BUMAGAL ANG PAGPAPATAKBO ni Marcus sa sasakyan nang mapansin na may nakasunod na dalawang kotse mula sa likuran, na hindi pamilyar. Ngunit dahil pinapasok naman ang kotse ay marahil mga kaibigan lamang ng matandang Lopelion ang mga ito.Ilang sandali pa'y nilagpasan siya at tuloy-tuloy ang pagpapatakbo hanggang sa tuluyang mawala sa paningin.Nakarating na sila sa bahay at ipinasok sa garahe ang kotse nang salubungin ng security staff. “Sir Marcus, pinapatawag ho kayo sa main house,” abiso pa nito.Tumango si Marcus at inilabas ang motorsiklo. Ito na lamang ang gagamitin niya patungo sa main house kaysa maglabas muli ng sasakyan. “Gusto mo bang sumama?” tanong niya pagkatapos kay Luna.Tumango ito saka sumakay sa likod. Nakatagilid ang pagkakaupo saka nilingkis ang braso sa bewang ni Marcus upang hindi mahulog.Binagalan pa nga ni Marcus ang pagpapatakbo sa motorsiklo dahil hindi sanay si Luna na sumakay sa ganitong uri ng vehicle.Nang makarating sa main house ay sumalubong agad si M
ISANG MALALIM NA HININGA ang pinakawalan ni Marcus nang marinig ang garalgal na boses ng asawa. Mas lalo niya tuloy ramdam ang pagkamiss kay Luna.“Oo, uuwi ako,” tipid niyang sagot.“… Okay lang, kahit matagalan, I can wait. Basta umuwi ka lang sa'kin,” halata ang lungkot sa boses ni Luna.Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Pawang pinapakinggan ang hininga ng bawat isa. Kahit wala ng masabi ay patuloy pa ring nasa tenga ang cellphone, walang gustong tapusin ang tawag. Hanggang sa kusa nang naputol.Binaba ni Marcus ang cellphone saka napasandal sa pader na kahoy, kung sa'n ay matatanaw mula sa kinalalagyan niya ang malawak na taniman ng mga gulay.Mga magsasakang pinipiling bantayan ang mga taniman kaysa umuwi sa kanya-kanyang tahanan kahit pa malalim na ang gabi.Isang linggo na siya sa lugar matapos umalis sa kabilang bayan, at huling araw na rin niya ngayong gabi. Dahil bukas ay muli siyang lilipat sa katabing bayan para hanapin si Ramon. Na mas uncivilized at kakaunti lang a
NAGMAMANEHO na pauwi si Luna nang tumawag si Liliane upang ipaalam na babalik na ang mga ito at ipagpapatuloy na lamang ang therapy sa mansyon dahil pinayagan na ng doctor na sa bahay na lamang magpagaling si Fausto.Natuwa naman si Luna dahil namimiss na rin niya nang husto ang mga magulang. Natanong din ni Liliane kung kailan makakabalik ng bansa si Marcus.Nang malaman kasi ng mga ito ang nangyari ay nag-alala rin sila para sa manugang. Kaya minarapat ng mag-asawa na umuwi na lamang talaga para samahan ang anak habang naghihintay sa pagbabalik ni Marcus.Pagdating sa mansyon ay sumalubong si Myrna upang ibalita na darating bukas ng umaga si Liliane at Fausto.“Tumawag si Mommy to inform.”Bakas ang tuwa sa mukha ng Mayordoma. “Ipapaayos ko ang kwarto,” aniya kahit araw-araw namang nililinis.Tumango si Luna saka nagpaalam na aakyat patungo sa kwarto upang makapagpahinga na.“Hindi ka ba kakain muna?”“Wala akong gana.”Kumunot ang noo ni Myrna. Mabilis na nilapat ang kamay sa leeg
NAKANGITI pang kumaway si Lucas kay Jenny habang papalayo sa opisina ni Luna. Pagsakay sa elevator ay saka lang napalis ang ngiti niya sa labi. Kinuha niya ang cellphone at d-in-ial ang number ni Lieutenant general Navarro. Naka-ilang ring na'y hindi man lang nito sinasagot ang tawag kaya nagpasiya na siyang kontakin ang ama. “May nangyari ba? Ang sabi ni Luna ay kahapon pa hindi matawagan si Marcus,” bungad niya pagkasagot ni Maximo sa tawag. “Nai-report na sa'kin ni Navarro ang nangyari, kaninang umaga. At totoong hindi nga ma-contact si Marcus maging ang agent na dapat ay magiging partner niya sa misyon.” “Pinaalam mo na ba kay Mama?” Tinutukoy niya'y si Dahlia. “Hindi, wala akong balak na ipaalam kay Dahlia ang nangyayari. Lalo pa't ang agent na pinadala bilang partner ni Marcus ay walang iba kundi si Scarlette.” Nakarating na sa office si Lucas at bubuksan na dapat niya ang pintuan nang matigilan. “A-ano? Hindi ba’y nasa Malaysia si Scarlette?” “Nag-request itong ipalipat s
