SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse
Huling Na-update : 2022-10-02 Magbasa pa