NAGMAMANEHO na pauwi si Luna nang tumawag si Liliane upang ipaalam na babalik na ang mga ito at ipagpapatuloy na lamang ang therapy sa mansyon dahil pinayagan na ng doctor na sa bahay na lamang magpagaling si Fausto.Natuwa naman si Luna dahil namimiss na rin niya nang husto ang mga magulang. Natanong din ni Liliane kung kailan makakabalik ng bansa si Marcus.Nang malaman kasi ng mga ito ang nangyari ay nag-alala rin sila para sa manugang. Kaya minarapat ng mag-asawa na umuwi na lamang talaga para samahan ang anak habang naghihintay sa pagbabalik ni Marcus.Pagdating sa mansyon ay sumalubong si Myrna upang ibalita na darating bukas ng umaga si Liliane at Fausto.“Tumawag si Mommy to inform.”Bakas ang tuwa sa mukha ng Mayordoma. “Ipapaayos ko ang kwarto,” aniya kahit araw-araw namang nililinis.Tumango si Luna saka nagpaalam na aakyat patungo sa kwarto upang makapagpahinga na.“Hindi ka ba kakain muna?”“Wala akong gana.”Kumunot ang noo ni Myrna. Mabilis na nilapat ang kamay sa leeg
NAKANGITI pang kumaway si Lucas kay Jenny habang papalayo sa opisina ni Luna. Pagsakay sa elevator ay saka lang napalis ang ngiti niya sa labi. Kinuha niya ang cellphone at d-in-ial ang number ni Lieutenant general Navarro. Naka-ilang ring na'y hindi man lang nito sinasagot ang tawag kaya nagpasiya na siyang kontakin ang ama. “May nangyari ba? Ang sabi ni Luna ay kahapon pa hindi matawagan si Marcus,” bungad niya pagkasagot ni Maximo sa tawag. “Nai-report na sa'kin ni Navarro ang nangyari, kaninang umaga. At totoong hindi nga ma-contact si Marcus maging ang agent na dapat ay magiging partner niya sa misyon.” “Pinaalam mo na ba kay Mama?” Tinutukoy niya'y si Dahlia. “Hindi, wala akong balak na ipaalam kay Dahlia ang nangyayari. Lalo pa't ang agent na pinadala bilang partner ni Marcus ay walang iba kundi si Scarlette.” Nakarating na sa office si Lucas at bubuksan na dapat niya ang pintuan nang matigilan. “A-ano? Hindi ba’y nasa Malaysia si Scarlette?” “Nag-request itong ipalipat s
PATULOY ANG MGA KALABAN sa pagpapaulan ng bala. At mabuti na nga lang at nasa may kisame sina Marcus at Kurt dahil kung nagkataon ay baka wala ng mapaglagyan ang mga bala sa katawan nila.Hindi rin matigil ang pag-ugoy ng kubo sa puntong may nabali na at bumagsak ang kalahati ng bahay. Doon lang tuluyang tumigil ang grupo sa pagpapaputok.Ngunit hindi naman matigil sa pag-iingay at nagsisisihan pa dahil nasira nila ang kubo. Malalagot sila panigurado sa mga amo nila.Mayamaya pay sinimulan nilang tingnan kung ano nang nangyari sa mga nanggulo sa tahimik nilang gabi. Maingat pa nilang sinilip sa gumuhong parte ng kubo kung nasa ilalim ba ang katawan ng entremetido, nang walang ano-ano ay tumalon si Marcus sa likod ng isa sa mga kalalakihan at sinipa ang ulo nito sanhi para matumba.Sabay hila sa baril kahit nakapalibot pa ang strap sa katawan ng lalake. Pinaputukan niya ang dalawang pasugod sa kanya saka muling binalingan ang lalakeng inatake. Pumipiglas kaya kailangan patulugin. Hinam
KANINA PA NAKATITIG si Luna sa orasan sa kanyang table. Thirty minutes na ang lumipas pero hindi pa rin tumatawag si Mr. Cabrera. Hinihintay niya kasi ito upang makausap niya si Lucas na nasa kalagitnaan ng isang importanteng meeting. Nakailang tawag na ba siya? Magdadalawang-oras na siyang naghihintay para makausap ito. Dumilim na ang kalangitan at nagsisiuwian na ang karamihan sa mga empleyado ay wala pa rin. Katok sa pinto ang kanyang narinig. Ilang sandali pa'y bumukas ay pintuan at pumasok si Jenny. “Miss Luna, hindi pa ho ba kayo mag-a-out?” Alas-syete na, at wala pang kain. Pagod at inaantok pero dahil kailangan niyang maghintay ay hindi pa siya makauwi. “Mauna ka na lang at may hinihintay pa ‘ko.” Saglit na nag-isip si Jenny. Masama ang pakiramdam ng amo, kaya hindi magandang iwan niya ito sa office. “Hihintayin ko na lang kayo sa—” “It's fine, umuwi ka na,” putol ni Luna. Ayaw niyang paghintayin si Jenny gayong marami itong ginawa ngayong araw. Hindi gumalaw si Jenny, ka