PATULOY ANG MGA KALABAN sa pagpapaulan ng bala. At mabuti na nga lang at nasa may kisame sina Marcus at Kurt dahil kung nagkataon ay baka wala ng mapaglagyan ang mga bala sa katawan nila.Hindi rin matigil ang pag-ugoy ng kubo sa puntong may nabali na at bumagsak ang kalahati ng bahay. Doon lang tuluyang tumigil ang grupo sa pagpapaputok.Ngunit hindi naman matigil sa pag-iingay at nagsisisihan pa dahil nasira nila ang kubo. Malalagot sila panigurado sa mga amo nila.Mayamaya pay sinimulan nilang tingnan kung ano nang nangyari sa mga nanggulo sa tahimik nilang gabi. Maingat pa nilang sinilip sa gumuhong parte ng kubo kung nasa ilalim ba ang katawan ng entremetido, nang walang ano-ano ay tumalon si Marcus sa likod ng isa sa mga kalalakihan at sinipa ang ulo nito sanhi para matumba.Sabay hila sa baril kahit nakapalibot pa ang strap sa katawan ng lalake. Pinaputukan niya ang dalawang pasugod sa kanya saka muling binalingan ang lalakeng inatake. Pumipiglas kaya kailangan patulugin. Hinam
KANINA PA NAKATITIG si Luna sa orasan sa kanyang table. Thirty minutes na ang lumipas pero hindi pa rin tumatawag si Mr. Cabrera. Hinihintay niya kasi ito upang makausap niya si Lucas na nasa kalagitnaan ng isang importanteng meeting. Nakailang tawag na ba siya? Magdadalawang-oras na siyang naghihintay para makausap ito. Dumilim na ang kalangitan at nagsisiuwian na ang karamihan sa mga empleyado ay wala pa rin. Katok sa pinto ang kanyang narinig. Ilang sandali pa'y bumukas ay pintuan at pumasok si Jenny. “Miss Luna, hindi pa ho ba kayo mag-a-out?” Alas-syete na, at wala pang kain. Pagod at inaantok pero dahil kailangan niyang maghintay ay hindi pa siya makauwi. “Mauna ka na lang at may hinihintay pa ‘ko.” Saglit na nag-isip si Jenny. Masama ang pakiramdam ng amo, kaya hindi magandang iwan niya ito sa office. “Hihintayin ko na lang kayo sa—” “It's fine, umuwi ka na,” putol ni Luna. Ayaw niyang paghintayin si Jenny gayong marami itong ginawa ngayong araw. Hindi gumalaw si Jenny, ka
GUMUHIT ANG SAKIT sa katawan ni Marcus matapos bumulagta sa kalsada. Humampas ang ulo niya sa semento at saglit na nahilo. Matapos ay napansin na lang niyang nakahiga na sa ibabaw niya si Kurt na walang-malay.Natigilan pa siya ng ilang segundo dahil akala niya'y katapusan na niya ‘yun. Na ang umalingawngaw na putok ng baril ay nagmula kay Kurt. Ngunit hindi…nagmula ito sa isang naka-unipormeng pulis.Unti-unti itong lumalapit sa kanila. May kung anong sinasabi ngunit hindi naman maunawaan ni Marcus. Binalik niyang muli ang atensyon kay Kurt saka ito marahang tinulak sa tabi, paalis sa ibabaw niya.Muli ay nagsalita ang pulis habang nakatutok ang baril sa walang-malay na si Kurt. Inilayo ni Marcus ang nakatutok na baril saka inalam ang naging tama ni Kurt.Napuruhan ito eksakto sa likod. “Call an ambulance!” utos niya sa pulis habang binibigyang diin ang tama ni Kurt sa likod. Kailangan na mahinto ang pag-agos ng dugo bago pa maging huli ang lahat.Naguluhan naman ang pulis kaya siya n
NAPASINGHAP si Liliane dahil sa magandang balita ng doctor. Sa labis na tuwa'y niyakap pa nito ang anak na natulala na lamang.“H-how?” mahinang sambit ni Luna. Sa pa'nong paraan siya naging buntis kung may monthly period siya? Hindi niya maintindihan. “I have my—” Napatingin pa siya sa Ina at kay Lucas bago ipagpatuloy ang sasabihin, “I have my menstrual period.” Matapos ay napalitan ng takot ang kanyang mga mata nang may mapagtanto. Kung buntis siya at bigla siyang din*go ay isa lang ang ibig sabihin nito. Miscarriage.Naging maagap naman ang doctor nang makita ang takot sa mata ni Luna. Pinaliwanag nito ng maayos ang kondisyon niya, “Your condition is quite common in early pregnancy. There’s a lot of reason for this, like when they embryo implants on uterine wall or outside itself. Of course, miscarriage—”“Nakunan siya, Dok?” react agad ni Liliane.“Hindi po, luckily.” Saka seryosong tumingin kay Luna. “According sa test result ay may fatigue ka at slight fever—” Saka umiling. “Na