" Pinatatawag niyo raw po ako? " Pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina, parang gusto niyang umatras bigla nang makita sa loob si Venice na prenteng nakaupo sa sopa. Masama ang tingin nito sa kaniya na hindi na rin naman bago pa sa kaniya. " Oo, maupo ka. Kadarating mo lang ba? " tanong ng kaniyang ama habang inaayos ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa nito. " Opo, halos kadarating ko nga lang, " hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Wala siyang balak magtagal sa opisina nito lalo na't kasama niya si Venice. " Ano po ba ang dahilan at pinatawag niyo ako? Importante po ba ang sasabihin ninyo? Mayroon pa kasi akong kailangan gawin sa kwarto." " Kung nagmamadali ka, umalis ka na. Para namang pinipilit ka, " pagpaparinig ni Venice ngunit hindi ito pinansin ni Lucine at nanatili ang tingin sa ama, hinihintay na sabihin ang dahilan kung bakit siya pinatawag. " Gusto ko lang sana kayong tanungin kung mayroon ba kayong importanteng gagawin sa darating na linggo? Kung mayroon man, p
Magbasa pa