakaalam ng address ng mga Lopelion?”Walang nagtaas ng kamay kahit ang ilan sa mga tauhan ay alam ang address ng mga Lopelion. Natunugan ng mga ito na may uutusang magtungo ro'n para maipadala ang brown envelope pero ang problema ay ang biyahe pabalik. Baka mahuli ang sino mang aalis at maiwan ng barko.At walang gustong magpaiwan sa takot na bak
KAILAN nga ba niya unang nakilala si Dahlia?Hindi na matandaan ni Allan ang eksaktong araw, pero isa lang ang nasisiguro niya. Isa sa pinakahindi niya malilimutan ang una nilang pagtatagpo ni Amelia… na noon ay si Dahlia pa.No'ng magkaisip ay ay unti-unti niyang naunawaan ang hirap ng buhay.Isang waitress at nagbebenta ng aliw ang kanyang Ina sa isang maliit na bar noon. Mahirap mang aminin ngunit ikinahihiya niya ang trabahong ibinubuhay sa kanya ng Ina. Sa kung sino-sinong lalakeng dinadala sa maliit nilang bahay na ipinapakilala sa kanya bilang nobyo.Hanggang sa noong magbinata siya'y dinala ng Ina niya sa bahay si Ramon at pinakilalang nobyo. Wala siyang naging reaksyon dahil nasanay na sa mabilisang pagpapalit nito ng nobyo na madalas namang hindi nagtatagal.Tumira sa kanila si Ramon ng isang taon tapos ay biglang nawala. Hindi malaman ng kanyang Ina kung sa'n ito nagtungo o kung sa'n hahagilapin.At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang Ina na masaktan dahil sa isang lala
KALANSING NG MGA KUBYERTOS ang maririnig sa hapagkainan. Parehong tahimik si Amelia at Allan na kumakain matapos ang masinsinang pag-uusap.Ngayong pareho na nilang nailabas ang mga itinatagong sekreto ay oras na para magpakatotoo. Hindi na nila kailangan magpanggap sa harap ng isa't isa.Ilang sandali pa'y huminto si Allan sa pagkain. “Sandali lang at may kukunin ako,” aniya at saka bumalik sa office room.Pagbalik ay nilapag niya sa harapan ni Amelia ang document ng annulment papers. “Sa susunod na buwan ang schedule sa korte. Pasensya na at ngayon ko lang pinaalam.”Nakatitig lang si Amelia sa document, hindi alam ang iri-react. “Bakit?” sa huli’y ito ang nasabi niya.Handa na talaga si Allan na pakawalan si Amelia at ibalik sa mga Lopelion. At wala man lang siyang kahit kaunting ideya sa plano nito.“Pa'no si Scarlette? Anong sasabihin natin sa kanya?”Muling naupo si Allan sa kinauupuan at nagpatuloy sa pagkain. “Sigurado akong maiintindihan niya, matatag siya kaya paniguradong ma
LUMABAS NG KWARTO si Allan habang inaayos ang suot na uniporme. Nakaipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat habang hinihintay na sagutin ni Scarlette ang tawag.Kanina nang magising ay ibinalita ng tauhan na malapit nang dumaong ang barkong sinasakyan ni Ramon at ilan nitong tauhan.Nakaabang na sa lugar ang mga personal niyang tauhan upang hulihin ang grupo. Kaya bago pa makapagsalita si Ramon tungkol sa koneksyon nila'y kailangan na niyang makausap si Scarlette, mapauwi ito kahit saglit man lang upang magkasama naman silang tatlo bago tuluyang bumalik sa Lopelion si Amelia.Hindi sumagot si Scarlette kaya muli niyang tinawagan. Pababa na siya sa hagdan nang maamoy ang niluluto ni Amelia. Kahit may kalayuan sa distansya ng kusina ay umabot pa rin sa pang-amoy niya ang bango ng niluluto nito.“Good morning,” pormal niyang bati kay Amelia na nakatalikod at abala sa ginagawa.“Good morning din,” tugon nito.At muli, dumaan ang katahimikan sa pagitan nila tulad nang nangyari ka