GUMUHIT ANG SAKIT sa katawan ni Marcus matapos bumulagta sa kalsada. Humampas ang ulo niya sa semento at saglit na nahilo. Matapos ay napansin na lang niyang nakahiga na sa ibabaw niya si Kurt na walang-malay.Natigilan pa siya ng ilang segundo dahil akala niya'y katapusan na niya ‘yun. Na ang umalingawngaw na putok ng baril ay nagmula kay Kurt. Ngunit hindi…nagmula ito sa isang naka-unipormeng pulis.Unti-unti itong lumalapit sa kanila. May kung anong sinasabi ngunit hindi naman maunawaan ni Marcus. Binalik niyang muli ang atensyon kay Kurt saka ito marahang tinulak sa tabi, paalis sa ibabaw niya.Muli ay nagsalita ang pulis habang nakatutok ang baril sa walang-malay na si Kurt. Inilayo ni Marcus ang nakatutok na baril saka inalam ang naging tama ni Kurt.Napuruhan ito eksakto sa likod. “Call an ambulance!” utos niya sa pulis habang binibigyang diin ang tama ni Kurt sa likod. Kailangan na mahinto ang pag-agos ng dugo bago pa maging huli ang lahat.Naguluhan naman ang pulis kaya siya n
NAPASINGHAP si Liliane dahil sa magandang balita ng doctor. Sa labis na tuwa'y niyakap pa nito ang anak na natulala na lamang.“H-how?” mahinang sambit ni Luna. Sa pa'nong paraan siya naging buntis kung may monthly period siya? Hindi niya maintindihan. “I have my—” Napatingin pa siya sa Ina at kay Lucas bago ipagpatuloy ang sasabihin, “I have my menstrual period.” Matapos ay napalitan ng takot ang kanyang mga mata nang may mapagtanto. Kung buntis siya at bigla siyang din*go ay isa lang ang ibig sabihin nito. Miscarriage.Naging maagap naman ang doctor nang makita ang takot sa mata ni Luna. Pinaliwanag nito ng maayos ang kondisyon niya, “Your condition is quite common in early pregnancy. There’s a lot of reason for this, like when they embryo implants on uterine wall or outside itself. Of course, miscarriage—”“Nakunan siya, Dok?” react agad ni Liliane.“Hindi po, luckily.” Saka seryosong tumingin kay Luna. “According sa test result ay may fatigue ka at slight fever—” Saka umiling. “Na
“ALAM KO… alam kong siya ang impostor. Inamin niya sa'kin bago kami makarating sa bansang ‘to,” paglalahad ni Scarlette.Sa pag-amin niyang ito ay agad na dumilim ang ekspresyon ni Marcus. “Alam mo pero hinayaan mo pa rin siyang makaalis? At talagang tinulungan mo pa siyang makatakas!” sumbat ni Marcus.“May dahilan ako kaya ko siya pinatakas,” pahayag ni Scarlette.“Ano ‘yun? Anong kasinungalingan ang sinabi niya para tulungan siyang makatakas?”Hindi sumagot si Scarlette sanhi upang mapagdesisyunan ni Marcus na kailangan niya itong hulihin. Sa ginawang pagtulong ni Scarlette kay Kurt na makatakas ay maituturing na itong kasabwat. “Kung hindi ka magpapaliwanag ay mapipilitan akong hulihin ka,” banta ni Marcus at bago pa makakilos si Scarlette at makalayo ay nagawa na niya itong mahawakan sa magkabilang kamay. “Kung ayaw mong bumukas ‘yang sugat mo'y ‘wag ka nang manlaban,” babala pa ni Marcus.Pagkatapos ay binalik si Scarlette sa kwarto at binilinan nang mabuti ang kinuhang bantay na
PAGKAALIS NG KOTSENG SINASAKYAN nina Scarlette at grupo nila Soronio ay agad na tumakbo sa parking lot si Marcus. Sumakay sa inarkelang sasakyan para sundan ang mga ito.Sinadya niyang balewalain si Scarlette kanina upang hindi makahalata sila Soronio dahil maaaring i-report kaagad siya sa oras na maghinala ang mga ito. Pagkarating sa highway ay tinawagan niya si Timoteo, “’Lo, nasa’n ka na ngayon?” tanong niya.“Sa’n pa ba sa tingin mo? Ikaw na bata ka, sa dinami-rami ng pwede mong utusan ay ako pa talaga!” reklamo ng matanda.“Naka-monitored si Papa at Lucas. Kayo na lang ang naiisip ko na pwede nilang hindi paghinalaan," mahabang paliwanag ni Marcus.“Sino ba kasi ‘yang tinutukoy mo na tuta ni Ramon sa kapulisan?”“Inaalam na ni Papa,” sagot ni Marcus. “Dumiretso na lang kayo sa address na pinadala ko at magdala na rin kayo ng doctor… mas mainam kung wala pang lisensya.”“Naku ka talagang bata ka. Sa’n naman ako maghahanap ng doctor sa bansang ‘to na hindi pa lisensyado?!”“Kaya ng
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are