PASALAMPAK NA NAUPO si Allan sa swivel chair. Narito siya ngayon sa opisina upang magtrabaho o tamang sabihing mag-resign. Handa na ang resignation letter niya't naipasa na rin sa secretary ang mga dapat gawin kapag wala na siya sa serbisyo.Ngunit dahil nagka-aberya at nagawa pa ring makatakas ni Ramon sa mga tauhang pinadala ay kailangan na niyang gawin ang plan B.Ang puntahan si Maximo at kausapin ito upang humingi ng tulong na madakip si Ramon sa lalong madaling panahon. Sa laki at lawak ng kapangyarihang sakop ni Maximo ay siguradong magagawa nilang matunton si Ramon. Idagdag pa ang mga tauhang mahusay sa trabaho.Pero may parte sa kanyang nag-aalinlangan. Kapag nagtungo siya sa mga Lopelion ay kailangan niyang aminin ang totoo at mas mapapaaga ang pag-alis ni Amelia sa bahay at buhay nila.Ang napag-usapan pa naman nila'y babalik ito sa totoong pamilya pagkatapos na makausap si Scarlette na darating pa mamayang gabi.Nangako siya kay Amelia na magsasalo-salo muna silang kumain
SAMA-SAMANG NAGTANGHALIAN ang pamilyang Lopelion. Ngunit hindi tulad ng nagdaan ay naiiba ang araw ngayon. Dahil kasama na nila sa wakas si Dahlia.Kompleto na sila at kitang-kita ang saya sa mukha ng lahat habang nagkukuwentuhan.At walang ibang bida sa mga oras na ‘yun kundi si Amelia. Katabi nito ang kapatid at si Maximo.Habang sa harap naman si Marcus at Luna.“Tita ‘Ma,” tawag pansin ni Lucas sa kalagitnaan ng pagkukuwento ni Amelia. “You used another name for how many years, kaya iniisip ko lang kung anong itatawag namin sa'yo ngayon?”“Ano bang klaseng tanong ‘yan, Lucas?” ani Timoteo. “Siyempre ay Dahlia. ‘Yun ang orihinal niyang pangalan.”Napatango naman si Lucas pero… “Nasanay siyang tawaging Amelia, ‘Lo. At lahat ng tao'y kilala siya bilang si Amelia Rodriguez.”“Isa pa ‘yan sa dapat na asikasuhin. Dapat maisapubliko na nagbalik ka na,” si Maximo sabay tingin sa asawa.“’Wag muna, ‘Pa,” sabat ni Marcus. “Ilihim muna natin sa lahat hanggang hindi pa nahuhuli si Ramon.”“Ta
SA LIVING AREA ay tahimik na nakaupo si Dahlia at Scarlette. Parehong nakatungo at tahimik na lumuluha.Hindi maproseso ni Scarlette ang lahat. Ang mga sinabi at inamin ng Ina ay hindi niya kayang tanggapin. Na kahit ilang beses siyang nagtanong ay isa lang ang nasisiguro niya.Ang kinilalang Ina ay walang iba kundi si Dahlia na asawa ni General Maximo at tunay na Ina ni Marcus.Pero… “Hindi ba ay ampon si Marcus? Pa'nong siya naging anak niyong dalawa ni General Lopelion?”Ang gulo-gulo na ng isip niya sa puntong kulang na lang ay sumabog ito sa dami ng rebelasyong inamin ng Ina.“Dahil sa nangyaring pag-kidnap kay Marcus noon ay itinago namin siya sa military camp,” biglang sabat ni Maximo na sumunod sa dalawa. “Pinagpalit namin ang pangalan ni Marcus at Lucas, saka sinabi sa publiko na ampon si Marcus para na rin sa kaligtasan nito.” Matapos ay naupo siya sa tabi ni Dahlia.Mariing pumikit si Scarlette at sa pagmulat ng mata'y puno ng tapang na tiningnan si Maximo. “H-hindi totoo ‘
NAUNANG DUMATING sa lugar si Allan. Hawak ang isang baril habang ang isa pa'y nakasuksok sa likod nang lumabas siya ng sasakyan.Sa lahat ng lugar na maaaring pagdalhan ni Ramon kay Dahlia ay rito pa, sa lupang pagmamay-ari niya.Ang lupang minsang tinuluyan ni Ramon habang naghihintay na tumakas patungo sa Mindanao.At dahil gabi na'y mahirap kumilos sa dilim lalo pa't wala siyang dalang ilaw at umaasa lang sa nakikita ng paningin. Magkagano'n man ay kabisado niya ang lugar.At kung tama ang hinala niya'y nasa loob ng maliit at lumang bahay si Ramon… at sana nga lang ay nasa loob din si Dahlia upang hindi na siya mahirapan pa sa paghahanap.Dahan-dahan siyang naglakad sa matalahib na lupa. Pinapakiramdaman kung may iba bang tao sa paligid lalo pa't mahirap tukuyin kung mayro'n nga sa dilim ng lugar.Hindi rin nakatulong ang malakas na simoy ng hangin na sinasayaw ang halaman sa paligid. Pakiramdam niya'y may ibang taong naglalakad kasabay niya ngunit kapag lilingon ay wala naman siya