PASALAMPAK NA NAUPO si Allan sa swivel chair. Narito siya ngayon sa opisina upang magtrabaho o tamang sabihing mag-resign. Handa na ang resignation letter niya't naipasa na rin sa secretary ang mga dapat gawin kapag wala na siya sa serbisyo.Ngunit dahil nagka-aberya at nagawa pa ring makatakas ni Ramon sa mga tauhang pinadala ay kailangan na niyang gawin ang plan B.Ang puntahan si Maximo at kausapin ito upang humingi ng tulong na madakip si Ramon sa lalong madaling panahon. Sa laki at lawak ng kapangyarihang sakop ni Maximo ay siguradong magagawa nilang matunton si Ramon. Idagdag pa ang mga tauhang mahusay sa trabaho.Pero may parte sa kanyang nag-aalinlangan. Kapag nagtungo siya sa mga Lopelion ay kailangan niyang aminin ang totoo at mas mapapaaga ang pag-alis ni Amelia sa bahay at buhay nila.Ang napag-usapan pa naman nila'y babalik ito sa totoong pamilya pagkatapos na makausap si Scarlette na darating pa mamayang gabi.Nangako siya kay Amelia na magsasalo-salo muna silang kumain
SAMA-SAMANG NAGTANGHALIAN ang pamilyang Lopelion. Ngunit hindi tulad ng nagdaan ay naiiba ang araw ngayon. Dahil kasama na nila sa wakas si Dahlia.Kompleto na sila at kitang-kita ang saya sa mukha ng lahat habang nagkukuwentuhan.At walang ibang bida sa mga oras na ‘yun kundi si Amelia. Katabi nito ang kapatid at si Maximo.Habang sa harap naman si Marcus at Luna.“Tita ‘Ma,” tawag pansin ni Lucas sa kalagitnaan ng pagkukuwento ni Amelia. “You used another name for how many years, kaya iniisip ko lang kung anong itatawag namin sa'yo ngayon?”“Ano bang klaseng tanong ‘yan, Lucas?” ani Timoteo. “Siyempre ay Dahlia. ‘Yun ang orihinal niyang pangalan.”Napatango naman si Lucas pero… “Nasanay siyang tawaging Amelia, ‘Lo. At lahat ng tao'y kilala siya bilang si Amelia Rodriguez.”“Isa pa ‘yan sa dapat na asikasuhin. Dapat maisapubliko na nagbalik ka na,” si Maximo sabay tingin sa asawa.“’Wag muna, ‘Pa,” sabat ni Marcus. “Ilihim muna natin sa lahat hanggang hindi pa nahuhuli si Ramon.”“Ta
SA LIVING AREA ay tahimik na nakaupo si Dahlia at Scarlette. Parehong nakatungo at tahimik na lumuluha.Hindi maproseso ni Scarlette ang lahat. Ang mga sinabi at inamin ng Ina ay hindi niya kayang tanggapin. Na kahit ilang beses siyang nagtanong ay isa lang ang nasisiguro niya.Ang kinilalang Ina ay walang iba kundi si Dahlia na asawa ni General Maximo at tunay na Ina ni Marcus.Pero… “Hindi ba ay ampon si Marcus? Pa'nong siya naging anak niyong dalawa ni General Lopelion?”Ang gulo-gulo na ng isip niya sa puntong kulang na lang ay sumabog ito sa dami ng rebelasyong inamin ng Ina.“Dahil sa nangyaring pag-kidnap kay Marcus noon ay itinago namin siya sa military camp,” biglang sabat ni Maximo na sumunod sa dalawa. “Pinagpalit namin ang pangalan ni Marcus at Lucas, saka sinabi sa publiko na ampon si Marcus para na rin sa kaligtasan nito.” Matapos ay naupo siya sa tabi ni Dahlia.Mariing pumikit si Scarlette at sa pagmulat ng mata'y puno ng tapang na tiningnan si Maximo. “H-hindi totoo ‘
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are