PAPASIKAT PA LAMANG ANG ARAW at unti-unting lumiliwanag ang kalangitan ngunit para kay Scarlette ay tuluyan nang naging madilim ang kanyang mundo. Gusto niyang umiyak pero walang lumalabas na luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang sumigaw pero ‘di niya magawa. Nakatulala lang siya sa lumang building na ngayong hindi na makilala dahil sa naganap na pagsabóg. Sa kanyang tabi ay si Dahlia na kanina pa lumuluha. Nakaupo sa loob ng ambulansya ang dalawa at parehong may nakabalot na towel sa katawan. Maraming opisyal ang dumating nang malaman ang nangyari. May mga pulis at rescuer sa lugar upang mag-imbestiga at hanapin ang katawan ni Allan. Nangunguna sa paghahanap si Maximo at ilang tauhan, nagbabakasakaling may makita man lang silang parte ng katawan nito. Maingay at magulo ang paligid ngunit tila walang naririnig at nakikita si Scarlette. Tuluyang huminto ang lahat para sa kanya. Hanggang sa dumating si Marcus na may dalang bottled water para sa dalawa upang kahit papa’no’y makain
KINAGABIHAN ay nagtungo si Marcus at Luna sa main house. Naabutan nila si Dahlia na abala sa cellphone at may tinatawagan. Hindi mapakali ang itsura at pabalik-balik ang lakad.“Anong meron?” tanong niya kay tiya Corazon na naro'n din.“Kanina niya pa tinatawagan si Scarlette pero ayaw sumagot.”“Hindi pa ba nakakabalik?” Ilang oras na ang dumaan at hindi pa ito nakakauwi simula nang umalis kanina.“Kaya nga alalang-alala na si Ate, dahil hindi pa siya nakakabalik. Ring lang nang ring ang cellphone, ayaw sagutin ang tawag.”“Ipinahanap na ba sa security?”“May inutusan na si Maximo pero hindi pa nagri-report.”Kaya nilapitan na ni Marcus ang Ina upang pakalmahin. Sinabihan na huwag masiyadong mag-alala at babalik din si Scarlette.“Hindi ko maiwasan, anak. Kamamatáy lang ni Allan kaya natatakot ako para sa kaligtasan ni Scarlette,” pahayag ni Dahlia.Hanggang sa dumating si Lucas. “Dumating na si Scarlette, nasa may gate at papunta na rito,” pahayag niya sa lahat.Biglang nabuhayan si
BUMAGAL ANG PAGPAPATAKBO ni Marcus sa sasakyan nang mapansin na may nakasunod na dalawang kotse mula sa likuran, na hindi pamilyar. Ngunit dahil pinapasok naman ang kotse ay marahil mga kaibigan lamang ng matandang Lopelion ang mga ito.Ilang sandali pa'y nilagpasan siya at tuloy-tuloy ang pagpapatakbo hanggang sa tuluyang mawala sa paningin.Nakarating na sila sa bahay at ipinasok sa garahe ang kotse nang salubungin ng security staff. “Sir Marcus, pinapatawag ho kayo sa main house,” abiso pa nito.Tumango si Marcus at inilabas ang motorsiklo. Ito na lamang ang gagamitin niya patungo sa main house kaysa maglabas muli ng sasakyan. “Gusto mo bang sumama?” tanong niya pagkatapos kay Luna.Tumango ito saka sumakay sa likod. Nakatagilid ang pagkakaupo saka nilingkis ang braso sa bewang ni Marcus upang hindi mahulog.Binagalan pa nga ni Marcus ang pagpapatakbo sa motorsiklo dahil hindi sanay si Luna na sumakay sa ganitong uri ng vehicle.Nang makarating sa main house ay sumalubong agad si M
ISANG MALALIM NA HININGA ang pinakawalan ni Marcus nang marinig ang garalgal na boses ng asawa. Mas lalo niya tuloy ramdam ang pagkamiss kay Luna.“Oo, uuwi ako,” tipid niyang sagot.“… Okay lang, kahit matagalan, I can wait. Basta umuwi ka lang sa'kin,” halata ang lungkot sa boses ni Luna.Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Pawang pinapakinggan ang hininga ng bawat isa. Kahit wala ng masabi ay patuloy pa ring nasa tenga ang cellphone, walang gustong tapusin ang tawag. Hanggang sa kusa nang naputol.Binaba ni Marcus ang cellphone saka napasandal sa pader na kahoy, kung sa'n ay matatanaw mula sa kinalalagyan niya ang malawak na taniman ng mga gulay.Mga magsasakang pinipiling bantayan ang mga taniman kaysa umuwi sa kanya-kanyang tahanan kahit pa malalim na ang gabi.Isang linggo na siya sa lugar matapos umalis sa kabilang bayan, at huling araw na rin niya ngayong gabi. Dahil bukas ay muli siyang lilipat sa katabing bayan para hanapin si Ramon. Na mas uncivilized at kakaunti lang a